179 Ang Totoong Kahulugan ng Salita ng Diyos ay Hindi Kailanman Nauunawaan
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos I Di alam ng mga tao kung paano matamasa takdang pagpapala nila sa mga kamay ng Diyos, dahil di nila alam ang paghihirap o pagpapala. Kaya di sila tunay sa paghangad sa Diyos. Kung walang bukas, sino sa inyo, pagtayo sa harap ng Diyos, ang magiging kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay ng jade. Tiyak na ang pag-ibig n'yo sa Diyos ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain o maipagpapalit sa magarang kasuotan o sa mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? Maipagpapalit ba ito sa pagmamahal ng iba o iiwan dahil sa mga pagsubok? Tiyak na ang kapighatian ay di magdudulot ng reklamo laban sa mga plano ng Diyos? II Walang taong tunay na nakauunawa sa espadang nasa bibig ng Diyos. Alam lang niya'y mababaw na kahulugan, hindi alam ang malalim na kahulugan. Kung tunay na nakita ng mga tao ang tunay na talim ng espada ng Diyos, magsisitakbo silang gaya ng mga daga, pabalik sa kanilang lungga. Sobrang manhid para malaman ang katotohanan ng salita ng Diyos, wala silang pahiwatig ng lakas ng mga ito, gaano hinahatulan kasamaan nila, o gaano nahahayag ang kanilang kalikasan. Batay sa hilaw na palagay sa salita ng Diyos, karamihan ay may saloobing maligamgam. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao