Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 476

Setyembre 26, 2021

Si Pedro ay isang taong ginawang perpekto. Matapos makaranas ng pagkastigo at paghatol, at sa gayo’y magtamo ng dalisay na pagmamahal sa Diyos, saka lamang siya lubos na nagawang perpekto; ang landas na kanyang tinahak ay ang landas para magawang perpekto. Na ibig sabihin ay, sa simula pa lamang, ang landas na tinahak ni Pedro ay yaong tama, at ang nagganyak sa kanya para manampalataya sa Diyos ay yaong tama, kaya nga siya ay naging isang taong ginawang perpekto at tumahak siya sa isang bagong landas na hindi pa dating natahak ng tao kailanman. Gayunman, ang landas na natahak ni Pablo sa simula pa lamang ay ang landas na pasalungat kay Cristo, at dahil lamang sa ninais ng Banal na Espiritu na kasangkapanin siya, at samantalahin ang kanyang mga talento at lahat ng kanyang kakayahan para sa Kanyang gawain, gumawa siya para kay Cristo sa loob ng ilang dekada. Isa lamang siyang tao na kinasangkapan ng Banal na Espiritu, at hindi siya kinasangkapan nang dahil sa maganda ang tingin ni Jesus sa kanyang pagkatao, kundi dahil sa kanyang mga talento. Nakagawa siya para kay Jesus dahil siya ay pinabagsak, hindi dahil masaya siyang gawin iyon. Nagawa niya ang gayong gawain dahil sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu, at ang gawaing kanyang ginawa ay hindi kumakatawan sa anumang paraan sa kanyang pinagsisikapang matamo, o sa kanyang pagkatao. Ang gawain ni Pablo ay kumatawan sa gawain ng isang lingkod, na ibig sabihin ay na ginawa niya ang gawain ng isang apostol. Si Pedro, gayunpaman, ay kaiba: Gumawa rin siya ng ilang gawain; hindi ito kasindakila ng gawain ni Pablo, ngunit gumawa siya habang pinagsisikapan ang kanyang sariling pagpasok, at ang kanyang gawain ay kaiba sa gawain ni Pablo. Ang gawain ni Pedro ay ang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Hindi siya gumanap sa papel ng isang apostol, kundi gumawa habang pinagsisikapang mahalin ang Diyos. Ang gawain ni Pablo ay naglaman din ng personal na pinagsisikapan niyang matamo: Ang kanyang pinagsisikapan ay walang iba kundi para sa kapakanan ng kanyang mga inaasam para sa hinaharap, at ng kanyang paghahangad sa isang magandang hantungan. Hindi siya tumanggap ng pagpipino sa panahon ng kanyang gawain, ni hindi siya tumanggap ng pagtatabas at pakikitungo. Naniwala siya na basta’t ang gawaing kanyang ginawa ay nakatupad sa naisin ng Diyos, at lahat ng kanyang ginawa ay nakalugod sa Diyos, isang gantimpala ang naghintay sa kanya sa huli. Walang personal na mga karanasan sa kanyang gawain—lahat ng iyon ay para sa sariling kapakanan nito, at hindi isinagawa sa gitna ng paghahangad ng pagbabago. Lahat sa kanyang gawain ay isang transaksyon, hindi ito naglaman ng anuman sa tungkulin o pagpapasakop ng isang nilalang ng Diyos. Habang patuloy ang kanyang gawain, walang nangyaring pagbabago sa dating disposisyon ni Pablo. Ang kanyang gawain ay paglilingkod lamang sa iba, at hindi kayang magdulot ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon. Isinagawa ni Pablo ang kanyang gawain nang tuwiran, nang hindi siya nagagawang perpekto o napapakitunguhan, at siya ay naganyak ng gantimpala. Iba si Pedro: Isa siyang taong sumailalim na sa pagtatabas at pakikitungo at sumailalim na sa pagpipino. Ang layunin at pangganyak ng gawain ni Pedro ay talagang naiiba kaysa kay Pablo. Bagama’t hindi gumawa si Pedro ng maraming gawain, ang kanyang disposisyon ay sumailalim sa maraming pagbabago, at ang kanyang hinanap ay ang katotohanan, at tunay na pagbabago. Ang kanyang gawain ay hindi isinagawa para lamang sa kapakanan ng gawain mismo. Bagama’t maraming gawaing ginawa si Pablo, lahat ng iyon ay gawain ng Banal na Espiritu, at kahit nakipagtulungan si Pablo sa gawaing ito, hindi niya ito naranasan. Kaya gumawa si Pedro ng mas kakaunting gawain ay dahil lamang sa hindi gumawa ng maraming gawain ang Banal na Espiritu sa pamamagitan niya. Ang dami ng kanilang gawain ay hindi tinukoy kung sila man ay ginawang perpekto; ang pinagsikapan ng isa ay upang tumanggap ng mga gantimpala, at ng isa naman ay upang magkaroon ng sukdulang pagmamahal sa Diyos, at gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos, hanggang sa maaari na niyang isabuhay ang isang kaibig-ibig na imahe upang mapalugod ang naisin ng Diyos. Sa panlabas na anyo sila ay magkaiba, gayundin ang kanilang mga kakanyahan. Hindi mo matutukoy kung sino sa kanila ang ginawang perpekto batay sa kung gaano karami ang ginawa nilang gawain. Hinangad ni Pedro na isabuhay ang larawan ng isang taong nagmamahal sa Diyos, maging isang taong sumunod sa Diyos, maging isang taong tumanggap ng pakikitungo at pagtatabas, at maging isang taong gumanap sa kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Nagawa niyang italaga ang kanyang sarili sa Diyos, ilagak ang kanyang kabuuan sa mga kamay ng Diyos, at sundin Siya hanggang kamatayan. Iyon ang kanyang ipinasiyang gawin at, bukod pa riyan, iyon ang kanyang nakamit. Ito ang pangunahing dahilan kaya iba ang kanyang kinahinatnan sa kinahinatnan ni Pablo. Ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu kay Pedro ay upang gawin siyang perpekto, at ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu kay Pablo ay ang kasangkapanin siya. Iyan ay dahil ang kanilang likas na pagkatao at kanilang mga pananaw tungo sa paghahangad ay hindi pareho. Pareho nilang taglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Inangkop ni Pedro ang gawaing ito sa kanyang sarili, at ibinigay rin ito sa iba; samantala, si Pablo naman ay nagkaloob lamang ng kabuuan ng gawain ng Banal na Espiritu sa iba, at walang natamo mismo mula rito. Sa ganitong paraan, matapos niyang maranasan ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng maraming taon, halos walang ipinagbago si Pablo. Nanatili pa rin siya halos sa kalagayan ng kanyang likas na pagkatao, at siya pa rin ang dating Pablo. Kaya lamang, matapos magtiis ng paghihirap sa maraming taon ng paggawa, natuto siyang “gumawa,” at natutong magtiis, ngunit ang kanyang dating likas na pagkatao—ang likas niyang hilig na makipagpaligsahan at pumatay—ay nanatili pa rin. Matapos gumawa sa loob ng napakaraming taon, hindi niya alam ang kanyang tiwaling disposisyon, ni hindi niya naalis sa kanyang sarili ang kanyang dating disposisyon, at malinaw pa rin iyong nakita sa kanyang gawain. Mas marami lamang siyang karanasan sa paggawa, ngunit hindi siya kayang baguhin ng gayong katiting na karanasan at hindi kayang baguhin ang kanyang mga pananaw tungkol sa pag-iral o sa kabuluhan ng kanyang pinagsisikapang matamo. Bagama’t gumawa siya sa loob ng maraming taon para kay Cristo, at hindi na muling inusig ang Panginoong Jesus kailanman, sa kanyang puso ay walang pagbabago sa kanyang kaalaman tungkol sa Diyos. Nangangahulugan ito na hindi siya gumawa upang ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, kundi sa halip ay napilitan siyang gumawa para sa kapakanan ng kanyang hantungan sa hinaharap. Sapagkat, sa simula, inusig niya si Cristo, at hindi siya nagpasakop kay Cristo; siya ay likas na isang rebelde na sadyang kumontra kay Cristo, at isang taong walang alam tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu. Nang halos patapos na ang kanyang gawain, hindi pa rin niya alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kumilos lamang sa sarili niyang kusa batay sa kanyang sariling pagkatao, nang hindi nagbibigay ni kaunting pansin sa kalooban ng Banal na Espiritu. Kaya nga ang kanyang likas na pagkatao ay napopoot kay Cristo at hindi sumunod sa katotohanan. Ang isang taong kagaya nito, na tinalikdan na ng gawain ng Banal na Espiritu, na hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kumontra din kay Cristo—paano kaya maililigtas ang gayong tao? Maaari mang mailigtas ang tao o hindi ay hindi nakasalalay sa kung gaano karaming gawain ang kanyang ginagawa, o kung gaano siya nakalaan, kundi sa halip ay natutukoy sa kung alam niya o hindi ang gawain ng Banal na Espiritu, kung kaya niya o hindi na isagawa ang katotohanan, at kung nakaayon o hindi ang kanyang mga pananaw sa pagsisikap na matamo ang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger