Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 529

Setyembre 23, 2020

Sina Adan at Eba na nilalang ng Diyos sa pasimula ay mga banal na tao, ibig sabihin, habang nasa Hardin ng Eden sila ay banal, walang bahid ng karumihan. Sila rin ay tapat kay Jehova, at wala silang alam tungkol sa pagkakanulo kay Jehova. Ito ay dahil sa wala silang paggambala ng impluwensya ni Satanas, walang kamandag ni Satanas, anupa’t sila ang pinakadalisay sa lahat ng sangkatauhan. Sila ay nakatira sa Hardin ng Eden, hindi nabahiran ng anumang dumi, hindi naangkin ng laman, at nasa pag-aalang-alang kay Jehova. Sa dakong huli, nang sila ay tinukso ni Satanas, nagkaroon sila ng kamandag ng ahas, at ng pagnanasa na ipagkanulo si Jehova, at namuhay sila sa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Sa pasimula, sila ay banal at gumagalang kay Jehova; kaya lamang sila ay tao. Kalaunan, pagkatapos silang tuksuhin ni Satanas, kinain nila ang bunga ng punongkahoy ng kaalaman ng mabuti at masama, at namuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Unti-unti silang nagawang tiwali ni Satanas at naiwala ang orihinal na larawan ng tao. Sa pasimula, ang tao ay mayroong hininga ni Jehova, at wala kahit katiting na pagkamasuwayin, at walang kasamaan sa kanyang puso. Noong panahong iyon, ang tao ay tunay na tao. Pagkatapos gawing tiwali ni Satanas, ang tao ay naging isang hayop: Ang kanilang kaisipan ay napuno ng kasamaan at karumihan, walang kabutihan at kabanalan. Hindi ba’t ito si Satanas? Marami ang naranasan mo sa gawain ng Diyos, gayunman hindi ka nabago o nalinis. Ikaw ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas, at hindi pa rin nagpapasakop sa Diyos. Ito ang isang taong nalupig nguni’t hindi pa nagawang perpekto. At bakit sinasabi na ang gayong tao ay hindi pa nagawang perpekto? Dahil hindi hinahabol ng taong ito ang buhay o kaalaman sa gawain ng Diyos, at walang higit na iniimbot kundi ang mga kasiyahan ng laman at panandaliang kaginhawahan. Bilang bunga, walang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, at hindi nila muling natamo ang orihinal na larawan ng tao na nilalang ng Diyos. Ang gayong mga tao ay mga naglalakad na bangkay, mga patay na nilalang na walang espiritu! Yaong mga hindi naghahabol sa kaalaman sa mga bagay-bagay sa espiritu, na hindi naghahabol ng kabanalan, at hindi naghahabol na maisabuhay ang katotohanan, anupa’t sapat na sa kanila ang malupig sa negatibong panig, at hindi kayang isabuhay at ipamalas ang katotohanan, at magiging isa sa mga taong banal—sila yaong mga taong hindi nailigtas. Sapagka’t, kung hindi niya taglay ang katotohanan, hindi kakayanin ng taong manatiling nakatayo sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos; tanging ang may kakayahan lamang na tumayong matatag sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos ang siyang mga nailigtas. Ang nais ko ay mga taong tulad ni Pedro, mga taong naghahabol na magawang perpekto. Ang katotohanan sa ngayon ay ipinagkakaloob sa mga yaong mahigpit na nagnanasa para at naghahanap dito. Ang pagliligtas na ito ay iginagawad sa mga yaong mahigpit na nagnanais na mailigtas ng Diyos, at hindi lamang ito itinakda upang makamit ninyo, kundi upang matamo rin kayo ng Diyos. Nakakamit ninyo ang Diyos upang makamit rin kayo ng Diyos. Ngayon ay winika Ko ang mga salitang ito sa inyo, at narinig ninyo ang mga yaon, at dapat kayong magsagawa ayon sa mga salitang ito. Sa katapusan, kapag isinagawa ninyo ang mga salitang ito ay kung kailan natamo kayo sa pamamagitan ng mga salitang ito; kasabay nito, ay inyo ring natamo ang mga salitang ito, na ibig sabihin, ay nakamit ninyo ang pinakamataas na kaligtasang ito. Kapag kayo ay nalinis na, kayo ay magiging isang tunay na tao. Kung hindi mo kayang isabuhay ang katotohanan, o isabuhay ang wangis ng isa na nagawa nang perpekto, masasabing ikaw ay hindi isang tao, ikaw ay isang naglalakad na bangkay, isang hayop, dahil wala sa iyo ang katotohanan, na ibig sabihin ay wala sa iyo ang hininga ni Jehova, sa gayon ikaw ay isang patay na walang espiritu! Bagaman ito ay posible na magdala ng patotoo pagkatapos mong malupig, ang natamo mo lamang ay kaunting kaligtasan, at hindi ka pa naging isang buhay na taong nilalang na may taglay na espiritu. Bagaman nakaranas ka ng pagkastigo at paghatol, ang iyong disposisyon ay hindi napabago o nabago bilang resulta; ikaw ay ang dati mo pa ring sarili, kabilang ka pa rin kay Satanas, at ikaw ay hindi isang tao na nalinis. Tanging yaon lamang mga nagawang perpekto ang may halaga, at ang mga ganitong tao lamang ang nakatamo ng isang tunay na buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger