Tagalog Christian Song With Lyrics | "Nakabaling na ba ang Puso Mo sa Diyos?"

Hulyo 11, 2020

Puso ng taong nakabaling na sa Diyos

ang laging makakatingin sa Diyos,

pusong kayang talikdan ang laman,

pusong nag-iisip sa Diyos.

Sa kanilang ugali't pananalita,

sa kanilang bawat kilos,

kayang palugurin ang Diyos nilang mahal,

pusong may pasan para sa kalooban Niya.

'Pag ideya at iniisip mo'y 'di tama,

kaya mong talikdan ang intensyong

kumilos ayon sa kalooban Niya.

Habang mas lalong

dumaranas sa paraang 'to,

mas kaya ng puso mong

bumaling sa Diyos,

at mas kaya mong palugurin

ang Diyos at mahalin Siya.

Nakakulong ka man o may sakit,

kinukutya o sinisiraan,

o tila wala nang lalabasan,

kaya mo pa rin Siyang mahalin.

'Pag pagsubok ay dumarating,

kaya mo pa rin Siyang mahalin.

Ibig sabihi'y puso mo'y nakabaling na sa Diyos.

'Pag ideya at iniisip mo'y 'di tama,

kaya mong talikdan ang intensyong

kumilos ayon sa kalooban Niya.

Habang mas lalong dumaranas sa paraang 'to,

mas kaya ng puso mong bumaling sa Diyos,

at mas kaya mong palugurin

ang Diyos at mahalin Siya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger