Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Ang Pinakadakilang Karunungan Ay Ang Itaas ang Diyos at Tumingala Sa Kanya

Lingxin Lunsod ng Shijiazhuang, Probinsya ng Hebei

Ilang araw ang nakalipas, nabasa ko ang isang sipi mula sa “Ang Daan sa Pagpasok sa Katotohanan” sa Pagsasamahan at Pangangaral Tungkol sa Buhay Talang IV: “Halimbawa, ngayon may isang tao na gumawa ng maling pagliko. Ang paggamit nito bilang isang punto ng usapan para iparating ang katotohanan, paano mo gagawin ito? ... Una, dapat kang magpatotoo sa gawain ng Diyos, magpapatotoo kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan. Pagkatapos, maaari kang magsalita patungkol sa kung ang daan na tinatahak niya ay patungo sa kaligtasan ng Diyos, kung maaari niyang makamtan ang gawain ng Banal na Espiritu, at kung ito ay isang daan na na pinapahintulutan ng Diyos. Kaya, una magpapatotoo ka sa gawain ng Diyos, at pagkatapos ay magpatotoo sa daan na pinagdadalhan sa atin ng Diyos, iyon ay, ang daan patungo sa kaligtasan. Hayaan siya na makita ang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kaligtasan, at saka lamang maaari siyang pumunta sa tamang daan. Upang malutas ang problemang ito, tama bang ikaw ay hindi magpatotoosa o itaas ang Diyos? Kung magsasalita ka lamang tungkol sa kung aling daan ang tutungo sa kaligtasan at kung aling daan ang hindi nagtuturo patungo sa kaligtasan, ngunit hindi ka nagpapatotoo sa gawain ng Diyos, nagsasalita ka pa rin tungkol sa mga doktrina. Gayunpaman, kung nagpapatotoo ka muna sa gawain ng Diyos, pagkatapos ay magsalita tungkol sa dalawang daang ito, kung gayon hindi ka na nagsasalita tungkol sa mga doktrina. “Nang mabasa ko ang mga salitang ito, ako ay nabagabag sa loob. Sa aking puso naisip ko: Ang parehong mga daan ay nagsasabi kung paano dapat isagawa ng tao ang katotohanan. Bakit ganoon na ang isa na hindi nagmumungkahi ng gawain ng Diyos ay nagsasalita tungkol sa mga doktrina, ngunit ang isa na nagsasalita tungkol sa gawain ng Diyos at pagkatapos ay nagmumungkahi ng mga bagay na ito ay hindi nagsasalita tungkol sa doktrina? Habang pinagninilayan ko ito, naisip ko ang kuwento sa Biblia ni David na tinalo ang higanteng Filisteo na si Goliath. Nang oras na iyon, itinaas muna ni David si Jehovah, at pagkatapos ay itinirador ang bato, at sa wakas ay natalo si Goliath. Kung hindi itinaas ni David si Jehovah nang sandaling iyon, at basta na lang humayo at direktang itinapon ang bato, makakayanan kaya niyang talunin si Goliath? Tiyak na hindi. Ito ay dahil sa ang tanging dahilan kung paano nagawang talunin ni David si Goliat ay sapagka't lubos siyang nanalig kay Jehovah, umasa kay Jehova, at dahil tinulungan siya ni Jehovah. Kung hindi niya itinaas si Jehovah, hindi niya makakamtan ang tulong ni Jehovah. Hindi alintana ng kanyang kasanayan sa pagtirador ng bato, hindi niya magagawang talunin si Goliath. Kapag naisip ko ito, biglang naging malinaw ito sa aking puso. Ang dahilan kung bakit hinihiling ng Diyos sa mga tao na iangat Siya at ituon ang tingin sa Kanya ay hindi upang hilingin sa mga tao na sundin ang mga patakaran o ritwal, ngunit sa halip ay upang magkaroon ng lugar ang Diyos sa kanilang mga puso, upang parangalan ang Diyos bilang pinakadakila sa kanilang mga puso. Kung ang isang tao ay tunay na pinapayagan ang Diyos na maitaas at lumingon papunta sa Kanya, ito ay nagpapakita na mayroon silang isang lugar para sa Diyos at kayang parangalan ang Diyos bilang ang daklla sa kanilang mga puso.

Sa ganitong paraan, kapag ang mga tao ay tumutungo sa harapan ng mukha ng Diyos makatatanggap sila ng Kanyang kagalakan at mga pagpapala, at ang Banal na Espiritu ay kikilos sa kalooban nila. Ang lahat ng mga gawain na kanilang ginagawa ay hindi nakasalalay sa kanilang sariling paggawa, ngunit sa patnubay ng Diyos sa kanilang mga gawain. At ang epekto ay likas na magiging mabuti. Kung ang isang tao ay hindi nagtataas sa Diyos at ituon ang tingin sa Kanya, ito ay nagpapakita na ang kanyang puso ay walang lugar para sa Diyos, at ang lahat ng ginagawa nila ay sa pamamagitan ng kabutihan ng kanilang sariling gawa. Ang gayong tao ay kasuklam-suklam sa Diyos at magiging tiyak na hindi makatatanggap ng Kanyang mga pagpapala o magkakamit ng gawain mula sa Banal na Espiritu. Kaya, ang kanyang gawain ay hindi magiging mabisa. Sa puntong ito, hindi ko maiwasang magtaka: Ang patuloy na hindi pagiging epektibo ng aking sariling pagsasagawa ng katotohanan ay may kaugnayan kaya sa katotohanan na hindi ko itinataas ang Diyos o tumingin sa Kanya sa lahat ng ginagawa ko? Sa pagabalik-tanaw sa mga nakalipas na taon, nakikita ko na ang aking mga panalangin sa harapan ng Diyos at ang aking sariling pamamamaraan ng pagsasagawa ng katotohanan ay ganap na walang kawawaan. Sa pagsasagawa ng katotohanan, bihira akong umaasa sa Diyos o ituon ang tingin sa Kanya. Sa pagkapit lamang sa sarili kong lakas upang isagawa ang katotohanan, hindi ko nagawang tumanggap ng tulong mula sa Banal na Espiritu. Ito ang dahilan kung bakit ang mga bagay ay tila palaging mahirap, mabigat at hindi ako makakita nang katangi-tanging mga resulta.

Player

Simula noon, nagsimula kong isagawa ang pagtaas sa Diyos at tumitingin patungo sa Kanya sa bawat bagay sa totoong buhay. Tuwing umaga kapag nagdadasal ako, inilalagay ko ang aking sarili nang lubos sa kamay ng Diyos, hinahayaan ang Diyos na magkaroon ng ganap na kontrol sa aking buhay sa araw na iyon. Hinggil sa mahahalagang bagay ng aking sariling kaligtasan, aking ganap na ipagkakatiwala sa pananalangin at pagtuon ng tingin sa Diyos. Hindi ko alam kung ano ang kulang ko o kung ano ang kailangan ko. Gayunman, lahat ng bagay ay napakalinaw sa Diyos. Nauunawaan Niya ako nang higit. Alam ng Diyos ang pinakamabuti kung anong kapaligiran ang kailangan ko sa aking pagtugis sa kaligtasan, kung ano ang kailangan kong maranasan, kung ano ang kailangan kong pasukin. Kaya, ibinibigay ko ang aking sarili nang lubos sa mga kamay ng Diyos, hayaan ang Diyos upang “lilukin” at kontrolin ako. Ninanaais ko lamang na maging isang taong masunurin sa Diyos, at sundan ang patnubay ng Diyos sa daan patungong kaligtasan. Dagdag pa rito, sa bawat bagay sa tunay na buhay, ako ay titingala una sa Diyos, hahayaan ang Diyos na manguna para umakay sakin, at susundan ko Siya, susundin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng aking mga salita at gawa. Makalipas ang ilang panahon, natagpuan ko ang hindi ko naranasan sa bawat araw katulad ng aking datihang mangmang na sarili. Ngayon kapag hinaharap ko ang isang bagay, alam ko na kung aling aspeto ng katotohanan ang dapat kong isagawa, kung aling aspeto ng katotohanan ang dapat kong pasukin, at kung ano ang kalooban ng Diyos. Ang mga ito ay pawang mas malinaw kaysa dati. Kung hindi ko alam ito, madali kong maisasagawa ang ilang mga katotohanan. Halimbawa: Sa aspeto ng pagpapatahimik sa aking puso sa harap ng Diyos, kahit na noon nais ko ring manatili kapag ako ay nagpupunta sa harap ng Diyos, palagi kong nadarama na tila bang ang aking puso ay wala sa ilalim ng aking sariling kontrol, at walang-kamalayang inookupahan ng walang kahulugan na mga bagay. Minsan kahit na kapag ako ay namamatnugot ng mga artikulo, lumilihis ang aking isip, at hindi ko magawang kontrolin ito. Ngayon, hindi ko na kailangang subukang lubhang kontrolin ang aking sarili. Kahit na hindi ko alam ito, ang mga pagkakataon na ang aking puso ay inookupahan ng mga bagay mula sa labas ay mas nabawasan. Kahit na ang aking isip ay gumala-gala pa rin paminsan-minsan, kaagad kong napapagtanto ito, at ito ay madali para sa akin na dalhin ang aking isip pabalik. Sa aspeto ng pagkilala sa aking sarili, dati nais ko ring gumawa ng ilang mga pag-unlad sa bawat araw, pagkilala sa aking sarili nang kaunti pa. Gayunman, lagi akong nabibigo na panatilihin ang aking panloob na mga saloobin. Lagi kong nakakalimutan na panatilihin ang mga ito upang makilala ang aking sarili. Kadalasan sa gabi nag-iisip ako, “Paano ako nabigong muli na kilalanin ang aking sarili ngayong araw na ito?” Patuloy kong pinalilipas ang araw-araw na tulad nito na walang kabuluhan. Ngayon, sa tuwing ang ganong mga saloobin ay lumilitaw sa aking isip, tila madali na para sa akin na panghawakan ang mga ito. Pagkatapos ko mapagtanto ang ganitong mga saloobin, magdadasal ako sa Diyos para makilala nang higit ang aking sarili, at sa aking puso lalo kong kinapopootan angaking sarili, at may lakas ako para tanggihan ang aking laman. Kapag nahaharap ako sa natatanging mga kapaligiran, alam ko rin naginagamit ngDiyos ang ganitong kapaligiran upang ibunyag ang mga aspeto sa kung saan ako ay tiwali o may pagkukulang. Pagkatapos, sasanayin ko ang aking sarili sa katotohanan sa aspetong ito. Tungkol sa aspeto ng pagtupad ng iyong tungkulin sa halip na gawin lamang ang mga pinakakunti, sa nakalipas nang hindi ko sinasadyang ibunyag ang aking pagkahilig sa paggawa nang sapat upang makaraos lamang, minsan ako mismo ay walang kamalayan. Minsan ako ay may kamalayan, ngunit sadyang hindi tumuon sa paglutas dito. Ngayon, kapag mayroon akong ganitong gawi sa aking puso, mayroon akong kamalayan sa aking puso. Pagkatapos, sa pamamagitan ng panalangin nagagawa kong baligtarin ang kundisyong ito sa loob ng aking sarili. Malalim ang aking kamalayan na ang lahat ng ito ay mga resulta mula sa Diyos na nangunguna sa akin at nagbubukas sa akin. Ito ay sa pamamagitan lamang ng Banal na Espiritu na nagbibigay sa akin ng lakas para makamit ko ito. Ang lahat ng kaluwalhatian ay sa Diyos!

Pagkatapos ng ganitong mga pagtatanto, naunawaan ko na ang dahilang nadama ko na mahirap na isagawa ang katotohanan sa nakaraan ay dahil ganap akong umaasa sa aking sarili upang isagawaang katotohanan, umasa sa sarili ko na maglakad patungo sa daan ng kaligtasan. Wala akong anumang lugar para sa Diyos sa aking puso, sa aking mga karanasan hindi ko isinagawa ang salita ng Diyos, at hindi ko tinanggap ang gawain ng Banal na Espiritu. Tulad ng sinabi ng Diyos: “Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos” (“Ang Landas... (5)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagbubukas sa mga salita ng Diyos ay nagbibigay-daan sa akin upang maunawaan na ang mga mananampalataya na naghahanap ng kaligtasan ay umaasa sa mga gawain ng Banal na Espiritu, sila ay ang lahat ng mga taong pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. Yaong mga umaasa sa kanilang mga sarili ay hindi ito makakamit. Sa nakaraan, hindi lamang ako hindi umaasa sa Diyos, tumitingin sa Kanya, ni hinahanap ang pangunguna ng Diyos. Inihahagis ko sa isang tabi ang Diyos, at tila bulag na ginagawa ang kahit anong aking nais sa sariling kong lakas nang walang anumang mga resulta. Nagreklamo din ako na ang paniniwala sa Diyos at pagsasagawa ng katotohanan ay masyadong mahirap. Ngayon alam ko na ito ay dahil ako ay hindi “naniniwala” sa Diyos. Ang salita ng Diyos ay nagsabi: “Ano ang kayang magawa ng tao? Hindi ba sa halip na Ako dapat ang gumawa nito ng Sarili Ko? Bakit sinasabi Ko na personal Akong bumababa sa lugar kung saan ang labanan ay sinasalihan? Ang gusto Ko ay ang inyong pananampalataya, hindi ang iyong mga gawain” (“Ang Ikasampung Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Hangga’t inihahandog mo ang iyong puso sa Diyos at sinusunod ang Kanyang paggabay, ang lahat ay mangyayari gaya nang inaasahan. Bakit mo iniisip na ito ay masyadong mahirap?” (“Yaong Nagbago Ang Kanilang Disposisyon ay Yaong Mga Pumasok sa Realidad ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagbabalik tanaw sa mga Israelita na umalis sa Ehipto, hindi ba ang Diyos mismo ang personal na nangunguna sa kanila? Walang ginawang kahit ano ang ang mga Israelita; kinailangan lamang nilang sundan ang haligi ng ulap at apoy. Habang nasa daan, ang lahat ng mga paghihirap na dinanas nila ay personal na inalis ng mismong Diyos na si Jehovah. Hindi ba daan ngayon ng kaligtasan ay tulad ng sa mga Israelita nang tumakas sa Ehipto? Hinihingi lamang sa atin ng Diyos na magkaroon ng pananampalataya sa Kanya, tumuon sa Diyos, ibigay ang ating sariling puso sa Diyos at sundan ang pangunguna ng Diyos. Sa ganitong paraan, maaaring tumanggap ang mga tao ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa sandaling ang Banal na Espiritu ay nagsimulang kumilos sa loob ng isang tao, napakadali para sa kanila na isagawa ang anumang aspeto ng katotohanan. Dahil ang Diyos mismo ang siyang lalaban kay Satanas, ang salita ng Diyos ang magbabago sa ating mga panloob na maka-satanas na disposisyon. Hindi ito maisasakatuparan sa pamamagitan ng ating gawain. Matapos maunawaan ang mga ito, ang aking tiwala sa Diyos ay lumagong sagana. Kahit ngayon mayroon lamang akong isang napaka-mababaw na pagpasok sa iba't-ibang aspeto ng katotohanan, naniniwala ako na hangga't patuloy kong itinataas ang Diyos at umaasa sa Kanya, dadalhin ako ng Diyos sa buong katotohanan at makakamit ko sa wakas ang kaligtasan!

Salamat sa Diyos sa pagbubukas sa akin at sa Kanyang patnubay, pinapahintulutan ako na tunay na maunawaan na ang pinakamataas na karunungan ay upang itaas ang Diyos at tumingin sa Kanya sa aking bawat karanasan. Sa pamamagitan lamang ng pagtataas ng Diyos at paghahanap sa Diyos ay mararanasan ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang isang tao ay madaling maisasagawa ang katotohanan at hanapin ang kaligtasan sa pamamagitan lamang ng gawain ng Banal na Espiritu. Kasabay nito, tinulungan ako ng Diyos na kilalanin ang aking nakamamatay na paglihis sa aking daan ng paniniwala sa Diyos-nagpapahayag ng aking paniniwala sa Diyos sa aking bibig, ngunit nagkukulang sa Diyos sa aking karanasan. Sa nakaraan, umasa ako sa aking sarili na lumakad sa daan ng kaligtasan, umasa sa sarili ko na gawin kahit anong gusto kong makamit. Pinatunayan ng sampung taong eksperimento na ako ay nasa landas patungo sa kabiguan. Mula ngayon, malugod kong iniiwan ang aking nakaraang paraan ng paniniwala sa Diyos at ang paraan ng pagdadanas sa Diyos. Isasagawa ko ang katotohanan alinsunod sa mga bagong paraan ng pagdadanas sa Diyos, sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos maglalakad sa natitirang landas. Ako ay aasa sa Diyos sa pagsasagawa ng Kanyang salita, unawain ang katotohanan, at maniwala na ang Diyos ay tiyak na magdadala sa akin sa realidad ng katotohanan.

Sinundan:Ang Pag-uusig at Paghihirap ay Tumulong sa Akin upang Lumago

Sumunod:Ang Lihim na Tinanganan sa Kaibuturan ng Aking Puso

Baka Gusto Mo Rin