Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 478

Setyembre 26, 2021

Ginawang perpekto si Pedro sa pamamagitan ng pagdanas ng pakikitungo at pagpipino. Sabi niya, “Kailangan kong bigyang-kasiyahan ang naisin ng Diyos sa lahat ng oras. Sa lahat ng aking ginagawa, ang hangad ko lamang ay mabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos, at kung ako man ay kinakastigo o hinahatulan, masaya pa rin akong gawin iyon.” Ibinigay ni Pedro ang lahat-lahat niya sa Diyos, at lahat ng kanyang gawain, mga salita, at buong buhay ay alang-alang sa pagmamahal sa Diyos. Isa siyang taong naghangad ng kabanalan, at nang lalo siyang nakaranas, lalong lumago ang kanyang pagmamahal sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso. Si Pablo, samantala, ay gumawa lamang ng panlabas na gawain, at bagama’t nagsumikap din siya nang husto, ang kanyang mga pagpapagal ay para magawa nang wasto ang kanyang gawain at sa gayon ay magtamo ng gantimpala. Kung nalaman lamang niya na hindi siya tatanggap ng gantimpala, isinuko na sana niya ang kanyang gawain. Ang pinahalagahan ni Pedro ay ang tunay na pagmamahal sa kanyang puso, at yaong praktikal at maaaring makamit. Hindi niya pinahalagahan kung tumanggap man siya ng gantimpala, kundi kung ang kanyang disposisyon ay maaaring mabago. Ang pinahalagahan ni Pablo ay ang magsumikap pa nang husto, pinahalagahan niya ang panlabas na gawain at debosyon, at tungkol sa mga doktrinang hindi naranasan ng normal na mga tao. Hindi niya pinahalagahan ang mga pagbabago sa kanyang kaibuturan ni sa tunay na pagmamahal sa Diyos. Ang mga karanasan ni Pedro ay upang magkamit ng tunay na pagmamahal at totoong kaalaman tungkol sa Diyos. Ang kanyang mga karanasan ay upang higit siyang mapalapit sa Diyos, at magkaroon ng isang praktikal na pamumuhay. Ang gawain ni Pablo ay ginawa dahil doon sa ipinagkatiwala sa kanya ni Jesus, at upang matamo ang mga bagay na kanyang inasam, subalit walang kaugnayan ang mga ito sa kanyang kaalaman tungkol sa kanyang sarili at sa Diyos. Ang kanyang gawain ay para lamang matakasan ang pagkastigo at paghatol. Ang hinangad ni Pedro ay dalisay na pagmamahal, at ang hinangad naman ni Pablo ay ang korona ng katuwiran. Naranasan ni Pedro ang maraming taon ng gawain ng Banal na Espiritu, at nagkaroon ng isang praktikal na kaalaman tungkol kay Cristo, gayundin ang isang malalim na kaalaman tungkol sa kanyang sarili. Kaya nga, ang kanyang pagmamahal sa Diyos ay dalisay. Ang maraming taon ng pagpipino ay nagpayaman sa kanyang kaalaman tungkol kay Jesus at sa buhay, at ang kanyang pagmamahal ay isang pagmamahal na walang kundisyon, isa iyong pagmamahal na kusang-loob, at wala siyang hiniling na anuman bilang kapalit, ni hindi siya umasa sa anumang mga pakinabang. Gumawa si Pablo nang maraming taon, subalit hindi siya nagkaroon ng malaking kaalaman tungkol kay Cristo, at ang kanyang kaalaman tungkol sa kanyang sarili ay napakaliit. Wala talaga siyang pagmamahal kay Cristo, at ang kanyang gawain at ang daan na kanyang tinahak ay upang magkamit ng huling putong. Ang kanyang hinangad ay ang pinakamagandang korona, hindi ang pinakadalisay na pagmamahal. Hindi siya aktibong naghangad, kundi wala lamang siyang kibo; hindi niya ginampanan ang kanyang tungkulin, kundi napilitan sa kanyang pagsisikap matapos mahuli ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya nga, ang kanyang pagsisikap ay hindi nagpapatunay na siya ay karapat-dapat na nilalang ng Diyos; si Pedro ang karapat-dapat na nilalang ng Diyos na gumanap ng kanyang tungkulin. Iniisip ng tao na lahat ng nag-aambag sa Diyos ay dapat tumanggap ng gantimpala, at na kapag mas malaki ang ambag, mas iniisip nila na dapat silang makatanggap ng paglingap ng Diyos. Ang diwa ng pananaw ng tao ay transaksyonal, at hindi siya aktibong naghahangad na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Para sa Diyos, kapag mas naghahangad ang mga tao na tunay na mahalin ang Diyos at lubos na sundin ang Diyos, na nangangahulugan din ng paghahangad na gampanan ang kanilang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos, lalo nilang nagagawang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pananaw ng Diyos ay upang hilingin na mabawi ng tao ang kanyang orihinal na tungkulin at katayuan. Ang tao ay isang nilalang ng Diyos, kaya nga hindi dapat magmalabis ang tao sa paghingi ng anuman sa Diyos, at wala na siyang dapat gawin maliban sa gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ang mga patutunguhan nina Pablo at Pedro ay nasukat ayon sa kung kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos, at hindi ayon sa laki ng kanilang ambag; ang kanilang mga patutunguhan ay natutukoy ayon doon sa kanilang hinangad sa simula pa lamang, hindi ayon sa kung gaano kalaking gawain ang kanilang ginawa, o sa pagtantiya ng ibang mga tao sa kanila. Kaya nga, ang paghahangad na aktibong gampanan ang tungkulin ng isang tao bilang isang nilalang ng Diyos ang landas tungo sa tagumpay; ang paghahangad sa landas ng tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakatamang landas; ang paghahangad sa mga pagbabago sa dating disposisyon ng isang tao, at paghahangad ng dalisay na pagmamahal sa Diyos, ang landas tungo sa tagumpay. Ang landas na iyon tungo sa tagumpay ang landas ng pagbawi sa orihinal na tungkulin gayundin sa orihinal na anyo ng isang nilalang ng Diyos. Ito ang landas ng pagbawi, at ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos mula simula hanggang katapusan. Kung ang paghahangad ng tao ay nababahiran ng personal na maluluhong paghiling at hindi makatwirang mga pag-asam, ang epektong natatamo ay hindi ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao. Salungat ito sa gawain ng pagbawi. Walang duda na hindi ito ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu, kaya nga nagpapatunay ito na ang ganitong klaseng paghahangad ay hindi sinang-ayunan ng Diyos. Ano ang kabuluhan ng isang paghahangad na hindi sinang-ayunan ng Diyos?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger