Tagalog Christian Music Video | "Hindi Nauulit ang Gawain ng Diyos"
Abril 21, 2023
I
Salita ng nagkatawang-taong Diyos sa mga huling araw
ay ayon sa ugali, kalikasan, at dapat pasukin ng tao ngayon.
Kanyang salita'y tunay at normal, tungkol lang sa ngayon,
anong dapat pasukin, gawin, at matanto.
Kung may magpapalayas ng mga demonyo,
manggagamot at magmimilagro,
nagsasabing sila'y si Jesus na nagbalik,
panggagaya ito ng masasamang espiritu.
Tandaan: 'Di umuulit ang gawain ng Diyos.
Tapos na ang gawain ni Jesus,
at 'di na muling gagawin
ng Diyos ang yugtong 'yon.
Sa bagong gawain lang ng Diyos sa mga huling araw,
parte ng plano ng pamamahala Niya,
tao'y lalong makikilala Siya.
Kanyang plano'y saka lang matatapos.
II
Kung magpakita ang Diyos ng tanda't hiwaga
nang tulad ng kay Jesus,
mauulit lang at mawawalang-
halaga ang nagawa ni Jesus.
Bawat panahon, may isang yugto ng gawain Niya.
Tapos, gagayahin 'to ni Satanas.
Kaya babaguhin ng Diyos ang paraan Niya.
'Di umuulit ang gawain ng Diyos.
Tapos na ang gawain ni Jesus,
at 'di na muling gagawin
ng Diyos ang yugtong 'yon.
Sa bagong gawain lang ng Diyos sa mga huling araw,
parte ng plano ng pamamahala Niya,
tao'y lalong makikilala Siya.
Kanyang plano'y saka lang matatapos.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.
Iba pang mga Uri ng Video