Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 133

Hulyo 6, 2020

Tanging sa Pagtanggap sa Dakilang Kapangyarihan ng Lumikha Maaaring Makabalik ang Isang Tao sa Kanyang Tabi

Kapag ang isang tao ay walang malinaw na pagkaunawa at karanasan sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at sa Kanyang mga pagsasaayos, tiyak na magiging magulo ang kaalaman niya tungkol sa kapalaran at sa kamatayan. Hindi makita ng mga tao nang malinaw na ang lahat ng bagay ay nasa palad ng Diyos, hindi nila natatanto na ang lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kontrol at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, hindi nila kinikilala na hindi maaaring isantabi o matakasan ang ganoong kataas-taasang kapangyarihan. Dahil dito, kapag nahaharap na sila sa kamatayan, walang katapusan ang kanilang huling mga salita, alalahanin, at panghihinayang. Nabibigatan sila sa labis na mga pasanin, sobrang pag-aatubili, at lubhang pagkalito. Nagiging dahilan ang lahat ng ito para matakot sila sa kamatayan. Para sa sinumang isinilang sa mundong ito, ang kanilang kapanganakan ay kinakailangan at ang kanilang kamatayan ay hindi maiiwasan; walang sinumang makakalampas sa kaganapang ito. Kung nais ninuman na lisanin ang mundong ito nang hindi nasasaktan, kung nais ng isang tao na harapin ang huling sugpungan ng buhay na walang pag-aatubili o pag-aalala, ang tanging paraan ay ang lumisan nang walang mga panghihinayang. At ang tanging paraan ng paglisan na walang mga panghihinayang ay ang makilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, ang makilala ang Kanyang awtoridad, at ang magpasakop sa mga ito. Tanging sa ganitong paraan maaaring manatiling malayo mula sa mga alitan ng tao, mula sa kasamaan, mula sa pang-aalipin ni Satanas, at tanging sa ganitong paraan maaaring mabuhay ang isang tao na tulad ni Job, na ginagabayan at pinagpapala ng Lumikha, isang buhay na malaya at hindi nakagapos, isang buhay na may kahalagahan at kahulugan, isang buhay na tapat at bukas-puso. Tanging sa ganitong paraan maaaring magpasakop ang isang tao, tulad ni Job, sa mga pagsubok at pagkakait ng Lumikha at sa mga pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha. Tanging sa ganitong paraan maaaring sambahin ng isang tao ang Lumikha nang buong buhay niya at makamit ang Kanyang papuri, gaya ng nangyari kay Job, at marinig ang Kanyang tinig at makita Siya. Tanging sa ganitong paraan maaaring mabuhay at mamatay ang isang tao nang maligaya, tulad ni Job, na walang sakit, walang inaalala, walang mga panghihinayang. Tanging sa ganitong paraan maaaring mabuhay sa liwanag, tulad ni Job, at daanan ang bawat sugpungan ng buhay sa liwanag, maayos na kinukumpleto ang sariling paglalakbay sa liwanag, at matagumpay na tinatapos ang sariling misyon—upang maranasan, matutuhan, at malaman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha bilang isang nilalang—at mamatay sa liwanag, at magpakailanman ay tumindig sa tabi ng Lumikha bilang isang taong nilalang, na pinupuri Niya.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger