Mga Klasikong Salita ng Diyos Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian (Mga Seleksyon)

Mga Nilalaman

Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”

Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

“Jehovah” ang pangalan na kinuha Ko sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugan na ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na naaawa sa tao, sinusumpa ang tao, at gumagabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na nag-aangkin ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si “Jesus” ay si Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang alay dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang kumatawan sa isang bahagi ng plano sa pamamahala. Na ang ibig sabihin, tanging si Jehovah ang Diyos ng piniling bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang panahon, lahat ng mga Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehovah. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehovah. Tanging si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan. Siya ang alay sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Na ang ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya, at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya upang muling isilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at nagpapahiwatig ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehovah ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat panahon at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehovah” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon nang mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa imahe na Kanyang dala sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at magiging walang kakayanan na umunlad pa nang anumang karagdagan. Ang mga huling araw, at saka, ay kailanma’y di-darating, at ang kapanahunan ay hindi madadala sa katapusan nito. Iyon ay dahil sa si Jesus na Tagapagligtas ay tanging para sa pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan. Inako ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ang pangalan na kung saan Aking dadalhin ang sangkatauhan sa isang katapusan. Bagaman si Jehovah, Jesus, at ang Mesias ay lahat kumakatawan sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba-ibang mga kapanahunan sa Aking plano sa pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang tinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maaaring bumigkas nang maliwanag sa Aking buong disposisyon at sa lahat-lahat na Ako. Ang mga ito ay iba-ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa panahon ng iba-ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehovah, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Minsan na akong kinilala bilang Jehovah. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehovah o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na tumatayo mula sa mga dulo ng mundo, sagana sa Aking buong disposisyon, at puno ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi Ako pinansin ng mga tao, kailanman hindi Ako nakilala, at palaging mangmang sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, walang sinumang tao ang nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa mga tao. Siya ay nakikipamuhay kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nag-aapoy na araw at nagniningas na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isang tao o bagay ang hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsan ng alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa lahat ng mga bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na maghahayag sa lahat ng mga bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari ako ng disposisyon ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay sambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at mga dagat.

Kapag ang Tagapaligtas ay dumating sa panahon ng mga huling araw, kung Siya ay tinatawag pa ring Jesus, at muling isinilang sa Judea, at ginawa ang Kanyang gawain sa Judea, samakatwid ito ay magpapatunay na nilikha Ko lamang ang bayang Israel at tanging tinubos lamang ang mga tao ng Israel, at na wala Akong pakialam sa mga Hentil. Hindi kaya ito sasalungat sa Aking mga salita na “Ako ang Panginoon na lumikha ng mga langit at lupa at lahat ng mga bagay”? Umalis Ako sa Judea at ginawa ang Aking mga gawain sa mga Hentil sapagkat hindi lamang Ako Diyos ng bayang Israel, subalit Diyos ng lahat ng mga nilikha. Nagpakita ako sa mga Hentil sa panahon ng mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehovah, ang Diyos ng bayan ng Israel, ngunit, dagdag pa, dahil sa Ako ang Maylalang ng lahat ng Aking mga pinili sa mga Hentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, subalit nilikha Ko rin ang Gentil na mga bansa sa ibayo ng Israel. At dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto ng Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matibay na mga tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at ginamit ang mga Gentil na mga bansa bilang base na mula sa kung saan Aking dadalhin ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Ginawa Ko ang dalawang yugto ng gawain sa Israel (ang dalawang mga yugto ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya), at isinasakatuparan Ko ang dalawang karagdagang mga yugto ng gawain (ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian) sa buong mga kalupaan sa ibayo ng Israel. Sa gitna ng Gentil na mga bansa, isasagawa ko ang gawaing panlulupig at sa gayon wawakasan ang kapanahunan. Kung palagi Akong tinatawag ng tao na Jesucristo, ngunit hindi nalalaman na nasimulan Ko na ang isang bagong kapanahunan sa panahon ng mga huling araw at nakapagsimula na sa isang bagong gawain, kung palaging sumasagi sa alaala ng tao ang paghihintay sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas, samakatwid tatawagin Ko ang mga ganitong tao bilang mga taong hindi naniniwala sa Akin. Sila ay mga taong hindi nakakakilala sa Akin, at ang kanilang paniniwala sa Akin ay isang paimbabaw. Maaari kayang masaksihan ng mga taong ganoon ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas mula sa langit? Ang kanilang hinihintay ay hindi ang Aking pagdating, ngunit ang pagdating ng Hari ng mga Hudyo. Hindi nila ninanais ang Aking paglipol sa maruming lumang mundong ito, sa halip ay hinahangad nila ang ikalawang pagdating ni Jesus, pagkatapos niyon sila ay matutubos; inaasahan nila si Jesus na muling tutubusin ang lahat ng sangkatauhan mula sa nadumihan at di-matwid na lupang ito. Paano maaaring mangyari na ang mga tao ay maging yaong makakakumpleto ng Aking gawain sa panahon ng mga huling araw? Ang mga pagnanais ng tao ay walang kakayahan na makamit ang Aking mga hangarin o isakatuparan ang Aking mga gawain, pagkat tanging hinahangaan o pinapahalagahan lamang ng tao ang mga nagawa Ko dati, at walang idea na Ako ang Diyos Mismo na palaging bago at kailanman ay hindi naluluma. Ang alam lang ng tao ay na Ako si Jehovah, at Jesus, at walang malay na Ako ang Katapusan, ang Siyang magdadala sa sangkatauhan sa katapusan. Lahat nang hinahangad at nalalaman ng tao ay mula sa kanyang sariling pagkaintindi, at tanging yaon na maaari niya lamang makita ng kanyang sariling mga mata. Hindi ito ayon sa gawaing ginagawa Ko subalit di-­pakikipag-isa dito Kung ang Aking gawain ay isinasagawa ayon sa mga idea ng tao, samakatwid kailan kaya ang katapusan nito? Kailan kaya maaaring pumasok ang sangkatauhan sa pagpapahinga? At paano Ko magagawang pumasok sa ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga? Gumagawa Ako ayon sa Aking plano. Ayon sa Aking layunin, at hindi ayon sa intensyon ng tao.