Lahat ng Gawin ng Diyos ay para sa Tao
Marso 24, 2020
Tagalog Christian Song With Lyrics | "Lahat ng Gawin ng Diyos ay para sa Tao"
I
Pagsupil ng Diyos,
di kokontrolin ang 'yong tadhana't hantungan.
Di naman talaga dapat magkaganyan.
Layon ng pagsupil ay para magawa
ang tungkulin ng tao at sambahin ang Lumikha,
saka lang hantungan mo'y magiging kahanga-hanga.
Kinakastigo ng Diyos ang tao para iligtas siya.
Inaalis Niya kamunduhan ng tao
para sa pagdadalisay at pag-iral.
Humahatol Siya para iligtas ang tao.
Makokontrol ba ng tao
ang kanyang kapalaran,
kung Lumikha'y kontrolado
ang kanyang patutunguhan?
II
Kontrolado ng Diyos tadhana ng tao.
Di mo kaya 'yan, magmadali ma't magsikap.
Kung makokontrol mo ang tadhana mo,
magiging nilalang ka kaya ng Diyos?
Lahat ng gawin ng Diyos ay para sa tao.
Paglikha, langit, lupa'y para sa tao.
Panahon, araw, bituin, buwan,
mga hayop at halaman
para sa buhay ng tao, para sa tao.
Kinakastigo ng Diyos ang tao para iligtas siya.
Inaalis Niya kamunduhan ng tao
para sa pagdadalisay at pag-iral.
Humahatol Siya para iligtas ang tao.
Makokontrol ba ng tao
ang kanyang kapalaran,
kung Lumikha'y kontrolado
ang kanyang patutunguhan?
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.
Iba pang mga Uri ng Video