Tagalog Christian Music Video|"Sagana ang Awa at Matindi ang Poot ng Diyos"

Enero 4, 2023

Talagang umiiral ang awa't pagpapaubaya ng Diyos.

Ngunit sa kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos,

'pag pinapakawalan Niya'ng poot Niya,

ipapakita Niya sa tao'ng pagiging 'di nalalabag Niya.

I

'Pag tao'y sumusunod sa utos ng Diyos, kumikilos sa mga hingi Niya,

awa ng Diyos sa kanila'y sagana.

'Pag ang tao'y tiwali at napopoot sa Kanya,

ang Diyos ay galit na galit.

Poot Niya'y magpapatuloy, hanggang 'di na nakikita ng Diyos

ang paglaban at masasamang gawa ng tao sa harapan Niya.

Saka lang mawawala ang galit ng Diyos.

Siya'y mapagparaya't maawain sa mababait, mabubuti't magagandang bagay;

'di titigil ang poot Niya sa kasamaan, kasalanan at nakakasuklam.

Ito'y dalawang pangunahing aspeto ng

disposisyon ng Diyos, na laging 'pinapakita:

masaganang awa't matinding poot.

II

Kahit na sino pa, kung ang puso nila'y malayo,

tumatalikod sa Diyos, 'di kailanman babalik

pa'no man nila naisin na sambahin,

sundin ang Diyos sa katawan o isipan,

sa sandaling puso nila'y tumalikod sa Diyos,

poot Niya'y pakakawalan.

Pakakawalan ng Diyos ang pinakamatindi Niyang galit

matapos mabigyan ang tao ng sapat na pagkakataon.

Sa sandaling ito'y pakawalan, 'di na 'to mababawi;

'di na Siya kailanman magiging maawain sa kanila.

Ito'y isang panig ng disposisyon ng Diyos

na walang pahihintulutang paglabag.

Siya'y mapagparaya't maawain

sa mababait, mabubuti't magagandang bagay;

'di titigil ang poot Niya

sa kasamaan, kasalanan at nakakasuklam.

Ito'y dalawang pangunahing aspeto ng

disposisyon ng Diyos, na laging 'pinapakita:

masaganang awa't matinding poot, matinding poot.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger