Tagalog Christian Music|"Ang mga Pagsasaayos ng Diyos para sa mga Kahihinatnan ng Lahat ng Tao"

Enero 13, 2023

I

Yaong gumagawa ng masama

sa panahon ng paghatol,

ipapadala ng Diyos sa lugar

na puno ng masasamang espiritu.

Katawan nila'y wawasakin

ng mga ito hangga't nais nila,

mangangamoy-bangkay sila.

Angkop na parusa nila.

II

Isinusulat ng Diyos ang kasalanan

ng 'di tapat at huwad ang pananalig.

Itatapon sila sa maruruming espiritu,

walang muling pagsilang at liwanag.

Ipokritong naglingkod sa Kanya

ngunit 'di naging tapat hanggang huli

ay ibibilang ng Diyos sa mga masasama.

Makikipagsosyo sa masasama,

magiging parte ng kaguluhan nila.

Sisiguruhin ng Diyos sa huli na sila ay puksain.

III

Ang mga 'di tapat kay Cristo,

walang pagsisikap,

isasangtabi sila ng Diyos,

sila'y 'di papansinin.

Sila ay pupuksain

sa sandaling magbago ang panahon.

'Di na sila mabubuhay pa sa lupa,

o papasok sa kaharian ng Diyos.

Ang wala sa pusong makitungo sa Diyos

ibinilang sa naglilingkod sa bayan Niya.

Ila'y mabubuhay, ang iba'y hindi

kasama ng mga nagkulang sa serbisyo.

IV

Sa huli, dadalhin ng Diyos sa kaharian Niya

ang may isipan na kaayon Niya,

Kanyang bayan, mga anak, at napiling saserdote.

Sila ang bunga ng gawain ng Diyos.

Ang 'di nabibilang sa kahit anumang

kategorya ay maisasama

sa mga 'di-mananampalataya.

Ano pa ba'ng kahihinatnan nila?

V

Nasabi na ng Diyos ang dapat sabihin;

piliin niyo ang tatahaking daan.

Gawain ng Diyos ay 'di maghihintay

sa mga 'di kayang sumabay.

Nasabi na ng Diyos ang dapat sabihin;

piliin niyo ang tatahaking daan.

Matuwid Niyang disposisyon

ay 'di maaawa kaninuman.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger