Ibigay ang Buong Sarili Mo sa Gawain ng Diyos

Marso 21, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ibigay ang Buong Sarili Mo sa Gawain ng Diyos"

I

Espiritu ng Diyos may malalaking gawain ngayon.

Ang Kanyang gawain sa mga Gentil ay nagsimula na.

Upang gumawa nang mabilis at epektibo,

hinahati Niya ang lahat ng nilikha sa bawat uri.

Ialay ang buong pagkatao mo para sa lahat ng Kanyang gawain.

Mabatid at alamin lahat ng ginawa Niya para sa iyo.

Ibuhos lahat ng iyong lakas, Kanyang gawai'y gawing epektibo.

Ito ang kailangang maunawaan, maunawaan mo.

II

Huwag lumaban, hanapin ang labasan, o hangarin ang kaaliwan.

Inaantala nito ang gawain ng Diyos,

sinisira maganda mong kinabukasan,

nagdudulot ng pagkawasak sa halip na pagprotekta.

Kaya't di ba ito ay kahangalan mo?

Ang mga bagay na sakim mong tinatamasa ngayon

ang siyang sumisira sa iyong kinabukasan.

Ngunit ang sakit na pinagdurusahan mo ngayon

ang sa iyo'y nagpoprotekta't nagliligtas.

III

Bigyang-pansin at maging malinaw sa lahat ng bagay na ito,

upang hindi ka mahulog sa mga tukso

na mahihirapan mong takasan,

o maligaw sa makapal, mabigat na hamog,

di na muling makikita ang araw.

Kapag nawala na ang hamog,

ikaw ay nasa dakilang araw ng paghatol.

Ialay ang buong pagkatao mo para sa lahat ng Kanyang gawain.

Kilalanin at alamin lahat ng ginawa Niya para sa iyo.

Ibuhos lahat ng iyong lakas, Kanyang gawai'y gawing epektibo.

Ito ang kailangang maunawaan, maunawaan mo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger