Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Awit ng Papuri | "Habang Daan Kasama Mo" | Sumasaakin ang Pag-ibig ng Diyos

Serye ng mga Music Video   5919  

Panimula

Awit ng Papuri | "Habang Daan Kasama Mo" | Sumasaakin ang Pag-ibig ng Diyos


Ako'y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.

Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.

Ngayon sa'Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo,

payapang-payapa ako.

Pinagpapala Mo ako, humahatol ay salita Mo.

Nguni't bigo pa rin akong pahalagahan biyaya Mo.

Malimit nagrerebelde, sa paanuma'y sinasaktan Iyong puso.

Nguni't 'di Mo alintana sala ko

kundi gumagawa para sa 'king kaligtasan.

Pag ako'y malayo, pabalik mula sa panganib ay tinatawag Mo.

Pag nagrerebelde, mukha Mo'y itinatago,

kadilima'y bumabalot sa akin.

Pagbalik ko sa 'Yo, naaawa Ka, ngumingiti upang yumakap.

Pag hinahagupit ni Satanas,

hinihilom Mo aking sugat, puso'y nagagalak.

Pag sinasaktan ng diyablo, kasama kita pagdaan sa pagsubok.

Bukang-liwayway ay agad lilitaw,

at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,

pag naro'n Kang kasama ko.

Bukang-liwayway ay agad lilitaw,

at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,

pag naro'n Kang kasama ko.


Ikaw ang buhay ko, Ikaw ang Panginoon ko.

Araw-araw kasama, aninong kalapit ko.

Nagtuturo kung pa'no akong maging tao't

binibigyan ng katotohana't buhay.

Kasama Ka buhay ko'y sumisikat sa kaningningan.

Wala ang sarili kong pagpili, pamumuno Mo'y sinusunod.

Maging 'sang tunay na nilalang, bumalik sa 'Yong tabi.

Namumuhay sa Iyong presensya,

nakikipag-usap ako sa Iyo at naririnig ang Iyong tinig.

Di Ka na maghihintay sa distansyang malungkot.

Kasama Mo, wala nang takot sa bagyo.

Pag gabi'y tumatakip, 'di na 'ko nag-iisa.

Kasama Ka sa tabi ko, panganib o gulo, mahaharap ko.

Kasama Mo, mga paglalakbay 'di ga'nong mahirap.

Malubak na mga daang tumatahak sa mga gulo,

nagbibigay-daan sa bukal na kayganda.

Bukang-liwayway ay agad lilitaw,

at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,

pag naro'n Kang kasama ko.

Kasama Mo, wala nang takot sa bagyo.

Pag gabi'y tumatakip, 'di na 'ko nag-iisa.

Kasama Ka sa tabi ko, panganib o gulo, mahaharap ko.

Kasama Mo, mga paglalakbay 'di ga'nong mahirap.

Malubak na mga daang tumatahak sa mga gulo,

nagbibigay-daan sa bukal na kayganda.

Bukang-liwayway ay agad lilitaw,

at mga kalangita'y asul pa ring sisikat,

Ako'y kasama Mo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.


Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Unduh Aplikasi secara Gratis

Ginagabayan Ka ng Magagandang Video na Maunawaan ang Gawain ng Diyos

Unduh Aplikasi secara Gratis

Ginagabayan Ka ng Magagandang Video na Maunawaan ang Gawain ng Diyos