Tagalog Christian Music | "Lahat ng Ginagawa ng Diyos ay para Gawing Perpekto at Mahalin ang Tao"

Mayo 13, 2022

Anuman ang makamit mo sa hinaharap,

ngayon kita niyong gawain ng Diyos sa inyo'y pag-ibig.

I

Mula sa panahon ng mga tagapagsilbi hanggang ngayon,

malinaw na nakikita ng mga tao

kung ga'no kamangha-mangha'ng gawain ng Diyos.

'Di maarok ng utak ng tao

kung pa'no gumagawa ang Diyos.

Nakikita ng tao kung ga'no kaliit ang tayog,

at ga'no katindi ang pagkasuwail nila.

'Sinumpa ng Diyos ang tao para sa isang epekto,

'di Niya pinatay ang tao.

Sa mga salita Niya 'sinumpa Niya'ng tao,

ngunit ang sumpa Niya ay 'di sumapit sa tao.

'Sinumpa Niya ang pagkasuwail ng tao't

kaya nung sinambit ng Diyos ang mga sumpa,

Kanyang layunin din ang perpektuhin ang tao.

Hinahatulan at sinusumpa ng Diyos ang tao.

Ngunit sa alinman dito'y pineperpekto Niya'ng tao.

Kailangan Niyang maghatol at magsumpa.

Kanyang pineperpekto kung ano ang marumi sa tao.

II

Ang Diyos ay 'di kailanman gumawa ng gan'to dati,

gumagawa Siya sa inyo, upang maranasan niyo'ng Kanyang karunungan.

Kahit nagdusa na kayo sa loob,

puso niyo'y matatag at payapa.

Malaking biyaya sa inyo na

matamasa ang yugtong ito ng gawain ng Diyos.

Pagwawasto ng Diyos ay para din iligtas ka.

Kahit maaari itong magdulot ng pasakit,

'pag disposisyon mo'y nababago,

makikita mong Kanyang gawain ay matalino.

Sa araw na 'yon mauunawaan mo'ng kalooban Niya.

'Di mo man ito makita ngayon,

balang araw makikita mo'ng gawain ng Diyos ngayon ay mahalaga.

Hinahatulan at sinusumpa ng Diyos ang tao.

Ngunit sa alinman dito'y pineperpekto Niya'ng tao.

Kailangan Niyang maghatol at magsumpa.

Kanyang pineperpekto kung ano ang marumi sa tao.

'Pag nakikita mong kaluwalhatian ng Diyos ay dumating na,

at nakikitang makabuluhang mahalin Siya,

malalaman mo ang buhay ng tao,

espiritu mo ay lalaya,

laman mo'y mamumuhay sa mundo ng pagmamahal sa Diyos,

buhay mo'y mapupuno ng galak,

lagi kang napakalapit sa Diyos, at aasa ka sa Diyos,

sa gayon malalaman mo'ng tunay na halaga

ng gawain ng Diyos ngayon.

Bawat hakbang ng gawain ng Diyos, masasakit man na salita,

paghatol o pagkastigo, ay tama at nagpeperpekto sa tao.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger