Ang Saloobin ng Diyos sa Tao

Mayo 15, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Saloobin ng Diyos sa Tao"

Ang Diyos ay matatag sa Kanyang mga kilos.

Ang mga layunin at prinsipyo ng Diyos,

ay laging malinaw at aninag ang mga ito.

Lahat sila'y dalisay at walang kapintasan,

na may ganap na walang daya

o panukala na nakahalo sa loob.

Sa madaling salita, ang diwa ng Diyos ay walang kadiliman,

walang kasamaan.

Kapag ang masasamang gawa ng mga tao'y nakakasakit sa Diyos,

dadalhin Niya ang Kanyang galit sa kanila,

maliban kung tunay silang nagsisisi sa harap Niya.

Kapag ang mga tao'y patuloy na sumasalungat sa Diyos,

ang Kanyang poot ay hindi titigil hanggang sa sila'y malipol.

Ito ang disposisyon ng Diyos.

Sa madaling salita, ang awa o poot ng Diyos

ay batay sa mga gawa ng tao

at ang kanyang saloobin sa Diyos.

Kung ang Diyos ay patuloy na isinasailalim ang isang tao

sa Kanyang poot,

ang puso ng taong

ito'y walang alinlangang sumasalungat sa Diyos,

dahil hindi siya kailanman tunay na nagsisi,

yumukod ang kanyang ulo sa harap ng Diyos,

o nagmay-ari ng totoong paniniwala sa Diyos.

Hindi pa niya kailanman nakuha ang awa

at pagpaparaya ng Diyos.

Kung ang isang tao'y

madalas na tumatanggap ng pag-aalaga ng Diyos

at nakukuha ang Kanyang awa at pagpapahintulot,

kung gayon ang taong ito'y walang alinlangang

may totoong paniniwala sa Diyos sa kanyang puso.

At ang kanyang puso'y hindi sumasalungat sa Diyos.

Madalas siyang nagsisisi sa Diyos.

Kahit na ang disiplina ng Diyos ay bumababa sa taong ito,

ang Kanyang galit ay hindi.

Sa madaling salita, ang awa o poot ng Diyos

ay batay sa mga gawa ng tao

at ang kanyang saloobin sa Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger