Tagalog Christian Music Video | "Hindi Inililigtas ng Diyos ang Masasama"

Abril 16, 2023

I

Sa bansa ng malaking pulang dragon,

Diyos ay nagsagawa ng isang yugtong

'di maarok ng mga tao't

dahilan para sila ay umindayog sa hangin.

Pagtapos nito, maraming tahimik na umalis,

kasabay ng ihip ng hangin.

Ito'ng "giikang" malapit nang linisin ng Diyos;

ito ang kinasasabikan at ang plano Niya.

Maraming masasamang nakapasok habang gumagawa'ng Diyos,

ngunit 'di Siya nagmamadaling itaboy silang lahat.

Bagkus, ikakalat Niya sila pagdating ng tamang oras.

Pagtapos lang no'n magiging bukal ng buhay ang Diyos,

na nagtutulot sa mga tunay na nagmamahal sa Kanya na tumanggap

ng bunga ng puno ng igos at halimuyak ng liryo.

Dapat mong malamang dalisay, pinong ginto,

at 'di buhangin ang natatamo ng Diyos.

Pa'nong mananatili ang masasama

sa sambahayan ng Diyos?

II

Sa tinitirhan mismo ni Satanas,

lupaing alabok na walang purong gintong nananatili.

At sa pagharap sa gan'tong sitwasyon,

gumagawa'ng Diyos ng yugto ng gawain.

Pa'nong tutulutan ng Diyos ang mga soro na

maging parasito sa paraiso Niya?

Ginagamit Niya'ng lahat ng posibleng paraan

para maitaboy ang mga ito.

Bago ihayag ang nais Niya, walang nakakaalam ng gagawin Niya.

Sinasamantala Niya 'to upang itaboy ang masasama,

sa gayon mapipilitan ang masasamang umalis sa presensya Niya.

Ito ang ginagawa ng Diyos sa masasama.

Dapat mong malamang dalisay, pinong ginto,

at 'di buhangin ang natatamo ng Diyos.

Pa'nong mananatili ang masasama

sa sambahayan ng Diyos?

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger