Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig”

1. Ang sangkatauhan, lubusang ginawang masama ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pagsamba sa Diyos. Sa panimula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehova at ang patotoo ni Jehova ay laging nariyan. Nguni’t matapos ginawang masama, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagka’t ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at tuluyang huminto sa paggalang sa Kanya. Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagkamapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng paglupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag-inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, kailangan ninyong malaman ang inyong katiwalian at karumihan, ang inyong pagkasuwail at pagiging makasalanan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga salitang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Nguni’t ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Ang kasalukuyang gawaing panlulupig ay gawaing nilayong liwanagin ang magiging katapusan ng tao. Bakit Ko sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawaing panlulupig ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay upang ihayag kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig ng pagkastigo at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at sa gayon pangkatin ayon sa uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay ang panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon pinapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon sa uri. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pagpapangkat na ito? Ang pagbubunyag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang panlulupig sa buong sansinukob (kabilang ang lahat ng gawaing panlulupig na nagsisimula sa kasalukuyang gawain). Itong pagbubunyag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa pagpapatuloy ng pagkastigo, at sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig sa mga huling araw. Ang pagbubukud-bukod sa mga tao ayon sa uri ay hindi pagbabalik sa mga tao sa kanilang orihinal na mga uri. Ito ay dahil nang likhain ang tao noong nilikha ang mundo, mayroon lamang isang uri ng tao, ang lalaki at ang babae. Walang maraming iba’t ibang uri. Pagkatapos lamang ng ilang libong taon ng kasamaan na lumitaw ang iba’t ibang mga uri ng mga tao, ang ilan ay nagmula sa ilalim ng pamamahala ng maruruming diyablo, ang ilan sa ilalim ng masasamang diyablo, at ang ilan, na naghahangad sa daan ng buhay, sa ilalim ng pamamahala ng Makapangyarihan sa lahat. Sa ganitong paraan lamang unti-unting umuusbong ang mga uri sa gitna ng mga tao at naghihiwa-hiwalay ang mga tao sa mga uri sa loob ng malaking sambahayan ng tao. Dumarating ang lahat ng mga tao nang may iba’t ibang mga “ama”; hindi ito ang kalagayan na ang bawat isa ay ganap na nasa ilalim ng pamamahala ng Makapangyarihan sa lahat, sapagka’t labis ang pagiging mapaghimagsik ng mga tao. Ibinubunyag ng matuwid na paghatol ang tunay na sarili ng bawat uri ng tao, walang anumang iniiwang nakatago. Ipinakikita ng bawat isa ang kanyang tunay na mukha sa liwanag. Sa puntong ito, ang tao ay hindi na ang dating siya at matagal nang naglaho ang orihinal na wangis ng kanyang mga ninuno, sapagka’t ang hindi mabilang na mga inapo nina Adan at Eva ay matagal nang binihag ni Satanas, hindi na kailanman malalaman ang langit-araw, at sapagka’t napuno na ang mga tao ng lahat ng uri ng mga lason ni Satanas. Kung kaya, ang mga tao ay mayroong angkop na mga kahihinatnan. Bukod pa roon, sa batayan ng kanilang nagkakaibang mga lason na sila ay pinagbubukud-bukod ayon sa uri, na ang ibig sabihin ay pinagbubukud-bukod sila sa pamamagitan ng lawak ng pagkalupig sa kanila sa kasalukuyan. Ang katapusan ng tao ay hindi isang bagay na itinadhana sa simula ng paglikha ng mundo. Ito ay dahil sa pasimula mayroon lang iisang klase, ito ay ang sama-samang tinatawag na “sangkatauhan,” at ang tao ay hindi pa nagawang masama ni Satanas noong una, silang lahat ay nanirahan sa liwanag ng Diyos, nang walang kadilimang sumasapit sa kanila. Nguni’t matapos na ang tao ay nagawang masama ni Satanas, lahat ng tipo at uri ng tao ay lumaganap sa buong mundo—lahat ng tipo at uri ng tao na nanggaling sa isang pamilyang sama-samang pinangalang “sangkatauhan” na binubuo ng lalaki at babae. Silang lahat ay inakay ng kanilang mga ninuno upang maligaw palayo sa kanilang pinakamatandang mga ninuno—ang sangkatauhang binubuo ng lalaki at babae (iyon ay, ang orihinal na si Adan at Eba, ang kanilang pinakamatandang ninuno). Sa panahong iyon, ang tanging bayang pinamumunuan ni Jehova na manirahan sa mundo ay ang mga Israelita. Ang iba’t ibang tipo ng mga tao na lumitaw mula sa buong Israel (ibig sabihin ay mula sa orihinal na angkan ng pamilya) sa gayon ay nawala ang pangunguna ni Jehova. Silang mga sinaunang tao, lubusang walang-muwang sa mga usapin ukol sa mundo ng tao, ay sumama sa kanilang mga ninuno upang mabuhay sa mga teritoryong kanilang inangkin, magpahanggang sa ngayon. Sa gayon, sila ay nasa kadiliman pa rin tungkol sa kung paano sila napariwara palayo kay Jehova at kung paano sila nagawang masama hanggang sa araw na ito ng lahat ng uri ng maruruming diyablo at masasamang espiritu. Silang mga pinakalubusang nagawang masama at nalason hanggang ngayon, samakatuwid silang mga hindi na maililigtas sa bandang huli, ay wala nang magagawa pa kundi sumama sa kanilang mga ninuno—ang maruruming diyablo na ginawa silang masama. Silang mga maililigtas sa bandang huli ay pupunta sa naaangkop na hantungan, nangangahulugang sa katapusang inilaan para sa mga iniligtas at nilupig. Ang lahat ay gagawin upang iligtas ang maaring mailigtas, nguni’t para sa yaong mga manhid, walang lunas na tao, ang kanilang tanging pagpipilian ay ang sumunod sa kanilang mga ninuno sa walang-katapusang hukay ng pagkastigo. Huwag mong isipin na ang iyong katapusan ay itinadhana sa pasimula at ito ay ngayon lang naibunyag. Kung ganyan ka mag-isip, nakalimutan mo na ba na sa panahong paunang paglikha sa sangkatauhan, walang hiwalay na uri ng maka-Satanas ang nilikha? Nakalimutan mo na ba na tanging isang sangkatauhan na binubuo ni Adan at Eba ang nilikha (nangangahulugang tanging lalaki at babae ang mga nilikha)? Kung ikaw ay naging inapo ni Satanas sa pasimula, hindi ba nangangahulugan iyon na noong nilikha ni Jehova ang tao isinama Niya ang grupo ni Satanas? Nagawa kaya Niya ang bagay na ganoon? Nilikha niya ang tao para sa kapakanan ng Kanyang patotoo; nilikha Niya ang tao para sa Kanyang kaluwalhatian. Bakit Niya sadyang lilikhain ang isang klase na mula sa angkan ni Satanas upang kusang labanan Siya? Nagawa kaya ito ni Jehova? Kung oo, sino ang makapagsasabing Siya ay isang matuwid na Diyos? Kapag sinabi Ko ngayon na ang ilan sa inyo ay sasama kay Satanas sa katapusan, hindi ito nangangahulugang kasama ka ni Satanas mula sa pasimula; sa halip, ito ay nangangahulugang ikaw ay nagpakababa nang husto na kahit sinubukan pa ng Diyos na iligtas ka, ikaw ay nabigo pa rin na makamtan ang kaligtasan na iyon. Walang magagawa kundi pangkatin ka kasama ni Satanas. Ito lang ay sa kadahilanang ikaw ay hindi na maililigtas, hindi dahil ang Diyos ay di-matuwid sa iyo, nangangahulugang hindi dahil sinadya ng Diyos na itakda ang iyong kapalaran bilang kumakatawan kay Satanas at sa gayon pinapangkat ka kay Satanas at sadyang gusto kang magdusa. Hindi iyan ang katotohanang napapaloob sa gawaing panlulupig. Kung iyan ang iyong pinaniniwalaan, sa gayon ang iyong pag-unawa ay lubhang nakahilig sa isang panig lang! Ang kahuli-hulihang yugto sa panlulupig ay naglalayong magligtas ng mga tao at magbunyag din ng mga katapusan ng mga tao. Ito ay upang isiwalat ang pagpapakasama ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay magsisi, bumangon, at itaguyod ang buhay at ang tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na paghihimagsik. Subali’t, kung ang mga tao ay hindi pa rin makayang magsisi, hindi pa rin makayang itaguyod ang tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin makayang itakwil ang mga kasamaang ito, sa gayon sila ay magiging mga layon na hindi na maililigtas para malulon ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng panlulupig—upang iligtas ang mga tao at upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan—itong lahat ay ibinubunyag ng gawaing panlulupig. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawaing panlulupig.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Nang hinampas ni Moises ang bato, at ang tubig na ibinigay ni Jehova ay bumukal, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang tinugtog ni David ang lira sa pagpupuri sa Akin, si Jehova—na ang kanyang puso ay puno ng kagalakan—ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang naiwala ni Job ang kanyang kawan na pumupuno sa mga bundok at di-masukat na karamihan ng kayamanan, at ang kanyang katawan ay napuno ng masasakit na pigsa, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Kapag naririnig niya ang Aking tinig, si Jehova, at nakikita ang Aking luwalhati, si Jehova, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Na nakakasunod si Pedro kay Jesucristo, ito ay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Na maari siyang mapako sa krus alang-alang sa Akin at magbigay ng maluwalhating patotoo, ito ay sa pamamagitan din ng kanyang pananampalataya. Nang nakita ni Juan ang maluwalhating larawan ng Anak ng tao, ito ay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Nang nakita niya ang pangitain ng mga huling araw, lalo nang lahat ito ay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Ang dahilan kung bakit ang sinasabing karamihan ng mga bansang Gentil ay nakatamo ng Aking pagbubunyag, at nakaalam na nakabalik na Ako sa katawang-tao upang gawin ang Aking gawain sa gitna ng tao, ito ay dahil din sa kanilang pananampalataya. Lahat niyaong hinahampas ng Aking malupit na mga salita nguni’t nabibigyang-aliw ng mga iyon, at inililigtas—hindi ba nila nagawa ang gayon dahil sa kanilang pananampalataya? Ang mga tao ay tumanggap ng napakaraming mga bagay sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang kanilang tinatanggap ay hindi palaging pagpapala—upang madama ang uri ng kaligayahan at kagalakan na nadama ni David, o upang pagkalooban ng tubig ni Jehova kagaya ng ginawa ni Moises. Halimbawa, sa kalagayan ni Job, tumanggap siya ng pagpapala ni Jehova gayundin ng isang hagupit sa pamamagitan ng pananampalataya. Tumatanggap ka man ng pagpapala o nagtitiis ng isang hagupit, kapwa itong mga pinagpalang pangyayari. Kung walang pananampalataya, hindi ka makatatanggap ng ganitong gawaing panlulupig, lalong hindi mamamasdan ang mga gawa ni Jehova na ipinakikita sa iyo sa kasalukuyan. Hindi mo magagawang makita, at lalong hindi mo magagawang tumanggap. Ang mga hagupit na ito, ang mga kalamidad na ito, at ang lahat ng mga paghatol—kung hindi sumapit sa iyo ang mga ito, magagawa mo bang makita ang mga gawa ni Jehova sa kasalukuyan? Ngayon ang pananampalataya ang nagpapahintulot sa iyo na malupig, at ang pagiging nalupig ang nagpapahintulot sa iyo na manalig kay Jehova. Dahil lamang sa pananampalataya kaya ka nakatatanggap ng ganitong uri ng pagkastigo at paghatol. Sa pamamagitan ng mga pagkastigo at mga paghatol na ito, ikaw ay nilulupig at nagiging perpekto. Kung wala ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol na tinatanggap mo ngayon, ang iyong pananampalataya ay mawawalan ng kabuluhan, sapagka’t hindi mo kilala ang Diyos; kahit gaano ka naniniwala sa Kanya, ang iyong pananampalataya ay mananatiling isang basyong pahayag na walang batayan sa realidad. Matapos mo lang tanggapin ang ganitong uri ng gawaing panlulupig na ginagawa kang lubos na masunurin na ang iyong pananampalataya ay magiging totoo at maaasahan at ang iyong puso ay matutuon sa Diyos. Kahit na ikaw ay hinatulan o sinumpa nang matindi dahil sa salitang “pananampalataya,” ikaw ay mayroong totoong pananampalataya, at ikaw ay makatatanggap ng pinakatunay, pinakatotoo, at pinakamahalagang bagay. Ito ay dahil sa pagpapatuloy lamang ng paghatol na makikita mo ang huling hantungan ng mga nilalang ng Diyos; sa paghatol na ito iyong makikita na ang Maylikha ay dapat ibigin; sa ganitong uri ng gawaing panlulupig makikita mo ang bisig ng Diyos; sa panlulupig na ito mauunawaan mo nang lubos ang buhay ng tao; sa panlulupig na ito makakamtan mo ang tamang landas ng buhay ng tao at mauunawaan mo ang totoong kahulugan ng “tao”; sa panlulupig na ito lang makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Makapangyarihan at ang Kanyang maganda, maluwalhating mukha; sa gawaing panlulupig na ito matututunan mo ang tungkol sa pinanggalingan ng tao at mauunawaan ang “walang kamatayang kasaysayan” ng buong sangkatauhan; sa ganitong panlulupig ay maiintindihan mo ang mga ninuno ng sangkatauhan at ang pinanggalingan ng kasamaan ng sangkatauhan; sa panlulupig na ito ay makatatanggap ka ng kaligayahan at kaginhawaan gayundin ng walang katapusang pagkastigo, disiplina, at ang mga pangaral na salita mula sa Maylikha sa sangkatauhang Kanyang nilikha; sa gawaing panlulupig na ito tatanggap ka ng mga pagpapala, at tatanggap ka ng mga sakuna na dapat tanggapin ng tao.... Hindi ba ang lahat ng ito ay dulot ng iyong mumunting pananampalataya? Matapos ninyong makamtan ang mga bagay na ito, hindi ba sumibol ang iyong pananampalataya? Hindi ka ba nakakamit ng napakalaking halaga? Hindi mo lamang narinig ang mga salita ng Diyos at nakita ang karunungan ng Diyos, nguni’t personal mo ring naranasan ang bawat hakbang ng gawain. Siguro sasabihin mo na kung wala kang pananampalataya, sa gayon hindi ka magdurusa ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng paghatol. Nguni’t dapat mong malaman na kung walang pananampalataya, hindi ka lang hindi makatatanggap ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng pagkalinga mula sa Makapangyarihan, kundi magpakailanmang mawawala mo ang pagkakataong makita ang Maylikha. Hinding-hindi mo malalaman ang pinagmulan ng sangkatauhan at mauunawaan kailanman ang kahalagahan ng buhay ng tao. Kahit na ang iyong katawan ay mamatay at ang iyong kaluluwa ay yumao, hindi mo pa rin mauunawaan ang lahat ng mga ginawa ng Maylikha. Lalong hindi mo malalaman na gumawa ng gayong kadakilang gawain sa mundo ang Maylikha matapos Niyang likhain ang sangkatauhan. Bilang kasapi nitong sangkatauhan na Kanyang ginawa, ikaw ba ay pumapayag na di-nauunawaang mahulog nang ganito sa kadiliman at magdusa ng walang hanggang kaparusahan? Kung ihihiwalay mo ang iyong sarili sa pagkastigo at paghatol ngayon, ano ang iyong haharapin? Sa tingin mo ba na minsang maihiwalay sa kasalukuyang paghatol ay makatatakas ka sa mahirap na buhay na ito? Hindi ba totoo na kung lumisan ka sa “lugar na ito,” ang iyong haharapin ay masakit na pagdurusa o malulupit na pinsalang ipinataw ng diyablo? Ikaw ba ay haharap sa di-makayanang mga araw at mga gabi? Sa tingin mo ba dahil lang natakasan mo ang paghatol na ito ngayon, magpakailanman mong maiiwasan ang pahirap sa hinaharap? Ano kaya ang darating sa iyo? Ito kaya ang Shangri-La na iyong inaasahan? Sa tingin mo ba ay matatakasan mo ang susunod na walang hanggang pagkastigo sa pamamagitan lang ng pagtakas sa realidad na iyong ginagawa? Pagkatapos ng ngayon, makahahanap ka ba kaya ng ganitong uri ng pagkakataon at ganitong uri ng pagpapala muli? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag dinatnan ka ng sakuna? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag ang lahat ng sangkatauhan ay nakapagpahinga na? Ang kasalukuyang masaya mong buhay at ang iyong magkaayong munting pamilya—maari bang sila ang papalit sa iyong hinaharap na walang hanggang hantungan? Kung ikaw ay may totoong pananampalataya, at kung marami kang nakakamtan dahil sa iyong pananampalataya, kung gayon lahat ng iyan ay ang dapat mong—isang nilalang—makamtan at gayundin ay dapat mong taglay. Itong uri ng panlulupig ay ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong pananampalataya at ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong buhay.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Ngayon, dapat mong mabatid kung paano malupig, at kung paano gumawi ang mga tao matapos na sila ay malupig. Maaaring masabi mo na nalupig ka na, nguni’t maaari ka bang sumunod hanggang kamatayan? Kailangan mong magawang sumunod hanggang sa kahuli-huliang sandali hindi alintana kung mayroong anumang inaasam, at hindi ka dapat mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa kahit ano mang kapaligiran. Sa huli, kailangan mong matamo ang dalawang aspeto ng patotoo: ang patotoo ni Job—pagsunod hanggang kamatayan—at ang patotoo ni Pedro—ang kataas-taasang pagmamahal sa Diyos. Sa isang banda, kailangan mong maging gaya ni Job: Siya ay walang ari-ariang materyal, at pinahirapan ng sakit ng laman, ngunit hindi niya tinalikuran ang pangalan ni Jehova. Ito ang patotoo ni Job. Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay namatay—noong siya ay ipinako sa krus—nanatili pa rin ang kanyang pagmamahal sa Diyos; hindi niya inisip ang kanyang sariling mga inaasam o nagtaguyod ng maluluwalhating pag-asa o maluluhong kaisipan, at hinangad lamang niya na mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos. Iyan ang batayan na dapat mong makamit bago ka ituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na ginawang perpekto matapos na malupig. Ngayon, kung tunay na batid ng mga tao ang kanilang sariling diwa at katayuan, maghahanap pa ba sila ng mga inaasam at pag-asa? Ito ang dapat mong malaman: Hindi alintana kung ginagawa akong perpekto ng Diyos, dapat akong sumunod sa Diyos; ang lahat ng Kanyang ginagawa ngayon ay mabuti, at para sa ating kapakanan, at upang ang ating disposisyon ay maaaring magbago at maaari nating alisin sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, upang hayaan tayong mamuhay sa lupain ng karumihan at gayon man alisin sa ating sarili ang kahalayaan, ipagpag ang dumi at impluwensiya ni Satanas, upang magawa nating iwanan ang impluwensiya ni Satanas.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Sa katunayan, nangyayari ang pagkaperpekto kasabay ng paglupig: Habang ikaw ay nalulupig, ang mga unang epekto ng pagiging ginawang perpekto ay nakakamit din. Kung saan may pagkakaiba sa pagitan ng pagkalupig at pagiging ginawang perpekto, ito ay ayon sa antas ng pagbabago sa mga tao. Ang pagkalupig ay ang unang hakbang ng pagiging ginagawang perpekto, at hindi nangangahulugang sila ay lubusan nang ginawang perpekto, ni pinatutunayang sila ay ganap nang nakamtan ng Diyos. Matapos lupigin ang mga tao, may ilang pagbabago sa kanilang disposisyon, ngunit ang mga nasabing pagbabago ay malayong-malayo sa mga tao na ganap nang nakamtan ng Diyos. Ngayon, ang ginagawa ay ang paunang gawain upang gawing perpekto ang mga tao—nilulupig sila—at kung hindi mo makakamit ang panlulupig, walang paraan upang ikaw ay gawing perpekto at lubusang makamtan ng Diyos. Ikaw ay magkakamit lamang ng ilang salita ng pagkastigo at paghatol, ngunit hindi nito ganap na mapagbabago ang iyong puso. Kaya ikaw ay isa sa mga maaalis; ito ay hindi naiiba mula sa pagtingin sa isang katakam-takam na kapistahan sa ibabaw ng mesa ngunit hindi kinakain ito. Hindi ba ito trahedya? At kaya dapat kang humanap ng mga pagbabago: Ito man ay paglulupig o ginagawang perpekto, parehong kaugnay ito kung mayroong pagbabago sa iyo, at kung ikaw man ay masunurin o hindi—at ito ang nagpapasya kung ikaw ay maaaring makamtan ng Diyos o hindi. Tandaan na ang “paglulupig” at “ginagawang perpekto” ay basta nakabatay sa lawak ng pagbabago at pagsunod, pati na rin sa kung gaano kadalisay ang iyong pag-ibig sa Diyos. Ang kinakailangan ngayon ay maaari kang ganap na gawing perpekto, ngunit sa pasimula ay dapat kang malupig—dapat ay mayroon kang sapat na kaalaman sa pagkastigo at paghatol ng Diyos, dapat ay mayroon kang pananampalataya na sumunod, at maging isang tao na naghahangad ng pagbabago at para magkaroon ng mga epekto. Doon ka lamang magiging isang tao na naghahangad maging gawing perpekto. Dapat ninyong maunawaan na sa pagpapatuloy ng ginagawa kayong perpekto ay malulupig kayo, at sa pagpapatuloy ng paglulupig kayo ay gagawing perpekto. Ngayon, maaari mong hangaring magawang perpekto o humanap ng mga pagbabago sa iyong panlabas na pagkatao at mga pag-unlad sa iyong kakayahan, ngunit ang pinakamahalaga ay iyong nauunawaan na ang lahat ng ginagawa ngayon ng Diyos ay may kahulugan at kapaki-pakinabang: Hinahayaan ka nito na nakatira sa lupain ng karumihan na makatakas sa karumihan at maipagpag ito, hinahayaan ka nitong mapagtagumpayan ang impluwensiya ni Satanas, at iwanan ang madilim na impluwensiya ni Satanas—at sa pagtuon sa mga bagay na ito, ikaw ay iniingatan dito sa lupain ng karumihan. Sa kahuli-hulihan, anong patotoo ang hihingin na iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa lupain ng karumihan ngunit nagawang maging banal, at hindi na magiging marumi at hindi dalisay, ikaw ay nakatira sa ilalim ng sakop ni Satanas ngunit inaalis sa iyong sarili ang impluwensiya ni Satanas, at hindi mga pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng ang Makapangyarihan sa lahat. Ito ang patotoo, at katibayan ng tagumpay sa pakikipaglaban kay Satanas. Nagagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, kundi yaong kinailangan ng Diyos na abutin ng tao noong nilikha Niya ang tao: normal na pagkatao, normal na pagkamakatuwiran, normal na pananaw, normal na paninindigang mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Ganyan ang pagpapatotoo ng isang nilalang ng Diyos.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Ang gawain ng mga huling araw ay umaalpas sa lahat ng patakaran, at ikaw man ay sinumpa o pinarusahan, hangga’t ikaw ay tumutulong sa Aking gawain, at may pakinabang sa gawain ng paglupig ngayon, at kung ikaw man ay inapo ni Moab o supling ng malaking pulang dragon, hangga’t ginagampanan mo ang iyong tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos sa yugtong ito ng gawain, at ginagawa ang pinakamahusay na kaya mo, sa gayon ang hinahangad na epekto ay makakamit. Ikaw ay supling ng malaking pulang dragon, at ikaw ay isang inapo ni Moab; sa kabuuan, lahat tayong laman at dugo ay mga nilalang ng Diyos, at tayo ay ginawa ng Lumikha. Ikaw ay isang nilalang ng Diyos, wala kang dapat anumang pagpipilian, at ito ang iyong tungkulin. Mangyari pa, ang gawain ng Lumikha ay nakatuon sa buong sansinukob. Hindi alintana kung saan ka man nagmula, higit sa lahat kayo ay isa sa mga nilalang ng Diyos, kayo—mga inapo ni Moab—ay bahagi ng mga nilalang ng Diyos, iyon nga lang, kayo ay nasa mas mababang pagpapahalaga. Dahil, sa ngayon, ang gawain ng Diyos ay isinasagawa sa gitna ng lahat ng nilalang, at nakatuon sa buong sansinukob, ang Lumikha ay malayang pumipili ng sinumang tao, mga usapin, o mga bagay upang gawin ang Kanyang gawain. Hindi Niya isinasaalang-alang kung kanino ka nagmula; hangga’t ikaw ay isa sa Kanyang mga nilikha, at hangga’t ikaw ay kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain—ang gawaing panlulupig at patotoo—isasagawa Niya ang Kanyang gawain sa iyo nang walang anumang pagdududa. Winawasak nito ang mga tradisyonal na mga pagkaintindi ng mga tao, na ang Diyos ay hindi kailanman gagawa sa gitna ng mga Gentil, lalong hindi sa mga taong isinumpa at napakababa; para sa mga taong isinumpa, ang kanilang mga susunod na henerasyon ay magpakailanman ding isusumpa, hindi kailanman sila magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; hindi kailanman bababa ang Diyos at gagawa sa lupain ng Gentil, at hindi kailanman tatapak sa lupain ng karumihan, sapagkat Siya ay banal. Ang lahat ng pagkaintinding ito ay nadurog na ng Diyos sa mga huling araw. Tandaan na ang Diyos ay Diyos ng lahat ng nilalang, hawak Niya ang kapamahalaan sa langit at lupa at lahat ng bagay, at hindi lamang Diyos ng bayan ng Israel. Kaya, napakahalaga ang gawaing ito sa Tsina, at hindi ba ito lalaganap sa lahat ng bansa? Ang malaking patotoo sa hinaharap ay hindi magiging limitado sa Tsina; kung kayo lamang ang nalupig ng Diyos, maaari bang mahikayat ang mga demonyo? Hindi nila nauunawaan ang malupig, o ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kapag ang mga napiling tao ng Diyos sa buong daigdig ang nakamasid sa pinakahuling mga epekto ng gawaing ito saka lang malulupig ang lahat ng nilalang. Wala nang mas paurong o tiwali kaysa sa mga inapo ni Moab. Tangi kung malulupig ang mga taong ito—sila na napakatiwali, na hindi kinilala ang Diyos o naniniwala na may Diyos ang nalupig, at kinikilala ang Diyos sa kanilang mga bibig, pinupuri Siya, at nagagawa Siyang mahalin—ito na ang magiging patotoo ng paglupig. Kahit na hindi kayo si Pedro, kayo ay isinasabuhay ang imahe ni Pedro, kayo ay maaaring magtaglay ng patotoo ni Pedro, at ni Job, at ito ay ang pinakadakilang patotoo. Sa huli sasabihin mo: “Kami ay hindi mga Israelita, ngunit ang mga tinalikdan na mga inapo ni Moab, kami ay hindi si Pedro, na hindi kaya ng aming kakayahan, hindi rin si Job, at hindi pa kami maaaring ihambing sa pasya ni Pablo upang magdusa para sa Diyos at ialay ang kanyang sarili sa Diyos, at kami ay napaka-makaluma, at kaya, kami ay hindi karapat-dapat na magtamasa ng mga pagpapala ng Diyos. Itinataas pa rin kami ng Diyos hanggang ngayon; kaya kailangan nating bigyang-kasiyahan ang Diyos, at bagaman wala tayong sapat na kakayahan o mga kwalipikasyon, handa nating pasayahin ang Diyos—tayo ay may ganitong kapasyahan. Tayo ay mga inapo ni Moab, at tayo ay isinumpa. Ito ay iniatas ng Diyos, at tayo ay walang kakayanang baguhin ito, ngunit ang ating pagsasabuhay at ating kaalaman ay maaaring magbago, at tayo ay nagpapasyang pasiyahin ang Diyos.” Kapag ikaw ay may ganitong kapasyahan, ito ay magpapatunay na ikaw ay nagpatotoo sa paglupig.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Ang resulta na makakamit sa gawaing panlulupig ay pangunahin upang ang laman ng tao ay huminto sa paghihimagsik, iyon ay, upang makamtan ng isip ng tao ang panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso ay lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasiya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi nakakapagtatakda kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang pag-iisip, kamalayan, at katinuan ng tao ay nagbabago—iyon ay, kapag ang iyong buong pangkaisipang saloobin ay nagbabago—na ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at pinagtibay na ang bagong kaisipan, kapag hindi mo na madala ang kahit na alin sa iyong mga pagkaunawa o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay makakapag-isip na nang normal, iyon ay, kapag kaya mo nang magsikap para sa Diyos ng buong puso mo—ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig. Sa nasasakupan ng relihiyon, maraming tao ang nagdurusa nang hindi bahagya sa buong buhay nila, sinusupil ang kanilang katawan at pinapasan ang kanilang krus, kahit na nagdurusa at nagtitiis hanggang sa kanilang huling hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, binibigyang-diin lang ang pagdurusa. Kinaya nilang supilin ang kanilang katawan at iwaksi ang kanilang laman. Ang kanilang espiritu sa pagtitiis ng pagdurusa ay kapuri-puri. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga pagkaunawa, ang kanilang pangkaisipang saloobin, at ang kanilang lumang kalikasan—wala kahit isa sa mga ito ay pinakitunguhan sa paanuman. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pangkaisipan nilang larawan ng Diyos ay ang tradisyunal na isang abstrak, malabong Diyos. Ang kanilang pasiyang magdusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at mga positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila lang ay pikit-matang gumagawa at pikit-matang nagdurusa para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang pakialam kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod ay talagang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinaglilingkuran ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na larawan, kundi isang Diyos na sila mismo ang kumatha, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga kasulatan. Sa gayon, ginagamit nila ang kanilang mga buhay na buhay na imahinasyon at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at balikatin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay masyadong di-eksakto, sa gayon halos wala kahit isang totoong naglilingkod sa Diyos sa paraang nakatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pangkaisipang larawan ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdadaanan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang kapinuhan at pagperpekto, at dahil wala kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Jesus na Tagapagligtas, wala kahit isa sa kanila ang nakakita kailanman sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng basta-bastang paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano sa bandang huli ang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula panimula hanggang katapusan, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago paanuman. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Jesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang nakatupad ng kalooban ng Diyos. Noon lamang nagtapos, sa kanyang katandaan, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong pagtatabas at wala kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang paglilingkod ng karamihan sa inyo ngayon ay kagaya nang sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng pagtatabas at pakikitungo, at hindi nagbago—hindi ba sila ang mga hindi lubusang nalupig? Anong silbi ng mga gayong tao? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit anumang pambihira sa iyong paglilingkod! Kung walang pangitain at walang bagong pag-unawa sa gawain ng Diyos, hindi ka magiging nalupig na tao. Ang iyong paraan ng pagsunod sa Diyos sa gayon ay tulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno—magiging maliit na halaga ito! Talagang dahil may kaunting patotoo sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, nagdurusa ang mga taong ito, nabibilanggo, at sa bawat sandali, nagtitiis sila, binibigyang-diin ang pag-ibig at kabaitan, at pinapasan ang kanilang krus. Sila ay sinisiraang-puri at itinatakwil ng mundo at nakakaranas ng lahat ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang katapusan, ngunit, sila ay hindi nalulupig at wala silang maibibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang napagdusahan, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala paanuman ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang pag-iisip, makalumang mga pagkaunawa, mga relihiyosong pagsasagawa, mga pagkaunawang gawa ng tao, at mga kuro-kuro ng tao ang napakitunguhan. Wala man lamang silang taglay na bagong pagkaunawa. Kahit ang katiting man ng kanilang pagkaunawa sa Diyos ay hindi totoo o tumpak. Mali ang pagkaunawa nila sa kalooban ng Diyos. Maaari kayang ito ay para maglingkod sa Diyos? Kung paano mo man naintindihan ang Diyos sa nakaraan, ipagpalagay na pananatilihin mo iyon ngayon at ipagpapatuloy ang pagbabatay ng iyong pagkaunawa sa Diyos sa iyong sariling mga paniwala at mga kuro-kuro kahit ano pa ang gawin ng Diyos. Iyan ay, ipagpalagay na wala kang taglay na bago at tunay na pagkaunawa sa Diyos at nabigo kang malaman ang tunay na larawan at tunay na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay na ang iyong pagkaunawa sa Diyos ay pinapatnubayan pa rin ng pyudal at mapamahiing pag-iisip at nanggaling pa rin sa mga likhang-isip at mga pagkaunawa ng tao. Kung ganito ang kaso, hindi ka pa nalupig kung gayon. Ang Aking adhikain sa pagsasabi ng mga salitang ito sa iyo ngayon ay upang tulutan kang maintindihan at gamitin ang kaalamang ito upang pangunahan ka sa tumpak at bagong pagkaunawa. Ang layunin din ng mga iyon ay ang pag-aalis niyaong mga lumang pagkaunawa at lumang kaalaman na iyong dala sa loob mo upang ikaw ay magkakaroon ng bagong pagkaunawa. Kung tunay mong kinakain at iniinom ang Aking mga salita, sa gayon ang iyong pagkaunawa ay lubhang magbabago. Hangga’t pinananatili mo ang isang masunuring puso habang kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong pananaw ay babalik. Hangga’t kaya mong tanggapin ang paulit-ulit na mga pagkastigo, ang iyong lumang kaisipan ay unti-unting magbabago. Hangga’t ang iyong lumang kaisipan ay lubos na napalitan ng bago, ang iyong pagsasagawa ay magbabago rin nang naaayon. Sa ganitong paraan, ang iyong paglilingkod ay magiging paayon nang paayon, lalo’t lalo pang makakayang tuparin ang kalooban ng Diyos. Kung kaya mong baguhin ang iyong buhay, ang pagkaunawa mo sa buhay, at ang iyong maraming paniwala tungkol sa Diyos, kung gayon ang iyong pagiging likas ay unti-unting mababawasan. Ito, at wala nang iba, ang bunga matapos malupig ng Diyos ang tao; ito ang pagbabago na makikita sa tao. Kung sa paniniwala sa Diyos, ang iyong alam lamang ay pagsupil ng iyong katawan at pagtitiis at pagdurusa, at ikaw ay nalalabuan hinggil sa kung ang ginagawa mo ay tama o mali, lalo na kung para kanino ito, kung gayon paano makahahantong sa pagbabago ang ganitong uri ng pagsasagawa?

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Dapat ninyong maunawaan na ang Aking hinihiling sa inyo ay hindi ang pagkaalipin ng inyong katawan o ang inyong isipan ay kontrolin at pigilang makapag-isip ng mga nagkataong kaisipan. Hindi ito ang layunin ng gawain ni ang gawaing kailangang gawin ngayon mismo. Ngayon mismo, kailangan ninyong magkaroon ng pagkaunawa mula sa positibong anggulo upang maaaring mabago ninyo ang inyong mga sarili. Ang inyong pinakakailangang gawin ay ang sangkapan ang inyong mga sarili ng mga salita ng Diyos, ibig sabihin ay lubusang sangkapan ang inyong mga sarili ng katotohanan at pangitain na nasa harap ninyo ngayon, at pagkatapos ay magpatuloy at isagawa ang mga ito. Ito ang inyong pananagutan. Hindi Ko hinihiling sa inyo na hangarin at kamtin ang lalong mas higit na pagpapalinaw. Sa kasalukuyan hindi talaga ninyo taglay ang tayog na para sa gayon. Ang kailangan sa inyo ay gawin ang lahat ng inyong makakaya upang makain at mainom ang mga salita ng Diyos. Kailangan ninyong maunawaan ang gawain ng Diyos at malaman ang inyong kalikasan, ang inyong sangkap, at ang dati ninyong buhay. Kailangan ninyo talagang kilalanin ang mga nakalipas na maling pagsasagawa at ang inyong mga ginagawa bilang tao. Upang magbago, dapat ninyong simulang baguhin ang inyong pag-iisip. Una ay palitan ninyo ang inyong lumang kaisipan ng bago, at hayaang ang bago ninyong kaisipan ang mamahala sa inyong mga salita at mga kilos at sa inyong buhay. Ito ang hinihiling sa bawat isa sa inyo ngayon. Huwag magsasagawa nang pikit-mata o susunod nang pikit-mata. Dapat mayroon kayong batayan at pakay. Huwag linlangin ang inyong sarili. Dapat ninyong malaman nang eksakto kung para saan ang inyong pananampalataya sa Diyos, ano ang mapakikinabangan mula rito, at kung ano ang papasukin ninyo sa ngayon mismo. Mahalagang malaman ninyo ang lahat ng ito.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Matapos gawin ng Diyos ang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel, ang mga Israelita at ang lahat ng Gentil ay kapwa nagkimkim ng pagkaunawang ito: Bagaman totoong nilalang ng Diyos ang lahat ng bagay, Siya ay pumapayag na maging Diyos ng mga Israelita lang, hindi ang Diyos ng mga Gentil. Ang mga Israelita ay naniniwala sa mga sumusunod: Ang Diyos ay Diyos lang namin, hindi ang Diyos ninyong mga Gentil, at dahil hindi ninyo iginagalang si Jehova, si Jehova—ang aming Diyos—ay kinasusuklaman kayo. Ang mga Judiong iyon bukod diyan ay naniniwala pa rito: Ang Panginoong Jesus ay ginampanan ang larawan nating mga Judio at isang Diyos na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng mga Judio. Sa aming kalagitnaan gumagawa ang Diyos. Ang larawan ng Diyos at larawan namin ay magkatulad; ang aming larawan ay hawig sa Diyos. Ang Panginoong Jesus ay ang Hari naming mga Judio; ang mga Gentil ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng ganoong kadakilang kaligtasan. Ang Panginoong Jesus ang handog para sa kasalanan para sa aming mga Judio. Alinsunod lamang sa dalawang yugto na ito ng gawain na ang mga Israelita at ang mga Judio ay bumuo ng ganito karaming pagkaunawa. Mapagmataas nilang inaangkin ang Diyos para sa kanila, hindi pinapayagan na ang Diyos ay ang Diyos din ng mga Gentil. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay naging isang puwang sa mga puso ng mga Gentil. Ito ay dahil ang lahat ay naniwala na hindi gusto ng Diyos na maging Diyos ng mga Gentil at ang gusto Niya ay ang mga Israelita lang—ang Kanyang hinirang na bayan—at gusto Niya ang mga Judio, lalo na ang mga disipulong sumunod sa Kanya. Hindi ba ninyo alam na ang gawain na ginawa ni Jehova at Jesus ay para sa ikaliligtas ng buong sanglibutan? Kinikilala na ba ninyo ngayon na ang Diyos ay ang Diyos ninyong lahat na pinanganak sa labas ng Israel? Hindi ba nandito ang Diyos sa kalagitnaan ninyo ngayon? Hindi ito maaaring maging isang panaginip, maaari ba iyo? Hindi ba ninyo tanggap ang realidad na ito? Hindi ninyo pinangangahasang paniwalaan ito o mag-isip tungkol dito. Kahit na paano ninyo tingnan ito, hindi ba narito ang Diyos sa gitna ninyo? Natatakot pa rin ba kayo na paniwalaan ang mga salitang ito? Simula sa araw na ito, hindi ba lahat ng taong nalupig at lahat ng gustong maging tagasunod ng Diyos ang hinirang na bayan ng Diyos? Hindi ba lahat kayo, na mga tagasunod ngayon, ang hinirang na bayan sa labas ng Israel? Ang inyong katayuan ba ay kapareho ng sa mga Israelita? Hindi ba ang lahat ng ito ang inyong dapat kilalanin? Hindi ba ito ang layunin ng gawa ng panlulupig sa inyo? Dahil makikita ninyo ang Diyos, sa gayon Siya ang inyong magiging Diyos magpakailanman, mula sa umpisa magpahanggang sa hinaharap. Hindi kayo Niya pababayaan hangga’t kayong lahat ay nahahandang sumunod sa Kanya at maging Kanyang tapat, masunurin na mga nilalang.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Ano ang ibig sabihin ng maging perpekto? Ano ang ibig sabihin ng malupig? Ano ang pamantayan na kailangang matugunan ng isang tao upang malupig? At ano ang pamantayan na kailangang matugunan ng isang tao upang maging perpekto? Ang panlulupig at pagpeperpekto ay parehong para sa layuning paghubog sa tao upang maaaring makabalik siya sa kanyang orihinal na wangis at makalaya sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposiyon at sa impluwensya ni Satanas. Ang panlulupig na ito ay maagang dumarating sa paraan ng paghubog sa tao, ibig sabihin ay ito ang unang hakbang ng gawain. Ang pagpeperpekto ay ang pangalawang hakbang, o ang pangwakas na gawain. Ang bawat tao ay kailangang dumaan sa paglulupig; kung hindi ay hindi niya makikilala ang Diyos at hindi niya malalaman na mayroong Diyos, iyon ay, hindi niya makakayang kilalanin ang Diyos. At kung hindi kinikilala ng isang tao ang Diyos, imposibleng magagawa siyang ganap ng Diyos dahil hindi niya makakamit ang mga pamantayan sa pagiging ganap na ito. Kung hindi mo man lamang kikilalanin ang Diyos, paano mo Siya makikilala? At paano mo Siya hahanapin? Hindi rin kayo makakapagpatotoo sa Kanya, lalong hindi magkaroon ng pananampalatayang magpapasiya sa Kanya. Sa gayon, sa sinumang nais magawang ganap, ang unang hakbang ay dapat ang pagdaan sa gawaing panlulupig. Ito ang unang kondisyon. Ngunit ito man ay panlulupig o pagpeperpekto, ang bawat isa ay para sa layuning paghubog sa tao at pagbago sa kanya, at ang bawat isa ay isang bagay sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang dalawang hakbang na ito ang mga kinakailangan sa paggawang ganap sa isang tao; hindi maaaring lampasan ang kahit alin sa mga hakbang. Tunay nga na ang “pagkalupig” ay hindi masyadong magandang pakinggan, ngunit sa katunayan ang paraan ng panlulupig sa isang tao ay ang paraan ng pagbago sa kanya. Matapos siyang malupig, maaaring hindi mo pa naalis nang lubusan ang iyong tiwaling disposisyon, ngunit malalaman mo ito. Sa pamamagitan ng gawaing panlulupig malalaman mo ang iyong mababang pagkatao at malalaman mo rin ang iyong pagkasuwail. Kahit hindi mo kayang alisin o baguhin ang mga ito sa loob ng maiksing panahon ng gawaing panlulupig, makikilala mo ang mga ito. Ito ang magsisilbing saligan ng iyong pagka-perpekto. Sa gayon ang panlulupig at pagpeperpekto ay parehong ginagawa upang baguhin ang tao, parehong ginagawa upang alisin sa tao ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang maihahandog niya ang kanyang sarili nang lubusan sa Diyos. Ang pagiging nalupig ang unang hakbang nga lang sa pagbabago ng disposisyon ng tao at ito rin ang unang hakbang sa lubusang pag-aalay ng tao ng kanyang sarili sa Diyos, isang hakbang na mas mababa sa pagiging perpekto. Ang disposisyon ng buhay ng isang nilupig ay nababagong mas kaunti kumpara sa isang taong naging perpekto. Ang pagiging nalupig at pagiging perpekto ay magkaiba sa pangmalas mula sa isa’t isa dahil ito ay magkakaibang yugto ng gawain at dahil binibigyan nito ang mga tao ng iba’t ibang mga pamantayan, ang paglupig ay pinananatili sila sa mas mabababang pamantayan at ang pagka-perpekto ay pinananatili sila sa mas mataas. Ang mga ginawang perpekto ay ang mga matuwid na tao, mga taong ginawang banal at dalisay; sila ang mga pagkakabuo-buo ng gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, o ang mga resulta. Kahit na hindi sila mga perpektong tao, sila ay mga taong nagsisikap mamuhay ng makabuluhang buhay. Ngunit sa salita lamang ang pagkakilala ng mga nalupig sa pag-iral ng Diyos; kinikilala nila na ang Diyos ay ang Siyang nagkatawang tao Mismo, na ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ang Diyos ay nagpunta sa lupa upang gawin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Kinikilala rin nila na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang pananakit at kapinuhan ay lubos na kapaki-pakinabang sa tao. Iyon ay, nag-uumpisa pa lamang silang magkaroon ng wangis ng tao, at mayroon silang kaunting pagkakaunawa sa buhay ngunit may kalabuan pa rin. Sa ibang salita, nag-uumpisa pa lang silang magtaglay ng pagkatao. Ito ang mga bunga ng pagkakalupig. Kapag umapak ang mga tao sa daan ng pagka-perpekto, ang kanilang lumang disposisyon ay maaaring mabago. Bukod dito, ang kanilang mga buhay ay magpapatuloy sa paglago at unti-unti silang pumapasok nang mas malalim sa katotohanan. Kakayanin nilang kamuhian ang mundo at kamuhian ang lahat ng hindi naghahangad sa katotohanan. Lalo nilang kinamumuhian ang kanilang mga sarili, ngunit higit pa riyan, malinaw na kilala nila ang kanilang mga sarili. Pumapayag silang mabuhay sa katotohanan at ginagawa nila itong kanilang layunin na hangarin ang katotohanan. Hindi sila pumapayag na mamuhay sa loob ng mga isipan na nabuo ng kanilang mga utak, at nararamdam nila ang pagkamuhi sa pagkamatuwid-sa-sarili, kahambugan, at kapalaluan-sa-sarili ng tao. Sila ay nagsasalita nang may matinding pagpapahalaga sa kagandahang-asal, pinangangasiwaan ang mga bagay-bagay nang may pagkawari at karunungan, at matapat na masunurin sa Diyos. Kung nakararanas sila ng pagkakataon ng pagkastigo at paghatol, hindi lamang sila nagiging walang kibo o mahina, kundi sila pa ay nagpapasalamat para sa pagkastigo at paghatol ng Diyos. Naniniwala sila na hindi maaaring wala silang pagkastigo at paghatol ng Diyos; sila ay makatatanggap ng Kanyang proteksiyon sa pamamagitan nito. Hindi nila itinataguyod ang pananampalatayang may kapayapaan at kaligayahan at ang paghanap ng tinapay upang mapawi ang gutom. Ni hindi rin nila sinusundan ang panandaliang kaaliwan ng laman. Ito ang mayroon ang mga naging perpekto.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Ang gawaing panlulupig na natapos sa inyong mga tao ang may pinakamalalim na kabuluhan: Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing perpekto ang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang sila’y maging perpekto para maging pangkat ng mga mananagumpay, bilang ang unang pangkat ng mga tao na naging ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa kabilang banda, ito ay upang hayaan ang mga nilalang na masiyahan sa pag-ibig ng Diyos, tumanggap ng pinakadakilang pagliligtas ng Diyos, at tumanggap ng buong pagliligtas ng Diyos. Ang hinahayaan ng Diyos na matamasa ng tao ay hindi lamang awa at kagandahang-loob, kundi mas mahalaga ang pagkastigo at paghatol. Magmula nang nilikha ang mundo hanggang ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos sa Kanyang gawain ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang pagkastigo at paghatol na iyong nakita na ay pag-ibig din, isang mas totoo at mas tunay na pag-ibig; umaakay ang pag-ibig na ito sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao. Sa pangatlong banda, ito ay magpapatotoo sa harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng saligan sa pagpalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat ng gawain na Kanyang nagawa na ay para sa layunin ng pag-akay sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng normal na buhay ng sangkatauhan, sapagkat hindi alam ng tao kung paano ang mamuhay. Kung wala ang ganitong pag-akay, ikaw ay makakapamuhay lang ng isang buhay na walang saysay, makakapamuhay lang ng isang walang halaga at walang kabuluhang buhay, at hindi mo malalaman kung ano talaga ang pagiging normal na tao. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Lahat kayo ay nagmula kay Moab. Ang paggawa ng gawaing panlulupig sa inyo ang siya ninyong dakilang kaligtasan. Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang makikita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, natanggap na ninyo ang pagkastigo at paghatol, tumanggap ng gayong pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang totoong pag-ibig sa inyo; wala Siyang masamang intensiyon. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang suriin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginagawa upang hubugin ang tao. Mula simula hanggang katapusan, ang Diyos ay ginagawa ang Kanyang buong makakaya upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang mawasak ang tao na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay higit pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalawak upang personal na akayin kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang intensiyon ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatotoong pag-ibig. Dahil lamang sa pagiging suwail ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diyablo, hindi Niya maatim na pabayaan kayong maging mas napakasama; hindi rin Niya maatim na makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan nito gusto, o maatim na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawaing panlulupig sa inyo—ito ay para lamang sa kaligtasan.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Kahit na ang pagkastigo at paghatol ay mga kapinuhan at walang-awang pagsisiwalat sa tao, na layong parusahan ang kanyang mga kasalanan at parusahan ang kanyang laman, wala sa mga gawain na ito ay nilalayong isumpa at puksain ang kanyang laman. Ang mga matinding pagsisiwalat na ito ng salita ay lahat para sa layuning akayin ka sa tamang landas. Personal ninyong naranasan na ang napakarami sa mga gawaing ito at, malinaw na, hindi kayo naakay sa isang masamang daan! Ang lahat ng ito ay upang makaya mong isabuhay ng isang normal na pagkatao; ang lahat ng ito ay isang bagay na kayang matamo ng iyong normal na pagkatao. Ang bawat hakbang ng gawain ay ginagawa ayon sa iyong mga pangangailangan, ayon sa iyong mga kahinaan, at ayon sa iyong aktwal na tayog, at walang hindi kakayaning pasanin ang inilalagay sa inyo. Kahit na hindi mo kayang makita ito nang malinaw ngayon at nararamdaman mo na tila ikaw ay pinahihirapan Ko, kahit na patuloy mong iniisip na ang dahilan kaya ikaw ay kinakastigo at hinahatulan Ko araw-araw at dinudusta ka araw-araw ay dahil namumuhi Ako sa iyo, at kahit na ang iyong tinatanggap ay pagkastigo at paghatol, sa katunayan itong lahat ay pag-ibig sa iyo, ito rin ay malaking proteksiyon para sa iyo. Kung hindi mo kayang maunawaan ang mas malalim na kahulugan ng gawaing ito, sa gayon hindi ka na dapat magpatuloy pa sa iyong karanasan. Ikaw ay dapat maaaliw ng ganyang kaligtasan. Huwag mong tanggihang bumalik ka sa matinong pag-iisip. Dahil malayo na ang iyong narating, dapat mong makita nang malinaw ang kahalagahan nitong gawaing panlulupig. Hindi mo na dapat panghawakan ang gayo’t gayong pananaw!

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao”

Sumunod:Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Baka Gusto Mo Rin