Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Taos na Damdamin ng Lumikha para sa Sangkatauhan"

Mayo 18, 2020

Ang mga sumusunod ay nakatala sa Aklat ni Jonas 4:10–11:

"At sinabi ni Jehova, Ikaw ay nanghinayang sa kikayon

na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man;

na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi:

At hindi baga ako manghihinayang sa Ninive,sa malaking bayang yaon,

na mahigit sa isang daan at dalawang pung libong katao

na hindi marunong magmunimuni ng kanilang kamay

at ng kanilang kaliwang kamay;

at marami ring hayop?"

Ang mga ito ang aktuwal na sinabi ng Diyos na si Jehova,

sa pag-uusap sa pagitan Niya at ni Jonas.

Bagaman ang palitang ito ay maigsi lamang,

ito ay puno ng pagkalinga ng Manlilikha sa sangkatauhan

at ang Kanyang pag-aatubili na bitawan siya.

Ang mga salitang ito ay nagpapahayag

sa tunay na saloobin at nararamdaman ng Diyos sa Kanyang puso

para sa Kanyang nilikha,

at sa pamamagitan ng malinaw na mga salitang ito,

na madalang marinig ng tao,

ay inihayag ng Diyos ang Kanyang tunay na intensyon

para sa sangkatauhan.

Sa lahat ng oras, kasama ng tao ang Lumikha.

Lagi Siyang nangungusap sa kanila

at sa kabuuan ng lahat ng nilikha.

At araw-araw ay may bago Siyang isinasagawa.

Ipinapahayag ang Kanyang disposisyon at diwa,

na ipinararating sa pakikipag-usap Niya sa kanila.

Lubos na inihahayag ang Kanyang mga iniisip at ideya.

Oo, lubos na ipinapakita sa Kanyang mga gawa.

Mga tao sa lahat ng oras, sinasamaha't minamasdan Niya,

ibinubulong sa kanila

at sa lahat ng nilikha ang Kanyang mahihinang mga salita.

Diyos ay nasa kalangitan,

kasama ng Kanyang mga nilikha.

Patuloy na nakabantay, at naghihintay.

Katabi mo Siya.

Magiliw at malakas ang Kanyang mga kamay.

Mga yapak Niya'y magaan.

Magiliw at mahina ang tinig Niya,

Anyo Niya'y nagdaraan at pumipihit,

niyayakap ang buong sangkatauhan.

Kaibig-ibig at maginoo, ganyan ang Kanyang larawan.

Kailanma'y hindi Siya umalis na,

ni hindi Siya naglaho na.

Araw-gabi, kasama Siya ng tao.

Palagi Siyang kasama ng tao.

Tapat na damdamin at pangangalaga

na Kanyang ginugugol sa kanila,

at pagmamahal at tunay na pag-aalala

ay unti-unti nang nakita

nang Ninive ay iligtas Niya.

Ang pag-uusap, lalo na, nina Jonas at Jehova

ay lalong nagpakita sa nadamang awa ng Lumikha

para sa taong Kanya Mismong nilikha.

Malalaman mo ang taos na damdamin Niya

para sa mga tao sa pag-uusap nila.

Diyos ay nasa kalangitan,

kasama ng Kanyang mga nilikha.

Patuloy na nakabantay, at naghihintay.

Katabi mo Siya.

Magiliw at malakas ang Kanyang mga kamay.

Mga yapak Niya'y magaan.

Magiliw at mahina ang tinig Niya,

Anyo Niya'y nagdaraan at pumipihit,

niyayakap ang buong sangkatauhan.

Kaibig-ibig at maginoo, ganyan ang Kanyang larawan.

Kailanma'y hindi Siya umalis na,

ni di Siya naglaho na.

Araw-gabi, kasama Siya ng tao.

Palagi Siyang kasama ng tao.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messenger