Ang Diwa ng Personal na Paghihiganti

Zhou Li    Xintai City, Shandong Province

Ilang panahong nakalipas, kinailangan naming balangkasin ang mga distrito sa loob ng aming lugar, at batay sa aming mga prinsipyo para sa pagpili ng mga pinuno, may isang kapatid na lalaki ang medyo nababagay na kandidato. Pinaghandaan kong i-angat siya bilang pinuno ng distrito. Isang araw habang kausap ko ang kapatid na ito, nabanggit niya na pakiramdam niya’y dominante ako sa aking trabaho, masyadong malakas, at ang isang pagtitipon na kasama ako ay hindi gaanong masaya…. Nang marinig ko ito, pakiramdam ko’y minaliit ako. Labis na sumama ang loob ko; nakabuo kaagad ako ng isang partikular na opinyon sa kapatid na ito, at hindi na binalak pang i-angat siya bilang pinuno ng distrito.

Sa pagbalik ko sa pamilyang tinutuluyan ko, nanggagalaiti pa rin ako at hindi ko magawang kumalma. Sa oras na iyon, naisip ko ang isang bagay mula sa “Ang Walang-Ingat na mga Pinuno na Hindi Ginagampanan nang Tama ang Kanilang Trabaho ay Dapat Paalisin” sa pagbabahagi ng lalaki: “Kung paano pakitunguhan ng mga pinuno ang mga kapatid na sa tingin nila ay mahirap kasamahin, na kumokontra sa kanila, na ganap na naiiba ang pinanghahawakang mga pananaw kaysa sa kanila—ito ay isang napakaseryosong isyu at dapat pangasiwaan nang may pag-iingat. Kung hindi sila pumasok sa katotohanan, tiyak na itatangi nila at kakalabanin ang taong ito kapag kinaharap ang ganitong uri ng isyu. Ang ganitong uri ng pagkilos ay tiyak na inilalantad ang likas na katangian ng malaking pulang dragon na nilalabanan at pinagtataksilan ang Diyos. Kung ang pinuno ay isang taong nagtataguyod ng katotohanan, na nagtataglay ng konsiyensiya, at katinuan, hahanapin nila ang katotohanan at tatanganan ito nang tama. … Bilang mga tao, kailangan natin maging makatarungan at patas. Bilang mga pinuno, dapat nating pangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos upang maging saksi. Kung gagawin natin ang mga bagay ayon sa ating sariling kalooban, binibigyan ng malayang kapangyarihan ang ating sariling tiwaling disposisyon, kung gayon iyon ay magiging isang kakila-kilabot na kabiguan.” Hindi ko mapigilan kundi ihambing ang aking tila dalawang magkaibang mga saloobin mula sa bago ako makipag-usap at pagkatapos ko makipag-usap sa kapatid na lalaking iyon. Noong una’y nakahanda ako na i-angat siya bilang pinuno ng distrito, ngunit may nasabi siyang ilang mga bagay na naging sanhi ng pagkapahiya ko noong kausap ko siya, kaya agad kong binago ang opinyon ko tungkol sa kanya at hindi na binalak pang gawin ang pag-promote na iyon. Hindi ba ito pagsasamantala sa aking kapangyarihan upang personal na makapaghiganti? Ano ang pagkakaiba sa pagitan nito sa pagtatangi at pananakit ng malaking pulang dragon laban sa mga taong sumasalungat? Hindi ba kasuklam-suklam ang uri ng pagkilos na ito? Ang iglesia ay hindi katulad ng lipunan. Kailangan ng iglesia na ang bawat antas ng mga pinuno nito ay yaong mga taong may pagkatao, may pagmamahal sa katotohanan, at kayang tanggapin ang katotohanan. Hindi nito kailangan ang mga taong mga sumisipsip, na hindi kinikilala ang katotohanan. Ngunit ang ginagawa ko ay lubhang salungat sa kalooban ng Diyos. Habang pumipili ng isang kandidato inisip ko lamang ang aking sariling interes at sa sandaling ang taong iyon ay hindi sumuporta sa akin, kapag nagsabi siya ng isang bagay na hindi kanais-nais sa akin, pinakitunguhan ko nang masama at nagalit ako sa kanya. Hindi ba ang ikinikilos kong ito ay tiyak na ibinubunyag ang kalikasan ng malaking pulang dragon na lumalaban at pinagtataksilan ang Diyos? Hindi ba ito tiyak na paglalantad ng disposisyon ni Satanas, “Magpasakop sa akin o malipol”? Hindi ba ang pagkilos sa ganitong paraan ay pagiging isang lingkod ni Satanas, nakakasagabal sa gawain ng Diyos at pagiging kaaway Niya? Hindi ba napakasama ng aking puso? Ang iglesia ay malapit nang pumili ng tao para sa isang posisyon, at ang kapatid na lalaking iyon ay nababagay na kandidato para maging pinuno ng distrito. Ang kanyang pagtatasa sa akin ay hindi kanais-nais sa akin; marapat sana’y hinanap ko ang katotohanan sa bagay na ito at tinanggap ang kanyang opinyon. Marapat sana’y siniyasat ko ang aking sarili at kinilala ang aking sarili, at bumawi sa mga kakulangan sa aking trabaho. Ngunit, hindi lamang hindi ko hinanap ang dahilan sa aking sarili, kundi binigyan ko pa ng kalayaan ang kalikasan ni Satanas sa akin upang siya’y pakitunguhan nang masama at maghiganti sa kanya. Masyado akong mapagmataas, lubhang kulang sa pagkatao! Ang disposisyon kong ito ay talagang kasuklam-suklam sa Diyos! Kung ipinagpatuloy ko ang pagbibigay ng kalayaan sa ganitong uri ng tiwaling kalikasan, kalaunan ako’y masisira bilang isang mapagmataas na lingkod ng kasamaan na bulag sa Diyos. Tunay nga akong nasa panganib. Sa oras na iyon hindi ko mapigilan kundi ang manginig sa aking mga saloobin at mga aksyon, nakikita ang sarili kong puno ng lason ng malaking pulang dragon, na yaong nakalantad ay ang lahat ng pagkapoot laban sa Diyos. Tunay na kinamumuhian ito ng Diyos, at naiinis dito.

O Diyos, salamat sa Iyong mabilis na pagliliwanag, sa pagpigil sa ugali kong nagpapakita ng pagtatangi, sa pagpapahintulot sa akin upang mas makita nang maayos ang aking sariling masamang kalikasan at ang aking mukha ni Satanas na kumikilos bilang Iyong kaaway. Mula sa araw na ito, nais kong ipagpatuloy ang pagbabago ng disposisyon, at kapag nakatagpo ako ng mga tao o mga bagay na hindi kanais-nais sa akin, matututuhan kong isantabi ang aking sarili, talikuran ang laman, at sa lahat ng bagay ay pangalagaan ang mga interes ng iglesia, at gawin sa abot ng aking makakaya na tuparin ang aking mga tungkulin.