Ang Gawain ng Banal na Espiritu ay Ginagawang Aktibong Sumusulong ang Tao

Mayo 26, 2020

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Gawain ng Banal na Espiritu ay Ginagawang Aktibong Sumusulong ang Tao"

Mga tao'y ginagamit ng Banal na Espiritu

gamit ang mabubuting katangian nila.

Ginagawa Niya ring perpekto'ng kapintasan nila't

binabago'ng kanilang mga pagkukulang.

Kung ang iyong puso'y maibubuhos sa Diyos

at kayang pumayapa sa harap Niya,

ikaw ay magkakaroon ng pagkakataong

kasangkapanin ng Banal na Espiritu.

Tatanggapin mo ang kaliwanagan;

at pagpapalinaw ay mapapasaiyo.

Ang Banal na Espiritu ang babawi

para sa iyong mga pagkukulang.

Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu,

kailanma'y hindi ginagawang negatibo ang tao,

ginagawa ang taong aktibong sumusulong.

'Di namumuhay sa kanyang kahinaan.

Paglago ng buhay niya'y 'di naaantala.

Sinisikap na matupad ang hangarin ng Diyos.

Patunay 'tong nakamit na niya

ang presensya ng Banal na Espiritu.

'Pag ibinigay mo ang puso mo sa Diyos,

mas lalalim ang pag-intindi;

sa iyong mga pagkukulang at kapintasan,

maraming kabatiran ang 'yong aanihin.

Magiging mas masigasig kang

tuparin ang hangarin ng Diyos.

Ika'y aktibong papasok.

Sa gayon ika'y isang tamang tao.

'Pag ang puso'y panatag sa harap ng Diyos,

ang susi kung tunay mo Siyang napalulugdan

at natatanggap papuri ng Banal na Espiritu

ay kung aktibo kang makapapasok.

Pinapayagan ng gawain ng Diyos

na makapasok ang tao nang positibo,

at maalis mga negatibong aspeto

pagkatapos makamit ang kaalaman.

Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu,

kailanma'y hindi ginagawang negatibo ang tao,

ginagawa ang taong aktibong sumusulong.

'Di namumuhay sa kanyang kahinaan.

Paglago ng buhay niya'y 'di naaantala.

Sinisikap na matupad ang hangarin ng Diyos.

Patunay 'tong nakamit na niya

ang presensya ng Banal na Espiritu,

ang presensya ng Banal na Espiritu,

ang presensya ng Banal na Espiritu.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger