Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Ang Tunay na Mukha ng Isang Tinatawag na Mabuting Tao

4

Kemu Lungsod ng Zhumadian, Lalawigan ng Henan

Sa aking isip, palagi kong inisip ang aking sarili bilang isang may mabuting pagkatao. Inisip ko ito dahil, madalas akong mapuri ng aking mga kapitbahay sa harapan ng aking mga magulang sa pagiging matino at nagpapakita ng pagmamalasakit sa aming pamilya; na nagsasabing ako ang kayamanan ng aking mga magulang. Matapos makapag-asawa, pinuri ako ng pamilya ng aking asawa sa harap ng mga kapitbahay sa pagiging mabait at mapagmalasakit sa kanila. Sa pangkat ko, pinuri ako ng aking lider sa pagiging matapat at may kakayahan. At mula sa pagtanggap sa yugtong ito ng gawain ng Diyos, naging masunurin ako sa anumang ipagawa sa akin ng iglesia. Hindi ako kailanman sumasalungat sa lider kahit na pagalitan ako ng lider dahil sa hindi paggawa ng isang mahusay na trabaho, at madalas kong tulungan ang mga kapatid na nangangailangan. Dahil dito, pinaniniwalaan ko ang aking sarili na isang makatwiran, mahabagin, at mabait na taong may pagkatao. Hindi ko kailanman naisip ang aking sarili sa mga pagpapahayag ng mga salita kung saan ipinahahayag ng Diyos na ang tao ay kulang sa pagkatao o ang tao ay may mas mahinang pagkatao. Sa pakikipag-isa ng mga salita ng Diyos kasama ang mga kapatid, kahit na alam kong kailangan kong malaman ang aking sarili, pinapanatili ko pa rin ang aking sariling pananaw, na iniisip sa aking puso: Kahit na hindi ako isang taong may mabuting pagkatao, mayroon pa rin akong relatibong magandang pagkatao kumpara sa iba. Sa ibang mga salita, anuman ang sinasabi ng salita ng Diyos o anuman ang sinasabi ng mga kapatid, hindi ko nais na alisin ang aking sarili mula sa ideya ng pagiging isang taong may mabuting pagkatao.

Ang Tunay na Mukha ng Isang Tinatawag na Mabuting Tao

Isang araw, habang ako ay kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, isang sipi ang nakakuha ng pansin ko. Sinasabi ng Diyos, “Ilang mga tao ay likas na mabuti; nakakayanan nilang magsagawa ng katotohanan. Ang katauhan ng ilang tao ay mas mahina, kaya mahirap para sa kanila na magsagawa ng katotohanan…. Masasabi ba ninyo na siya na hindi nagssagawa ng katotohanan ay kailanma’y naghanap ng katotohanan? Walang pasubaling hindi siya naghahanap nito! Sa sariling isip niya ay lumilitaw: ‘Ang paraang ito ay mabuti, ito ay ayon sa aking kapakinabangan.’ Sa huli siya pa rin ay kumikilos batay sa kanyang sariling mga ideya. Hindi siya humahanap ng katotohanan sapagkat mayroong bagay na mali sa kanyang puso, ang puso niya ay hindi tama. Hindi siya naghahanap, hindi nagsusuri, ni hindi nagdarasal sa harap ng Diyos; basta matigas ang ulo niya na kumikilos ayon sa kanyang sariling mga hangarin. Ang uri ng taong ganito ay simpleng walang pagkagiliw sa katotohanan. … Yaong mga walang pagmamahal para sa katotohanan ay ni hindi maghahanap sa sandaling ito, o susuriin ang kanilang mga sarili pagkatapos. Hindi nila kailanman susuriing mabuti kung ang kilos ay isinagawa ng tama o mali sa huli, kaya palagi nilang nilalabag ang mga prinsipyo, nilalabag ang katotohanan. … Ang isang taong may puso ay makakayanan lamang gumawa ng isang pagkakamali ng isang beses kapag sumasailalim sa isang kurso ng pagkilos, dalawa pinakahigit na – isa o dalawa, hindi ikatlo o ikaapat na beses, ito ay normal na kahulugan. Kung nakakayanan nilang makagawa ng parehong pagkakamali ng ikatlo o ikaapat na beses, ito ay nagpapatunay na walang silang kinikimkim na pagmamahal para sa katotohanan, ni hindi nila hinahanap ang katotohanan. Ang uri ng taong ito ay tiyakang hindi isang makataong indibidwal” (“Paglutas sa Kalikasan at Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Matapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng biglaang pagbubunyag. Lumalabas, ang mabuti o masamang pagkatao ay nakaugnay na mabuti sa pagsasagawa ng katotohanan. Ang taong may mabuting pagkatao ay hahanapin ang katotohanan at isasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay, at susuriin ang kanyang sarili pagkatapos. Palagi kong itinuring ang aking sarili na may mabuting pagkatao, kaya ako ba ay isang taong naghahanap at nagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay? Sa paggunita, hindi ako nanalangin o naghanap ng katotohanan tungkol sa maraming bagay na nakatagpo ko. Hindi ko sinuri o inunawa ang aking sarili pagkatapos. Kahit na ipinahayag ko ang aking tiwaling disposisyon, hindi ko nilunasan ang aking mga suliranin sa pamamagitan ng paghahanap ng katotohanan, ngunit patuloy na gumawa ng parehong pagkakamali nang paulit-ulit. Minsan kahit na naintindihan ko ang isang aspeto ng katotohanan, parang ayaw ko itong gawin. Naaalala ko ang maraming mga halimbawa nito nang malinaw. Isang pagkakataon, natatandaan ko ang pakiramdam ng pananabang sa taong naging kasama ko. Alam ko na ito ay tuwirang makakaapekto sa pagiging epektibo ng gawain kapag ang suliranin ay hindi nalutas, ngunit dahil sa aking pagmamataas at kahambugan, tumanggi akong bitiwan ang aking sarili at magkaroon ng bukas na komunikasyon sa kanya. Sa halip, tiniis ko at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho, na nagreresulta sa napaka hindi epektibong gawain. Minsan pagka nakita ko ang mga kapatid na nagbubunyag ng isang partikular na aspeto ng kanilang masamang disposisyon, hindi ko sinubukan na makipagniig sa katotohanan kasama nila upang matulungan silang makilala ang kanilang mga sarili, sa halip ay hinatulan sila nang palihim. Hindi ako nagsisi o nagsikap na baguhin ang aking mga paraan kahit na pakitunguhan nang ilang ulit, sa halip ay nagpatuloy sa aking mga dating paraan. Hindi ako nagsumikap sa mga pinakamahuhusay na resulta sa pagsasagawa ng aking tungkulin, kundi palaging tamad at tuso, na pinakikitunguhan ang mga bagay ng may kapabayaan, na palaging dinadaya ang Diyos upang mapanatili ang aking sariling kalagayan, kapalaran, at katayuan. Hindi ko ito pinag-isipang mabuti o nagkaroon ng nagsisising budhi. Hindi ako naghanap o nagsiyasat kapag may mga bagay na nangyayari sa aking gawain, kundi ginawa lamang ang nais ko. Kahit na nagdulot ito ng mga malubhang kapinsalaan sa iglesia, hindi ko naramdaman na may pagkakautang ako sa Diyos, ni ako ay nahiya sa aking mga masasamang gawa. Kahit na pinaalalahanan ako ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at inilantad ang aking katiwalian sa pamamagitan ng pakikitungo at pagpupungos, patuloy ko Siyang hindi pinansin, at ginawa ang mga parehong paglabag sa pangatlo o pang-apat na ulit. Hindi ba pinatutunayan ng mga kilos na ito na kulang ako sa pagkatao at hindi mapagmahal ng katotohanan sa mga mata ng Diyos? Gayunman, hindi ko hinangad na alamin ang aking sarili batay sa aking kalikasan, ngunit patuloy na nagsuot ng laurel ng “mabuting pagkatao” sa aking ulo. Gaano ako naging walang kahiya-hiya!

Sa ngayon, ang aking puso ay puno ng pagsisisi, at kasabay ay puno ng pasasalamat sa Diyos. Hindi ko maiwasan kundi ibuhos ang aking sarili sa harap ng Diyos, “Diyos, salamat sa Iyo sa Iyong pagliliwanag, na nagpapaalam sa akin na hindi ako isang taong may mabuting pagkatao, tumutulong sa akin na maunawaan na ang tao na may totoong pagkatao ay ang isa na nagmamahal sa katotohanan, ay isang taong nakikinig sa Diyos at sumusunod sa Diyos, ay isang taong nais isagawa ang katotohanan at ipagpatuloy ang pag-ibig sa Diyos. Napagtanto ko rin na ang aking pag-unawa sa aking sarili ay hindi batay sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, kundi batay sa aking sariling imahinasyon at mga ideya, pati na rin sa aking mga pangmundong pananaw. Ito ay ganap na kakatuwa. Diyos, mula ngayon, ayaw kong sukatin ang aking sarili ayon sa pananaw ni Satanas o sa aking sariling imahinasyon. Gusto kong makilala ang aking sarili batay sa Iyong mga salita, at gawin ang aking buong makakaya sa paghahanap sa katotohanan, upang sa madaling panahon ako ay maging isang taong may katotohanan at pagkatao upang aliwin ang Iyong puso.”

Kaugnay na Content

  • Walang Espesyal na Pagtrato sa Iglesia

    Isang araw, nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Hindi Ako magkakaroon ng diwa ng habag sa inyo na nagdurusa sa maraming mga taon at nagpapagal nang husto nang walang napapala. Sa halip, pinakikitunguhan Ko yaong mga hindi nakaabot sa Aking mga kahilingan nang kaparusahan, hindi nang mga gantimpala, lalong hindi nang anumang simpatiya.

  • Kasisimula Ko pa Lamang Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay

    Inaalala ang sakit at kapighatian na dulot sa akin ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, pagkatapos ang gawain ng kaligtasan na ginawa sa akin ng Diyos, tunay na nagpapasalamat ako at may utang na loob sa Diyos. Upang iligtas ako mula sa pagkaalipin ng katanyagan, tagumpay, at katayuan, isinaayos nang mabuti ng Diyos ang iba’t ibang kapaligiran

  • Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

    Sa Biblia, sinasabi ng Aklat ng mga Kawikaan, “Ang kapalaluan ay nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal” (Kawikaan 16:18). At habang una-ulo kong sinisisid ang aking trabaho nang may napakataas na pag-asa, naramdaman ko na, sa aking puso, nawawala rin ang aking ugnayan sa Diyos.

  • Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

    Sapagkat palagi kong pinanghahawakan ang panlilinlang na ito bilang kasabihang dapat isabuhay, nang ipamukha ng kapatid na babaeng ito ang mga pagkukulang ko upang tulungan akong kilalanin sila at magbago tungo sa ikabubuti, hindi lamang hindi ko tinanggap ang kanyang mga komento, naisip ko pa nga na tinutuya niya ako at pinupuna maging mga hindi mahalagang detalye.