Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 505

Setyembre 23, 2020

Gaano mo kamahal ang Diyos sa ngayon? At gaano ang iyong nalalaman tungkol sa lahat ng nagawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay na dapat mong matutuhan. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, lahat ng Kanyang nagawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang mahalin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating nang ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit pa rito, dahil din ito sa paghatol at gawain ng pagkastigo na naisagawa ng Diyos sa tao. Kung kayo ay walang paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, at kung hindi pa kayo pinagdusa ng Diyos, sa totoo lamang, hindi ninyo tunay na minamahal ang Diyos. Habang mas lumalaki ang gawain ng Diyos sa tao, at habang mas tumitindi ang pagdurusa ng tao, mas maliwanag kung gaano kamakabuluhan ang gawain ng Diyos, at na mas nagagawa ng puso ng tao na tunay na mahalin ang Diyos. Paano mo natututuhan kung paano mahalin ang Diyos? Kung walang paghihirap at pagpipino, kung walang masasakit na pagsubok—at kung, bukod pa roon, ang tanging ibinigay ng Diyos sa tao ay biyaya, pag-ibig, at awa—magagawa mo ba talagang tunay na mahalin ang Diyos? Sa isang banda, sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos nalalaman ng tao ang kanyang mga kakulangan at nakikita na siya ay walang kabuluhan, kasuklam-suklam, at mababa, na siya ay walang anuman, at walang halaga; sa kabilang dako, sa panahon ng Kanyang mga pagsubok gumagawa ang Diyos ng iba’t ibang sitwasyon para sa tao kaya mas nararanasan ng tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Bagama’t ang pagdurusa ay matindi, at kung minsan ay hindi makayanan—hanggang sa antas ng nakapanlulumong pagdadalamhati—sa pagdanas nito, nakikita ng tao kung gaano kaibig-ibig ang gawain ng Diyos sa kanya, at sa pundasyong ito lamang nagkakaroon ang tao ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Nakikita ngayon ng tao na kung may biyaya, pag-ibig, at awa lamang ng Diyos, wala siyang kakayahan na tunay na makilala ang sarili niya, at lalong hindi niya kayang malaman ang diwa ng tao. Sa pamamagitan lamang kapwa ng pagpipino at paghatol ng Diyos, at sa proseso ng pagpipino mismo, maaaring malaman ng tao ang kanyang mga kakulangan, at malaman na wala siyang anuman. Kaya, ang pagmamahal ng tao sa Diyos ay itinayo sa pundasyon ng pagpipino at paghatol ng Diyos. Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, ang pagkakaroon ng isang mapayapang buhay-pamilya o mga materyal na pagpapala, hindi mo pa natatamo ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay hindi maituturing na matagumpay. Isinagawa na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao, ngunit ang tao ay hindi magagawang perpekto gamit lamang ang biyaya, pag-ibig, at awa. Sa mga karanasan ng tao nararanasan niya ang kaunting pag-ibig ng Diyos at nakikita ang pag-ibig at awa ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng kaunting panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at awa ay walang kakayahang gawing perpekto ang tao, walang kakayahang ihayag yaong tiwali sa kalooban ng tao, ni hindi nito nagagawang alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pagmamahal at pananampalataya. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang panahon, at hindi makakaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos

Makakaya Mong Mahalin nang Tunay ang Diyos sa Pamamagitan Lang ng mga Paghihirap at Pagsubok

I

Ga'no mo kamahal ang Diyos ngayon? Ano'ng alam mo sa mga ginawa Niya sa'yo? Ito'y alamin. Pagdating ng Diyos sa lupa, lahat ng gawa't 'pinakita Niya sa tao'y upang mahalin Siya at tunay na kilalanin. Na kaya ng taong magdusa para sa Diyos at umabot hanggang ngayon dahil sa pag-ibig ng Diyos, dahil sa pagliligtas Niya. Dahil din 'to sa paghatol at gawain ng pagkastigong natupad Niya sa tao. Kung walang paghatol Niya, pagsubok, at pagtutuwid, at kung 'di pinaranas ng paghihirap, 'di n'yo tunay na mahal ang Diyos. Habang mas higit gawain Niya sa tao't paghihirap nila, mas makikita kung ga'no kahalaga'ng gawain Niya, at mas minamahal nila ang Diyos. Pa'no ba ang mahalin ang Diyos nang walang pagpipino't mahirap na pagsubok? Kung 'binigay lang Niya'y pag-ibig, biyaya't awa, mamahalin mo ba Siyang tunay?

II

'Pag nagdadala ng pagsubok ang Diyos, nalalaman ng tao ang kanyang mga kakulangan; nakikita niyang kalait-lait siya, hamak, at mababa, na siya'y walang taglay at walang saysay. Sa isang banda, 'pag nagdadala ang Diyos ng mga pagsubok, mga kapaligira'y ginagawa Niya para sa tao nang maranasan ng tao'ng pagiging kaibig-ibig Niya. Matindi man ang sakit, minsa'y 'di makayanan, na minsa'y nakapanlulumo na, saka niya nakikita kung ga'no kaibig-ibig gawain ng Diyos sa kanya. Sa saligan lang na ito 'sinisilang sa tao'ng tunay na pag-ibig sa Diyos. Kung walang paghatol Niya, pagsubok, at pagtutuwid, at kung 'di pinaranas ng paghihirap, 'di n'yo tunay na mahal ang Diyos. Habang mas higit gawain Niya sa tao't paghihirap nila, mas makikita kung ga'no kahalaga'ng gawain Niya, at mas minamahal nila ang Diyos. Pa'no ba ang mahalin ang Diyos nang walang pagpipino't mahirap na pagsubok? Kung 'binigay lang Niya'y pag-ibig, biyaya't awa, mamahalin mo ba Siyang tunay?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger