Tagalog Christian Music Video | "Paano Nagsisimula ang Pasakit ng Sangkatauhan?"

Setyembre 16, 2022

I

Dahil tao'y 'di kinikilala'ng soberanya ng Diyos,

sila'y mapanghimagsik at tumatanggi sa kapalaran,

umiiwas sa kapalaran nila't sa awtoridad ng Diyos,

umaasang mabago'ng kalagayan, kapalaran, ngunit nabibigo.

'Di sila magtatagumpay, sila'y laging matatalo.

Itong kinakaharap nilang paglalaban sa kaluluwa

ay nagdudulot ng kirot na tagos sa buto,

habang unti-unting inaaksaya'ng buhay nila.

Ano'ng sanhi ng kirot ng tao?

Ito'y dahil sa landas na tinatahak

at mga pagpiling ginagawa nila sa kung pa'no sila namumuhay.

II

Trahedya ng tao'y 'di hangad niyang mamuhay nang masaya,

o paghahanap ng katanyaga't yaman at paglaban sa kapalaran.

Ito'y nakita niyang tunay ang Diyos at namumuno sa tadhana ng tao

ngunit 'di pa rin niya maiwasto'ng nakagawian.

Mas nais niyang makipagtunggali sa soberanya ng Diyos

at sumuko lang 'pag wasak na.

Matalino ang mga nagpapasakop, sabi ng Diyos,

yaong mga nakikipagbuno'y hangal.

Ano'ng sanhi ng kirot ng tao?

Ito'y dahil sa landas na tinatahak

at mga pagpiling ginagawa nila sa kung pa'no sila namumuhay.

Ang ilan ay maaaring 'di napagtanto.

Ngunit 'pag nauunawaan mo,

'pag tunay mong kinikilalang Diyos ang namumuno sa kapalaran ng tao,

'pag nakikita mo'ng pinlano Niya sa'yo'y

malaking tulong at proteksyon,

unti-unting mapapawi ang kirot mo,

buong pagkatao mo'y magiging malaya.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger