Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 189

Agosto 2, 2020

Para sa alinmang kaluluwa, ang papel na kanilang gagampanan pagkatapos muling magkatawang-tao—kung ano ang kanilang papel ay narito sa buhay na ito—anong pamilya sila maisisilang, at ano ang kanilang magiging buhay ay may malapit na kaugnayan sa kanilang nagdaang buhay. Ang lahat ng uri ng mga tao ay nagpupunta sa mundo ng tao, at ang mga papel na kanilang ginagampanan ay magkakaiba, kagaya ng mga tungkulin na kanilang tutuparin. At anong mga tungkulin ang mga ito? Ang ilang tao ay dumarating upang magbayad ng utang: Kung may utang sila sa iba nang napakaraming salapi sa kanilang nagdaang buhay, sila ay magbabayad ng utang. Ang ilan sa mga tao, samantala, ay dumating upang maningil ng pautang: Sila ay naloko sa napakaraming mga bagay, at napakaraming salapi sa nagdaan nilang buhay, at kaya pagkatapos nilang dumating sa espirituwal na mundo, bibigyan sila ng hustisya ng espirituwal na mundo at tutulutan silang maningil ng kanilang pautang sa buhay na ito. Ang ilang tao ay darating upang magbayad ng utang na loob: Sa panahon ng kanilang nagdaang buhay—bago sila namatay—may isang tao ang naging mabait sa kanila, at sa buhay na ito sila ay nabigyan ng malaking pagkakataon na muling magkatawang-tao at kaya sila ay isinilang muli upang bayaran ang utang na loob na ito. Ang iba naman, samantala, ay muling isinilang sa mundong ito upang umangkin ng buhay. At kaninong buhay ang kanilang aangkinin? Ang tao na pumatay sa kanila sa kanilang nagdaang buhay. Kung susumahin, ang bawat kasalukuyang buhay ng tao ay may dala-dalang matibay na kaugnayan sa kanilang nagdaang buhay, ang kaugnayan nito ay hindi maihihiwalay. Na ang ibig sabihin, ang bawat kasalukuyang buhay ng tao ay apektado nang malaki ng kanilang nagdaang buhay. Halimbawa, bago siya mamatay dinaya ni Zhang si Li ng napakalaking halaga ng salapi. Kaya si Zhang ba ay may utang kay Li? Kung mayroon siya, natural lang ba na singilin ni Li sa kanyang utang si Zhang? At kaya, pagkatapos nilang mamatay, may pagkakautang na dapat na lutasin sa pagitan nilang dalawa, at kapag sila ay muling maging laman at si Zhang ay naging tao, paano siya sisingilin ni Li sa kanyang pagkakautang? Ang isang paraan ay ang sisingilin ni Li ang kanyang utang sa pamamagitan ng pagkasilang muli bilang anak ni Zhang, na si Zhang bilang kanyang ama. Ganito ang mangyayari sa buhay na ito, sa kasalukuyang buhay. Ang ama ni Li na si Zhang ay kumikita ng napakaraming salapi, at ito ay lulustayin ng kanyang anak, na si Li. Gaano man kalaking salapi ang kitain ni Zhang, ang kanyang anak na si Li ay “tinutulungan” siya sa paggugol dito. Gaano man kalaki ang kinikita ni Zhang, ito ay hindi kailanman magiging sapat, at ang kanyang anak, samantala, sa ilang kadahilanan ay palaging nauuwi sa paggastos sa salapi ng kanyang ama sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan at kaparaanan. Si Zhang ay nagtataka: “Ano ang nangyayari? Bakit ang anak ko ay palaging isang malas? Bakit ang mga anak ng ibang mga tao ay masyadong mabuti? Bakit ang aking anak ay walang pangarap, bakit masyado siyang walang silbi at walang kakayahan na kumita ng anumang salapi, bakit palagi kong kailangang suportahan siya? Yamang kailangan kong suportahan siya gagawin ko, ngunit bakit gaano mang halaga ng salapi ang ibigay ko sa kanya, palagi siyang nangangailangan ng mas marami? Bakit hindi siya makapagtrabaho nang maayos? Bakit siya batugan, kumakain, umiinom, nambabae, nagsusugal—ginagawa lahat ng ito? Ano ang nangyayari sa mundo?” Sa gayon si Zhang ay nag-isip sumandali: “Ito ba ay dahil may pananagutan ako sa kanya sa nagdaang buhay? Ah, maaaring ito ay ang pagkautang ko sa kanya sa nagdaang buhay. Kung gayon, babayaran ko ito! Hindi ito matatapos hangga’t hindi ko binayaran ito nang buo!” Maaaring dumating ang araw na mabawi ni Li ang kanyang pautang, at kapag siya ay apatnapu o limampu, darating ang araw na bigla na lang siyang matatauhan: “Hindi ako nakagawa ng kahit isang bagay na mabuti sa unang kalahati ng aking buhay! Nalustay ko ang lahat ng salapi na pinagtrabauhan ng aking ama—dapat akong maging mabuting tao! Patitibayin ko ang sarili ko: Ako ay magiging isang tao na tapat, at mamumuhay nang maayos, at hindi na ako kailanman muling magbibigay ng kalungkutan sa aking ama!” Bakit niya naiisip ang ganito? Bakit siya biglang nagbago at naging mabuti? May dahilan ba para rito? Ano ang dahilan? Sa totoo lang, ito ay dahil nasingil niya ang kanyang pautang; ang pautang ay nabayaran na. Sa ganito, mayroong sanhi at epekto. Ang kuwento ay nagsimula noon, noon pang una, bago pa isilang ang dalawa, at kaya ang kuwentong ito ng kanilang nagdaang buhay ay dinala sa kanilang kasalukuyang buhay, at hindi masisisi ninuman ang sinuman. Anumang ituro ni Zhang sa kanyang anak, ang kanyang anak ay hindi kailanman nakinig, at hindi kailanman nagtrabaho nang maayos—ngunit sa araw na ang utang ay nabayaran, hindi na kailangang turuan pa siya; naintindihan ito kaagad ng kanyang anak. Ito ay isang payak na halimbawa, at mayroong mga, nang walang pag-aalinlangan, marami pang ibang mga ganitong halimbawa. At ano ang isinasaad nito sa mga tao? (Na dapat silang maging mabuti.) Na hindi sila dapat gumawa nang masama, at magkakaroon ng kagantihan sa kanilang masasamang mga gawa! Karamihan sa mga taong hindi sumasampalataya, makikita mo, nakagagawa ng sobra at malabis na kasamaan, at ang kanilang masasamang mga gawa ay lalapatan ng kagantihan, tama? Ngunit hindi ba makatwiran ang kagantihang ito? Ang lahat ng nilalapatan ng kagantihan ay may isang kaugnay na kahulugan at isang dahilan. Iniisip mo ba na walang mangyayari sa iyo matapos mong dayain sa salapi ang isang tao? Iniisip mo ba na, pagkatapos silang malinlang sa salapi, walang magiging bunga sa iyo pagkatapos mong tangayin ang kanilang salapi? Magiging imposible iyon: Anuman ang iyong ginawa gagawin din sa iyo—ito’y talagang totoo! Iyon ay upang sabihin na maging sino man sila, o maniwala man sila o hindi na mayroong Diyos, kailangang managot ng bawat tao para sa kanilang asal, at tiisin ang mga ibubunga ng kanilang mga pagkilos. Tungkol naman sa payak na halimbawang ito—si Zhang na pinarusahan, at si Li na binayaran—ito ba ay makatarungan? Makatarungan ito. Kapag ang mga tao ay gumagawa ng mga bagay kagaya noon, may gayong uri ng resulta. At ito ba ay nakahiwalay sa pamamahala ng espirituwal na mundo? Ito ay hindi maihihiwalay mula sa pamamahala ng espirituwal na mundo. Sa kabila ng pagiging mga taong hindi sumasampalataya, yaong mga hindi naniniwala sa Diyos, ang kanilang pag-iral ay nasa ilalim ng gayong panlangit na mga kautusan at mga batas kung saan walang sinuman ang makatatakas; gaano man kataas ang kanilang posisyon sa mundo ng tao, walang makaiiwas sa katotohanan na ito.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger