Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 365

Setyembre 22, 2020

Sa lupa, ang lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang katapusang gumagala-gala naghahanap ng lugar upang magpahinga, at hindi humihinto sa paghahanap ng bangkay ng mga tao upang kainin. Ang Aking bayan! Kailangan ninyong manatili sa loob ng Aking pagmamahal at pag-iingat. Huwag kailanman kumilos nang imoral! Huwag kailanman kumilos nang walang ingat! Sa halip, ihandog mo ang iyong katapatan sa Aking tahanan, at sa pamamagitan lamang ng katapatan maaari kang maglunsad ng pagsalungat laban sa lalang ng diyablo. Kahit anong mangyari hindi ka dapat kumilos tulad nang sa nakaraan, paggawa ng isang bagay sa Aking harapan at iba naman sa Aking likuran—sa ganyang paraan ikaw ay hindi na maaabot ng pagtubos. Tiyak na nabigkas Ko na nang labis-labis ang mga salitang tulad ng mga ito, hindi ba? Talagang dahil ang lumang kalikasan ng tao ay hindi na mababago kaya paulit-ulit Ko na siyang pinaalalahanan. Huwag mababagot! Ang lahat nang sinasabi Ko ay alang-alang sa pagtiyak ng inyong kahihinatnan! Isang mabaho at maruming lugar ang tiyak na kailangan ni Satanas; kung mas lalong walang pag-asang matutubos pa, at kung mas lalo kayong napariwara, tinatanggihang magpasakop sa pagpipigil, mas higit na magtatangka sa anumang pagkakataon upang makapasok ang maruruming espiritu. Sa sandaling makarating kayo sa landas na ito, ang inyong katapatan ay magiging walang kabuluhang daldalan lamang, nang walang anumang katunayan, at ang inyong matibay na paninindigan ay kakainin ng mga maruruming espiritu, upang maging pagsuway o lalang ni Satanas, at gamitin upang gambalain ang Aking mga gawain. Dahil doon kayo ay Aking hahampasin hanggang kamatayan kailanman at saanman Ko naisin. Walang sinumang nakakaalam ng bigat ng sitwasyong ito; ipinapalagay ng lahat na ang kanilang naririnig ay walang kabuluhang usapan at hindi man lang nag-iingat kahit kaunti. Hindi Ko naaalala ang nangyari sa nakaraan. Naghihintay ka pa ring bang maging maluwag Ako sa iyo sa pamamagitan ng muling paglimot? Kahit ang sangkatauhan ay sumalungat sa Akin, hindi Ko ito panghahawakan laban sa kanya, dahil ang tayog ng tao ay masyadong kapos, at kaya hindi Ako humihingi ng mataas na pangangailangan sa kanya. Ang tanging kailangan Ko ay hindi niya dapat sayangin ang sarili, at magpasakop sa pagpipigil. Tiyak na ito ay hindi lampas sa inyong kakayahan upang matugunan ang isang kondisyon? Ang karamihan ng mga tao ay naghihintay para magbunyag Ako ng higit pang mga misteryo para sa ikasisiya ng kanilang mga mata. At kahit na, kung maunawaan mo ang lahat ng mga hiwaga ng langit, ano ang maaari mong gawin sa mga kaalamang iyan? Madadagdagan ba nito ang iyong pag-ibig para sa Akin? Mapag-aalab ba nito ang pagmamahal mo sa Akin? Hindi Ko minamaliit ang tao, at hindi rin Ako basta-basta nakararating sa isang pasya ng hurado tungkol sa kanya. Kung ang mga ito ay hindi ang aktwal na mga kalagayan ng tao, hindi Ko kailanman basta na lamang koronahan ang mga tao ng mga tatak na ito. Isipin muli ang nakaraan: Mayroon bang anumang panahon kung kailan siniraan Ko kayo? Anumang panahon kung kailan minaliit Ko kayo? Anumang panahon kung kailan tiningnan Ko kayo nang walang pagsasaalang-alang para sa inyong mga aktwal na kalagayan? Anumang panahon kung kailan ang sinabi Ko ay nabigo upang punan ang inyong puso at ang inyong bibig nang may matibay na paniniwala? Anumang panahon kung kailan Ako’y nagsalita nang hindi inuudyukan ang madamdaming mga alaala sa loob ninyo? Sino sa inyo ang nakapagbasa ng Aking mga salita nang walang takot at panginginig, nahihintakutan na pababagsakin sa napakalalim na hukay? Sino ang hindi nagtitiis ng pagsubok sa loob ng Aking mga salita? Sa loob ng Aking mga salita ay namamalagi ang awtoridad, ngunit ito ay hindi para basta na lamang hatulan ang tao; sa halip, mapag-unawa sa mga aktwal na kalagayan ng tao, Aking palaging ipinapamalas sa tao ang kahulugan na likas sa Aking mga salita. Sa punto ng katiyakan, mayroon bang kahit sino na kayang kumilala ng Aking makapangyarihang lakas sa Aking mga salita? Mayroon bang kahit sino ang maaaring makatanggap sa kanyang sarili ng pinaka-dalisay na ginto na kung saan gawa ang Aking mga salita? Gaano karaming mga salita ang Aking nasambit, ngunit mayroon ba’ng kahit sino ang nagpapahalaga sa mga ito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 10

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger