Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 192

Agosto 5, 2020

Pagdating sa mga taong hindi sumasampalataya, ang prinsipyo ba sa likod ng mga pagkilos ng Diyos ay yaong pinagpapala ang mabuti at pinarurusahan ang masama? Nakikita ba ninyo na mayroong isang prinsipyo sa mga pagkilos ng Diyos? Dapat ninyong makita na mayroon. Ang mga taong hindi sumasampalataya ay hindi naniniwala sa Diyos, hindi nila tinatalima ang katugmaan ng Diyos, at sila ay walang kamalayan sa kapangyarihan ng Diyos, lalong hindi nila kinikilala ang Diyos. Ang mas malala pa, nilalapastangan nila ang Diyos, at isinusumpa Siya, at nangangagalit sa mga naniniwala sa Diyos. Bagamat ang mga taong ito ay mayroong gayong asal tungo sa Diyos, ang pamamahala ng Diyos sa kanila ay hindi lumilihis sa Kanyang mga prinsipyo; pinangangasiwaan Niya sila sa maayos na paraan alinsunod sa Kanyang prinsipyo at Kanyang disposisyon. Paano ipinapalagay ng Diyos ang kanilang poot? Bilang kamangmangan! At kaya pinangyari ng Diyos sa mga taong ito—ang karamihan sa mga taong hindi sumasampalataya—na minsan ay muling maging laman bilang mga hayop. Kaya ano ang iyong masasabi sa mga hindi sumasampalataya sa mga mata ng Diyos? (Mga alagaing hayop.) Sa mga mata ng Diyos, sila ay sa ganitong uri, sila ay mga alagaing hayop. Pinangangasiwaan ng Diyos ang mga alagaing hayop, at pinangangasiwaan Niya ang sangkatauhan, at mayroon Siyang kaparehong mga prinsipyo para sa ganitong uri ng mga tao. Maging sa pamamahala ng Diyos sa mga taong ito at ang Kanyang mga pagkilos tungo sa kanila, mayroon pa ring makikitang disposisyon ng Diyos at ang mga kautusan para sa Kanyang kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. At kaya, nakikita ba ninyo ang kapangyarihan ng Diyos sa mga prinsipyo kung saan ay pinangangasiwaan Niya ang mga taong hindi sumasampalataya na kasasabi Ko lang? Nakikita ba ninyo ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Oo nakikita namin.) Nakikita ninyo ang kapangyarihan ng Diyos, at nakikita ninyo ang Kanyang disposisyon. Na ang ibig sabihin, alinman sa lahat ng mga bagay ang pakitunguhan Niya, ang Diyos ay kumikilos alinsunod sa Kanyang sariling mga prinsipyo at disposisyon. Ito ang diwa ng Diyos. Hindi Siya basta hihiwalay sa mga batas o mga panlangit na kautusan na Kanyang itinakda dahil itinuturing Niya ang ganitong uri ng mga tao bilang alagaing hayop; kumikilos ang Diyos alinsunod sa mga prinsipyo, nang wala ni katiting na kaguluhan, ang Kanyang mga pagkilos ay lubos na di naaapektuhan ng anumang dahilan, at maging anuman ang Kanyang gawin, lahat nito ay sa pagsunod sa Kanyang sariling mga prinsipyo. Ito ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng katotohanan na ang Diyos ay mayroong diwa ng Diyos Mismo, na isang natatanging diwa na hindi taglay ng anumang nilikhang nilalang. Ang Diyos ay matapat at responsible sa Kanyang paghawak, pagharap, pamamahala, pangangasiwa, at pamumuno bawat bagay, tao, at buhay na bagay sa gitna ng lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha, at hindi Siya kailanman naging pabaya dito. Sa mga mabubuti, Siya ay mapagpala at mabuti; sa mga masasama, nagpapataw Siya ng malupit na parusa; at para sa iba’t-ibang buhay na mga nilalang, Siya ay gumagawa ng angkop na mga pagsasaayos na napapanahon at regular alinsunod sa iba’t-ibang mga kinakailangan sa mundo ng sangkatauhan sa iba’t-ibang mga panahon, nang upang itong mga buhay na mga nilalang ay muling magkatawang-tao alinsunod sa mga papel na kanilang ginagampanan sa maayos na paraan, at lumipat sa pagitan ng materyal na mundo at sa espirituwal na mundo sa maayos na paraan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger