Tagalog Christian Music Video | "Ang Pag-ibig ng Diyos ay Kailangang Malasap sa Tunay na Buhay"

Hunyo 27, 2022

I

Kung nais mong makita at tunay na maranasan ang pag-ibig ng Diyos,

dapat kang pumasok nang malalim

sa realidad at sa tunay na buhay

at makitang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pag-ibig

at kaligtasan, kaligtasan,

makita na ang mga ginagawa Niya'y para maiwan ng tao kung ano'ng marumi,

at pinuhin ang nasa loob ng tao na

'di kayang mapalugod ang kalooban ng Diyos,

makita'ng mga ginagawa Niya'y para maiwan ng tao kung ano'ng marumi,

at pinuhin ang nasa loob ng tao na

'di kayang mapalugod ang kalooban ng Diyos.

II

Mga salita ang gamit ng Diyos upang tustusan ang tao;

inaayos Niya'ng mga kalagayan sa tunay na buhay

upang maranasan ng tao.

Kung, gamit ang kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos,

madalas kang manalangin at maghanap

kaya natutuklasan mo'ng dapat mong isagawa,

pagkakataon para sa gawain ng Banal na Espiritu,

tunay na nakikipagtulungan sa Diyos,

at 'di naguguluhan at nalilito,

magkakaroon ka ng landas sa tunay na buhay,

at tunay na magbibigay-lugod sa Diyos.

III

'Pag napalugod mo na'ng Diyos,

sa loob mo'y magkakaroon ng patnubay ng Diyos,

at ika'y pagpapalain lalo ng Diyos,

na magpaparamdam sa'yo ng kasiyahan:

Ikararangal mong nabigyang-lugod mo na'ng Diyos, kalooban mo'y magliliwanag,

at puso mo'y magiging maaliwalas at payapa.

Budhi mo'y giginhawa't lalaya sa mga paratang,

at maaliwalas ang kalooban mo 'pag nakikita mo'ng mga kapatid mo.

Ito'ng ibig sabihin ng pagtamasa sa pag-ibig ng Diyos,

at ito lang ang tunay na pagtamasa sa Diyos.

Pagtamasa ng tao sa pag-ibig ng Diyos ay nakakamit sa karanasan:

Sa pagdanas ng hirap at pagsasagawa ng katotohanan

biyaya Niya'y nakakamit.

Kung gan'to mo 'sinasagawa'ng katotohanan,

unti-unti kang makabubuo ng isang malinaw na kaalaman sa marami sa gawain ng Diyos,

at sa oras na 'yon mararamdaman mong mga salita Niya

na kaharap mo'y kasinglinaw ng kristal.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger