Paanong Hindi Malulungkot ang Diyos

Abril 17, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Paanong Hindi Malulungkot ang Diyos"

I

Natikman na ng Diyos, tamis, asim, pait, anghang,

bawat lasa ng karanasan ng tao.

Dumarating Siya sa hangin, kasama Siya sa ulan.

Naranasan Niya ang pang-uusig ng pamilya,

dumanas Siya ng maraming hirap at kabiguan ng buhay,

ang sakit ng pagkahiwalay sa Kanyang katawan.

Nang dumating sa lupa ang Diyos,

sa halip na tanggapin Siya

dahil sa hirap na dinanas Niya,

"magalang" na tumanggi ang tao

sa mabubuting layon ng Diyos.

Paanong di Siya masasaktan at ikalulungkot ito?

II

Maaari ba na nagkatawang-tao ang Diyos

para lang matapos ito nang ganito?

Bakit di mahal ng tao ang Diyos?

Bakit sinusuklian ng galit ang Kanyang pag-ibig?

Dahil kaya sa dapat lang magdusa nang ganito ang Diyos?

Nang dumating sa lupa ang Diyos,

sa halip na tanggapin Siya

dahil sa hirap na dinanas Niya,

"magalang" na tumanggi ang tao

sa mabubuting layon ng Diyos.

Paanong di Siya masasaktan at ikalulungkot ito?

III

Ang mga tao'y lumuha na sa pagsimpatiya

dahil sa paghihirap ng Diyos sa mundo.

Dumaing sila laban sa mga mali

ng Kanyang kasawiang-palad.

Ngunit sino ba ang nakakaalam sa puso ng Diyos?

Nang dumating sa lupa ang Diyos,

sa halip na tanggapin Siya

dahil sa hirap na dinanas Niya,

"magalang" na tumanggi ang tao

sa mabubuting layon ng Diyos.

Paanong di Siya masasaktan at ikalulungkot ito?

IV

Sino’ng makauunawa sa damdamin ng Diyos?

Minsang nagkaroon ng malalim

na pagmamahal ang tao sa Diyos,

nanabik nang madalas sa Kanya sa kanilang pangarap.

Ngunit paano mauunawaan ng nasa lupa

ang Kanyang kalooban sa langit?

Nang dumating sa lupa ang Diyos,

sa halip na tanggapin Siya

dahil sa hirap na dinanas Niya,

"magalang" na tumanggi ang tao

sa mabubuting layon ng Diyos.

Paanong di Siya masasaktan at ikalulungkot ito?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger