Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 135

Hulyo 13, 2020

Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na Taglay ng Diyos ang Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Tao

Sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, aktibo o pasibong tinatanggap ng bawat tao ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at ang Kanyang mga pagsasaayos, at kahit paano pa nakikibaka sa kurso ng kanyang sariling buhay ang tao, kahit gaano pa karami ang mga baluktot na daan na nilalakaran niya, sa huli ay babalik siya sa landas ng kapalaran na iginuhit ng Lumikha para sa kanya. Ito ang pagiging di-nagagapi ng awtoridad ng Lumikha at ang paraan kung saan ang Kanyang awtoridad ang nagkokontrol at namamahala sa sansinukob. Ang pagiging di-nagagaping ito, ang anyong ito ng pagkontrol at pamamahala na may pananagutan sa mga batas na nagdidikta sa mga buhay ng lahat ng bagay, na nagpapahintulot sa mga taong isilang muli’t muli nang walang panghihimasok, na regular na nagpapaikot at nagpapasulong sa mundo, araw-araw, taun-taon. Nasaksihan ninyo ang lahat ng katotohanang ito at nauunawaan ang mga ito, sa mababaw man o malalim na paraan, at ang lalim ng inyong pagkaunawa ay nakabatay sa inyong karanasan at kaalaman sa katotohanan, at sa inyong kaalaman sa Diyos. Kung gaano kahusay mong nalalaman ang realidad ng katotohanan, kung gaano mo naranasan ang mga salita ng Diyos, kung gaano kahusay na nalalaman ang diwa at disposisyon ng Diyos—ang lahat ng ito ay kumakatawan sa lalim ng iyong pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Ang pag-iral ba ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos ay nakabatay sa pagpapasakop ng mga tao sa mga ito? Ang katotohanan ba na nag-aangkin ang Diyos ng awtoridad na ito ay tinutukoy ng pagpapasakop ng sangkatauhan dito? Umiiral ang awtoridad ng Diyos kahit ano pa ang mga kalagayan. Sa lahat ng sitwasyon, idinidikta at isinasaayos ng Diyos ang kapalaran ng bawat tao at ng lahat ng bagay ayon sa Kanyang mga iniisip at sa Kanyang mga ninanais. Hindi ito magbabago dahil nagbabago ang mga tao; ito ay hindi umaasa sa kalooban ng tao at hindi maaaring baguhin ng anumang pagbabago sa panahon, espasyo, at heograpiya, sapagkat ang awtoridad ng Diyos ay ang Kanyang pinakadiwa. Nalalaman at tinatanggap man ng tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos o hindi, nagpapasakop man ang tao rito o hindi—hindi nito binabago nang kahit kaunti ang katotohanan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao. Ibig sabihin, kahit ano pa man ang saloobin ng tao sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, hindi nito maaaring basta na lang baguhin ang katotohanan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao at sa lahat ng bagay. Kahit na hindi ka nagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, Siya pa rin ang may hawak sa iyong kapalaran; kahit na hindi mo nalalaman ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, umiiral pa rin ang Kanyang awtoridad. Ang awtoridad ng Diyos at ang katotohanan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay hindi umaasa sa kalooban ng tao, at hindi nagbabago ayon sa mga kagustuhan at mga pinipili ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, sa bawat oras, sa bawat sandali. Ang Langit at lupa ay lilipas, ngunit ang Kanyang awtoridad ay hindi kailanman lilipas, sapagkat Siya ay ang Diyos Mismo, Siya ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi nalalagyan ng hangganan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita Niya ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy gaya ng dati ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon ay pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay, naglalaan para sa lahat ng bagay, isinasaayos ang lahat ng bagay—gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay totoo; ito ang hindi nagbabagong katotohanan mula pa noong unang panahon!

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger