Tagalog Christian Music Video | "Nagdurusa ang Diyos ng Matinding Hirap para sa Kaligtasan ng Tao"

Agosto 21, 2022

I

Sa pagkakataong ito, ang Diyos ay naging tao

upang gampanan ang gawaing 'di pa Niya natatapos,

upang hatulan ang panahong 'to at tapusin ito,

upang iligtas ang tao sa dagat ng pagdurusa, lubusang lupigin ang tao,

at baguhin ang disposisyon ng tao.

Maraming pagpupuyat ang tiniis ng Diyos

upang palayain ang tao sa pagdurusa

at sa madidilim na puwersa na kasing-itim ng gabi,

at alang-alang sa gawain ng tao.

Siya'y bumaba na sa pinakamataas patungo sa pinakamababang lugar

upang mabuhay sa impiyernong 'to ng mga tao't

palipasin ang mga araw Niya kasama'ng tao.

'Di kailanman nagreklamo'ng Diyos sa panlilimahid sa gitna nila,

ni humiling nang labis sa tao;

sa halip, tiniis na ng Diyos ang pinakamalaking kahihiyan habang 'sinasagawang gawain Niya.

Upang lahat ng tao'y matamasa'ng kapahingahan,

ang Diyos ay nagdusa ng kawalan ng katarungan upang pumunta sa lupa,

at personal na pumasok sa yungib ng tigre upang iligtas ang tao.

II

Napakaraming beses na Siyang humarap sa mga bituin,

at umalis nang madaling-araw at bumalik nang takipsilim;

nagtiis na Siya ng matinding paghihirap

at sumailalim na sa pagbali ng mga tao.

Dumating na'ng Diyos sa maruming lupaing ito,

tahimik na tinitiis ang pang-aapi ng tao,

ngunit 'di Siya kailanman lumaban o humingi nang labis sa mga tao!

Ginampanan na Niya'ng lahat ng gawaing kailangan para sa tao:

pagtuturo, pagbibigay-liwanag, pagsaway at

pagpipino sa tao gamit ang salita Niya,

pati pagpapaalala, pag-aaliw, paghatol at paglalantad sa kanila.

Ang bawat hakbang ng Diyos ay alang-alang sa buhay ng mga tao,

upang sila ay malinis, upang malinis sila.

Sa kabila ng pagkuha sa mga hinaharap at kapalaran nila,

lahat ng ginagawa ng Diyos ay alang-alang sa tao.

Ang bawat hakbang Niya'y para sa pag-iral nila,

upang tao'y may magandang hantungan sa lupa.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger