Mayroon Ka bang Normal na Relasyon sa Diyos?
Abril 13, 2020
Tagalog Christian Song With Lyrics | "Mayroon Ka bang Normal na Relasyon sa Diyos?"
I
Kung nais mong maperpekto,
tumahak sa tamang landas ng buhay,
ituon sa Diyos ang puso mo,
'wag mong sundan si Satanas.
II
'Wag pagamit kay Satanas
o magpaimpluwensya.
Sarili ay ilaan sa Diyos,
nang Siya ang mamahala.
Isip, salita at gawa mo'y suriin,
tunay mong kalagayan ay unawain,
gawain ng Espiritu'y taglayin,
nang maging normal relasyon mo sa Diyos.
III
Nais mo bang si Satanas,
gamitin ka't alipinin?
Nais mo bang maperpekto ng Diyos
o hambingan sa Kanyang gawain?
IV
Nais mo bang matamo ng Diyos
mabuhay nang makabuluhan?
O nais mo lang mabuhay
nang may kahungkagan?
Isip, salita at gawa mo'y suriin,
tunay mong kalagayan ay unawain,
gawain ng Espiritu'y taglayin,
nang maging normal relasyon mo sa Diyos.
V
Pagagamit ka ba sa Diyos
o kaya'y kay Satanas?
Mapuspos ng Kanyang salita
o ng sala at ni Satanas?
VI
Ingatan salita mo't gawa
nang relasyon mo sa Diyos
maging normal, pumasok ka
sa mga tamang sitwasyon.
Isip, salita at gawa mo'y suriin
tunay mong kalagayan ay unawain,
gawain ng Espiritu'y taglayin,
nang maging normal relasyon mo sa Diyos.
VII
Timbangin kung relasyon mo
sa Diyos mabuti't wasto,
ituwid mga layon mo,
alamin kalikasan ng tao.
VIII
Para sarili ay makilala,
magkaro'n ng karanasan.
Sarili mo ay tatalikdan
at pasasakop ka.
'Pag naranasan mo kung
sa Diyos normal ang relasyon mo,
pagkakataong maperpekto'y pasasaiyo.
Sitwasyo'y mauunawaan mong
Banal na Espiritu'y gumagawa.
Makikita mo panloloko ni Satanas.
Ganyan ang maging perpekto.
Isip, salita at gawa mo'y suriin
tunay mong kalagayan ay unawain,
gawain ng Espiritu'y taglayin,
nang maging normal relasyon mo sa Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.
Iba pang mga Uri ng Video