Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 184

Agosto 7, 2020

Sa pagtingin mula sa pananaw ng mga kautusang ipinasiya ng Diyos para sa paglago ng lahat ng mga bagay, hindi ba ang buong sangkatauhan, anuman ang maging uri, nabubuhay sa ilalim ng pagtutustos ng Diyos—hindi ba sila nabubuhay lahat sa ilalim ng Kanyang pangangalaga? Kung ang mga kautusang ito ay nasira o kung hindi itinatag ng Diyos ang ganitong mga uri ng kautusan para sa sangkatauhan, ano ang kanilang maaasahan? Pagkatapos mawala ng mga tao ang kanilang mga pangunahing kapaligiran para mabuhay, magkakaroon ba sila ng anumang pagkukunan ng pagkain? Posible na ang mga pinagkukunan ng pagkain ay magiging suliranin. Kung mawala ng mga tao ang mga pinagkukunan ng kanilang pagkain, iyon ay, hindi sila makakukuha ng anumang makakain, posibleng hindi sila makatatagal kahit isang buwan lang. Ang kakayahan para mabuhay ng mga tao ay magiging problema. Kaya ang bawat isang bagay na ginagawa ng Diyos para mabuhay ang mga tao, para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-iral at pagpaparami ay napakahalaga. Ang bawat isang bagay na ginagawa ng Diyos sa lahat ng mga bagay nakaugnay nang malapit at hindi maihihiwalay sa kakayahan ng mga tao upang mabuhay. Ito ay hindi maihihiwalay sa kanilang kakayahang mabuhay. Kung ang kakayahang mabuhay ng mga tao ay maging suliranin, makapagpapatuloy pa ba ang pamamahala ng Diyos? Iiral pa ba ang pamamahala ng Diyos? Kaya ang pamamahala ng Diyos ay kasamang umiiral ng kakayahang mabuhay ng buong sangkatauhan na Kanyang inaalagaan, at maging anuman ang inihahanda ng Diyos para sa lahat ng mga bagay at ginagawa para sa mga tao, lahat ng ito ay kinakailangan sa Kanya, at ito ay napakahalaga sa kakayahan ng mga tao na mabuhay. Kapag ang mga kautusang ito na ipinasiya ng Diyos para sa lahat ng tao ay nilayuan, kapag ang mga kautusang ito ay nilabag o pinutol, ang lahat ng mga bagay ay hindi na iiral pa, ang kapaligiran ng sangkatauhan para mabuhay ay hindi na makapagpapatuloy na iiral, at maging ang kanilang pang-araw-araw na kabuhayan, at maging sila. Sa kadahilanang ito, ang pamamahala ng Diyos sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi na rin iiral pa. Ito ay isang bagay na dapat maging malinaw sa mga tao.

Ang lahat ng ating tinalakay, ang bawat isang bagay, ang bawat piraso ay matalik na nakaugnay sa kakayahang mabuhay ng bawat isang tao sa kaligtasan. Maaari ninyong sabihing, “ang Iyong sinasabi ay masyadong malaki, hindi namin ito nakikita,” at marahil ay may mga tao na makapagsasabi “Ang Iyong sinasabi ay walang kinalaman sa akin.” Gayunman, huwag mong kalilimutan na ikaw ay nabubuhay bilang bahagi lamang ng lahat ng mga bagay; ikaw ay kabilang sa lahat ng mga bagay sa loob ng pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng mga bagay ay hindi maaaring mahiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang mga pagtutustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, buhay ng mga tao sa laman ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kakayahang mabuhay para sa sangkatauhan. Hindi alintana kung anong lahi ka o kung anong piraso ng lupa ka nakatira, maging ito ay sa Kanluran o sa Silangan—hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan, at hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa pangangalaga at mga pagtutustos ng kapaligiran para mabuhay na Kanyang itinatag para sa mga tao. Maging anuman ang iyong kabuhayan, anuman ang iyong inaasahan para mabuhay, at anuman ang iyong inaasahan upang tustusan ang iyong buhay sa laman, hindi mo maaaring ihiwalay ang iyong sarili mula sa patakaran ng Diyos at ng Kanyang pamamahala. Sinasabi ng ilan na: “Hindi ako magsasaka, hindi ako nagtatanim ng mga halaman para mabuhay. Hindi ako umaasa sa kalangitan para sa aking pagkain, kaya masasabi ko na hindi ako nabubuhay sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos. Ang gayong uri ng kapaligiran ay hindi nakapagbigay sa akin ng anuman.” Ngunit hindi ito tama. At bakit hindi? Sinasabi mo na hindi ka nagtatanim ng mga halaman para sa iyong ikinabubuhay, ngunit hindi ka ba kumakain ng mga butil? Hindi ka ba kumakain ng karne? Hindi ka ba kumakain ng mga itlog? Hindi ka ba kumakain ng mga gulay at prutas? Ang lahat ng iyong kinakain, lahat ng mga bagay na iyong kailangan, ay hindi maihihiwalay mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan. At ang pinaggagalingan ng lahat ng kinakailangan ng tao ay hindi naaaring mahiwalay mula sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, ito ang mga uri ng mga kapaligiran para mabuhay. Ang tubig na iyong iniinom, ang pananamit na iyong isinusuot, at ang lahat ng mga bagay na iyong ginagamit—alin sa mga ito ang hindi nakukuha mula sa lahat ng mga bagay? Sinasabi ng ilan na: “May ilang bagay na hindi nakukuha sa lahat ng mga bagay.” Kagaya ng ano? Bigyan mo Ako ng halimbawa. Sabi ng ilan: “Nakikita Mo, ang plastik ay hindi nakukuha sa lahat ng mga bagay. Ito ay isang bagay na kemikal, isang bagay na gawa ng tao.” Ngunit hindi ito tama. Bakit hindi? Ang plastik ay gawa ng tao, ito ay isang bagay na kemikal, ngunit saan nanggaling ang likas na sangkap? (Nanggaling sila mula sa mga bagay na dati nang nilikha ng Diyos.) Ang likas na mga sangkap ay nakuha sa mga materyales na nilikha ng Diyos. Ang mga bagay na iyong tinatamasa, na iyong nakikita, ang bawat isang bagay na iyong ginagamit ay nakuhang lahat mula sa mga bagay na nilikha ng Diyos. Iyon ay upang sabihin, maging anuman ang lahi, maging anuman ang kabuhayan, o sa anumang uri ng kapaligiran para mabuhay na nakatira ang mga tao, hindi nila maihihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa mga pagtutustos ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

Hindi Mawawalay sa Buhay ng Tao ang Kataas-Taasang Kapangyarihan Ng Diyos

Walang bagay o tao na maaaring mahiwalay sa Kanyang kapangyarihan. Ang buhay ng tao o buhay sa laman ay maglalaho kung wala ang kapangyarihan at tustos ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kaligtasan ng tao.

I

Lahat ng ginagawa ng Diyos, para sa pananatiling buhay ng tao at ang kanilang pagpaparami ay mahalaga. Lahat ng ginagawa Niya sa lahat ng bagay, ito'y napakahalaga sa pag-iral ng tao.

II

Ano man ang iyong lahi o lupain na iyong tinitirhan, sa Silangan o Kanluran, hindi ka maaaring mawalay mula sa mga kapaligiran para sa pag-iral na itinatag ng Diyos para sa lahat ng sangkatauhan.

Walang bagay o tao na maaaring mahiwalay sa Kanyang kapangyarihan. Ang buhay ng tao o buhay sa laman ay maglalaho kung wala ang kapangyarihan at tustos ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kaligtasan ng tao.

III

Hindi mo maaaring ihiwalay ang iyong sarili mula sa pag-aalaga ng Diyos o sa Kanyang mga probisyon patuloy kang binubuhay ng Diyos sa tulong ng kapaligiran na Kanyang itinatag para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Walang bagay o tao na maaaring mahiwalay sa Kanyang kapangyarihan. Ang buhay ng tao o buhay sa laman ay maglalaho kung wala ang kapangyarihan at tustos ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kaligtasan ng tao.

Anuman ang kabuhayan mo, nakadepende buhay mo, paano man napapanatili ang iyong buhay sa laman, di mo kayang ihiwalay ang iyong sarili sa pagiging kataas-taasan ng Diyos, di ka makahihiwalay sa pamamahala ng Diyos.

Walang bagay o tao na maaaring mahiwalay sa Kanyang kapangyarihan. Ang buhay ng tao o buhay sa laman ay maglalaho kung wala ang kapangyarihan at tustos ng Diyos. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kaligtasan ng tao.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger