Tagalog Christian Music|"Gumagawa ng Angkop na mga Pagsasaayos ang Diyos para sa Bawat Uri ng Tao"

Enero 8, 2023

I

Likha ng Diyos ang lahat ng tao.

Anuman ang lahi, sila'y Kanya.

Silang lahat ay inapo ni Adan at Eba.

Anuman ang uri, sila'y Kanya.

Yamang nabibilang sila sa sangkatauhan,at sila'y pag-aari ng Diyos,

dapat sila'y may hantungan ayon sa tuntuning nagsasaayos sa kanila.

Ang gumagawa ng masama'y lilipulin at ang matuwid ay makaliligtas.

Ito'ng angkop na pagsasaayos para sa bawat uri ng nilalang na ito.

'Di tutulutan ng Diyos na makaligtas ang masasama.

Yaong nagpapasakop at sumusunod sa Diyos

hanggang sa katapusan ay mabubuhay.

Yamang namamahala'ng Diyos sa lahat ng tao,

gumagawa Siya ng angkop na pagsasaayos,

iba't ibang kalalabasan sa iba't ibang tao.

II

Ang huling pagsasaayos ng Diyos para sa tao'y

biyakin ang mga pamilya, bansa't hangganan,

'pagkat mga tao'y galing sa iisang ninuno,

at tao'y mga likha ng Diyos.

Walang mga pamilya, bansa o lahi 'pag tao'y dumating sa huling hantungan.

At ito'y isang uri ng sangkatauhang magiging pinakabanal na uri.

'Di tutulutan ng Diyos na makaligtas ang masasama.

Yaong nagpapasakop at sumusunod sa Diyos

hanggang sa katapusan ay mabubuhay.

Yamang namamahala'ng Diyos sa lahat ng tao,

gumagawa Siya ng angkop na pagsasaayos,

iba't ibang kalalabasan sa iba't ibang tao.

Pagkatapos ng gawain ng Diyos, ilan ay mabubuhay at ilan ay mamamatay.

Ito'y 'di maiiwasan. 'Di ito maitatanggi.

'Di tutulutan ng Diyos na makaligtas ang masasama.

Yaong nagpapasakop at sumusunod sa Diyos

hanggang sa katapusan ay mabubuhay.

Yamang namamahala'ng Diyos sa lahat ng tao,

gumagawa Siya ng angkop na pagsasaayos,

iba't ibang kalalabasan sa iba't ibang tao.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger