Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 178

Hulyo 29, 2020

Ang Diyos ay hindi lamang basta ang Diyos ng Kanyang mga napiling tao. Kasalukuyan mong sinusundan ang Diyos, at Siya ang iyong Diyos, ngunit para sa mga nasa labas ng mga tao na sumusunod sa Diyos, ang Diyos ba ang kanilang Diyos? Ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng tao sa labas na sumusunod sa Kanya? (Oo.) Kung gayon, ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng mga bagay? (Oo.) Kung gayon, ginagawa ba ng Diyos ang Kanyang gawain at ginagampanan lamang ang Kanyang mga kilos sa mga sumusunod sa Kanya? (Hindi.) Ang saklaw nito ay ang buong sansinukob. Mula sa maliit na perspektibo, ang saklaw nito ay ang buong sangkatauhan at lahat ng mga bagay. Mula sa malaking perspektibo, ito ang buong sansinukob. Kaya maaari nating sabihin na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at ipinapamalas ang Kanyang mga gawa sa sangkatauhan. Ito ay sapat upang hayaang malaman ng mga tao ang lahat tungkol sa Diyos Mismo. Kung gusto mong makilala ang Diyos at tunay na makilala at maunawaan Siya, kung gayon ay huwag lamang maging limitado sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at huwag lamang maging limitado sa mga kuwento ng gawa ng Diyos na minsan Niyang ginampanan. Kung iyong susubukang makilala Siya sa ganoong paraan, kung gayon ay ikinukulong mo ang Diyos sa isang partikular na limitasyon. Nakikita mo ang Diyos bilang hindi mahalaga. Anong impluwensya ang dinadala sa iyo ng ganitong mga pangyayari? Hindi mo magagawang makilala ang kadakilaan ng Diyos at katas-taasang kapangyarihan, at hindi mo kailanman magagawang makilala ang kapangyarihan at walang hanggang kapangyarihan at ang saklaw ng Kanyang awtoridad. Ang nasabing pagkaunawa ay makakaimpluwensya sa iyong abilidad na matanggap ang katotohanan na ang Diyos ang Hari ng lahat ng mga bagay, pati na rin ang iyong kaalaman ng tunay na pagkakakilanlan ng Diyos at estado. Sa madaling sabi, kung ang iyong pagkakakilala sa Diyos ay limitado sa saklaw, ang iyong maaaring matanggap ay limitado rin. Kaya dapat mong lawakan ang saklaw at buksan ang iyong mga pag-tanaw. Maging ito ay ang saklaw ng gawa ng Diyos, pamamahala ng Diyos, at pamumuno ng Diyos, o lahat ng mga bagay na pinamunuan at pinamahalaan ng Diyos, dapat mong malaman ang lahat ng ito at makilala ang mga kilos ng Diyos na nakapaloob doon. Sa pamamagitan ng nasabing paraan ng pang-unawa, mararamdaman mo nang hindi sinasadya na ang Diyos ay namumuno, namamahala at nagbibigay sa lahat ng mga bagay. Sa parehong panahon, tunay mo ring mararamdaman na ikaw ay isang bahagi ng lahat ng mga bagay at isa sa lahat ng mga bagay. Habang nagbibigay ang Diyos ng lahat ng mga bagay, tinatanggap mo rin ang pamumuno at pagtutustos ng Diyos. Ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makapagkakaila. Lahat ng mga bagay ay sasailalim sa kanilang mga sariling kautusan, na siyang nasa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at ang lahat ng mga bagay ay mayroong sariling tuntunin ng pamumuhay nang ligtas, na siyang nasa ilalim din ng pamumuno ng Diyos, habang ang kapalaran ng sangkatauhan at ang kanilang kailangan ay malapit na kaugnay sa pamumuno ng Diyos at Kanyang pagtutustos. Kaya naman, sa ilalim ng kapangyarihan at pamumuno ng Diyos, ang sangkatauhan at ang lahat ng mga bagay ay magkakaugnay, nagtutulungan, at magkakahabi. Ito ang layon at kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger