Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 186

Agosto 2, 2020

Binabalanse ng Diyos ang mga Ugnayan sa Pagitan ng Lahat ng mga bagay Upang Ipagkaloob sa Tao ang Isang Matatag na Kapaligiran para Mabuhay (Piling sipi)

Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng mga uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga kautusang ito at hindi sila maaaring labagin. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran maaaring ligtas na makapanatili at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi. Kung ang isang buhay na nilkha ay lumampas sa dami o saklaw na itinatag ng Diyos, o kapag nilampasan nito ang bilis ng paglago, dalas, o bilang sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay magdaranas ng magkakaibang mga antas ng pagkawasak. At sa kaparehong panahon, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay manganganib. Kapag ang isang uri ng buhay na nilalang ay masyadong marami sa bilang, nanakawin nito sa tao ang kanilang pagkain, sisirain ang mga pinagkukunan ng tubig ng mga tao, at sisirain ang kanilang mga bayan. Sa gayong paraan, ang pagpaparami ng sangkatauhan o ang kalagayan ng kanilang kakayahan para mabuhay ay dali-daling maapektuhan. Halimbawa, ang tubig ay napakahalaga para sa lahat ng mga bagay. Kung masyadong marami ang mga hayop—kung ang mga bilang ng mga daga, mga langgam, mga balang, at mga palaka ay masyadong napakarami at kailangan nilang uminom ng tubig—kung magkakaroon ng sobra-sobrang bilang ng mga hayop, ang dami ng tubig na kanilang iniinom ay tataas din. Habang ang dami ng tubig na kanilang iniinom ay tumataas, sa loob nitong nakapirming saklaw ng mga pinagkukunan ng tubig na iniinom at mga lugar na may tubig, ang iniinom na tubig ng mga tao at ang mga pinagkukunan ng tubig ay mababawasan, at magkukulang sila ng tubig. Kapag ang tubig na iniinom ng mga tao ay nasira, nakontamina, o nawasak dahil ang lahat ng uri ng hayop ay dumami sa bilang, sa ilalim ng gayong uri ng malupit na kapaligiran para mabuhay, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay lubhang manganganib. Kung mayroong isang uri o iba’t ibang uri ng nilalang na may buhay na lumampas sa kanilang angkop na bilang, ang hangin, temperatura, kahalumigmigan, at maging ang nilalaman ng hangin sa loob ng puwang ng sangkatauhan para mabuhay ay malalason at masisira sa magkakaibang antas. Nang katulad, sa ilalim ng ganitong mga kaganapan, ang kakayahang mabuhay ng mga tao at kapalaran ay nakapailalim pa rin sa panganib ng gayong uri ng kapaligiran. Kaya, kapag nawala ng mga tao ang mga balanseng iyon, ang hangin na kanilang hinihinga ay masisira, ang tubig na kanilang iniinom ay magiging kontaminado, at ang mga temperatura na kanilang kinakailangan ay magbabago din, maapektuhan sa iba’t-ibang mga antas. Kapag nangyari iyon, ang likas na kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay mapapasailalim sa mga katakut-takot na mga dagok at mga hamon. Sa ilalim ng ganitong kalagayan kung saan ang pangunahing mga kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay nangasira, ano ang magiging kapalaran ng tao at mga inaasahan? Ito ay napakaseryosong suliranin! Sapagkat nalalaman ng Diyos kung ano ang lahat ng mga bagay sa sangkatauhan, ang papel ng bawat isang uri ng bagay na Kanyang nilikha, anong epekto mayroon ito sa mga tao, at gaano kadakilang pakinabang ang dadalhin nito sa sangkatauhan—sa puso ng Diyos ay may plano para sa lahat ng ito at pinamamahalaan Niya ang bawat isang aspeto sa lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha, kaya para sa mga tao, ang bawat isang bagay na Kanyang ginagawa ay napakahalaga—ang lahat ng ito ay kinakailangan. Kaya makakita ka man ng ilang pangyayari na pang-ekolohiya, o ilang likas na mga kautusan sa gitna ng lahat ng mga bagay, hindi ka na magdududa pa sa pangangailangan sa bawat isang bagay na nilikha ng Diyos. Hindi ka na uli gagamit pa ng mga ignoranteng pananalita upang gumawa ng mga hindi makatwirang paghatol sa pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng mga bagay at ang Kanyang iba’t ibang pamamaraan sa pagkakaloob sa sangkatauhan. Hindi ka na rin gagawa ng mga hindi makatwirang konklusyon sa mga kautusan ng Diyos para sa lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger