Tagalog Christian Music Video | "Ang Tunay na Pananampalataya at Pagsunod ni Job sa Diyos"

Abril 26, 2022

I

Nakita ni Job ang mga ginawa ni Jehova sa mga nakaraang dekada't

nakuha'ng mga pagpapala ni Jehova.

Pakiramdam niya'y may pagkakautang siya sa Diyos,

dahil wala siyang nagawa para sa Diyos

habang siya'y tumanggap na ng grasya't pagpapala.

Kaya siya'y nanalanging masuklian ang Diyos,

umaasang makapagpatotoo sa mga gawa ng Diyos

at sa kadakilaan Niya,

umaasang pagkamasunurin niya'y susubukin ng Diyos,

pananalig niya'y magiging dalisay at masasang-ayunan ng Diyos.

Nang pagsubok niya'y dumating, alam niyang Diyos ay nakinig.

Mas binigyang-halaga niya'ng pagkakataon higit sa anupaman.

'Di siya nangahas balewalain ang pagsubok,

'pagkat hangarin niya sa buhay maaaring matupad.

Pagkakataong 'to'y nangahulugang pagsunod niya't paggalang sa Diyos

ay pwedeng malagay sa pagsubok at maging dalisay.

Ito'y nangahulugang si Job ay may pagkakataong masang-ayunan ng Diyos

at mas mapalapit sa Diyos.

II

Ganitong pananalig ang nagpaigting sa kanyang pagkaperpekto't

nagpaunawa ng kalooban ng Diyos.

Lalo ring nagpasalamat si Job sa Diyos

sa Kanyang mga biyaya't pagpapala't

lalo pang pinapurihan ang mga gawa ng Diyos.

Mas may takot at paggalang siya sa Diyos;

mas hinangad pagiging kaibig-ibig Niya't

kadakilaan at kabanalan.

Kahit na si Job ay may takot pa rin sa Diyos at umiiwas sa kasamaan,

pananalig at kaalaman niya'y lalo pang lumago.

Pananalig niya'y lumago, pagsunod niya'y tumatag;

takot niya sa Diyos ay mas lalo pang lumalim.

Kahit espiritu't buhay niya'y napanibago,

ramdam ni Job na 'di 'to sapat, ni 'di pinabagal ang kanyang pag-unlad.

Habang tinatantya niya'ng natamo sa pagsubok

at iniisip ang kanyang pagkukulang,

siya'y nanalangin, naghintay sa susunod niyang pagsubok.

Hangad ni Job na maitaas ang kanyang

pananalig, pagsunod at takot sa Diyos

sa susunod na pagsubok ng Diyos.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger