Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Espesyal na Paksa tungkol sa Pagdadala

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Mga patotoo sa tunay na buhay tungkol sa pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, pagdadala sa harapan ng luklukan ng Diyos, at pagdalo sa piging kasama ang Panginoon

Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, Aleluya: sapagka’t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat. Tayo’y mangagalak at tayo’y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; sapagka’t dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda na. At sa kaniya’y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka’t ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal” (Pahayag 19:6-8).

church life

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Nakikita sa kasalukuyan ng tao na kung sa biyaya, pag-ibig, at habag lamang ng Diyos, wala siyang kakayahan na tunay na makilala ang sarili niya, lalong hindi nagagawang makilala ang katuturan ng tao. Kapwa sa pamamagitan lamang ng kapinuhan at paghatol ng Diyos, sa panahon lamang ng gayong kapinuhan maaari mong makikilala ang iyong mga kakulangan, at mauunawaan na wala kang anumang bagay na taglay. Kaya, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay itinayo sa saligan ng kapinuhan at paghatol ng Diyos. Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakaharap niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa pagbubunyag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang yugto, at hindi makaaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.

mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos”

Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at hindi mapapalitan ang kanyang lumang pagkakilala sa Diyos patungo sa panibago. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, isinasa-publiko Niya ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay-daan sa tao na makamit ang pagkakilala sa Diyos, at baguhin ang kanyang disposisyon, at magtaglay ng umuugong na patotoo sa Diyos sa pamamagitan ng pampublikong pagpapakita ng Diyos. Nakakamit ang pagbabago sa disposisyon ng tao sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang gayong pagbabago sa disposisyon ng tao, hindi makakaya ng taong magtaglay ng patotoo sa Diyos, at hindi magiging naaayon sa puso ng Diyos. Ang pagbabago sa disposisyon ng tao ay tanda na napalaya ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin ni Satanas, napalaya ang kanyang sarili mula sa impluwensiya ng kadiliman, at tunay na naging isang modelo at halimbawa ng gawain ng Diyos, tunay na naging isang saksi ng Diyos at isang tao na naaayon sa puso ng Diyos.

mula sa “Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos”

Ang tao ay nabubuhay sa gitna nang laman, na nangangahulugang nabubuhay siya sa isang pantaong impiyerno, at kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tao ay kasing-dumi ni Satanas. Paano magiging banal ang tao? Naniniwala si Pedro na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang pinakamabuting pag-iingat sa tao at pinakadakilang biyaya. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol ng Diyos magigising ang tao, at kapopootan ang laman, at kapopootan si Satanas. Ang mahigpit na pagdisiplina ng Diyos ay nagpapalaya sa tao mula sa impluwensya ni Satanas, siya’y pinalalaya nito mula sa kanyang sariling makitid na mundo, at hinahayaan siyang mamuhay sa liwanag ng presensya ng Diyos. Wala nang higit na mabuting pagliligtas kundi ang pagkastigo at paghatol! Nanalangin si Pedro, “O Diyos! Hangga’t kinakastigo Mo at hinahatulan ako, malalaman ko na hindi Mo ako iniwan. Kahit na hindi Mo ako binibigyan ng kagalakan o kapayapaan, at pinapapamuhay ako sa pagdurusa, at pinagpapasan ako ng hindi-mabilang na mga pagtutuwid, hangga’t hindi Mo ako iniiwan, ang puso ko ay magiging panatag. Ngayon, ang Iyong pagkastigo at paghatol ay naging pinakamabuting pag-iingat sa akin at pinakadakilang pagpapala. … Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang buhay na may kahulugan, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang makalaya siya mula sa pagmamanipula at impluwensya ni Satanas at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Alamin na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao.

mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol”

Sinundan:Sa mga huling araw, ipinapahayag lamang ng Diyos ang mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos. Ang prosesong ito lamang ng pagpapailalim sa paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos sa mga huling araw gayundin ang mapadalisay at maperpekto ng Diyos, at sa huli ay matamo ang katotohanan bilang buhay natin mismo, ang tunay na pagdalo sa piging kasama ang Panginoon.

Sumunod:Ang mga sinabi niyo ang paghahangad natin sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa ‘tin sa alapaap ay nagmula lang talaga sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Seryosong naipagkanulo na natin ang mga salita ng Panginoon. Dahil do’n, pa’no tayo ngayon maghihintay sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa atin sa alapaap? Pwede mo ba ‘yong ipaliwanag pa nang mas detalyado?