Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos”

1. Si Juan ay gumawa para kay Jesus sa loob ng pitong taon, at naihanda na ang daan nang si Jesus ay dumating. Bago ito, ang ebanghelyo ng kaharian ng langit na ipinangaral ni Juan ay narinig sa lahat ng dako ng bayan, kaya ito ay lumaganap sa kabuuan ng Judea, at tinawag siya ng lahat na isang propeta. Sa panahong iyon, nais ni Haring Herodes na patayin si Juan, nguni’t hindi siya nangahas, sapagka’t mataas ang pagtingin ng mga tao kay Juan, at natakot si Herodes na kapag pinatay niya si Juan sila ay mag-aalsa laban sa kanya. Ang gawaing ginawa ni Juan ay nagsimulang lumago sa gitna ng mga karaniwang tao, at ginawa niyang mananampalataya ang mga Judio. Sa loob ng pitong taon ay inihanda niya ang daan para kay Jesus, hanggang sa panahong sinimulan ni Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo. At kaya, si Juan ang pinakadakila sa lahat ng mga propeta. Sinimulan lamang ni Jesus ang Kanyang opisyal na gawain pagkatapos ng pagkakakulong ni Juan. Bago kay Juan, hindi kailanman nagkaroon ng isang propeta na naghanda ng daan para sa Diyos, sapagka’t bago kay Jesus, ang Diyos ay hindi kailanman naging tao noon. At kaya, sa lahat ng mga propeta hanggang kay Juan, siya lamang ang nag-iisang naghanda ng daan para sa Diyos na nagkatawang-tao, at sa ganitong paraan si Juan ay naging ang pinakadakilang propeta ng Luma at Bagong Tipan. Sinimulan ni Juan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang bautismo ni Jesus. Para sa mga tao, ang isinagawa niyang gawain ay tila higit sa mga sumunod na gawain ni Jesus, nguni’t siya ay, gayunpaman, isa pa rin lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, kundi sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, syempre, sa bayan ng mga Judio, lalo na sa mahihirap. Bihirang nakisalamuha si Juan sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan, ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Jesus, at maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya gagawa. Dahil mayroong propetang katulad ni Juan upang maghanda ng daan, nakapagsimula agad ang Panginoong Jesus sa Kanyang daan ng krus sa sandaling pagdating Niya. Nang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya kinailangang isagawa ang pamimili ng mga tao, at hindi Niya kinailangang personal na maghanap ng mga tao o ng lugar kung saan Siya gagawa. Hindi Siya nagsagawa ng ganoong gawain nang Siya ay dumating; inihanda na ng isang karapat-dapat na tao ang lahat bago pa Siya dumating. Natapos na ni Juan ang gawaing ito bago sinimulan ni Jesus ang Kanyang gawain, sapagka’t nang dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain, agad Siyang gumawa sa kanila na matagal nang naghihintay sa Kanya. Si Jesus ay hindi dumating upang gawin ang gawain ng tao, o ang gawain ng pagtutuwid na itinalaga sa tao. Siya ay dumating para gampanan lamang ang ministeryo na Kanyang gagampanan, at lahat ng iba pa ay walang kinalaman sa Kanya. Nang si Juan ay dumating, wala siyang ginawa kundi ang ilabas mula sa templo at sa gitna ng mga Judio ang isang grupo ng mga tumanggap sa ebanghelyo ng kaharian ng langit, upang sila ay maaaring maging mga pakay ng gawain ng Panginoong Jesus. Gumawa si Juan sa loob ng pitong taon, na ibig sabihin ay ipinalaganap niya ang ebanghelyo sa loob ng pitong taon. Sa panahon ng kanyang gawain, hindi nagsagawa si Juan ng maraming himala, dahil ang kanyang gawain ay ang ihanda ang daan, ito ang gawain ng paghahanda. Ang lahat ng ibang mga gawain, ang gawaing isasagawa ni Jesus, ay walang kaugnayan sa kanya; hiniling lang niya sa tao na ipagtapat ang kanyang mga kasalanan at magsisi, at binautismuhan ang mga tao, upang sila ay maligtas. Kahit na nagsagawa siya ng bagong gawain, at nagbukas ng daan na hindi pa kailanman nilakaran ng tao, inihanda rin lamang niya ang daan para kay Jesus. Siya ay propeta na nagsagawa lang ng gawain ng paghahanda, at walang kakayahan upang isagawa ang gawain ni Jesus. Hindi man si Jesus ang unang nangaral ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at kahit ipinagpatuloy Niya ang landas na sinimulan ni Juan, wala pa ring makagagawa ng Kanyang gawain, at ito’y higit sa gawain ni Juan. Hindi kayang ihanda ni Jesus ang sarili Niyang daan; ang Kanyang gawain ay direktang naisagawa sa ngalan ng Diyos. Kaya, gaano man karaming taong gumawa si Juan, siya ay isa pa ring propeta at isa pa ring naghanda sa daan ni Jesus. Ang tatlong taong gawain ni Jesus ay hinigitan ang pitong taon na gawain ni Juan, dahil ang diwa ng kanilang mga gawain ay hindi pareho. Nang simulang gampanan ni Jesus ang Kanyang ministeryo, na kung kailan din nagwakas ang gawain ni Juan, si Juan ay nakapaghanda na nang sapat na mga tao at mga dako para gamitin ng Panginoong Jesus, at ang mga ito ay sapat para simulan ng Panginoong Jesus ang tatlong taong gawain. At kaya, sa sandaling ang gawain ni Juan ay natapos, opisyal na sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang sariling gawain, at ang mga salitang sinabi ni Juan ay isinantabi. Iyon ay dahil sa ang gawaing ginawa ni Juan ay para lamang sa kapakanan ng pagbabagong-kalagayan at ang kanyang mga salita ay hindi mga salita ng buhay na mag-aakay sa tao sa panibagong paglago; sa bandang huli, ang kanyang mga salita ay pansamantala lamang ang paggamit.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Sa panahong iyon, ang bahagi ng gawain ni Jesus ay alinsunod sa Lumang Tipan, gayundin sa mga kautusan ni Moises at sa mga salita ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ginamit ni Jesus ang lahat ng mga ito upang isagawa ang bahagi ng Kanyang gawain. Nangaral Siya sa mga tao at tinuruan sila sa mga sinagoga, at ginamit Niya ang mga hula ng mga propeta sa Lumang Tipan upang sawayin ang mga Fariseong mayroong pagkapoot sa Kanya, at ginamit ang mga salita sa Banal na Kasulatan upang ibunyag ang kanilang pagsuway at sa gayon ay isumpa sila. Dahil kinamuhian nila ang ginawa ni Jesus; sa partikular, karamihan sa gawain ni Jesus ay hindi ayon sa mga kautusan sa Banal na Kasulatan, at, higit pa rito, ang Kanyang mga itinuro ay mas mataas kaysa sa kanilang mga sariling salita, at higit na mas mataas pa kaysa sa mga hula ng mga propeta sa Banal na Kasulatan. Ang gawain ni Jesus ay para lamang sa kapakanan ng pagtubos sa tao at ang pagpako sa krus. Kaya, hindi Niya kailangang higit pang mangusap upang malupig ang sinumang tao. Ang karamihan sa Kanyang mga itinuro sa tao ay mula sa mga salita sa Banal na Kasulatan, at kahit na ang Kanyang gawain ay hindi higit sa Banal na Kasulatan, naisagawa pa rin Niya ang gawaing pagpapapako sa krus. Ang Kanyang gawain ay hindi gawain ng salita, ni para sa kapakanan ng paglupig sa sangkatauhan, sa halip ito ay upang matubos ang sangkatauhan. Gumanap lang Siya bilang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan, at hindi gumanap bilang mapagkukunan ng mga salita para sa sangkatauhan. Hindi Niya isinagawa ang gawain ng mga Gentil, na gawain ng panlulupig sa tao, nguni’t isinagawa ang gawain ng pagpapapako sa krus, gawain na isinagawa sa mga naniniwala na mayroong Diyos. Kahit na ang Kanyang gawain ay naisakatuparan sa saligan ng Banal na Kasulatan, at ginamit Niya ang mga hula ng mga matatandang propeta upang isumpa ang mga Fariseo, ito ay sapat na upang matapos ang gawain ng pagpapapako sa krus. Kung ang gawain sa ngayon ay isinasagawa pa rin sa saligan ng mga hula ng mga matatandang propeta sa Banal na Kasulatan, kung gayon magiging mahirap na kayo ay malupig, dahil ang Lumang Tipan ay hindi naglalaman ng mga ulat ng hindi ninyo pagsunod at ng mga kasalanan ninyong mga Tsino, walang kasaysayan ng inyong mga kasalanan. At kaya, kung ang gawaing ito ay nananatili pa rin sa Biblia, hindi kayo kailanman susuko. Ang Biblia ay nagtatala lang ng limitadong kasaysayan tungkol sa mga Israelita, isang hindi kayang itakda kung kayo ay mabuti o masama, o hatulan kayo. Ipagpalagay na kayo ay hahatulan Ko ayon sa kasaysayan ng mga Israelita—Ako pa ba ay inyong susundin katulad ng inyong pagsunod ngayon? Alam niyo ba kung gaano kayo kasutil? Kung walang binitiwang mga salita sa yugtong ito, magiging imposible ang pagtapos sa gawain ng panlulupig. Dahil hindi Ako pumarito upang maipako sa krus, nararapat Akong magbitiw ng mga salita na hiwalay mula sa Biblia, upang kayo ay malupig.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Ang gawain na ginawa ni Jesus ay mas mataas lamang ng isang baitang kaysa sa Lumang Tipan; ito ay ginamit upang simulan ang isang kapanahunan, at upang pangunahan ang kapanahunang iyon. Bakit Niya sinabing, “Ako’y naparito hindi upang sirain ang batas, kundi upang ganapin”? Subali’t sa Kanyang gawain ay marami ang naiiba mula sa mga batas na isinagawa at ang mga utos na sinunod ng mga Israelita ng Lumang Tipan, sapagka’t hindi Siya dumating upang sumunod sa batas, nguni’t para tuparin ito. Kasama sa proseso ng pagtupad nito ang maraming totoong mga bagay: Ang Kanyang gawain ay higit na praktikal at totoo, at, bukod pa roon, ito ay buhay, at hindi ang bulag na pagsunod sa doktrina. Hindi ba pinanatili ng mga Israelita ang Sabbath? Nang si Jesus ay dumating hindi Siya sumunod sa Sabbath, sapagka’t Kanyang sinabi na ang Anak ng tao ay ang Panginoon ng Sabbath, at kapag ang Panginoon ng Sabbath ay dumating, gagawin Niya ang gusto Niya. Siya ay dumating upang tuparin ang mga batas ng Lumang Tipan at upang baguhin ang mga batas. Ang lahat ng naisasagawa ngayon ay batay sa kasalukuyan, nguni’t ito pa rin ay umaasa sa saligan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, at hindi lumalabag sa saklaw na ito. Ang bantayan ang inyong mga dila, at ang hindi pangangalunya, halimbawa—hindi ba’t ang mga ito ang mga kautusan ng Lumang Tipan? Ngayon, ang mga hinihingi sa inyo ay hindi lang limitado sa Sampung Utos, nguni’t binubuo ng mga utos at batas na may mas mataas na order kaysa sa mga nauna, nguni’t hindi ito nangangahulugan na nabuwag na yaong mga nauna, dahil ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay isinasagawa sa saligan ng yugto na dumating bago ito. Tungkol naman sa pinasimulan ni Jehova sa Israel, kagaya ng pag-utos sa mga tao na mag-alay ng sakripisyo, igalang ang kanilang mga magulang, huwag sumamba sa mga diyos-diyosan, huwag manakit o sumumpa ng kapwa, huwag makiapid, huwag manigarilyo o uminom, at huwag kumain ng mga patay na bagay o uminom ng dugo: hindi ba ito ang bumubuo ng saligan sa inyong pagsasagawa maging sa kasalukuyan? Sa saligan ng nakaraan na ang gawain ay naipapatupad hanggang sa kasalukuyan. Bagama’t ang mga batas ng nakaraan ay hindi na binabanggit, at may mga bagong kahilingan na ginawa sa iyo, ang mga batas na ito, malayo sa pagkakaalis, ay sa halip naitaas sa mas mataas na katayuan. Ang sabihin na ang mga ito ay naalis na ay nangangahulugan na ang nakaraang kapanahunan ay lipas na sa panahon, samantalang mayroong ilang mga utos na dapat ninyong igalang magpakailanman. Ang mga utos noong nakaraan ay isinagawa na, naging katauhan na ng tao, at hindi na kinakailangang ulit-ulitin ang mga utos na huwag manigarilyo, huwag uminom, at iba pa. Sa saligang ito, inilatag ang mga bagong utos alinsunod sa inyong mga pangangailangan sa kasalukuyan, alinsunod sa inyong tayog, at alinsunod sa gawain ng kasalukuyan. Ang pagtatakda ng mga kautusan para sa bagong kapanahunan ay hindi nangangahulugan ng pag-alis sa mga utos ng dating kapanahunan, nguni’t higit pang pagpapataas sa saligang ito, upang maging mas kumpleto ang mga pagkilos ng tao, at higit na nakaayon sa realidad. Kung, ngayon, ay kailangan lamang ninyo na sumunod sa mga utos at manahan sa mga kautusan ng Lumang Tipan, sa parehong paraan tulad ng mga Israelita, at kung, kahit, kailangan ninyong maisaulo ang mga kautusan na ibinigay ni Jehova, walang posibilidad na maaari kayong magbago. Kung kayo ay susunod lang sa yaong mga kakaunting utos o magsasaulo ng hindi mabilang na mga kautusan, ang inyong lumang kalikasan ay mananatiling nakatanim nang malalim, at walang magiging paraan upang ito ay bunutin. Kung gayon kayo ay higit pang magiging masama, at walang sinuman sa inyo ang magiging masunurin. Ibig sabihin na walang kakayahan ang ilang payak na mga utos o hindi mabilang na mga kautusan upang kayo ay tulungang malaman ang mga gawain ni Jehova. Hindi kayo katulad ng mga Israelita: Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at pagsasaulo ng mga utos, nasaksihan nila ang mga gawain ni Jehova, at inalay lamang ang kanilang debosyon sa Kanya, nguni’t hindi ninyo ito makakamit, at ang ilang utos sa kapanahunan ng Lumang Tipan ay walang kakayahan upang kayo ay mahikayat na ibigay ang inyong mga puso, o na protektahan kayo, nguni’t sa halip ay gagawin kayong pabaya, at kayo ay ibababa sa Hades. Sapagka’t ang Aking gawain ay ang gawain ng panlulupig, at nakatutok sa inyong hindi pagsunod at lumang kalikasan. Ang mga mabubuting salita ni Jehova at ni Jesus ay malayo sa mga matitinding salita ng paghatol ngayon. Kung wala ang mga matitinding salitang iyon, magiging imposible na malupig kayong mga “dalubhasa,” na hindi sumusunod sa loob ng libu-libong taon. Matagal nang nawala ang kapangyarihan sa inyo ng mga kautusan ng Lumang Tipan, at sobrang bigat ng paghatol ng kasalukuyan kaysa sa mga lumang kautusan. Ang pinakaangkop sa inyo ay ang paghatol, at hindi ang mababaw na mga paghihigpit ng mga kautusan, dahil hindi kayo ang sangkatauhan ng pinakaunang panahon, sa halip ay ang sangkatauhan na naging tiwali sa loob ng libu-libong taon. Ang nararapat na makamit ng tao ngayon ay ayon sa tunay na kalagayan ng tao sa kasalukuyan, ayon sa kakayahan at talagang tayog ng tao sa kasalukuyan, at hindi kinakailangan na iyong sundin ang doktrina. Ito ay upang makamit ang mga pagbabago sa iyong lumang kalikasan, at upang maisantabi mo ang iyong mga pagkaintindi.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni’t sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa. Sa panahong iyon, si Jesus ay gumawa ng maraming gawain na mahirap maintindihan ng Kanyang mga disipulo, at nagsabi ng marami na hindi naunawaan ng mga tao. Ito ay dahil, sa panahong iyon, hindi Siya nagbigay ng paliwanag. Kaya, maraming taon pagkatapos Niyang umalis, nilikha ni Mateo ang Kanyang talaangkanan, at gumawa rin ang iba ng maraming gawain na naayon sa kalooban ng tao. Hindi pumarito si Jesus upang gawing perpekto at makamit ang tao, kundi upang magsagawa ng isang yugto ng gawain: dinadala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at tinatapos ang gawain ng pagpapapako sa krus—at kapag naipako na sa krus si Jesus, ang Kanyang gawain ay lubos nang naisakatuparan. Nguni’t sa kasalukuyang yugto—ang gawain ng panlulupig—mas maraming salita ang dapat ipahayag, mas maraming gawain ang dapat isagawa, at nararapat magkaroon ng maraming paraan. Kaya nararapat ding mabunyag ang mga hiwaga ng gawain nina Jesus at Jehova, nang sa gayon ay maaaring magkaroon ang lahat ng tao ng pang-unawa at kalinawan sa kanilang paniniwala, dahil ito ang gawain ng mga huling araw, at ang mga huling araw ay ang katapusan ng gawain ng Diyos, ang panahon ng konklusyon ng gawaing ito. Liliwanagin para sa iyo ng yugto ng gawain na ito ang kautusan ni Jehova at ang pagtubos ni Jesus, at ito’y pangunahin upang maunawaan mo ang buong gawain ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan at diwa nitong anim na libong taong plano ng pamamahala, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ang mga salitang Kanyang sinabi, at gayundin ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa Biblia. Lahat ng ito’y hahayaan kang makaunawa. Magagawa mong maunawaan pareho ang gawain na ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan. Sa yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus, bakit umalis si Jesus nang hindi tinatapos ang gawain ng Diyos? Dahil ang yugto ng gawain ni Jesus ay hindi ang gawaing konklusyon. Nang Siya ay ipinako sa krus, ang Kanyang mga salita ay natapos din; matapos ang pagpapapako Niya sa krus, ang Kanyang gawain ay nagwakas nang ganap. Ang kasalukuyang yugto ay iba: Tanging pagkatapos mabitawan ang mga salita hanggang sa katapusan at magwakas ang buong gawain ng Diyos ay doon lang matatapos ang Kanyang gawain. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maraming salita ang nanatiling hindi nahayag, o hindi nahayag nang buong linaw. Nguni’t walang pakialam si Jesus sa Kanyang mga hindi sinabi o ginawa, dahil ang Kanyang ministeryo ay hindi ang ministeryo ng mga salita, kaya matapos Siyang ipako sa krus, Siya ay lumisan. Ang yugtong iyon ng gawain ay una sa lahat para sa kapakanan ng pagpapapako sa krus, at hindi katulad ng yugto ngayon. Ang yugto ng gawain na ito ay pangunahin para sa kapakanan ng pagtapos, pagliliwanag at ng paghahatid ng lahat ng gawain sa isang konklusyon. Kung hindi binibitawan ang mga salita hanggang sa kahuli-hulihan, walang magiging paraan upang matapos ang gawaing ito, dahil sa yugto ng gawain na ito ang lahat ng gawain ay naihahatid sa isang katapusan at natapos sa pamamagitan ng mga salita. Sa panahong iyon, nagsagawa si Jesus ng maraming gawain na hindi naunawaan ng tao. Siya ay tahimik na lumisan, at ngayon marami pa rin ang hindi nakauunawa sa Kanyang mga salita, mali ang kanilang mga pang-unawa nguni’t sila pa rin ay naniniwala na ang mga ito ay tama, hindi alam nagkakamali sila. Sa huli, ang kasalukuyang yugtong ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at magbibigay ng konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano ng pamamahala ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang mga layunin, ang kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina Jehova at Jesus, ang kanyang mga pananaw ukol sa mga Gentil, at ang kanyang iba pang mga paglihis at mga kamalian ay itatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay matatapos na.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, kung gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinakalubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, na siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang mga pagkaintindi ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon tiyak na kinakalaban nila Siya. Bakit sinalungat at kinalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga Fariseo? Bakit pinagtaksilan ni Judas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling nabuhay, ay hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagkamasuwayin ng tao? Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig, sila ay magiging isang modelo at halimbawa at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamakatuwiran, pagtutol, at ang pagiging-mapanghimagsik. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang katayuan, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusuri sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kung maisasakatuparan ang hakbang ng gawain na ito, kung gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang hakbang ng gawain na ito, makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay darating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakilos Ko kayo bilang huwaran at uliran. Ang pagkasuwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan. Sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya, sila ay itinuturing na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay nalupig na sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Wala nang mas higit pang makabuluhan kaysa sa unang yugto na isinasagawa sa Israel: Ang mga Israelita ang pinakabanal at pinaka-hindi tiwali sa lahat ng tao, kaya’t ang bukang-liwayway ng bagong panahon sa lugar na ito ay nagtaglay ng higit na kahalagahan. Maaaring sabihin na ang mga ninuno ng sangkatauhan ay nagmula sa Israel, at ang Israel ang lugar ng kapanganakan ng gawain ng Diyos. Sa simula, ang mga taong ito ang pinakabanal, at lahat sila ay sumamba kay Jehova, at nagbunga ng pinakamagandang resulta ang gawain ng Diyos sa kanila. Nakatala sa kabuuan ng Biblia ang gawain ng dalawang kapanahunan: Ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang isa ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Nakatala sa Lumang Tipan ang mga salita ni Jehova sa mga Israelita at ang Kanyang gawain sa Israel; nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa Judea. Nguni’t bakit ang Biblia ay hindi naglalaman ng anumang mga pangalang Tsino? Sapagkat ang unang dalawang bahagi ng gawain ng Diyos ay ipinatupad sa Israel, sapagkat ang mga tao ng Israel ay ang mga pinili—ibig sabihin na sila ang unang tumanggap sa gawain ni Jehova. Sila ang pinaka-hindi tiwali sa lahat ng sangkatauhan, at sa simula, sila ay nasa pag-iisip na mataas ang pagtingin sa Diyos at gumagalang sa Kanya. Sinunod nila ang mga salita ni Jehova, at patuloy na nagsilbi sa templo, at nagdamit ng mga kasuotang pang-pari o mga korona. Sila ang mga pinakaunang tao na sumamba sa Diyos, at ang mga pinakaunang pakay ng Kanyang gawain. Ang mga taong ito ay mga uliran at huwaran para sa buong sangkatauhan. Sila ay mga uliran at huwaran ng kabanalan at katuwiran. Ang mga taong katulad nina Job, Abraham, Lot, o Pedro at Timoteo—silang lahat ay mga Israelita, at ang mga pinakabanal sa mga huwaran at uliran. Ang Israel ang pinakaunang bansa sa sangkatauhan na sumamba sa Diyos, at mas maraming matuwid na tao ang nagmula rito kaysa sa ibang lugar. Kumilos ang Diyos sa kanila upang mas mapapamahalaan Niya nang maayos ang sangkatauhan sa lahat ng dako ng lupa sa hinaharap. Ang kanilang mga nagawa at ang katuwiran ng kanilang pagsamba kay Jehova ay nakatala, upang sila ay makakapagsilbi bilang mga uliran at huwaran sa mga tao sa labas ng Israel sa Kapanahunan ng Biyaya; at ang kanilang mga kilos ay pinagtibay sa loob ng ilang libong taon ng gawain, magpahanggang sa kasalukuyan.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalan ni Jehova ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniwala sa Kanya ay inilahad para kay Jesucristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Jesucristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Kaya sa kasalukuyan, kinakain at iniinom pa rin ng mga tao ang mga salita ni Jehova, at ikinakapit pa rin ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan—hindi mo ba bulag na sinusunod ang patakaran? Hindi ka ba naiipit sa nakaraan? Sa kasalukuyan, nababatid ninyo na ang mga huling araw ay dumating na. Kapag si Jesus ay dumating, tatawagin pa rin ba Siyang Jesus? Sinabi ni Jehova sa mga tao ng Israel na ang isang Mesiyas ay darating, nguni’t nang Siya ay dumating, hindi Siya tinawag na Mesiyas kundi Jesus. Sinabi ni Jesus na Siya ay muling darating, at na Siya ay darating kagaya nang sa Siya ay umalis. Ang mga ito ay mga salita ni Jesus, nguni’t nasaksihan mo bang umalis si Jesus? Kaya si Jesus ay umalis sa isang puting ulap nguni’t personal ba Siyang babalik sa gitna ng tao sa isang puting ulap? Kung magkagayon, hindi ba Siya tatawagin pa ring Jesus? Kapag muling dumating si Jesus, ay nagbago na rin ang kapanahunan, gayon maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Kilala lamang ba ang Diyos sa pangalan ni Jesus? Hindi ba Siya maaaring tawagin ng bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang anyo ng isang tao at ang isang tanging pangalan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehova at si Jesus, nguni’t Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang ganap na makakatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito man ay kapanahunan ni Jehova, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Pagkatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na at pumarito na si Jesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Jesus? Paano Niya nakakaya pang magkatawan sa anyo ni Jesus sa gitna ng tao? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay isa lang imahe ng Nazareno? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao sa mga huling araw?

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Sa tuwing darating ang Diyos sa lupa, babaguhin Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang kanyang anyo, at ang Kanyang gawain; hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain, at lagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa Kanyang pagdating noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin ba Siyang tawaging Jesus kapag bumalik Siya sa pagkakataong ito? Nang dumating Siya noon, Siya ay isang lalaki; maaari pa rin ba Siyang maging lalaki sa pagkakataong ito? Ang Kanyang gawain nang Siya ay pumarito noong Kapanahunan ng Biyaya ay maipako sa krus; kung Siya’y muling dumating, muli ba Niyang tutubusin ang sangkatauhan sa kasalanan? Ipapako pa rin ba Siya sa krus? Hindi ba’t iyon ay pag-uulit lamang ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma? Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, nguni’t ito ay tumutukoy sa di-nababagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, nguni’t alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, kung gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito ang kaso na ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting ibinubunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Nguni’t hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas at partikular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus. Isang tanda ito na ang gawain ng Diyos ay laging patuloy ang pag-unlad nang pasulong.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay mananatiling si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kamahalan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subali’t, ang Kanyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging mas lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan Siya’y nagsasagawa ng mga bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng Kanyang mga nilalang ang bago Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon. Kung hindi makikita ng mga tao ang paghahayag ng bagong disposisyon ng Diyos sa bagong kapanahunan, hindi ba nila ipapako Siya magpakailanman sa krus? At sa paggawa nito, hindi ba’t binibigyang kahulugan nila ang Diyos?

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Sa panghuli Niyang gawain ng pagwawakas sa kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na inihahayag Niya sa lahat ng masama, upang hayagang hatulan ang lahat ng tao, at gawing perpekto yaong mga tunay na nagmamahal nang tapat sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lamang ang makapagwawakas sa kapanahunang ito. Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay isasaayos ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang likas na katangian. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kahihinatnan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kasamaan. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at buong sangkatauhan ay isasaayos ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sumasailalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, yaong una sa lahat ay pinagsama-sama sa pagkastigo at paghatol, at inihahayag sa mga huling araw, ang lubos na mababago at magagawang ganap ang tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay mapaparusahan nang matindi ang lahat ng makasalanan. Samakatuwid, ang disposisyong tulad nito ay puno ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pahayag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang kalalabasan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa matuwid na paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang matuwid na paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatwirang pasiya? Sa mga huling araw, ang matuwid na paghatol lamang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa ganitong paraan, ang buong kapanahunan ay magwawakas sa pamamagitan ng matuwid na disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagkawasak upang matapos na ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? Upang mawakasan ang kapanahunan, dapat dalhin ng Diyos ang pagkastigo at paghatol kasama Niya. Tanging sa ganitong paraan na mawawakasan Niya ang kapanahunan. Ang layunin ni Jesus ay upang magpatuloy ang tao sa pag-iral, pamumuhay, at ang umiral sa mas maayos na paraan. Iniligtas Niya ang tao mula sa kasalanan nang sa gayon ay tumigil ang tao sa paglusong sa kasamaan at hindi na mamuhay pa sa Hades at impyerno, at sa pagligtas sa tao mula sa Hades at impyerno, hinayaan Niyang magpatuloy na mabuhay ang tao. Ngayon, ang mga huling araw ay dumating na. Lilipulin Niya ang tao at wawasakin nang lubusan ang sangkatauhan, na nangangahulugang babaguhin Niya ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Sa gayon, magiging imposible, sa mahabagin at mapagmahal na disposisyon sa nakaraan, na wakasan ng Diyos ang kapanahunan o maisakatuparan ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Ang bawat kapanahunan ay nagtatampok ng natatanging pagkatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang bawat kapanahunan ay naglalaman ng mga gawain na nararapat isagawa ng Diyos. Kaya, ang gawaing ginawa ng Diyos Mismo sa bawat kapanahunan ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay parehong nagbabago kasabay ng kapanahunan; ang lahat ng ito ay bago. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova, at ang unang yugto ng gawain ay isinagawa sa lupa. Ang gawain sa yugtong ito ay upang magtatag ng mga templo at dambana, at upang gamitin ang kautusan upang gabayan ang mga tao sa Israel at gumawa sa kalagitnaan nila. Sa pamamagitan ng paggabay sa mga tao sa Israel, Siya ay naglunsad ng himpilan para sa Kanyang gawain sa lupa. Sa himpilang ito, pinalawak Niya ang Kanyang gawain lampas ng Israel, samakatuwid, mula sa Israel, pinalawak Niya ang Kanyang gawain palabas, nang sa gayon ang mga susunod na salinlahi ay unti-unting nalaman na si Jehova ay ang Diyos, at na nilikha ni Jehova ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay, nilikha ang lahat ng nilalang. Ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain sa mga tao sa Israel. Ang lupain ng Israel ang pinakaunang banal na lugar ng mga gawain ni Jehova sa lupa, at ang mga unang gawain ng Diyos sa lupa ay sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Iyon ang mga gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ang Diyos na nagligtas sa tao. Kung ano Siya at kung ano ang Kanyang taglay ay biyaya, pag-ibig, awa, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pag-aalaga, at pagpaparaya, at napakarami sa mga gawaing Kanyang isinagawa ay para sa kapakanan ng pagtubos sa tao. At para sa Kanyang disposisyon, ito ay isang may awa at pagmamahal, at dahil Siya ay maawain at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para sa tao, nang sa gayon ay maipakita Niya na mahal ng Diyos ang tao gaya ng Kanyang sarili, sa lawak na inialay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang kabuuan. Sinabi ni Satanas, “Yamang iniibig Mo ang tao, dapat Mo siyang ibigin hanggang sa pinakasukdulan: dapat Kang maipako sa krus, upang iligtas ang tao mula sa krus, mula sa kasalanan, at ihahandog Mo ang Iyong Sarili kapalit ng buong sangkatauhan.” Ginawa ni Satanas ang sumusunod na pusta: “Yamang Ikaw ay isang maibigin at mahabaging Diyos, dapat Mong ibigin ang tao hanggang sa pinakasukdulan: dapat Mong ihandog ang Iyong Sarili sa krus.” Sinabi ni Jesus, “Hangga’t ito ay para sa sangkatauhan, kung gayon Ako ay nakahanda na isuko ang lahat sa Akin.” Pagkatapos nito, Siya ay umakyat sa krus nang wala ni katiting na pag-aatubili sa sarili at tinubos ang buong sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus, na nangangahulugan na ang Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa tao, at Siya ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Kasama ng tao ang Diyos. Ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang awa, at ang Kanyang pagliligtas ay naging kapiling ng bawat tao. Ang tao ay maaari lang magkamit ng kapayapaan at kagalakan, makatanggap ng Kanyang pagpapala, makatanggap ng Kanyang marami at malawak na biyaya, at matanggap ang Kanyang pagliligtas kung tinanggap ng tao ang Kanyang pangalan at tinanggap ang Kanyang presensiya. Sa pamamagitan ng pagkakapako ni Jesus sa krus, ang siyang mga sumunod sa Kanya ay nakatanggap ng pagliligtas at pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Sa madaling salita, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isinagawa una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay tinawag na Jesus. Gumawa Siya ng gawain na higit pa sa Lumang Tipan, at ang Kanyang gawain ay natapos sa pagpapapako sa krus, at iyon ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ni Jesus ay kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat, na gumagamit sa Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang kapanahunan. Sa bawat kapanahunan, sa bawat yugto ng Kanyang gawain, ang disposisyon ng Diyos ay kapansin-pansin.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Sa pasimula, ang paggabay sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan ay kagaya ng paggabay sa buhay ng isang bata. Ang pinakaunang sangkatauhan ay bagong silang kay Jehova, na siyang mga Israelita. Hindi nila naunawaan kung paano igalang ang Diyos o mabuhay sa lupa. Iyon ay upang sabihin, nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay, nilikha Niya si Adan at Eva, nguni’t hindi Niya sila binigyan ng mga kaisipan upang maunawaan kung paano igalang si Jehova o kung paano sundin ang mga batas ni Jehova sa lupa. Kung wala ang tuwirang paggabay ni Jehova, walang sinuman ang makaaalam nito nang tuwiran, sapagka’t sa pasimula hindi tinaglay ng tao ang gayong mga kaisipan. Alam lamang ng mga tao na si Jehova ay Diyos, at hindi nagkaroon ng ideya kung paano Siya igalang, kung ano ang gagawin upang Siya ay igalang, sa kung anong kaisipan Siya igagalang, at kung ano ang ihahandog sa paggalang sa Kanya. Alam lamang ng mga tao kung paano tamasahin yaong maaaring tamasahin sa gitna ng lahat ng mga bagay na nilikha ni Jehova. Walang kamalayan ang tao sa kung anong uri ng buhay sa lupa ang naaangkop sa isang nilalang ng Diyos. Kung walang mga tagubilin, walang sinuman na gagabay sa kanila nang personal, ang gayong sangkatauhan ay hindi kailanman maaaring humantong sa isang tamang buhay, at mabibihag lamang nang palihim ni Satanas. Nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay upang sabihin na nilikha Niya ang mga ninuno ng sangkatauhan: Si Eva at Adan. Nguni’t hindi Niya ipinagkaloob sa kanila ang karagdagang talino at karunungan. Bagama’t sila ay naninirahan na sa lupa, halos wala silang anumang nauunawaan. At kaya, ang gawain ni Jehova sa paglikha sa sangkatauhan ay nangalahati lamang. Hindi ito tapos sa anumang paraan. Hinubog lamang Niya ang isang modelo ng tao mula sa putik at binigyan Niya ito ng hininga, nguni’t hindi ipinagkaloob sa tao ang sapat na kahandaan upang igalang Siya. Sa pasimula, ang tao ay walang balak na igalang Siya, o matakot sa Kanya. Ang alam lamang ng tao ay ang makinig sa Kanyang mga salita nguni’t mangmang sa pangunahing kaalaman para sa buhay sa lupa at sa mga wastong patakaran sa buhay. At kaya, bagama’t nilikha ni Jehova ang lalaki at babae at tinapos ang pitong araw ng proyekto, hindi Niya natapos likhain ang tao sa anumang paraan, sapagka’t ang tao ay isa lamang ipa, at walang realidad ng pagiging tao. Ang alam lamang ng tao ay si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, nguni’t walang kamalayan ang tao kung paano sumunod sa mga salita at mga batas ni Jehova. At kaya, pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan, ang gawain ni Jehova ay matagal pa bago magtapos. Kinailangan pa Niyang lubusang gabayan ang sangkatauhan na lumapit sa harap Niya, upang magawa nilang mamuhay nang magkakasama sa lupa at igalang Siya, at upang magawa nila, sa tulong ng Kanyang paggabay, na makapasok sa tamang landas ng isang normal na buhay ng tao sa lupa. Sa gayon lamang ganap na nabuo ang gawain na pangunahing isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova; iyon ay, sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova sa paglikha sa mundo. At kaya, yamang nilikha Niya ang sangkatauhan, kinailangan Niyang gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa sa loob ng ilang libong taon, upang magawang sumunod ng sangkatauhan sa Kanyang mga kautusan at mga batas, at makibahagi sa lahat ng gawain ng isang normal na buhay ng tao sa lupa. Sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova. Sinimulan Niya ang gawaing ito matapos Niyang likhain ang sangkatauhan, at ang kanyang gawain ay nagpatuloy hanggang sa panahon ni Jacob, nang ang labindalawang anak na lalaki ni Jacob ay naging labindalawang lipi ng Israel. Mula sa panahong iyon pasulong, ang bawat isa sa Israel ay naging mga tao na pinangunahan Niya nang opisyal sa lupa, at ang Israel ang naging partikular na lugar sa lupa kung saan Niya ginawa ang Kanyang gawain. Ginawa ni Jehova ang mga taong ito na unang grupo ng mga tao kung kanino Niya ginawa ang kanyang opisyal na gawain sa lupa, at ginawang panimulang punto ang kabuuang bayan ng Israel para sa Kanyang gawain. Ginamit Niya sila bilang panimula ng lalong higit na dakilang gawain, upang malaman ng lahat ng mga taong isinilang mula sa Kanya sa lupa kung paano Siya igalang at mabuhay sa lupa. At kaya, ang mga gawa ng mga Israelita ay naging isang halimbawa para sundan ng mga Gentil, at kung ano ang sinabi sa kalipunan ng mga tao sa Israel ay naging mga salita na diringgin ng mga Gentil. Sapagka’t sila ang unang nakatanggap sa mga batas at mga utos ni Jehova, at sila rin ang unang nakaalam kung paano igalang ang mga pamamaraan ni Jehova. Sila ang mga ninunong tao na nakaalam sa mga pamamaraan ni Jehova, at mga kinatawan ng sangkatauhan na pinili ni Jehova. Nang ang Kapanahunan ng Biyaya ay dumating, hindi na ginabayan ni Jehova ang tao sa ganitong paraan. Ang tao ay nagkasala at iniwan ang sarili niya sa kasalanan, at Kaya sinimulan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Sa ganitong paraan, sinisi Niya ang tao hanggang sa ang tao ay ganap nang maligtas mula sa kasalanan. Sa mga huling araw, ang tao ay lumubog na sa gayon katinding kasamaan na ang gawain sa yugtong ito ay maipatutupad lamang sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo. Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang gawain. Ito ang naging gawain sa ilang mga kapanahunan. Kaakibat ng gayong gawain ang paggamit sa pangalan ng Diyos, ang gawain ng Diyos, at ang iba’t ibang mga larawan ng Diyos, upang hatiin at ilipat ang mga kapanahunan. Kinakatawan ng pangalan ng Diyos at ng Kanyang gawain ang Kanyang kapanahunan at kinakatawan ang Kanyang gawain sa bawat kapanahunan.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Ang pangalang Jesus ba—“Diyos kasama natin”—ay maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos? Maaari ba nitong malinaw na maipaliwanag ang Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ang mga salitang iyon ay talagang kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Jesus, Diyos kasama natin, ay maaaring kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring tawagin sa iba’t ibang pangalan ang Diyos, nguni’t sa mga pangalang ito, walang kahit isa ang makakayang lumagom sa lahat ng mayroon ang Diyos, walang kahit isa na maaaring lubos na kumatawan sa Diyos. At kaya, maraming pangalan ang Diyos, nguni’t ang mga pangalang ito ay hindi maaaring ganap na maihayag ang disposisyon ng Diyos, dahil ang disposisyon ng Diyos ay napakamasagana at lumalampas sa karunungan ng tao. Ang wika ng tao ay walang kakayahan na ganap na mabuod ang Diyos. Ang tao ay mayroong limitadong talasalitaan kung saan ay maibubuod ang lahat ng kanyang nalalaman ukol sa disposisyon ng Diyos: dakila, kagalang-galang, mahiwaga, hindi maarok, pinakamataas, banal, matuwid, marunong, at marami pang iba. Masyadong maraming mga salita! Ang gayong kalimitadong talasalitaan ay walang kakayahan na mailarawan kung gaano kaliit ang nasaksihan ng tao ukol sa disposisyon ng Diyos. Kinalaunan, maraming mga tao ang nagdagdag ng mga salita upang mas mahusay na mailarawan ang sigasig sa kanilang mga puso: Ang Diyos ay napakadakila! Ang Diyos ay napakabanal! Ang Diyos ay totoong kaibig-ibig! Sa kasalukuyan, ang mga kasabihang kagaya ng mga ito ay nakaabot sa kanilang sukdulan, nguni’t ang tao ay wala pa ring kakayahan na malinaw na maipahayag ang sarili niya. At kaya, para sa tao, ang Diyos ay mayroong maraming mga pangalan, nguni’t wala Siyang isang pangalan, at iyon ay sapagka’t ang pagiging Diyos ay masyadong masagana, at ang wika ng tao ay masyadong hindi sapat. Ang isang tukoy na salita o pangalan ay walang kakayahan upang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya maaari ba Siyang gumamit ng iisang permanenteng pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal, kaya bakit hindi mo Siya hinahayaang magpalit ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Sa bawat kapanahunan na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng isang pangalan na naaangkop sa kapanahunan upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ginagamit Niya ang tukoy na pangalang ito, ang isang nagtataglay ng pansamantalang kahalagahan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyon. Ito ang paggamit ng Diyos ng wika ng tao upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Gayunpaman, maraming tao na nagkaroon ng mga karanasang espirituwal at personal na nakita ang Diyos ang nakakaramdam pa rin na ang partikular na pangalan na ito ay walang kakayanang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—sa kasamaang palad, hindi ito maiiwasan—kaya hindi na tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, nguni’t basta lamang tinatawag Siya na “Diyos.” Ang puso ng tao ay parang puno ng pag-ibig, nguni’t mukhang naliligid din ito ng mga pagkakasalungatan, dahil hindi alam ng tao kung paanong ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay napakasagana, talagang walang paraan ng paglalarawan dito. Walang nag-iisang pangalan na kayang ibuod ang disposisyon ng Diyos, at walang nag-iisang pangalan na kayang maglarawan ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kung may magtatanong sa Akin, “Ano ba talaga ang pangalang ginagamit Mo?” Sasabihin Ko sa kanila, “ang Diyos ay Diyos!” Hindi ba iyan ang pinakamainam na pangalan para sa Diyos? Hindi ba iyan ang pinakamainam na paglagom sa disposisyon ng Diyos? Kaya bakit kayo gumugugol ng napakatinding pagsisikap sa paghahanap sa pangalan ng Diyos? Bakit nag-iisip nang napakatindi, hindi kumakain at natutulog, para lamang sa isang pangalan? Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tatawaging Jehova, Jesus, o ang Tagapagligtas—Siya ay tatawagin lamang na Manlilikha. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga pangalan na Kanyang ginamit sa lupa ay magtatapos, dahil ang Kanyang gawain sa lupa ay matatapos na rin, pagtapos nito, hindi na Siya magkakaroon ng pangalan. Kapag ang lahat ng tao ay sumailalim sa dominyon ng Manlilikha, bakit Siya tatawagin sa labis na naaangkop nguni’t hindi ganap na pangalan? Hinahanap mo pa rin ba ang pangalan ng Diyos ngayon? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jehova? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jesus? Makakaya mo bang matiis ang kasalanan ng kalapastanganan sa Diyos? Nararapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at kailangang pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anuman ang tawag sa Kanya, hindi ba’t ito ay Kanyang pinili nang malaya? Kailangan ka ba Niya, isang nilalang, upang pagpasyahan ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay ayon sa kung ano ang nauunawaan ng tao at ang wika ng tao, nguni’t ang pangalang ito ay di kayang lagumin ng tao. Maaari mo lang sabihin na mayroong Diyos sa langit, at Siya ay tinatawag na Diyos, at Siya ang Diyos Mismo na makapangyarihan, labis na matalino, labis na mataas, labis na kamangha-mangha, labis na mahiwaga, labis na makapangyarihan, at wala ka nang masasabi pang iba; iyon lang ang inyong nalalaman. Sa paraang ito, maaari bang kumatawan ang pangalan ni Jesus sa Diyos Mismo? Kapag dumating na ang mga huling araw, kahit na ang Diyos pa rin ang nagsasagawa ng Kanyang gawain, kailangang magbago ang Kanyang pangalan, dahil ito ay panibagong panahon na.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Nang dumating si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, ito ay sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu; ginawa Niya ang kagustuhan ng Banal na Espiritu, at ito ay hindi ayon sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan o ayon sa gawain ni Jehova. Bagama’t ang gawain na isinagawa ni Jesus ay hindi para sa pagsunod sa mga batas ni Jehova o sa mga kautusan Niya, ang Kanilang pinagmulan ay iisa at pareho lang. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay kumatawan sa pangalan ni Jesus, at kumatawan ito sa Kapanahunan ng Biyaya; para sa gawain na isinagawa ni Jehova, ito ay kumatawan kay Jehova, at kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Kanilang gawain ay gawain ng isang Espiritu sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay maaari lang kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain na isinagawa ni Jehova ay maaari lang kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Ginabayan lang ni Jehova ang mga tao sa Israel at Ehipto, at lahat ng mga bansa sa labas ng Israel. Ang gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya sa Bagong Tipan ay gawain ng Diyos sa ilalim ng pangalan ni Jesus habang Kanyang ginagabayan ang panahon. Kung sinasabi mo na ang gawain ni Jesus ay batay sa gawain ni Jehova, na hindi Siya nagsagawa ng anumang bagong gawain, at ang lahat ng Kanyang ginawa ay ayon lang sa mga salita ni Jehova, ayon sa gawain ni Jehova at mga hula ni Isaias, kung gayon si Jesus ay hindi ang Diyos na naging tao. Kung isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa paraang ito, isa Siya sanang apostol o isang manggagawa ng Kapanahunan ng Kautusan. Kung katulad ito ng iyong sinasabi, hindi sana nagbukas ng isang kapanahunan si Jesus, ni hindi Siya sana nakapagsagawa ng kahit anong ibang gawain. Sa parehong paraan, ang Banal na Espiritu ay kailangan paunang isagawa ang Kanyang gawain sa pamamagitan ni Jehova, at maliban sa pamamagitan ni Jehova ang Banal na Espiritu ay hindi sana nagsagawa ng anumang bagong gawain. Mali para sa tao na unawain ang gawain ni Jesus sa ganitong paraan. Kung naniniwala ang tao na ang gawaing isinagawa ni Jesus ay ayon sa mga salita ni Jehova at mga hula ni Isaias, kung gayon, si Jesus ba ang Diyos na nagkatawang-tao, o isa ba Siya sa mga propeta? Ayon sa pananaw na ito, wala ang Kapanahunan ng Biyaya, at hindi si Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil ang gawain na Kanyang isinagawa ay hindi maaaring kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya at maaaring kumatawan lang sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Nagkaroon lamang ng bagong kapanahunan noong pumarito si Jesus upang gumawa ng bagong gawain, upang maglunsad ng isang bagong kapanahunan, upang isulong ang gawain na isinagawa noon sa Israel, at upang isagawa ang Kanyang gawain hindi ayon sa gawaing isinagawa ni Jehova sa Israel, o sa luma Niyang mga tuntunin, o sa pagsunod sa anumang mga tuntunin, kundi upang isagawa ang bagong gawain na dapat Niyang gawin. Ang Diyos Mismo ay pumaparito upang buksan ang isang bagong kapanahunan, at pumaparito ang Diyos Mismo upang wakasan ang kapanahunan. Walang kakayahan ang tao na isagawa ang gawain ng pagsisimula ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isang kapanahunan. Kung hindi dinala ni Jesus sa pagtatapos ang gawain ni Jehova pagkatapos Niyang dumating, ito ay magpapatunay na Siya ay tao lamang, at walang kakayanang kumatawan sa Diyos. Tiyak na dahil pumarito si Jesus at winakasan ang gawain ni Jehova, ipinagpatuloy ang gawain ni Jehova sa pamamagitan ng pagsisimula ng Kanyang sariling gawain, bagong gawain, ito ay nagpapatunay na isa itong bagong kapanahunan, at na si Jesus ay Diyos Mismo. Sila ay nagsagawa ng dalawang magkaibang yugto ng gawain. Ang isang yugto ay isinagawa sa templo, at ang isa ay isinagawa sa labas ng templo. Ang isang yugto ay upang pangunahan ang buhay ng tao ayon sa kautusan, at ang isa ay upang maghandog ng alay para sa mga kasalanan. Ang dalawang yugto ng gawain na ito ay hindi maipagkakaila na magkaiba; ito ang humahati sa bagong kapanahunan mula sa luma, at walang mali sa pagsasabi na ang mga ito ay dalawang magkaibang panahon! Ang lokasyon ng Kanilang mga gawain ay magkaiba, ang nilalaman ng Kanilang gawain ay magkaiba, at ang layunin ng Kanilang gawain ay magkaiba. Sa gayon, maaaring hatiin ang mga ito sa dalawang kapanahunan: ang Bago at Lumang Tipan, na ibig sabihin, ang bago at ang lumang mga kapanahunan. Nang si Jesus ay dumating hindi Siya nagpunta sa templo, na nagpapatunay na ang kapanahunan ni Jehova ay nagwakas. Hindi Siya pumasok sa templo sapagka’t ang gawain ni Jehova sa templo ay tapos na, at hindi na kailangang gawing muli, at kaya para gawin itong muli ay uulitin ito. Sa pag-alis lamang sa templo, sa pagsisimula ng isang bagong gawain at sa pagbubukas ng isang landas sa labas ng templo, nagawa Niyang dalhin ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito. Kung hindi Siya lumabas ng templo upang gawin ang Kanyang gawain, ang gawain ng Diyos ay hindi makauusad nang lampas sa templo, at walang magiging anumang mga pagbabago kailanman. At kaya, nang dumating si Jesus Siya ay hindi pumasok sa templo, at hindi Niya ginawa ang Kanyang gawain sa templo. Ginawa Niya ang Kanyang gawain sa labas ng templo, at nagpatuloy sa Kanyang gawain nang may kalayaan kasama ng mga disipulo. Ang pag-alis ng Diyos mula sa templo para gawin ang Kanyang gawain ay nangangahulugan na ang Diyos ay mayroon isang bagong plano. Ang Kanyang gawain ay isasagawa sa labas ng templo, at ito ay magiging bagong gawain na hindi limitado sa paraan ng pagsasagawa. Ang pagdating ni Jesus ay nagdala sa gawain ni Jehova sa kapanahunan ng Lumang Tipan sa isang wakas. Kahit na Sila ay tinatawag sa dalawang magkaibang pangalan, ang parehong yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain na isinagawa ay tuluy-tuloy. Dahil magkaiba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay magkaiba, ang kapanahunan ay magkaiba rin. Nang dumating si Jehova, iyon ang kapanahunan ni Jehova, at nang dumating si Jesus, iyon ang kapanahunan ni Jesus. At kaya, sa bawat pagkakataon na dumarating ang Diyos, Siya ay tinatawag sa iisang pangalan, kinakatawan Niya ang isang kapanahunan, at Siya ay nagbubukas ng bagong daan; at sa bawat bagong daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at di kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong. Ang kasaysayan ay patuloy na sumusulong, at ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong. Upang marating ang katapusan ng Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala, nararapat itong patuloy na umunlad pasulong. Kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat araw, kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat taon; kailangan Niyang magbukas ng mga bagong daan, mga bagong kapanahunan, magsimula ng bago at higit na malaking mga gawain, at magdala ng mga bagong pangalan at gawain.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, nararapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng nag-iisang Diyos, gawain ng isang Espiritu, at ito ay hindi maipagkakaila.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawain at Pagpasok”

Sumunod:Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia”

Baka Gusto Mo Rin