Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas

Bilis

`

Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas

Lumilipas ang mga panahon, at sa isang kisap-mata ang ngayon ay nakarating. Sa ilalim ng paggabay ng Aking Espiritu, ang lahat ng tao ay namumuhay sa gitna ng Aking liwanag, at walang sinuman ang nag-iisip ng nakalipas o nagbibigay-pansin sa kahapon. Sino ang hindi kailanman nabuhay sa kasalukuyan? Sino ang hindi gumugol ng mga kahanga-hangang araw at buwan sa kaharian? Sino ang hindi nabuhay sa ilalim ng araw? Bagaman ang kaharian ay nakababa na sa sangkatauhan, walang sinuman ang totoong nakaranas ng init nito; ang mga tao ay itinuturing ito mula sa labas lang, di-nakauunawa ng diwa nito. Sa panahong nabubuo ang Aking kaharian, sino ang hindi nagagalak dahil dito? Kaya ba talagang tumakas ng mga bansa sa daigdig? Talaga nga ba na ang malaking pulang dragon ay may kakayahang makatakas dahil sa katusuhan nito? Ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa buong sansinukob, itinatatag ng mga ito ang Aking awtoridad sa lahat ng mga tao at gumagana sa buong kosmos; gayon pa man, ang tao ay hindi kailanman tunay na batid ito. Kapag ang Aking mga kautusan ng pamamahala ay inihayag sa sansinukob ay siya ring nalalapit na pagtatapos ng Aking gawain sa lupa. Kapag Ako ay namumuno at humahawak ng kapangyarihan sa lahat ng mga tao at kapag Ako ay kinikilala bilang niyaong Diyos Mismo, ang Aking kaharian ay lubos nang mananaog sa lupa. Ngayon, lahat ng tao ay may bagong simula sa pamamagitan ng bagong landas. Nasimulan nila ang isang bagong buhay, gayon pa man walang sinuman ang tunay na nakaranas ng isang buhay sa lupa tulad ng sa langit. Kayo ba'y tunay na nabubuhay sa gitna ng liwanag Ko? Kayo ba'y tunay na nabubuhay sa gitna ng Aking mga salita? Sino ang hindi pinag-iisipan ang kanilang mga sariling inaasam? Sino ang hindi namimighati sa kanilang sariling kapalaran? Sino ang hindi nagpupunyagi sa gitna ng dagat ng kadalamhatian? Sino ang hindi nais na palayain ang kanilang mga sarili? Ang mga pagpapala ng kaharian ba ang kapalit ng pagpapagal ng mga tao sa lupa? Maaari nga ba na ang lahat ng mga hinahangad ng tao ay matupad ayon sa kanyang mga pagnanais? Minsan Ko nang ipinakita ang magandang tanawin ng kaharian sa harap ng tao, gayon pa man tinitigan niya lang ito nang may mga sakim na mata at walang sinuman ang tunay na naghangad na pasukin ito. Minsan “iniulat” Ko ang tunay na sitwasyon sa lupa para sa tao, ngunit wala siyang ginawa kundi nakinig, at hindi niya hinarap ng puso niya ang mga salitang nagmula sa Aking bibig; minsan sinabi Ko sa tao ang mga kalagayan sa langit, gayon pa man ang Aking mga salita ay itinuring niya bilang mga kahanga-hangang kwento, at hindi talagang tinanggap ang inilarawan ng Aking bibig. Ngayon, ang mga tagpo ng kaharian ay sumalimbay sa sangkatauhan, ngunit meron ba na “tumawid sa rurok at kapatagan” sa paghahanap nito? Kung wala ang Aking panghihimok, ang tao ay hindi pa rin magigising mula sa kanyang mga panaginip. Siya nga ba kaya ay tunay na nabighani ng kanyang buhay sa lupa? Wala nga bang mataas na pamantayan sa kanyang puso?

Yaong Aking itinalaga bilang Aking bayan ay magagawang ialay ang kanilang sarili sa Akin at mamuhay sa pagkakaayon sa Akin. Sila ay mahalaga sa Aking paningin, at nagniningning nang may pagmamahal para sa Akin sa Aking kaharian. Sa mga tao ng araw na ito, sino ang tumutupad sa ganyang mga kondisyon? Sino ang may kakayahang makapasa ayon sa Aking mga kinakailangan? Ang Akin bang mga kinakailangan ay talagang nagdudulot ng mga paghihirap sa tao? Sinasadya Ko bang maging sanhi upang makagawa siya ng mga pagkakamali? Ako ay maawain tungo sa lahat ng tao, at binibigyan sila ng pantanging pakikitungo. Gayunman, ito ay tungo lang sa Aking bayan sa Tsina. Ito ay hindi pagmamaliit Ko sa inyo, ni hindi rin pagtingin Ko sa inyo nang pasang-ayon, ngunit na Ako ay praktikal at makatotohanan tungo sa inyo. Ang mga tao ay tiyak na nakakaranas ng dagok sa kanilang mga buhay, maging ukol sa kanilang mga pamilya o sa mas malawak na mundo. Gayon pa man kaninong paghihirap ang naisasaayos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kamay? Ang tao ay walang kakayahang kilalanin Ako. Siya ay may ilang kaalaman ng Aking panlabas na anyo, ngunit siya ay walang nalalaman sa Aking diwa; hindi niya alam ang mga sangkap ng pagkaing kanyang kinakain. Sino ang may kakayahang maingat na mahiwatigan ang Aking puso? Sino ang may kakayahang tunay na maunawaan ang Aking kalooban sa harap Ko? Sa Aking pagdating sa mundo, ito ay nakukubli ng kadiliman at ang sangkatauhan ay “mahimbing na natutulog.” Lumalakad Ako sa lahat ng dako, at ang lahat ng Aking nakikita ay punit-punit at sira-sira at hindi mapagtitiisang tingnan. Ito ay parang pumapayag lang ang tao upang tamasahin, at walang pagnanais na intindihin ang “mga bagay mula sa labas ng mundo.” Lingid sa kaalaman ng lahat ng tao, sa Aking pagsisiyasat sa buong daigdig, ni wala saanman Akong nakita na puspos ng buhay. Kagya’t, Aking pinakikinang pasulong ang liwanag at init at tumitingin sa lupa mula sa ikatlong langit. Bagama’t ang liwanag ay lumalatag sa ibabaw ng lupa at ang init ay kumakalat sa ibayo nito, tanging ang liwanag at init ang tila nagagalak; walang napupukaw sa tao, na ikinatutuwa nang labis ang ginhawa. Nang makita ito, kaagad Kong ipinagkaloob sa tao ang "pamalo" na inihanda Ko. Sa paglagpak ng pamalo, ang liwanag at ang init ay unti-unting humahawi at ang mundo ay kaagad nagiging mapanglaw at madilim—at dahil sa karimlan, ang sangkatauhan ay sinusunggaban ang pagkakataon upang isagawa ang tinatamasa. Ang sangkatauhan ay may bahagyang pakiramdam sa pagdating ng Aking pamalo, ngunit hindi siya tumutugon, at nagpatuloy sa pagtamasa ng kanyang mga pagpapala sa lupa. Kasunod, ang Aking bibig ay nagpapahayag ng pagkastigo sa lahat ng sangkatauhan, at ang mga tao sa buong sansinukob ay ipinako sa krus nang patiwarik. Kapag dumarating ang Aking pagkastigo, ang sangkatauhan ay yayanigin ng ingay ng mga bundok na bumabagsak at ang lupa na ginugutay-gutay. Sa pagulantang na pag-gising, siya ay nagtataka at nasisindak, at nagnanais tumakbo palayo, ngunit ito ay huli na. Sa paglagapak ng Aking pagkastigo, ang Aking kaharian ay pumapanaog sa lupa at lahat ng mga bansa ay nadudurog nang pira-piraso, nawawala nang walang bakas at walang natitira.

Bawat araw ay Aking pinagmamasdan ang mukha ng sansinukob, at bawat araw ay Aking ginagawa ang bagong gawa sa sangkatauhan. Ngunit ang mga tao ay lahat “gumagawa nang walang pag-iimbot,” at walang sinuman ang nagbibigay-pansin sa mga dinamika ng Aking gawain o pumapansin sa kalagayan ng mga bagay lagpas sa kanilang mga sarili. Para bang ang mga tao ay naninirahan sa isang bagong langit at isang bagong daigdig na kanilang sariling gawa, at hindi nais na manghimasok ang sinuman. Lahat sila ay okupado sa gawain ng pagpapakasaya ng kanilang mga sarili, ang lahat ay hanga sa kanilang mga sarili habang ginagawa nila ang kanilang mga “pisikal na pagsasanay.” Wala nga ba Akong lugar sa puso ng tao? Ako nga ba ay walang kakayahang maging Pinuno ng puso ng tao? Ang espiritu ng tao ay tunay nga bang iniwan na siya? Sino ang kailanman maingat na nagnilay-nilay sa mga salita sa Aking bibig? Sino nga ba ang nakaramdam ng hangarin ng Aking puso? Talaga nga bang ang puso ng tao ay napalitan na ng ilang iba pang bagay? Maraming beses nang Ako ay bumulalas sa tao, gayon pa man mayroon ba na nakadama ng pagkahabag? Mayroon bang sinuman na nabuhay sa pagkatao? Ang tao ay maaaring mabuhay sa katawang-tao, ngunit siya ay walang pagkatao. Siya ba ay ipinanganak sa kaharian ng hayop? O siya ba ay ipinanganak sa langit, at nagmamay-ari ng pagka-Diyos? Gumagawa Ako ng mga kinakailangan ng tao, gayon pa man hindi niya tila nauunawaan ang Aking mga salita, na parang Ako ay isang di-malapitang halimaw na dayuhan sa kanya. Maraming beses na Akong nadismaya sa tao, maraming beses na Akong naging galit na galit sa kanyang mahinang pagganap, at maraming beses na Akong naghinanakit sa kanyang kahinaan. Bakit hindi Ko napupukaw ang espirituwal na damdamin sa puso ng tao? Bakit hindi Ko nabibigyan ng inspirasyon ang pag-ibig sa puso ng tao? Bakit ayaw ng mga tao na Ako ay tratuhing pinakamahalaga sa kanya? Hindi ba niya pag-aari ang kanyang puso? Ang kanyang espiritu ba ay pinaninirahan ng iba pang mga bagay? Bakit nananaghoy ang tao nang walang tigil? Bakit siya miserable? Bakit, kapag siya ay nalulungkot, ipinagsasawalang-bahala niya ang Aking pag-iral? Sinasaksak Ko ba siya? Sinadya Ko ba siyang iwanan?

Sa Aking mga mata, ang tao ay ang namumuno sa lahat ng bagay. Hindi Ko siya binigyan ng maliit na awtoridad, na nagpapahintulot sa kanya upang pamahalaan ang lahat ng bagay sa lupa—damo sa mga bundok, ang mga hayop sa gitna ng mga gubat, at ang mga isda sa tubig. Ngunit sa halip na maging masaya dahil sa mga ito, ang tao ay inaatake ng kabalisahan. Ang kanyang buong buhay ay isang dalamhati, at pagmamadali, at saya na idinagdag sa kahungkagan, at sa kanyang buong buhay ay walang mga bagong imbensyon at mga paglikha. Walang sinuman ang may kakayahang palayain ang kanilang mga sarili mula sa guwang na buhay, walang sinuman ang nakatuklas ng isang buhay ng kahulugan, at walang sinuman ang kailanman nakaranas ng isang tunay na buhay. Bagaman ang lahat ng tao ay naninirahan sa ilalim ng Aking nagniningning na liwanag, wala silang alam sa buhay sa langit. Kung hindi Ako maawain sa tao at hindi nililigtas ang sangkatauhan, kung gayon ang lahat ng mga tao ay nakarating nang walang kabuluhan, ang kanilang mga buhay sa lupa ay walang kahulugan, at sila ay aalis nang walang kabuluhan, na walang anumang ipagmamalaki. Ang mga tao ng bawat sekta, larangan ng lipunan, bansa, at denominasyon ay alam lahat ang kahungkagan sa lupa, at lahat sila ay naghahanap sa Akin at hinihintay ang Aking pagbabalik—gayon pa man sino ang may kakayahang kumilala sa Aking pagdating? Ginawa Ko ang lahat ng mga bagay, nilikha Ko ang sangkatauhan, at ngayon Ako ay pumanaog sa mga tao. Ang tao, gayunpaman, ay lumalaban sa Akin, at naghihiganti sa Akin. Ang Aking mga gawa ba ay walang pakinabang sa kanya? Ako nga ba ay walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa tao? Bakit Ako tinatanggihan ng tao? Bakit napakalamig ng tao at walang malasakit tungo sa Akin? Bakit ang mundo ay balot ng mga bangkay? Ito nga ba talaga ang kalagayan ng mundo na Aking ginawa para sa tao? Bakit Ko binigyan ang tao ng walang kapantay na kayamanan, gayunpaman wala siyang anumang naihandog bilang kapalit sa Akin? Bakit hindi Ako tunay na minamahal ng tao? Bakit hindi siya kailanman pumupunta sa harap Ko? Lahat ba ng Aking mga salita ay talagang naging parang walang saysay? Ang Akin bang mga salita ay naglaho na tulad ng init mula sa tubig? Bakit ayaw makipagtulungan sa Akin ng tao? Ang pagdating ba ng Aking araw ay talaga nga bang sandali ng kamatayan ng tao? Maaari Ko nga bang wasakin ang tao sa panahon ng pagkabuo ng Aking kaharian? Bakit, sa panahon ng Aking buong plano sa pamamahala, ay walang sinuman ang nakaiintindi ng Aking mga intensyon? Bakit, sa halip na mahalin ang mga binibigkas ng Aking bibig, kinasusuklaman at tinatanggihan ang mga ito ng tao? Walang Akong hinuhusgahang sinuman, ngunit maging sanhi lamang ng pagtahimik at pagsasagawa ng pansariling pagmumuni-muni.

Marso 27, 1992

Sinundan:Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

Sumunod:Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

Baka Gusto Mo Rin