Panindigan ang Dapat Gawin ng Tao

Mayo 18, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Panindigan ang Dapat Gawin ng Tao"

Ang pag-aalay ng dalisay na birhen

at banal na espirituwal na katawan,

ibig sabihin ay pananatili ng pusong

tapat sa harap ng Diyos.

Para sa sangkatauhan,

ang pananatiling matapat sa Diyos ay kadalisayan.

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay may isang kondisyon:

Dapat buong lakas ng pusong hangarin ng tao,

huwag mag-alinlangan sa mga pagkilos ng Diyos,

ipagpatuloy ang tungkulin nila sa lahat ng oras.

Sa ganitong paraan lamang

makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu.

Yamang natitiyak mong totoo ang landas na ito,

dapat mo itong sundin hanggang sa huli,

panatilihin ang iyong katapatan sa Diyos.

Yamang nakita mo na

ang Diyos Mismo'y naparito sa lupa

upang maperpekto ka,

dapat ibigay mo sa Kanya ang buong puso mo.

Anuman ang ginagawa Niya,

kahit masama ang kalabasan mo,

maaari mo pa rin Siyang sundin palagi.

Ito'y pagpapanatili ng kadalisayan.

Sa bawat yugto ng gawain ng Diyos,

dapat may malaking pananampalataya ang sangkatauhan,

at dapat siyang maghangad sa harapan ng Diyos.

Sa pamamagitan ng karanasan lamang

makikita ng tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos,

makikita kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu.

Kung 'di mo nararanasan,

kung 'di mo nadarama ang iyong landas sa pamamagitan nito,

kung 'di ka naghahangad, wala kang makakamit.

Dahil sa pamamagitan ng karanasan mo

makikita ang mga gawa ng Diyos,

makikita mo kung gaano Siya kahanga-hanga,

gaano S'ya 'di maarok.

Yamang natitiyak mong totoo ang landas na ito,

dapat mo itong sundin hanggang sa huli,

panatilihin ang iyong katapatan sa Diyos.

Yamang nakita mo na

ang Diyos Mismo'y naparito sa lupa upang maperpekto ka,

dapat ibigay mo sa Kanya ang buong puso mo.

Anuman ang ginagawa Niya,

kahit masama ang kalabasan mo,

maaari mo pa rin Siyang sundin palagi.

Ito'y pagpapanatili ng kadalisayan.

Tuparin ang tungkulin ng isang nilikha,

anuman ang kalabasan,

hangaring makilala at mahalin ang Diyos,

huwag magreklamo paano ka man tratuhin ng Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger