Pelikula ng Ebanghelyo | "Pamamaalam sa Panahon ng Kabataan" Pinangunahan Siya ng Diyos sa Liwanag na Landas ng Buhay

Hunyo 10, 2025

Ang kolehiyo ay isang palasyo ng kaalaman sa puso ng napakaraming estudyante. Gayumpaman, sa pagpasok sa kampus, naharap si Yang Xinchen sa isang kapaligiran ng malamig na pagwawalang-bahala, isang lugar kung saan ang mga kaklase niya ay palaging nagpapakana at nakikipagkompetensiya sa isa't isa, lahat para sa paghahangad ng kasikatan at pakinabang. Ang pananampalataya sa Diyos habang nasa kolehiyo ay maaaring mauwi sa maisumbong, maaresto at mapatalsik pa nga. Ang madilim at napakabuktot na buhay-unibersidad na ito ay nagdulot sa kanya ng matinding pagkadismaya. Nagsimula siyang manabik sa magagandang panahong noong nakikipagtipon siya sa mga kapatid para magbasa ng mga salita ng Diyos, at mas lalo siyang nanabik na hangarin ang isang makabuluhang landas sa buhay. Pero ang pagpili sa tamang landas sa buhay ay hindi kailanman madali. Nang maisipan niyang itigil ang kanyang pag-aaral, mariin siyang tinutulan ng kanyang ina at mga kamag-anak, at binigyan siya ng matinding presyur. Sa gitna ng mga nanlalamong paghihirap, ano ang magiging desisyon niya? Nakatayo sa sangang-daan ng buhay, sino ang magtuturo sa kanya sa daan pasulong?

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin