Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao”

1. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inihanda ni Juan ang daan para kay Jesus. Hindi Niya kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo at tinupad lamang ang katungkulan ng tao. Kahit si Juan ang tanda ng Panginoon, hindi niya maaaring katawanin ang Diyos; isa lamang siyang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kasunod ng bautismo ni Jesus, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya tulad ng isang kalapati. Sinimulan na Niya ang Kanyang gawain, iyon ay, sinimulan Niyang isagawa ang ministeryo ni Cristo. Iyon ang dahilan kung bakit ginampanan Niya ang katauhan ng Diyos, sapagka’t Siya ay nagmula sa Diyos. Paano man ang Kanyang pananampalataya bago ito—marahil kung minsan ito ay mahina, o kung minsan ito ay malakas—iyon lamang ang Kanyang normal na buhay bilang tao bago Niya ginanap ang Kanyang ministeryo. Pagkatapos Siyang binautismuhan (pahiran), agad Siyang nagkaroon ng kapangyarihan at ng kaluwalhatian ng Diyos, at sa gayon ay nagsimulang ganapin ang Kanyang ministeryo. Kaya Niyang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan, gumawa ng mga himala, mayroon Siyang kapangyarihan at awtoridad, sapagka’t Siya ay nagtrabaho nang direkta sa ngalan ng Diyos Mismo; ginawa Niya ang gawain ng Espiritu na kahalili Niya at ipinahayag ang tinig ng Espiritu; samakatuwid Siya Mismo ang Diyos. Hindi ito mapag-aalinlanganan. Ginamit si Juan ng Banal na Espiritu. Hindi Niya maaaring katawanin ang Diyos, at hindi posible para sa kanya na kumatawan sa Diyos. Kung naisin niya na gawin ito, hindi ito papayagan ng Banal na Espiritu, sapagka’t hindi niya maaaring gawin ang gawain na inilaan ng Diyos Mismo na ganapin. Marahil marami sa kanya ang kalooban ng tao, o may bagay sa kanyang lihis; hindi niya kailanman maaaring direktang katawanin ang Diyos. Kinakatawan lamang ng kanyang mga pagkakamali at kalisyaan ang sarili niya, nguni’t kinakatawan ng kanyang gawain ang Banal na Espiritu. Gayon pa man, hindi mo maaaring sabihing kinakatawan ng lahat sa kanya ang Diyos. Kaya ba ng kanyang paglihis at kalisyaan na katawanin din ang Diyos? Normal sa kumakatawan ng tao na maging mali, nguni’t kung nagkaroon siya ng paglihis sa pagkatawan sa Diyos, sa gayon hindi ba yan kahihiyan sa Diyos? Hindi ba yan kalapastanganan laban sa Banal na Espiritu? Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na tumayo sa lugar ng Diyos, kahit na dinadakila siya ng iba. Kung hindi siya ang Diyos, hindi niya magagawang manatiling nakatayo sa katapusan. Hindi pinapahintulutan ng Banal na Espiritu ang tao na kumatawan sa Diyos ayon sa pagnanais ng tao! Halimbawa, nagpatotoo kay Juan ang Espiritu Santo, at ibinunyag rin na siya ang maghahanda ng daan para kay Jesus, nguni’t mahusay na sinukat ng Banal na Espiritu ang gawain na ginawa sa kanya. Ang maging tagahanda ng daan para kay Jesus ang tanging hiningi kay Juan, ang ihanda ang daan para sa Kanya. Ibig sabihin, itinaguyod lamang ng Banal na Espiritu ang kanyang gawa sa paghahanda ng daan at pinahintulutan lamang siya na gawin ang ganung trabaho, wala nang iba. Kinatawan ni Juan si Elias, at kinatawan niya ang isang propeta na naghanda ng daan. Itinaguyod ng Banal na Espiritu ito; hangga’t ang kanyang trabaho ay ang ihanda ang daan, itinaguyod ito ng Banal na Espiritu. Subali’t, kung sinabi niyang siya ay Diyos Mismo at dumating upang tapusin ang gawain ng pagtubos, dapat siyang disiplinahin ng Banal na Espiritu. Gaano man kahusay ang gawain ni Juan, at itinaguyod man ito ng Banal na Espiritu, nanatili sa loob ng mga hangganan ang kanyang trabaho. Ang kanyang trabaho sa katunayan ay totoong itinaguyod ng Banal na Espiritu, nguni’t limitado sa paghahanda ng daan ang kapangyarihan na ibinigay sa kanya sa oras na iyon. Hindi niya maaaring gawin, sa anumang paraan, ang anumang iba pang gawain, dahil siya lamang ay si Juan na naghanda ng daan, at hindi si Jesus. Samakatuwid, susi ang patotoo ng Banal na Espiritu, nguni’t mas mahalaga pa ang gawain na pinahintulutan ng Banal na Espiritu na gawin ng tao. Hindi ba labis ang pagsaksi kay Juan? Hindi ba dakila rin ang kanyang gawain? Nguni’t hindi malalampasan ng gawain na kanyang ginawa yaong kay Jesus, sapagka’t siya ay hindi hihigit sa isang tao na ginamit ng Banal na Espiritu at hindi maaaring tuwirang kumatawan sa Diyos, at kaya ang gawain na kanyang ginawa ay limitado. Pagkaraang matapos niya ang pagbibigay-daan, walang nagpatuloy na magtaguyod sa kanyang patotoo, walang bagong gawain ang muling sumunod sa kanya, at siya ay umalis habang ang gawain ng Diyos Mismo ay nagsimula.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at paulit-ulit na sumisigaw ng, “Ako ay Diyos!” Nguni’t sa katapusan, sila ay nabubunyag dahil sila ay mali sa kanilang kinakatawan. Kinakatawan nila si Satanas, at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. Kailanman hindi Ako sumisigaw, “Ako ay Diyos, Ako ang sinisintang Anak ng Diyos!” Nguni’t ang gawaing ginagawa Ko ay gawain ng Diyos. Kailangan Ko bang sumigaw? Hindi kailangan ang pagpaparangal. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang Mismong gawain at hindi kailangan ng tao na bigyan Siya ng isang katayuan o kagalang-galang na titulo: sapat na ang Kanyang gawain upang kumatawan sa Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Bago ang Kanyang bautismo, hindi ba si Jesus ang Diyos Mismo? Hindi ba Siya ang nagkatawang-taong Diyos? Tiyak na hindi maaaring sabihin na naging tanging Anak ng Diyos lamang Siya pagkatapos Niyang napatotohanan? Wala bang tao na may pangalang Jesus sa panahon bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain? Hindi ka maaaring maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang karunungan, himala, at pagiging di-maarok ng Diyos, o ang lahat ng mga disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao: lahat ng ito ay lumampas sa iyong kakayahang magpahayag. Kaya hindi mahalaga ang iyong mga paulit-ulit na pag-angkin na ikaw ang Diyos; mayroon ka lamang pangalan at wala niyaong sangkap. Dumating ang Diyos Mismo, nguni’t walang nakakakilala sa Kanya, nguni’t patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. Kahit tawagin mo Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Cristo, o tawagin Siyang kapatid na babae, ayos lamang lahat ng ito. Nguni’t ang gawaing ginagawa Niya ay yaong sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala Siyang pakialam tungkol sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalang iyan ang Kanyang gawain? Hindi alintana kung ano ang tawag mo sa Kanya, mula sa pananaw ng Diyos, Siya ay ang naging taong katawan ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at pinahihintulutan Niya. Hindi ka makakagawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, at hindi mo maaaring dalhin ang luma sa katapusan, at hindi maaaring maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain. Samakatuwid, hindi ka maaaring tawaging Diyos!

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Kahit ang isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos Mismo. At hindi lamang hindi maaaring kumatawan ang taong ito sa Diyos, kundi hindi maaaring direktang kumatawan ang kanyang gawain sa Diyos. Ibig sabihin niyan, hindi maaaring direktang ilagay sa loob ng pamamahala ng Diyos ang karanasan ng tao, at hindi ito maaaring kumatawan sa pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos Mismo ay ang gawaing ninanais Niya na gawin sa Kanyang sariling plano ng pamamahala at may kaugnayan sa malaking pamamahala. Ang gawain na ginagawa ng mga tao (iyon ay, ang mga tao na ginagamit ng Banal na Espiritu) ay binubuo ng pagtutustos ng kanilang indibidwal na karanasan. Nakakasumpong siya ng isang bagong landas ng karanasan mula roon sa nilakaran niyaong mga nauna sa kanya at pinangungunahan ang kanyang mga kapatid sa ilalim ng patnubay ng Banal na Espiritu. Ang tinutustusan ng mga taong ito ay ang kanilang indibidwal na karanasan o espirituwal na mga kasulatan ng espirituwal na mga tao. Kahit na sila ay ginagamit ng Banal na Espiritu, ang gawain ng gayong mga tao ay walang kinalaman sa malaking gawain ng pamamahala sa loob ng anim-na-libong-taong plano. Ibinangon lamang sila ng Banal na Espiritu sa iba’t ibang mga panahon upang ihantong ang mga tao sa agos ng Espiritu Santo hanggang sa matupad nila ang kanilang tungkulin o dumating sa katapusan ang kanilang buhay. Ang gawaing ginagawa nila ay para lamang ihanda ang naaangkop na daan para sa Diyos Mismo o upang ipagpatuloy ang isang bagay sa pamamahala ng Diyos Mismo sa lupa. Hindi kayang gawin ng gayong mga tao ang mas higit na gawain sa Kanyang pamamahala, at hindi sila maaaring magbukas ng mga bagong daan palabas, mas lalo na ang tapusin ang lahat ng gawain ng Diyos mula sa naunang kapanahunan. Samakatuwid, ang gawaing kanilang ginagawa ay kumakatawan lamang sa isang nilikhang persona na gumaganap ng kanyang tungkulin at hindi maaaring kumatawan sa Diyos Mismo na gumaganap ng Kanyang ministeryo. Ito ay dahil ang gawaing kanilang ginagawa ay hindi tulad niyaong ginagawa ng Diyos Mismo. Hindi maaaring gawin ng tao bilang kahalili ng Diyos ang gawain ng paghahatid ng isang bagong kapanahunan. Hindi ito maaaring gawin ng sino pa man bukod sa Diyos Mismo. Ang lahat ng mga gawain na ginagawa ng tao ay pagganap ng kanyang tungkulin bilang isa sa sangnilikha at ito ay ginagawa kapag naaantig o naliliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang patnubay na ibinibigay ng gayong mga tao ay kung paano ang magsagawa sa pang-araw-araw na buhay ng tao at kung paano dapat kumilos ang tao na katugma sa kalooban ng Diyos. Hindi kinapapalooban ang gawain ng tao ng pamamahala ng Diyos at hindi rin kumakatawan sa gawain ng Espiritu. Bilang halimbawa, ang gawain nina Witness Lee at Watchman Nee ay upang manguna sa daan. Maging ang paraan ay bago o luma, ang gawain ay nakabase sa alituntunin na nananatiling nakapaloob sa Biblia. Kung ang mga lokal na iglesia man ay binuhay muli o itinayo, ang kanilang gawain ay upang itatag ang mga iglesia. Ipinagpatuloy ng gawaing kanilang ginawa ang gawain na hindi natapos ni Jesus at ng Kanyang mga apostol o pinaunlad pang lalo sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang kanilang ginawa sa kanilang gawain ay upang buhaying muli ang hiniling ni Jesus sa Kanyang gawain sa mga salinlahi pagkatapos Niya, kagaya ng pagpapanatiling pagtalukbong sa kanilang mga ulo, pagbautismo, pagpipira-piraso ng tinapay, o pag-inom ng alak. Maaaring sabihin na ang kanilang gawain ay upang manatili lamang sa Biblia at maghanap ng mga landas na nakapaloob lamang sa Biblia. Wala silang ginawang bagong pagsulong sa anumang paraan. Samakatuwid, makikita sa kanilang gawain ang pagkatuklas lamang ng mga bagong pamamaraan na nakapaloob sa Biblia, gayundin ang mas mahusay at mas makatotohanang mga pagsasagawa. Nguni’t hindi makikita sa kanilang gawain ang kasalukuyang kalooban ng Diyos, lalong hindi makikita ang bagong gawain na gagawin ng Diyos sa mga huling araw. Ito ay dahil sa ang landas na kanilang nilakaran ay luma pa rin; walang pagsulong at walang anumang bago. Nagpatuloy silang panatilihin ang katotohanan ng pagkakapako sa krus ni Jesus, ang pagsasagawa ng paghingi sa mga tao na magsisi at ikumpisal ang kanilang mga kasalanan, ang kasabihan na siya na nagtitiis hanggang sa wakas ay maliligtas, at ang kasabihan na ang lalaki ang pinuno ng babae, at dapat pasakop ang babae sa kanyang asawa. Higit pa rito, pinanatili nila ang makalumang pagkaintindi na hindi makapangangaral ang mga kapatid na babae, at magagawa lamang nilang sumunod. Kung ang gayong paraan ng pamumuno ay nagpatuloy, kung gayon hindi na kailanman magagawa ng Banal na Espiritu na magsakatuparan ng bagong gawain, mapalaya ang mga tao mula sa doktrina, o pangunahan ang mga tao tungo sa isang kinasasaklawan ng kalayaan at kagandahan. Samakatuwid, ang yugtong ito ng gawain para sa pagbabago ng mga kapanahunan ay dapat na gawin at salitain ng Diyos Mismo, kung hindi walang sinumang tao ang makakagawa bilang kahalili Niya. Hanggang sa kasalukuyan, ang lahat ng gawain ng Banal na Espiritu sa labas ng daloy na ito ay nakarating sa isang pagkahinto at yaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ay nawalan ng kanilang mga tikas. Samakatuwid, dahil ang gawain ng mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu ay hindi tulad ng mga gawain na ginagawa ng Diyos Mismo, ang kanilang mga pagkakakilanlan at ang kanilang kinakatawan ay naiiba rin. Ito ay dahil sa naiiba ang gawain na nais gawin ng Banal na Espiritu, at dahil doon ay naglalaan ng ibang mga pagkakakilanlan at mga katayuan sa lahat niyaong mga gumagawa. Maaari ring gawin ng mga taong ginagamit ng Banal na Espiritu ang ilang mga gawaing bago at maaari ring alisin ang ilang mga gawain na natapos sa naunang kapanahunan, nguni’t hindi maaaring ipahayag ng kanilang gawain ang disposisyon at kalooban ng Diyos sa bagong kapanahunan. Gumagawa lamang sila upang alisin ang gawain ng naunang kapanahunan, hindi upang gawin ang bagong gawain na direktang kumakatawan sa disposisyon ng Diyos Mismo. Kaya, kahit gaano karaming mga hindi-napapanahong pagsasagawa ang kanilang buwagin o bagong mga pagsasagawa ang kanilang ipakilala, kumakatawan pa rin sila sa tao at mga nilalang. Gayunman, kapag ang Diyos Mismo ang nagsasakatuparan ng gawain, hindi Niya lantarang idinedeklara ang pagbuwag ng mga pagsasagawa ng lumang kapanahunan o direktang idinedeklara ang pagsisimula ng isang bagong kapanahunan. Direkta Siya at walang paliguy-ligoy sa Kanyang gawain. Tahasan Siya sa pagganap ng hinahangad Niyang gawain; iyon ay, direkta Siyang nagpapahayag ng gawaing pinasimulan Niya, direktang ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa orihinal na layunin, ipinahahayag ang Kanyang kabuuan at disposisyon. Sa tingin ng tao, ang Kanyang disposisyon at gayon din ang Kanyang gawain ay hindi tulad niyaong sa mga nakaraang panahon. Subali’t, mula sa pananaw ng Diyos Mismo, pagpapatuloy lamang ito at karagdagang pag-unlad ng Kanyang gawain. Kapag gumagawa ang Diyos Mismo, ipinahahayag Niya ang Kanyang salita at direktang naghahatid ng bagong gawain. Sa kabaliktaran, kapag gumagawa ang tao, ito ay sa pamamagitan ng masusing pagtalakay at pag-aaral, o ito ay ang pagpapaunlad ng kaalaman at pagbubuo ng sistema ng pagsasagawa na itinayo sa saligan ng gawain ng iba. Ibig sabihin, ang diwa ng gawaing ginawa ng tao ay ang manatili sa pangkaraniwan at “lumakad sa dating landas gamit ang mga bagong sapatos.” Ito ay nangangahulugan na kahit na ang landas na nilakaran ng mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu ay itinayo roon sa binuksan ng Diyos Mismo. Kaya ang tao ay tao pa rin matapos ang lahat, at ang Diyos ay Diyos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Si Juan ay isinilang sa pamamagitan ng pangako, katulad ng pagkakasilang ni Isaac kay Abraham. Hinanda niya ang daan para kay Jesus at gumawa ng maraming gawain, nguni’t hindi siya Diyos. Sa halip, siya ay itinuturing na isang propeta sapagka’t hinanda lamang niya ang daan para kay Jesus. Ang kanyang gawain ay dakila rin, at pagkatapos lamang niyang naihanda ang daan saka opisyal na nagsimula ang gawain ni Jesus. Sa diwa, siya ay nagpagal lamang para kay Jesus, at ang kanyang gawain ay para sa paglilingkod sa gawain ni Jesus. Pagkatapos niyang ihanda ang daan, sinimulan ni Jesus ang Kanyang gawain, gawain na mas bago, mas tiyak, at mas higit pang detalyado. Ginawa lamang ni Juan ang gawain ng pasimula; mas marami sa bagong gawain ay ginawa ni Jesus. Si Juan ay gumawa rin ng bagong gawain, nguni’t hindi siya ang taong naghatid sa isang bagong kapanahunan. Ipinanganak si Juan sa pamamagitan ng pangako, at ibinigay ng anghel ang kanyang pangalan. Sa oras na iyon, nais ng ilan na isunod ang kanyang pangalan sa kanyang ama na si Zacarias, nguni’t nagsalita ang kanyang ina, na nagsabi, “Ang batang ito ay hindi maaaring tawagin sa pangalan na yan. Dapat siyang tawagin na Juan.” Itinuro itong lahat ng Banal na Espiritu. Kung gayon, bakit hindi tinawag si Juan na Diyos? Ang pangalan ni Jesus ay sa pamamagitan rin ng direksyon ng Banal na Espiritu, at ipinanganak Siya ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan ng pangako ng Banal na Espiritu. Si Jesus ay Diyos, Cristo, at ang Anak ng tao. Dakila rin ang gawain ni Juan, nguni’t bakit hindi siya tinawag na Diyos? Ano mismo ang pagkakaiba sa pagitan ng gawain na ginawa ni Jesus at ng ginawa ni Juan? Ang tanging dahilan lamang ba ay si Juan ang naghanda ng daan para kay Jesus? O dahil itinalaga na ito ng Diyos? Kahit sinabi rin ni Juan, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit,” at nangaral din ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, ang kanyang gawain ay hindi malalim at bumuo lamang ng simulain. Sa kaibahan, inihatid ni Jesus ang bagong kapanahunan at dinala ang lumang kapanahunan sa katapusan, nguni’t tinupad din Niya ang kautusan ng Lumang Tipan. Higit na mas dakila ang gawain na ginawa Niya kaysa kay Juan, at pumarito Siya upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan—ginawa Niya ang yugto ng gawain na yan. Naghanda lamang ng daan si Juan. Kahit na dakila ang kanyang gawain, marami ang kanyang mga salita, at marami ang mga alagad na sumunod sa kanya, walang higit na ibinunga ang kanyang gawain kundi dalahin ang isang bagong simula sa tao. Hindi kailanman nakatanggap mula sa kanya ang tao ng buhay, ng daan, o malalalim na katotohanan, at wala rin silang nakamit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan niya. Si Juan ay isang dakilang propeta (Elias) na nagpasimuno ng bagong batayan para sa gawain ni Jesus at inihanda ang pinili; naging hudyat siya para sa Panahon ng Biyaya. Hindi maaaring mabatid ang ganitong mga bagay sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanilang mga karaniwang anyong tao. Lalo na dahil gumawa rin ng ilang mahusay na gawain si Juan; higit pa rito, ipinanganak siya sa pamamagitan ng pangako ng Banal na Espiritu, at itinaguyod ng Banal na Espiritu ang kanyang gawain. Gaya ng nabanggit, ang pagtukoy sa pagkakaiba ng kanilang mga sariling pagkakilanlan ay maaari lamang magawa sa pamamagitan ng kanilang gawain, sapagka’t hindi masasabi ng panlabas na anyo ng isang tao ang kanyang diwa, at hindi kaya ng tao na alamin ang tunay na patotoo ng Banal na Espiritu. Ang gawain na ginawa ni Juan at ang ginawa ni Jesus ay hindi magkatulad at magkaiba ng kalikasan. Ito ang dapat magtukoy kung Diyos siya o hindi. Ang gawain ni Jesus ay ang magsimula, magpatuloy, tumapos at tumupad. Tinupad ni Jesus ang bawat isa sa mga hakbang na ito, samantalang ang gawain ni Juan ay hindi hihigit sa pagsisimula. Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay nagbautismo ng tao, nagpagaling ng karamdaman, at nagpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang gawain para sa buong kapanahunan. Nangaral siya sa tao at nagpakalat ng ebanghelyo ng kaharian ng langit sa lahat ng mga lugar. Ito ay pareho kay Juan, na ang pagkakaiba ay dahil naghatid si Jesus ng isang bagong kapanahunan at nagdala sa tao ng Kapanahunan ng Biyaya. Lumabas mula sa Kanyang bibig ang salita na dapat isabuhay ng tao at ang daan na dapat sundin ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya, at sa katapusan, tinapos Niya ang gawain ng pagtubos. Hindi kailanman matutupad ni Juan ang gayong gawain. At sa gayon, si Jesus ang gumawa ng gawain ng Diyos Mismo, at Siya ang Diyos Mismo at direktang kumakatawan sa Diyos. Sinasabi ng mga pagkaintindi ng tao na lahat niyaong isinilang sa pamamagitan ng pangako, isinilang sa Espiritu, pinagtibay ng Banal na Espiritu, at ang nagbukas ng maraming bagong pamamaraan ay Diyos. Alinsunod sa katwirang ito, si Juan rin ay Diyos, at si Moises, si Abraham, at si David…, sila rin ay Diyos. Hindi ba ito isang malaking biro?

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Naniniwala ang mga tao na ang Diyos na nagkatawang-tao ay tiyak na hindi nabubuhay gaya ng normal na tao; naniniwala sila na Siya ay malinis na hindi na kinakailangang magsipilyo ng Kanyang mga ngipin o hugasan ang Kanyang mukha; sapagka’t Siya’y isang banal na tao. Di ba ito pawang mga palagay ng tao? Hindi gumawa ang Biblia ng tala ng buhay ni Jesus bilang isang tao, tanging ang Kanyang gawain lamang, nguni’t hindi nito pinapatunayan na Siya ay hindi nagkaroon ng karaniwang pagkatao o na hindi Siya namuhay ng isang normal na buhay ng tao bago ang edad na tatlumpu. Opisyal Niyang sinimulan ang Kanyang gawain sa edad na 29, nguni’t hindi mo maaaring itanggi ang Kanyang buong buhay bilang isang tao bago ang edad na iyon. Tinanggal lamang ng Biblia ang yugtong iyon mula sa mga talaan nito; dahil ito ay ang Kanyang buhay bilang isang ordinaryong tao at hindi ang yugto ng Kanyang banal na gawain, walang pangangailangan para ang mga ito ay isulat. Dahil bago ang bautismo ni Jesus, hindi kaagad na ginawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, nguni’t pinananatili lamang ang Kanyang buhay bilang isang ordinaryong tao hanggang sa araw na si Jesus ay nararapat na upang gumanap sa Kanyang ministeryo. Kahit Siya ang nagkatawang-tao na Diyos, sumailalim Siya sa proseso ng pagiging may-gulang tulad ng ginagawa ng isang ordinaryong tao. Tinanggal ang prosesong ito mula sa Biblia, dahil wala itong maaaring maibigay na malaking tulong sa paglago ng tao sa buhay. Bago ang Kanyang bautismo ay ang isang yugto na kung saan nanatili Siyang di-lantad, at hindi rin Siya gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan. Sinimulan lamang ni Jesus pagkatapos ng Kanyang bautismo ang lahat ng gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, gawain na marangyang sagana sa biyaya, sa katotohanan, at sa pag-ibig at awa. Ang simula ng gawaing ito ay ang pagsisimula rin ng Kapanahunan ng Biyaya; para sa kadahilanang ito, naisulat ito at ipinasa hanggang sa kasalukuyan. Nagbukas ito ng isang daan palabas at dinala ang lahat sa katuparan upang yaong nasa Kapanahunan ng Biyaya ay lakaran ang daan ng gayong kapanahunan at lakaran ang daan ng krus. Bagama’t ang mga tala niyon ay isinulat ng tao, lahat ay mga paglalarawan ng mga totoong pangyayari, na mayroon lamang maliliit na mga pagkakamali sa partikular na mga bagay. Kahit ganun, hindi maikakaila ang katotohanan ng gayong mga bagay. Ang mga ito ay totoo sa kabuuan, bagama’t lumitaw ang mga pagkakamali sapagka’t ang mga ito ay isinulat ng tao. Maaaring sabihin ng ilan na si Jesus ay isa na may normal at karaniwang pagkatao, kaya paanong nangyari na mayroon Siyang kakayahan sa paggawa ng mga tanda at mga hiwaga? Ang apatnapung araw ng pagkatukso na pinagdaanan ni Jesus ay isang tanda ng himala, isang bagay na hindi makakayang kamtin ng isang karaniwang tao. Ang Kanyang apatnapung araw ng pagkatukso ay gawain ng Banal na Espiritu; paano masasabi kung gayon ng isang tao na wala ni kaunting hindi pangkaraniwan sa loob Niya? Hindi ipinamamalas ng Kanyang paggawa ng mga tanda at ng mga kababalaghan na Siya ay hindi karaniwang tao kundi isang transendenteng tao; ang Banal na Espiritu ay gumawa lamang sa isang karaniwang taong kagaya Niya, sa gayon ay naging posible para sa Kanya na magsagawa ng mga himala at gumawa ng mas dakilang bagay. Bago gumanap si Jesus ng Kanyang ministeryo, o tulad ng sinasabi sa Biblia, bago bumaba ang Espiritu sa Kanya, isa lamang ordinaryong tao si Jesus at sa anupaman hindi higit sa pangkaraniwan. Sa pagbaba ng Banal na Espiritu, iyon ay, nang nagsimula Siya sa pagganap ng Kanyang ministeryo, Siya ay nagkaroon ng higit sa pangkaraniwan. Sa ganitong paraan, ang tao ay napapaniwala na ang katawan ng naging-taong Diyos ay walang normal na pagkatao at higit pa rito ay iniisip nang may kamalian na ang Diyos na nagkatawang-tao ay walang pagkatao. Tiyak, ang gawain at lahat ng nakikita ng tao sa Diyos sa lupa ay higit sa karaniwan. Ang pinagmamasdan mo gamit ang iyong mga mata at ang naririnig mo gamit ang iyong mga tainga ay di-pangkaraniwang lahat, dahil ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay hindi kayang unawain at matamo ng tao. Kung may bagay sa langit na dinala sa lupa, paano ito magiging ano pa man kundi higit sa karaniwan? Kapag dinala sa lupa ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, ang mga hiwagang hindi maunawaan at hindi maarok ng tao, na masyadong nakakamangha at matalino—hindi ba ang lahat ng ito ay higit sa karaniwan? Subali’t, dapat mong malaman na kahit gaano man ito higit sa karaniwan, ang lahat ay tinutupad sa saklaw ng Kanyang karaniwang pagkatao. Ang katawan ng naging-taong Diyos ay may pagkatao; kung hindi, hindi Siya magiging katawan ng naging taong Diyos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Ang gawain ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao ay pinamamahalaan ng sariling mga alituntunin nito. Maaari lamang Siyang magsagawa ng gawain at gampanan ang iniatas ng Ama kapag nagtataglay na Siya ng karaniwang pagkatao. Pagkatapos lamang noon maaari Niyang simulan ang Kanyang gawain. Sa Kanyang pagkabata, hindi masyadong naintindihan ni Jesus ang lahat ng naganap sa sinaunang panahon, at sa pamamagitan lamang ng pagtatanong sa mga guro sa sinagoga Niya naunawaan. Kung nagsimula Siya sa Kanyang gawain sa unang pagkakataon na natuto Siyang magsalita, paanong posibleng hindi Siya makagawa ng anumang mga pagkakamali? Paano makakagawa ang Diyos ng mga maling hakbang? Samakatuwid, pagkatapos lamang nito na Siya ay nagsimula sa Kanyang gawain; hindi Siya nagsagawa ng anumang gawain hanggang ganap Siyang handa sa pagsasagawa ng mga nasabi. Sa edad na 29, naging ganap na si Jesus at sapat na ang Kanyang pagkatao upang magsagawa ng gawain na gagawin Niya. Pagkatapos lamang noon na ang Banal na Espiritu, na nanatiling nakatago ng tatlumpung taon, ay nagsimulang magpahayag ng Kanyang sarili, at opisyal nang nagsimulang gumawa sa Kanya ang Espiritu ng Diyos. Nang panahong iyon, naghanda si Juan ng pitong taon sa paghahanda ng daan para sa Kanya, at sa pagtatapos ng kanyang gawain, itinapon si Juan sa bilangguan. Pagkatapos ay ganap na napunta ang pasanin kay Jesus. Kung isinagawa Niya ang gawaing ito sa edad na 21 o 22, noong marami Siyang kakulangan sa pagkatao at kapapasok pa lamang sa pagkabinata, kulang pa rin sa pang-unawa sa maraming mga bagay, hindi pa Niya kakayaning panghawakan ang pamumuno. Noong panahong iyon, natupad na ni Juan ang kanyang gawain ng ilang panahon bago simulan ni Jesus ang Kanyang gawain sa Kanyang pagkabinata. Sa edad na iyon, sapat na ang Kanyang karaniwang pagkatao upang magsagawa ng gawain na dapat Niyang gawin.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Maraming mga alituntunin ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Maraming hindi maunawaan ang tao, nguni’t patuloy na ginagamit ng tao ang kanyang sariling mga paniniwala upang masukat ito o gumawa ng labis na mga kahilingan sa Kanya. At kahit sa araw na ito marami ang walang kamalayan na ang kanilang kaalaman ay binubuo lamang ng kanilang sariling mga paniniwala. Anuman ang edad o lugar kung saan nagkatawang-tao ang Diyos, nananatili pa ring hindi nagbabago ang mga alituntunin ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Hindi Siya maaaring maging katawang-tao pero lalampasan ang katawang-tao upang gumawa; saka, hindi Siya maaaring maging katawang-tao pero hindi gumawa sa normal na pagkatao ng katawang-tao. Kung hindi, mapapawi ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at magiging ganap na walang kahulugan ang Salita na naging katawang-tao. Dagdag pa rito, tanging ang Ama sa langit (ang Espiritu) ang nakakaalam ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at wala nang iba, hindi kahit ang katawang-tao Mismo o ang mga sugo ng langit. Dahil dito, mas normal pa ang gawain ng Diyos sa katawang-tao at mas makakapagpakita na sa katunayan ang Salita ay naging katawang-tao; ang ibig sabihin ng katawang-tao ay ordinaryo at normal na tao.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Maaaring magtaka ang ilan, Bakit kinakailangang ang kapanahunan ay ihatid ng Diyos Mismo? Hindi ba maaaring ang isang nilalang ay tumayo na kahalili Niya? Batid ninyong lahat na hayagang naging tao ang Diyos para sa layunin ng paghahatid ng isang bagong kapanahunan, at, siyempre, kapag inihahatid Niya ang isang bagong kapanahunan, natapos na rin Niya ang naunang kapanahunan. Ang Diyos ay ang Simula at ang Katapusan; Siya Mismo ang nagpapatakbo ng Kanyang gawain at kaya dapat Siya Mismo ang tatapos sa naunang kapanahunan. Iyon ang patunay na tinatalo Niya si Satanas at nilulupig ang mundo. Tuwing gumagawa Siya Mismo sa gitna ng tao, ito ay simula ng isang bagong labanan. Kung walang pagsisimula ng bagong gawain, natural na walang konklusyon ng luma. At ang kawalang konklusyon ng luma ang patunay na ang pakikipagdigma kay Satanas ay hindi pa natatapos. Tanging kung ang Diyos Mismo ay dumarating at nagdadala ng bagong gawain sa gitna ng tao na ganap na makakalaya ang tao mula sa sakop ni Satanas at makakatamo ng isang bagong buhay at bagong simula. Kung hindi, mamumuhay magpakailanman ang tao sa lumang kapanahunan at mamumuhay magpakailanman sa ilalim ng lumang impluwensiya ni Satanas. Sa bawa’t kapanahunan na pinangunahan ng Diyos, ang isang bahagi ng tao ay napapalaya, at sa gayon ay sumusulong ang tao kasama ng gawain ng Diyos patungo sa bagong kapanahunan. Ang tagumpay ng Diyos ay tagumpay para sa lahat niyaong mga sumusunod sa Kanya. Kung ang sangkatauhang nilikha ay inakusahan ng pagtatapos ng kapanahunan, kung gayon iyon man ay sa pananaw ng tao o ni Satanas, ito ay walang iba kundi isang gawa na sumasalungat o nagtataksil sa Diyos, hindi ng pagsunod sa Diyos, at ang gawa ng tao ay magiging kasangkapan para kay Satanas. Magiging ganap na kumbinsido si Satanas kung tatalima at susunod lamang ang tao sa Diyos sa isang kapanahunan na inihatid ng Diyos Mismo, dahil iyon ang tungkulin ng isang nilalang. Kaya sinasabi ko na kailangan lamang ninyong sumunod at tumalima, at wala nang ibang hinihingi sa inyo. Iyon ang ibig sabihin ng pagpapanatili ng bawa’t isa sa kanyang tungkulin at pagganap ng kanyang gawain. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain at hindi kailangan ang tao para humalili sa paggawa ng Kanyang gawain, at hindi rin Niya isinasangkot ang Kanyang Sarili sa gawain ng mga nilalang. Gumaganap ang tao ng kanyang sariling tungkulin at hindi nakikialam sa gawain ng Diyos, at iyon ang tunay na pagsunod at patunay na natalo na si Satanas. Pagkatapos ng Diyos Mismo na naghatid sa bagong kapanahunan, hindi na Siya Mismo gumagawa sa gitna ng tao. Pagkatapos noon saka lamang opisyal na humahakbang ang tao patungo sa bagong kapanahunan upang gampanan ang kanyang tungkulin at tuparin ang kanyang misyon bilang isang nilalang. Ganyan ang mga alituntunin ng paggawa na hindi maaaring suwayin ninuman. Ang ganitong paraan lamang ng paggawa ang matino at makatwiran. Ang gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos Mismo. Siya ang nagpapasimulang patakbuhin ang Kanyang gawain, at Siya rin ang tumatapos nito. Siya ang nagplaplano ng gawain, at Siya rin ang namamahala nito, at lalo na, Siya ang nagpapabunga sa gawain. Tulad ito ng nakasaad sa Biblia, “Ako ang Pasimula at ang Katapusan; Ako ang Tagahasik at ang Tagaani.” Ang lahat ng may kaugnayan sa gawain ng Kanyang pamamahala ay ginagawa Niya Mismo. Siya ang Tagapamahala ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala; walang sinuman ang makakagawa ng Kanyang gawain bilang kahalili Niya o magtatapos ng Kanyang gawain, dahil Siya ang may kontrol ng lahat. Dahil nilikha Niya ang mundo, aakayin Niya ang buong mundo na mamuhay sa Kanyang liwanag, at tatapusin Niya ang buong kapanahunan upang dalhin ang lahat ng Kanyang plano sa katuparan!

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Sa panahong iyon, nang si Jesus ay gumawa sa Judea, gumawa Siya nang lantaran, ngunit ngayon, gumagawa Ako at nagsasalita sa inyo nang lihim. Ganap na hindi ito alam ng mga hindi mananampalataya. Ang Aking gawain sa inyo ay hiwalay sa iba. Ang mga salitang ito, ang mga pagkastigo at mga paghatol na ito, ay hayag lamang sa inyong lahat at wala nang iba. Lahat ng gawaing ito ay isinasagawa sa inyo at binuksan lamang sa inyo; wala sa mga hindi mananampalataya ang nakakaalam nito, dahil hindi pa dumarating ang oras. Malapit nang maging ganap ang mga taong ito matapos na tiisin ang mga pagkastigo, ngunit walang alam ang mga nasa labas tungkol dito. Masyadong nakatago ang gawaing ito! Para sa kanila, malihim ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit sa mga nasa daluyang ito, maaari Siyang ituring na hindi lihim. Kahit na ang lahat ay bukas sa Diyos, naihahayag ang lahat at inilalabas ang lahat, totoo lamang ito sa mga taong naniniwala sa Kanya, at walang ipinaaalam sa mga hindi mananampalataya. Ang gawaing isinasagawa dito ngayon ay mahigpit na nakahiwalay upang hindi nila malaman. Kung malaman man nila, paghatol at pag-uusig lamang ang naghihintay. Hindi sila maniniwala. Ang gumawa sa bansa ng malaking pulang dragon, ang pinakapaurong sa mga lugar, ay hindi madaling gawain. Kung ang gawaing ito ay ihahayag, samakatwid magiging imposibleng magpatuloy. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi basta maaaring sumulong sa lugar na ito. Paano nila pahihintulutan ito kung ang ganitong gawain ay natupad nang lantaran? Hindi ba ito magdadala pa ng mas malaking panganib? Kung hindi naitago ang gawaing ito, at sa halip ay ipinagpatuloy tulad sa panahon ni Jesus nang kamangha-mangha Siyang nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, kung ganoon hindi ba matagal na sana itong “sinunggaban” ng mga demonyo? Kaya ba nilang tiisin ang pag-iral ng Diyos? Kung papasok Ako ngayon sa mga bulwagan upang mangaral at magbigay ng panayam sa tao, hindi ba matagal na sana Akong nagkadurug-durog? At kung gayon, paanong patuloy na matutupad ang Aking gawain? Ang dahilan kung bakit ang mga tanda at kababalaghan ay hindi nahahayag nang lantaran ay para sa kapakanan ng pagkatago. Kaya ang Aking gawain ay hindi maaaring makita, makilala o matuklasan ng mga hindi mananampalataya. Kung ang yugtong ito ng gawain ay gagawin sa parehong paraan tulad ng kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ito magiging matatag. Kaya, ang gawain na itatago sa paraang ito ay may benepisyo sa inyo at sa lahat ng gawain. Kapag ang gawain ng Diyos sa lupa ay dumating na sa katapusan, iyon ay, kapag ang lihim na gawaing ito ay natapos, ang yugtong ito ng gawain ay mahahayag. Malalaman ng lahat na may mga grupo ng mga mananagumpay sa Tsina; malalaman ng lahat na nasa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao at dumating na sa pagtatapos ang Kanyang gawain. Doon lamang ito magliliwanag sa tao: Bakit hindi pa nagpapakita ang Tsina ng paghina o pagbagsak? Lumalabas na ang Diyos ay personal na nagsasagawa ng Kanyang gawain sa Tsina at ginawang ganap ang isang grupo ng mga tao bilang mga mananagumpay.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Inihahayag lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang sarili sa ilang tao na sumusunod sa Kanya habang personal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain, at hindi sa lahat ng nilalang. Naging katawang-tao lamang Siya upang makumpleto ang isang yugto ng gawain, hindi upang ipakita sa tao ang Kanyang larawan. Gayunpaman, dapat na tuparin Niya mismo ang Kanyang gawain, kaya kinakailangan Niya itong gawin sa katawang-tao. Kapag natapos ang gawaing ito, aalis Siya mula sa daigdig; hindi Siya maaaring manatili sa mahabang panahon sa sangkatauhan dahil sa takot na maharangan ang darating na gawain. Ang inihahayag Niya sa karamihan ay ang Kanya lamang matuwid na disposisyon at ang lahat ng Kanyang mga gawa, at hindi ang larawan ng Kanyang katawan nang dalawang beses Siyang naging katawang-tao, dahil ang larawan ng Diyos ay maaari lamang na makita sa Kanyang disposisyon, at hindi pinalitan ng larawan ng Kanyang nagkatawang-taong laman. Ipinapakita lamang sa limitadong bilang ng mga tao ang larawan ng Kanyang katawang-tao, tanging sa mga taong sumusunod sa Kanya habang gumagawa Siya sa katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit ang gawaing ipinapatupad ngayon ay ginagawa nang lihim. Tulad ni Jesus na ipinakita lamang ang Kanyang sarili sa mga Judio noong ginawa Niya ang Kanyang gawain, at hindi kailanman hayagan na ipinakita sa ibang bansa. Kaya, sa sandaling nakumpleto Niya ang Kanyang gawain, kaagad Niyang nilisan ang tao at hindi nanatili; sa sumunod na panahon, hindi Niya ipinahayag ang larawan ng Kanyang sarili sa tao, ngunit sa halip ang gawain ay isinakatuparan nang direkta ng Banal na Espiritu. Kapag ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, umaalis na Siya mula sa mortal na mundo, at hindi na kailanman pang muling gagawa ng gawain na katulad ng Kanyang ginawa noong panahong Siya ay nagkatawang-tao. Ang gawain na sumunod ay direktang ginagawa lahat ng Banal na Espiritu. Sa panahong ito, mahirap makikita ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao; hindi Niya ipinapakita ang Kanyang sarili sa tao sa anumang paraan, at nananatiling nakatago magpakailanman. May limitadong oras para sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, na dapat matupad sa isang tiyak na kapanahunan, oras, bansa at sa mga partikular na tao. Ang ganitong gawain ay kumakatawan lamang sa gawain sa panahong ang Diyos ay nagkatawang-tao, at ito ay partikular sa kapanahunan, na kumakatawan sa gawain ng Espiritu ng Diyos sa isang partikular na kapanahunan, at hindi ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, hindi ipapakita sa lahat ng tao ang larawan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang ipinapakita sa karamihan ay ang pagkamatuwid ng Diyos at ang Kanyang disposisyon sa kabuuan nito, sa halip na ang Kanyang larawan nang dalawang beses Siyang naging tao. Hindi ito ang nag-iisang larawan na ipinapakita sa tao, o ang dalawang larawang pinagsama. Samakatuwid, kinakailangang umalis ang nagkatawang-taong Diyos sa daigdig kapag nakumpleto ang gawain na kailangan Niyang gawin, sapagkat dumarating lamang Siya upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, at hindi upang ipakita sa mga tao ang Kanyang larawan. Kahit na ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay natupad na ng Diyos nang dalawang beses na maging tao, hindi pa rin Niya lantarang ipapakilala ang Kanyang sarili sa anumang bansa na kailanman ay hindi pa Siya nakita.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Sa sandaling ang gawain nang dalawang beses Siyang naging tao ay dumating sa katapusan, magsisimula Siyang magpakita ng Kanyang matuwid na disposisyon sa ibayong mga bansang Gentil, na magpapahintulot sa maraming tao na makita ang Kanyang larawan. Nais Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon, at sa pamamagitan nito ay gawing malinaw ang katapusan ng iba’t ibang uri ng tao, dahil doon madadala ang lumang kapanahunan sa ganap na katapusan. Ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi umaabot sa napakalaking kalawakan (gaya ng paggawa lamang ni Jesus sa Judea, at ngayon ay gumagawa lamang Ako kasama ninyo) dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at limitasyon. Isinasagawa lamang Niya ang isang maikling panahon ng gawain sa larawan ng isang karaniwan at normal na katawang-tao, sa halip na gawin ang gawain ng walang-hanggan o gawin ang gawain ng pagpapakita sa lahat ng tao ng mga bansang Gentil sa pamamagitan nitong nagkatawang-taong laman. Itong gawain sa katawang-tao ay dapat na limitado sa saklaw (gaya ng paggawa lamang sa Judea o sa inyo lamang), pagkatapos ay pinalaki sa pamamagitan ng gawain na natupad sa loob ng mga hangganan na ito. Siyempre, ang gawain ng ganitong pagpapalawak ay direktang tinutupad ng Kanyang Espiritu at hindi magiging gawain ng Kanyang katawang-tao. Sapagkat ang gawain sa katawang-tao ay may mga hangganan at hindi abot sa lahat ng sulok ng sansinukob. Ito, hindi ito maaaring magawa. Sa pamamagitan ng gawain sa katawang-tao, tinutupad ng Kanyang Espiritu ang gawaing sumusunod. Kaya, ang gawain na ginawa sa katawang-tao ay isa sa simulaing ipinatupad sa loob ng mga hangganan; ang Kanyang Espiritu sa dakong huli ang magpapatuloy sa gawaing ito, at magpapalawak nito.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Dumarating ang Diyos dito sa mundo para gawin lamang ang gawain ng pamumuno sa kapanahunan; para magbukas ng isang bagong kapanahunan at dalhin ang luma sa katapusan. Hindi Siya naparito upang isabuhay ang pagdaan ng buhay ng tao sa lupa, upang maranasan Niya mismo ang mga kasiyahan at kalungkutan ng buhay bilang isang tao, o upang gawing perpekto ang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang kamay o personal na panoorin ang isang tao habang siya ay lumalaki. Hindi Niya ito gawain; ang Kanyang gawain lamang ay buksan ang bagong kapanahunan at tapusin ang luma. Iyon ay, magbubukas Siya ng isang kapanahunan, dadalhin ang isa sa katapusan, at tatalunin si Satanas sa pamamagitan ng personal na pagtupad ng gawain. Tuwing tinutupad Niya ang gawain nang personal, tila inilalagay Niya ang isang paa sa lugar ng digmaan. Sa katawang-tao, uunahin muna Niyang talunin ang mundo at magwawagi laban kay Satanas; tinatamo Niya ang lahat ng kaluwalhatian at itinataas ang mga kurtina sa gawain ng lahat ng dalawang libong taon, at ito ay nagbibigay sa lahat ng tao sa mundo ng tamang landas na susundin, at isang buhay na payapa at masaya. Subalit, ang Diyos ay hindi maaaring makipamuhay kasama ang tao sa mundo nang matagal, dahil ang Diyos ay Diyos, at hindi tulad ng tao matapos ang lahat. Hindi Niya maaaring isabuhay ang buong buhay ng normal na tao, iyon ay, hindi Siya maaaring tumira sa mundo bilang isang taong hindi ordinaryo, dahil mayroon lamang Siyang napakaliit na bahagi ng normal na pagkatao ng mga ordinaryong tao para ipagpatuloy ang Kanyang buhay nang ganoon. Sa madaling salita, paano makakapagsimula ang Diyos ng pamilya, magkaroon ng karera, at magpapalaki ng mga anak sa mundo? Hindi ba ito magiging isang kahihiyan sa Kanya? Na pinagkakalooban Siya ng normal na pagkatao ay para lamang sa layunin na isakatuparan ang gawain sa isang normal na paraan, hindi upang pahintulutan Siyang magkaroon ng isang pamilya at karera tulad ng gagawin ng isang karaniwang tao. Ang Kanyang normal na katinuan, normal na pag-iisip, at ang normal na pagpapakain at damit ng Kanyang katawang-tao ay sapat upang patunayang mayroon Siyang normal na pagkatao; hindi na Niya kailangang magkaroon ng pamilya o karera upang patunayang Siya ay pinagkalooban ng normal na pagkatao. Ito ay ganap na hindi kinakailangan! Ang Diyos ay dumarating sa lupa, ibig sabihin ang Salita ay nagiging tao; pinahihintulutan lamang Niya ang tao na maintindihan ang Kanyang salita at makita ang Kanyang salita, iyon ay, pinapahintulutan ang tao na makita ang gawaing tinupad sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Kanyang layunin ay hindi para tratuhin ng mga tao ang Kanyang katawang-tao sa isang tiyak na paraan, kundi para lamang ang tao ay maging masunurin hanggang sa katapusan, iyon ay, upang sundin ang lahat ng salita na lumalabas mula sa Kanyang bibig, at para magpasakop sa lahat ng gawain na Kanyang ginagawa. Siya lamang ay gumagawa sa katawang-tao; hindi Siya sadyang humihingi sa tao na purihin ang kadakilaan at kabanalan ng Kanyang katawang-tao, kundi ipinapakita sa tao ang karunungan ng Kanyang gawain at lahat ng awtoridad na Kanyang hawak. Samakatuwid, kahit na Siya ay may katangi-tanging pagkatao, hindi Siya gumagawa ng mga anunsyo, at nakatuon lamang sa gawain na dapat Niyang gawin. Dapat ninyong malaman kung bakit ang Diyos ay naging tao at gayunman hindi inilalabas o pinatotohanan ang Kanyang normal na pagkatao, ngunit sa halip ay ipinapatupad lamang ang gawain na nais Niyang gawin. Kung gayon, lahat ng inyong makikita mula sa nagkatawang-taong Diyos ay kung ano ang Kanyang pagka-Diyos, ito ay dahil hindi Niya inihahayag kung ano ang Kanyang pagkatao upang tularan ng tao. Tanging kapag pinamumunuan ng tao ang tao saka siya nagsasalita tungkol sa kanyang pagkatao, upang maaaring makamit niya ang pamumuno sa iba sa pamamagitan ng pagpapakitang-gilas at pagkumbinsi sa kanila. Sa kabaligtaran, nilulupig ng Diyos ang tao sa pamamagitan lamang ng Kanyang gawain (iyon ay, gawaing hindi natatamo ng tao; walang pag-aalinlangan sa Kanyang pagiging hinahangaan ng tao, o ginagawa ang tao na sambahin Siya. Ang ginagawa lamang Niya ay ikintal sa tao ang damdamin ng paggalang sa Kanya o ang isang pagkaunawa sa Kanyang pagiging di-maarok. Hindi na kailangan ng Diyos na magpahanga sa tao; ang kailangan lang Niya ay ang gumalang ka sa Kanya kapag nasaksihan mo ang Kanyang disposisyon. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay sarili Niya; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang kahalili Niya, ni hindi ito maisasakatuparan ng tao. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain at makapaghahatid sa isang bagong kapanahunan upang pangunahan ang tao sa bagong mga buhay. Ang gawain na Kanyang ginagawa ay upang magawang tanggapin ng tao ang isang bagong buhay at pumasok sa isang bagong kapanahunan. Ang lahat ng iba pang gawain ay ipinasa sa mga tao na mayroong normal na pagkatao at hinahangaan ng iba pa. Kung gayon, sa Kapanahunan ng Biyaya, tinapos Niya ang dalawang libong taon na gawain sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon sa Kanyang tatlumpu’t tatlong taon na nasa katawang-tao. Nang dumating ang Diyos sa lupa at ipinatutupad ang Kanyang gawain, palagi Niyang tinatapos ang dalawang libong taon na gawain o ang isang buong kapanahunan sa loob lamang ng pinakamaikling haba ng ilang taon. Hindi Siya nagsasayang ng oras, at hindi Siya nagpapaliban; pinaiikli lamang Niya ang gawain ng maraming taon upang ito ay matapos sa loob lamang ng ilang maigsing mga taon. Ito ay dahil sa ang gawain na Kanyang personal na ginagawa ay upang buksan lamang ang isang daan palabas at upang pangunahan ang bagong kapanahunan.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag dumarating ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa lupa, ang isinasaalang-alang Niya lamang ay ang katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, hindi Siya halos nakikibahagi, maging hanggang sa punto ng pagwawalang-bahala. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang isinasaalang-alang ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay tumutukoy lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at sa ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bang ang iba pang bagay ay nakasalalay sa labas ng saklaw Niya. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman tungkol sa pamumuhay bilang tao, ni natututo Siya ng higit na kasanayan sa pakikipagkapwa, ni sinasangkapan ang Sarili Niya ng ano pa mang naiintindihan ng tao. Hindi man lang Siya nag-aalala ng lahat ng dapat taglayin ng tao at ang tanging ginagawa Niya ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay kulang, na hanggang sa hindi man lang Niya pinapansin ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at bukod pa sa walang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga gayong bagay tulad ng pangkaraniwang kaalaman tungkol sa buhay, pati na ang mga prinsipyo na sumasakop sa personal na pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba, na lumilitaw na walang kaugnayan sa Kanya. Ngunit, hindi mo lang mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting pahiwatig ng pagiging di-normal. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao at ang karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala sa pagitan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anupamang bagay, na kung ano ang dapat taglayin lamang ng tao (mga nilikhang tao). Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta sa isang buong kapanahunan, hindi sa sinumang tao o anumang lugar kundi sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at ang prinsipyo kung saan Siya ay gumagawa. Walang sinuman ang makakapagpabago nito, at walang paraan na magiging kabahagi ang tao dito. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging katawang-tao, dinadala Niya sa Kanya ang gawain ng gayong kapanahunan, at walang balak ng pamumuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu o walumpu na mga taon upang maaaring mas mahusay niyang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyon ay walang paraan na mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanyang mga pagkaunawa at magsasanhi sa kanyang mga pagkaunawa at mga saloobin na maging makaluma. At kaya bumabagay ito na inyong maintindihang lahat kung ano talaga ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Tiyak na hindi kayo mabibigong maunawaan ang mga salitang Aking sinabi sa inyo: “Hindi upang maranasan ang buhay ng isang karaniwang tao na Ako ay pumarito”? Nalimutan ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumarating sa lupa hindi upang isabuhay ang buhay ng isang karaniwang tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos na maging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay makakarating sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang?” Dumarating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtagal. Dumarating Siya sa mundo na walang layunin ng pagsasanhi sa Espiritu ng Diyos na linangin ang Kanyang katawang-tao tungo sa isang pambihirang tao na mamumuno sa iglesia. Kapag dumarating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na nagiging tao; gayunman, ang tao, ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at sapilitang ipinalalagay ang mga bagay sa Kanya. Ngunit dapat ninyong matantong lahat na ang Diyos ay ang “Salita na nagkatawang- tao,” hindi isang laman na nalinang ng Espiritu ng Diyos upang akuin ang tungkulin ng Diyos sa ngayon. Ang Diyos Mismo ay hindi produkto ng paglilinang, ngunit ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon ay opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Nagiging tao lamang ang Diyos upang pamunuan ang kapanahunan at simulan ang bagong gawain. Kinakailangan ninyong maunawaan ang puntong ito. Ibang-iba ito sa tungkulin ng tao, at talagang magkaiba ang dalawa. Ang tao ay nangangailangan na malinang at magawang perpekto sa mahabang panahon bago siya maaaring magamit upang isagawa ang gawain, at ang uri ng pagkatao na kinakailangan ay natatanging nasa mataas na antas. Hindi lamang dapat mapanatili ng tao ang kanyang normal na pantaong kapangyarihan ng pangangatwiran, ngunit dapat mas lalo pa niyang maunawaan ang maraming prinsipyo at patakaran ng pamamahala ng kanyang pag-uugali kaugnay sa iba, at higit sa rito ay dapat mangakong lalo pa siyang mag-aaral tungkol sa karunungan at kaalamn sa etika ng tao. Ito ang nararapat na ipagkaloob sa tao. Gayunman, ito ay hindi para sa Diyos na naging tao, dahil ang Kanyang gawain ay hindi kumakatawan sa tao o sa gawain ng tao; sa halip, ito ay isang tuwirang pagpapahayag ng kung ano Siya at isang tuwirang pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. (Natural, isinasagawa ang Kanyang gawain sa angkop na panahon, at hindi lang basta-basta at sapalaran, at sinisimulan kapag oras na para tuparin ang Kanyang ministeryo.) Hindi Siya nakikibahagi sa buhay ng tao o gawain ng tao, iyon ay, ang Kanyang pagkatao ay hindi binigyan ng alinman sa mga ito (bagaman hindi ito nakakaapekto sa Kanyang gawain). Tinutupad Niya lamang ang Kanyang ministeryo kapag oras na para gawin Niya ito; anuman ang Kanyang katayuan, ipinagpapatuloy Niya lamang ang gawain na dapat Niyang gawin. Anuman ang alam ng tao sa Kanya at anuman ang opinion ng tao sa Kanya, ang Kanyang gawain ay hindi buong naaapektuhan. Halimbawa, nang isinagawa ni Jesus ang Kanyang gawain; wala talagang nakakilala kung sino Siya, ngunit ipinagpatuloy Niya lamang ang Kanyang gawain. Wala sa mga ito ang nakahadlang sa Kanya sa pagsasagawa ng gawain na kinakailangan Niya. Samakatuwid, hindi muna Niya inamin o ipinahayag ang Kanyang sariling pagkakakilanlan, at pinasunod lamang Niya ang tao sa Kanya. Natural na hindi lamang ito ang pagpapakumbaba ng Diyos; ito rin ay ang paraan na kung saan ang Diyos ay gumawa sa katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang Siya maaaring gumawa, dahil ang tao ay walang paraan ng pagkilala sa Kanya sa pamamagitan ng mata lamang. At kahit na nakilala Siya ng tao, hindi makakayang makatulong ang tao sa Kanyang gawain. At saka, hindi Siya naging tao para malaman ng tao ang Kanyang katawang-tao; ito ay upang isagawa ang gawain at tuparin ang Kanyang ministeryo. Sa kadahilanang ito, hindi Niya binigyang kahalagahan na isapubliko ang Kanyang pagkakakilanlan. Nang natapos na Niya ang lahat ng gawain na dapat Niyang gawin, ang Kanyang buong pagkakakilanlan at katayuan ay natural na naging malinaw sa tao. Ang Diyos na naging tao ay nanatiling tahimik at hindi kailanman gumawa ng kahit anong mga pahayag. Hindi Niya pinapansin ang tao o kung paano nagagawa ng tao ang pagsunod sa Kanya, ngunit ipinagpapatuloy lamang Niya ang pagtupad sa Kanyang ministeryo at pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. Walang sinuman ang kayang makahadlang sa gawain Niya. Kapag dumarating ang oras para sa Kanya na matapos ang Kanyang gawain, walang pagkabigo itong matatapos at madadala sa katapusan, at walang kayang magdikta kung hindi man. Tanging pagkatapos Niyang lisanin ang tao sa pagkumpleto ng Kanyang gawain na mauunawaan ang gawain na ginagawa Niya, kahit na hindi pa ganap na malinaw. At aabutin ng mahabang panahon para lubusang maunawaan ng tao ang layunin sa kung saan una Niyang isinagawa ang Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain sa kapanahunan ng nagkatawang-tao na Diyos ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang isang bahagi ay binubuo ng gawain na ang katawang-tao ng Diyos Mismo ang gumagawa at ang mga salita ng katawang-tao ng Diyos Mismo ang nagsasalita. Sa sandaling ang ministeryo ng Kanyang katawang-tao ay ganap na matupad, ang isa pang bahagi ng gawain ay nanatiling isasagawa ng mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Ito na ang panahon na dapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, dahil binuksan na ng Diyos ang daan, at kinakailangan na itong lakaran ng tao mismo. Ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isinasagawa ang isang bahagi ng gawain, at pagkatapos ang Banal na Espiritu pati na rin yaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ang papalit sa gawaing ito. Samakatuwid, dapat malaman ng tao kung ano ang gawaing pangunahin na isasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa yugtong ito at dapat niyang maunawaang ganap kung ano ang kahalagahan ng Diyos na nagkakatawang-tao at kung ano ang gawaing dapat Niyang gawin, sa halip na humihingi sa Diyos alinsunod sa mga hinihingi sa tao. Dito nakasalalay ang pagkakamali ng tao, ang kanyang pagkaunawa, at lalo na ang kanyang pagsuway.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao hindi para sa layuning tulutan ang tao na makilala ang Kanyang katawang-tao, o tulutan ang tao na makita ang mga kaibahan sa pagitan ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao at yaong sa tao; ni ang Diyos ay nagiging tao upang sanayin ang kakayahan ng tao sa pagkilatis, at lalo pa ang ginagawa nga Niya na may intensiyong tulutan ang tao na sambahin ang katawang-tao ng Diyos, sa gayon nagtatagumpay ng dakilang pagkaluwalhati. Wala sa mga bagay na ito ang orihinal na intensiyon ng Diyos sa pagiging katawang-tao. Ni ang Diyos ay maging tao upang hatulan ang tao, ni ibunyag ang tao nang sadya, ni gawing mahirap ang mga bagay para sa kanya. Wala sa mga bagay na ito ang orihinal na intensiyon ng Diyos. Tuwing ang Diyos ay nagkakatawang-tao, ito ay isang anyo ng gawaing hindi maiiwasan. Ito ay para sa kapakinabangan ng Kanyang lalong malaking gawain at sa Kanyang lalong malaking pamamahala kaya Siya kumikilos gaya ng ginagawa Niya, at hindi para sa mga dahilang naiisip ng tao. Ang Diyos ay dumarating lamang sa mundo ayon sa hinihingi ng Kanyang gawain, at kung kinakailangan lamang. Hindi Siya napaparito sa mundo na may intenisyong ng paglilibot sa buong mundo, kundi isagawa ang gawaing dapat Niyang gawin. Bakit pa Niya tatanggapin ang naturang mabigat na pasanin at haharapin ang mga naturang malubhang panganib upang isagawa ang gawaing ito? Ang Diyos ay nagkakatawang-tao lamang kapag kailangan Niya, at palaging may natatanging kabuluhan. Kung ito lamang ay para sa kapakanan ng pagpapahintulot sa mga tao na makita Siya at upang mabuksan ang kanilang mga abot-tanaw, kung gayon Siya, nang may ganap na katiyakan, ay hindi kailanman tutungo sa mga tao nang basta-basta. Siya ay dumarating sa mundo para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala at ng Kanyang mas malaking gawain, at upang maaari Siyang makakuha ng mas maraming tao. Siya ay dumarating upang kumatawan sa kapanahunan, at dumarating Siya upang talunin si Satanas, at upang talunin si Satanas Siya ay nagkakatawang-tao. Higit pa, Siya ay dumarating upang gabayan ang buong lahi ng tao sa kanilang pamumuhay ng kanilang mga buhay. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala, at ito ay may kinalaman sa gawain sa buong sansinukob. Kung ang Diyos ay naging tao lamang upang pahintulutan ang mga tao na makilala ang Kanyang katawang-tao at buksan ang mga mata ng mga tao, kung gayon bakit hindi Siya maglalakbay sa bawat bansa? Hindi ba ito isang bagay na napakadali? Ngunit hindi Niya ginawa ito, sa halip ay pumili ng isang angkop na lugar upang manirahan at simulan ang gawain na dapat Niyang gawin. Tanging ang katawang-tao na ito ang malaki ang kahalagahan. Kinakatawan Niya ang buong kapanahunan, at isinasagawa rin ang gawain ng buong kapanahunan; pareho Niyang dinadala ang naunang kapanahunan sa katapusan at inihahatid sa bago. Ang lahat ng ito ay isang mahalagang bagay na may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, at ito ang kahalagahan ng isang yugto ng gawain na isinagawa ng Diyos na dumating sa lupa.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

16. Ang buong disposisyon ng Diyos ay naibunyag sa buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Ito ay hindi lamang naibunyag sa Kapanahunan ng Biyaya, tanging sa Kapanahunan ng Kautusan, o lalo na nga, tanging sa panahong ito ng mga huling araw. Ang gawain na ginawa sa mga huling araw ay kumakatawan sa paghatol, poot at pagkastigo. Ang gawain na ginawa sa mga huling araw ay hindi maaaring pumalit sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan o doon sa Kapanahunan ng Biyaya. Gayunman, ang tatlong yugto ay nagkakaugnay-ugnay tungo sa iisang bagay at ang lahat ay gawaing ginawa ng isang Diyos. Natural, ang pagtupad ng gawaing ito ay nahahati sa magkakahiwalay na mga kapanahunan. Ang gawain sa mga huling araw ay nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan; yaong ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang pagsisimula; at yaong ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang pagtubos. Para naman sa mga pangitain ng gawain dito sa buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala, walang maaaring magkaroon ng panloob-na-pananaw o pagkaunawa. Ang mga gayong pangitain ay palaging nananatiling mga hiwaga. Sa mga huling araw, tanging ang gawain ng salita ang ginagawa upang ihatid ang Kapanahunan ng Kaharian nguni’t hindi ito kumakatawan sa lahat ng mga kapanahunan. Ang mga huling araw ay hindi higit sa mga huling araw at hindi higit sa Kapanahunan ng Kaharian, na hindi kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya o sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga huling araw ay ang panahon lamang kung saan ang lahat ng gawain sa anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ibinubunyag sa inyo. Ito ang paglalantad ng hiwaga. Ang gayong hiwaga ay hindi mailalantad ng sinumang tao. Kahit na gaano pa kalawak ang pagkaunawa ng tao sa Biblia, nananatili itong mga salita lamang, dahil hindi nauunawaan ng tao ang diwa ng Biblia. Kapag ang tao ay nagbabasa ng Biblia, maaaring makatanggap siya ng ilang katotohanan, makapagpaliwanag ng ilang salita o makapaghimay ng ilang tanyag na mga talata at mga sipi, nguni’t hindi kailanman niya makukuha ang kahulugang nakapaloob sa mga salitang iyon, dahil lahat ng nakikita ng tao ay mga salitang walang buhay, hindi ang mga eksena ng gawain ni Jehova at ni Jesus, at hindi kayang lutasin ng tao ang hiwaga ng nasabing gawain. Samakatuwid, ang hiwaga ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ang pinakamalaking hiwaga, ang siyang pinakanatatago at lubusang hindi maiisip ng tao. Walang sinumang direktang makakaunawa sa kalooban ng Diyos, maliban kung Siya Mismo ang nagpapaliwanag at nagbubukas sa tao, kung hindi, mananatili ang mga yaong palaisipan sa tao magpakailanman at mananatiling mga hiwagang selyado magpakailanman. Huwag pansinin ang mga nasa relihiyosong mundo; kung hindi kayo nasabihan ngayon, hindi rin kayo makakaunawa.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17. Ang gawain sa mga huling araw ay ang huling yugto sa tatlo. Ito ay ang gawain ng isa pang bagong kapanahunan at hindi kumakatawan sa buong gawain ng pamamahala. Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto ng gawain. Walang nag-iisang yugto ang kayang kumatawan sa gawain ng tatlong kapanahunan nguni’t kaya lamang kumatawan sa isang bahagi ng kabuuan. Ang pangalang Jehova ay hindi maaaring kumatawan sa lahat ng disposisyon ng Diyos. Ang katunayan na nagsagawa Siya ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay maaaring maging Diyos lamang sa ilalim ng kautusan. Nagtakda si Jehova ng mga batas para sa tao at nagbaba ng mga kautusan, na humihingi sa tao na magtayo ng templo at mga altar; ang gawain na ginawa Niya ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na ginawa Niya ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay ang Diyos na humihingi sa tao na panatilihin ang kautusan, ang Diyos sa templo, o ang Diyos sa harapan ng altar. Hindi masasabi ito. Ang gawain sa ilalim ng kautusan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan. Samakatuwid, kung ginawang mag-isa ng Diyos ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, bibigyang-kahulugan ng tao ang Diyos at sasabihing, “Ang Diyos ay ang Diyos sa templo. Upang makapaglingkod sa Diyos, kailangan nating magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote at pumasok sa templo.” Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi naisagawa kahit kailan at ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, hindi malalaman ng tao na ang Diyos ay maawain din at mapagmahal. Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagawa, at tanging yaong sa Kapanahunan ng Biyaya ang nagawa, ang malalaman lamang ng tao ay na ang Diyos ay nakakapagtubos lamang sa tao at nakakapagpatawad lamang sa mga kasalanan ng tao. Ang malalaman lamang nila ay na Siya’y banal at walang-sala, na kaya Niyang isakripisyo ang Sarili Niya at mapako sa krus para sa tao. Ito lamang ang malalaman ng tao at wala na siyang magiging kaunawaan sa iba pa. Kaya ang bawa’t kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa ilang mga aspeto, ang Kapanahunan ng Biyaya sa ilang mga aspeto, at ganoon din ang kapanahunang ito sa ilang mga aspeto. Ang disposisyon ng Diyos ay maibubunyag lamang nang lubusan sa pamamagitan ng kombinasyon ng lahat ng tatlong yugto. Tanging kapag nalalaman ng tao ang lahat ng tatlong yugto saka magagawa ng tao na tanggapin ito nang buo. Walang isa sa mga tatlong yugto ang maaaring kaligtaan. Makikita mo lamang ang disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito kapag nalaman mo itong tatlong yugto ng gawain. Ang pagtatapos ng Diyos sa Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na Siya lamang ang Diyos sa ilalim ng kautusan, at ang pagtatapos ng Kanyang gawain ng pagtubos ay hindi nagpapakita na ang Diyos ay tutubos sa sangkatauhan magpakailanman. Ang lahat ng mga ito ay mga konklusyon na binuo ng tao. Dahil ang Kapanahunan ng Biyaya ay dumating na sa katapusan, hindi mo masasabi sa gayon na ang Diyos ay para lamang sa krus at na ang krus ang natatanging kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos. Kung ginagawa mo ang ganoon, binibigyan mo ng pakahulugan ang Diyos. Sa yugtong ito, ang Diyos higit sa lahat ay gumagawa ng gawain ng salita, nguni’t hindi mo maaaring sabihin na ang Diyos ay hindi kailanman naging maawain sa tao at na ang lahat ng nadala Niya ay pagkastigo at paghatol. Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malutas upang pahintulutan ang tao na magkaroon ng panloob na pananaw sa bagay na ito at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Doon pa lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri. Pagkatapos lamang na maganap ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala saka maiintindihan ng tao ang kabuuang disposisyon ng Diyos, dahil ang Kanyang pamamahala ay doon lamang darating sa pagtatapos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

18. Kung ano ang hinihingi sa tao ngayong araw ay di-tulad niyaong sa nakalipas at lalong di-tulad ng hiningi sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan. At ano ang hiningi sa tao sa ilalim ng kautusan nang ang gawain ay ginawa sa Israel? Walang ibang hiniling sa kanila kundi ang panatilihin ang Sabbath at ang mga kautusan ni Jehova. Walang sinuman ang magtratrabaho sa Sabbath o lalabag sa mga kautusan ni Jehova. Nguni’t hindi na ganito sa ngayon. Sa araw ng Sabbath, ang tao ay gumagawa, nangangalap at nananalangin gaya ng dati, at walang mga paghihigpit na ipinapataw. Yaong nasa Kapanahunan ng Biyaya ay dapat mabautismuhan; hindi lamang iyon, hiningi sa kanila na mag-ayuno, magpira-piraso ng tinapay, uminom ng alak, takpan ang kanilang mga ulo, at hugasan ang mga paa ng iba para sa kanila. Ngayon, ang mga patakarang ito ay naiwaksi na at mas higit ang hinihingi sa tao, dahil ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalalim at ang pagpasok ng tao ay mas lalong tumataas. Noong nakalipas, ipinatong ni Jesus ang Kanyang mga kamay sa tao at nanalangin, nguni’t ngayon na ang lahat ng bagay ay nasabi na, ano ang silbi ng pagpapatong ng mga kamay? Ang mga salita lamang ay maaaring makapagkamit ng mga resulta. Noong nakaraan, kapag Siya’y nagpatong ng Kanyang mga kamay sa tao, ito’y para pagpalain at pagalingin ang tao. Ganito kung paano gumawa ang Banal na Espiritu noong panahong iyon, nguni’t hindi na ganito sa ngayon. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagamit ng mga salita sa Kanyang gawain upang magkaroon ng mga bunga. Nilinaw na Niya ang Kanyang mga salita sa inyo, at dapat lamang ninyo itong isagawa. Ang Kanyang mga salita ay ang Kanyang kalooban at nagpapapakita ng gawain na Kanyang gagawin. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, mauunawaan mo ang Kanyang kalooban at kung ano ang hinihingi Niyang abutin mo. Isagawa mo lamang ang Kanyang mga salita nang direkta nang hindi na kailangan ng pagpapatong ng mga kamay. Maaaring sabihin ng ilan, “Ipatong Mo ang Iyong mga kamay sa akin! Ipatong Mo ang Iyong mga kamay sa akin upang matanggap ko ang Iyong pagpapala at makibahagi sa Iyo.” Ang lahat ng mga ito ay laos nang mga pagsasagawa na ngayon ay ipinagbabawal na, dahil nagbago na ang kapanahunan. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa alinsunod sa kapanahunan, hindi lamang dahil gusto o ayon sa nakatakdang mga panuntunan. Nagbago ang kapanahunan, at ang isang bagong kapanahunan ay dapat may dalang bagong gawain. Totoo ito sa bawa’t yugto ng gawain, at kaya ang Kanyang gawain ay hindi kailanman nauulit. Sa Kapanahunan ng Biyaya, tinupad ni Jesus ang karamihan sa gawaing iyon, tulad ng pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapatong ng Kanyang mga kamay sa tao upang ipanalangin ang tao, at pagpapala sa tao. Gayunman, ang ipagpatuloy pa ang gayon ay walang saysay sa kasalukuyan. Ang Banal na Espiritu ay gumawa sa ganoong paraan noong panahong iyon, dahil iyon ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang tao ay pinakitaan ng sapat na biyaya para tamasahin. Hindi na kinailangang magbayad ang tao ng anumang halaga at maaaring tumanggap ng biyaya hangga’t siya ay may pananampalataya. Lahat ay trinato nang may lubhang kagandahang-loob. Ngayon, ang kapanahunan ay nagbago, at ang gawain ng Diyos ay nakasulong na nang higit pa; sa pamamagitan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, ang pagiging mapanghimagsik ng tao at ang mga karumihan sa kalooban ng tao ay maaalis. Dahil ito ang yugto ng pagtubos, kinailangang tuparin ng Diyos ang gayong gawain, na nagpapakita sa tao ng sapat na biyaya para matamasa ng tao, para matubos ang tao mula sa kasalanan, at sa pamamagitan ng biyaya mapatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan. Ang kasalukuyang yugto ay upang ilantad ang mga di-pagkamatuwid sa kalooban ng tao sa pamamagitan ng pagkastigo, paghatol, ng pagpalo gamit ang mga salita, pati na rin ng disiplina at pagbubunyag ng mga salita, upang pagkatapos ay maligtas sila. Ito ay gawaing mas malalim kaysa pagtubos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang tao ay nagtamasa ng sapat na biyaya at nakaranas na ng biyayang ito, at kaya hindi na ito matatamasa ng tao. Ang gayong gawain ay lipas na ngayon at hindi na dapat gawin. Ngayon, ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Pagkatapos hatulan ang tao, kastiguhin at dalisayin, bunga nito ang kanyang disposisyon ay nababago. Hindi ba ito ay dahil sa mga salitang Aking sinambit? Ang bawa’t yugto ng gawain ay tinutupad ayon sa pag-unlad ng lahat ng sangkatauhan at kasabay ng kapanahunan. Lahat ng gawain ay may kanyang kabuluhan; ito ay ginagawa para sa pangwakas na pagliligtas, para ang sangkatauhan ay magkaroon ng isang magandang hantungan sa hinaharap, at para ang tao ay mahati ayon sa kanilang mga uri sa katapusan.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

19. Ang gawain sa mga huling araw ay bumigkas ng mga salita. May malalaking pagbabago na maibubunga sa tao sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga pagbabago ngayong naibubunga sa mga taong ito sa pagtanggap ng mga salitang ito ay mas higit kaysa roon sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya sa pagtanggap niyaong mga tanda at mga kababalaghan. Sapagka’t, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay lumayas sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, nguni’t ang tiwaling mga disposisyon sa kalooban ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay gumaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, nguni’t ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi nagawa sa kanya. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, nguni’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, nguni’t hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, batay sa pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay maaaring makakita at kahit ang patay ay maaaring maibalik ang buhay. Gayunman, hindi natuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanilang maka-Diyos na itsura; kung ang tao ay maaaring mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang mabuting mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Nguni’t, sa kanilang buong buhay, hindi nila lubos na naunawaan kahit kailan ang daan ng buhay. Sila ay nakakagawa lamang ng mga kasalanan, pagkatapos ay nangungumpisal ng kasalanan nang paulit-ulit na walang anumang daan tungo sa isang nabagong disposisyon; ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para padalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagka’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka’t ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni’t ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawaing ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

20. Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi makakaya ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. At kung hindi dahil sa Diyos na nagsuot ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila makakayang tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagka’t walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, iyan ay, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao, saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging katawang-tao, walang makalamang tao ang makakatanggap ng gayong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makisama sa Diyos.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

21. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nitong mga huling araw, ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paggawa ng gawain ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa pagka-mapanghimagsik, saka tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang pag-akay sa tao sa kanilang mga buhay, habang ang iba pang dalawa ay ang gawain ng pagliligtas. Tanging kung nagiging katawang-tao ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang ordinaryong laman. Tanging sa ganitong paraan Niya maaaring matustusan ang taong Kanyang nilikha ng praktikal na salitang kailangan nila. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi direkta mula sa kanilang mga panalangin sa langit. Sapagka’t ang tao ay makalaman; hindi kaya ng tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi niya kayang lapitan Siya. Ang kaya lamang na makasama ng tao ay ang katawang-tao ng nagkatawang-taong Diyos; sa pamamagitan lamang Niya mauunawaan ng tao ang lahat ng salita at ang lahat ng katotohanan, at makakatanggap ng buong kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Pagkatapos noon, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubos na magtatapos. Pagkatapos ng ikalawang pagkakatawang-tao, hindi na Siya muling magiging katawang-tao para sa Kanyang gawain. Sapagka’t ang Kanyang buong pamamahala ay darating sa isang pagtatapos. Sa mga huling araw, ganap nang makakamit ng Kanyang pagkakatawang-tao ang Kanyang hinirang na bayan, at ang lahat ng tao sa mga huling araw ay mapaghihiwalay na ayon sa kanilang uri. Hindi na Niya gagawin ang gawain ng pagliligtas, ni hindi rin Siya babalik sa katawang-tao upang magsakatuparan ng anumang gawain.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

22. Sa gawain ng mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon na malalim na nakabaon sa puso ng tao. Hindi mo kayang kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na mapapagtanto mo ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit sa pamamagitan ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi maaaring ganap na mailigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo at hindi maaaring magawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, nguni’t ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos na nagawang malinis ang tao sa pamamagitan ng pagpapasya ng salita ay maaari siyang makamit ng Diyos at maging banal. Noong ang mga demonyo ay napalayas sa tao at siya ay natubos, ito ay nangangahulugan lamang na siya ay naagaw mula sa mga kamay ni Satanas at naibalik sa Diyos. Subali’t, hindi siya nagawang malinis o nabago ng Diyos, at siya ay nananatiling tiwali. Sa loob ng tao ay umiiral pa rin ang karumihan, pagsalungat at pagka-mapanghimagsik; ang tao ay nakabalik lamang sa Diyos sa pamamagitan ng pagtubos, nguni’t ang tao ay walang pagkakilala sa Kanya at lumalaban pa rin at naghihimagsik laban sa Diyos. Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng karumihan, mga pagkaunawa, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag. Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. Gaya halimbawa, nang malaman ng mga tao na sila ay nagmula kay Moab, nagsabi sila ng mga salita ng hinaing, hindi na hinangad ang buhay, at naging lubos na walang-kibo. Hindi ba ipinakikita nito na hindi pa rin nila nagagawang lubos na magpasakop sa kapamahalaan ng Diyos? Hindi ba ito ang talagang tiwaling maka-satanas na disposisyon? Nang ikaw ay hindi sumasailalim sa pagkastigo, ang iyong mga kamay ay nakataas nang mas mataas kaysa iba, maging doon sa kay Jesus. At ikaw ay sumigaw sa malakas na tinig: “Maging isang kaibig-ibig na anak ng Diyos! Maging matalik na kaibigan ng Diyos! Mas pipiliin namin ang mamatay kaysa magpasakop kay Satanas! Mag-alsa laban sa matandang Satanas! Mag-alsa laban sa malaking pulang dragon! Hayaan ang malaking pulang dragon na lubos na bumagsak mula sa kapangyarihan! Hayaan ang Diyos na gawin tayong ganap!” Ang iyong mga sigaw ay pinakamalakas sa lahat. Nguni’t pagkatapos ay dumating ang mga panahon ng pagkastigo at, minsan pa, ang tiwaling disposisyon ng mga tao ay nabunyag. Pagkatapos, tumigil ang kanilang mga sigaw, at wala na silang paninindigan. Ito ang katiwalian ng tao; ito ay nananatiling mas malalim kaysa kasalanan, na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang gayong mga epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong iyon. Isinisigaw ng tao ang gayon noong nakaraan sapagka’t ang tao ay hindi nagkaroon ng pagkaunawa sa kanyang orihinal na tiwaling disposisyon. Gayon ang mga karumihan sa kalooban ng tao. Sa kahabaan ng gayong katagal na panahon ng paghatol at pagkastigo, ang tao ay namuhay sa isang kapaligiran ng takot. Hindi ba ang lahat ng ito ay natamo sa pamamagitan ng salita? Hindi ka rin ba sumigaw nang may napakalakas na tinig bago ang pagsubok sa[a] mga taga-silbi? “Pumasok sa kaharian! Lahat niyaong tumatanggap sa pangalang ito ay papasok tungo sa kaharian! Ang lahat ay dapat makibahagi sa Diyos!” Nang ang pagsubok sa mga taga-silbi ay dumating, hindi ka na sumigaw. Noong una, ang lahat ay sumisigaw, “Diyos! Saan Mo man ako ilagay, magpapasakop ako sa Iyong pamamatnubay.” Sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos, “Sino ang Aking magiging Pablo?” ang sabi ng tao, “Ako ay nakahanda!” Pagkatapos ay nakita niya ang mga salitang, “At ano naman ang tungkol sa pananampalataya ni Job?” Kaya kanyang sinabi, “Nakahanda akong tanggapin ang pananampalataya ni Job. Diyos, pakiusap subukin mo ako!” Nang dumating ang pagsubok sa mga taga-silbi, siya ay kaagad na hinimatay at halos hindi na muling makatayo. Pagkatapos noon, ang mga karumihan sa puso ng tao ay unti-unting nabawasan. Hindi ba ito natamo sa pamamagitan ng salita? Kaya, kung ano ang inyong nararanasan sa kasalukuyan ay mga resulta na natamo sa pamamagitan ng salita, higit pang mas dakila kaysa roon sa natamo sa pamamagitan ng paggawa ng mga tanda at mga himala ni Jesus. Ang kaluwalhatian ng Diyos at awtoridad ng Diyos Mismo na iyong nakikita ay hindi lamang nakikita sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo, nguni’t lalong higit sa pamamagitan ng Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ipinakikita nito sa iyo na hindi lamang ang paggawa ng mga tanda, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, subali’t mas mahusay na kinakatawan ng paghatol sa pamamagitan ng salita ang awtoridad ng Diyos at nagbubunyag ng Kanyang pagka-makapangyarihan sa lahat.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

23. Anuman ang nakamit ng tao ngayon—ang tayog ng tao ngayon, ang kanilang kaalaman, pag-ibig, katapatan, pagkamasunurin, pati na rin ang kanilang pagkakita—ay ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Na nakakaya mong magkaroon ng katapatan at manatiling nakatayo hanggang sa araw na ito ay nakamit sa pamamagitan ng salita. Ngayon ay nakikita ng tao na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay sadyang di-pangkaraniwan. Napakarami ng hindi magagawang makamit ng tao; ang mga iyon ay mga hiwaga at mga kababalaghan. Samakatuwid, marami ang mga nagpasakop. Ang ilan ay hindi kailanman nagpasakop sa sinumang tao magmula ng mga araw ng kanilang mga kapanganakan, gayunma’y kapag nakita nila ang mga salita ng Diyos sa araw na ito, lubos silang nagpapasakop nang hindi napapansing nagawa nila ang gayon, at hindi sila nagtatangkang siyasating mabuti o magsalita ng ano pa mang bagay. Ang sangkatauhan ay nahulog sa ilalim ng salita at nakadapa sa ilalim ng paghatol ng salita. Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa tao, silang lahat ay magpapasakop sa tinig, babagsak paibaba na walang mga salita ng pagbubunyag, tulad ng kung paanong si Pablo ay nahulog sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay naglalakbay sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na kilalanin ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita, sa halip na ang paglitaw ng Espiritu na tumatakot sa tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at hindi-pangkaraniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao; Siya ay nagsasalita at nagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan upang makamit ang mga resulta ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ay ginagawa upang ipakilala ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao, ang mga resulta na nakamit sa pamamagitan ng gawain ng salita, at na ang Espiritu ay dumating sa laman; ipinakikita Niya ang Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Kahit na ang Kanyang katawang-tao ay ang panlabas na anyo ng isang ordinaryo at normal na pagkatao, ito ay ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita na nagpapakita sa tao na Siya ay puno ng awtoridad, na Siya ay ang Diyos Mismo at na ang Kanyang mga salita ay ang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Ipinakikita nito sa lahat ng tao na Siya ay ang Diyos Mismo, ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao, at walang sinuman ang maaaring sumuway sa Kanya. Walang maaaring makalampas sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita, at walang puwersa ng kadiliman ang maaaring mangibabaw sa Kanyang awtoridad. Nagpapasakop nang lubos ang tao sa Kanya dahil Siya ang Salita na nagkatawang-tao, dahil sa Kanyang awtoridad, at dahil sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ang gawain na dinala ng Kanyang nagkatawang-taong laman ay ang awtoridad na Kanyang tinataglay. Siya ay nagkakatawang-tao dahil ang katawang-tao ay maaari ring magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng tao sa isang praktikal na paraan, na nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa anumang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil ang nagkatawang-taong Diyos ay nakakapagsalita at nakakagawa ng gawain sa isang praktikal na paraan. Ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao. Ang Kanyang diwa ay nagtataglay ng awtoridad, nguni’t walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi magawa ng tao na matalos ang pag-iral ng Kaniyang awtoridad; ito ay mas kanais-nais sa Kanyang aktwal na gawain. At lahat ng mga naturang gawain ay makakapagkamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakatanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad o nakakakita na hindi Siya dapat pagkasalaan o nakakakita sa Kanyang poot, sa pamamagitan ng Kanyang natatalukbungang awtoridad at poot at pampublikong pagsasalita, nakakamit Niya ang hinahangad na mga resulta ng Kanyang mga salita. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakukumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon natutupad ang layunin ng Diyos na iligtas ang tao. Ito ang isa pang kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: upang magsalita nang mas makatotohanan at hayaan ang katotohanan ng Kanyang mga salita na magkaroon ng epekto sa tao nang sa gayon ay masaksihan nila ang kapangyarihan ng salita ng Diyos. Kaya ang gawaing ito, kung hindi ginawa sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, ay hindi magkakamit ng pinakamaliit na mga resulta at hindi magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanan. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang isakatuparan ang Kanyang gawain. Katulad na katulad ng unang pagkakatawang-tao, tanging ang katawang-tao ng Diyos na nagkatawang tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaaring direktang magkatawang-tao upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring direktang umakyat sa langit upang tanggapin ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanila. Dahil dito, ang Diyos ay dapat na maglakbay nang pabalik-balik sa pagitan ng langit at lupa, sa halip na hayaan ang tao na umakyat sa langit upang kunin ang kaligtasang ito, sapagka’t ang tao ay nahulog at hindi maaaring umakyat sa langit, lalo na ang tanggapin ang handog para sa kasalanan. Samakatuwid, kinailangan na lumapit si Jesus sa gitna ng mga tao at personal na gawin ang gawain na hindi maaaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaaring maisakatuparan nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, hindi na Niya sana tiniis ang mga kawalang-dangal ng pagkakatawang-tao.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “pagsubok sa.”

Sinundan:Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia”

Sumunod:Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig”

Baka Gusto Mo Rin