Ang Pagsisisi ng Isang Opisyal

Hulyo 23, 2020

Ni Zhenxin, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Magmula nang nilikha ang mundo hanggang ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos sa Kanyang gawain ay pag-ibig, na walang kahit anong poot para sa tao. Kahit ang pagkastigo’t paghatol na iyong nakita na ay pag-ibig din, isang mas totoo’t mas tunay na pag-ibig; umaakay ang pag-ibig na ito sa mga tao sa tamang landas ng buhay ng tao. … Ang lahat ng gawain na nagawa Niya na’y para sa layunin ng pag-akay sa mga tao sa tamang landas ng buhay, upang maaari silang magkaro’n ng normal na buhay ng sangkatauhan, dahil ’di alam ng tao kung pa’no mamuhay. Kung wala ang ganitong pag-akay, makakapamuhay ka lang ng hungkag na buhay, ang buhay mo ay magiging walang halaga at walang kabuluhan, at hindi mo magagawang maging isang normal na tao. Ito’ng pinakamalalim na kabuluhan ng paglupig sa tao” (“Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pinanganak ako sa probinsya. Masisipag na magsasaka ang mga magulang ko. Hinahamak kami ng mga kapitbahay namin dahil mahirap kami. Naisip ko, “Balang araw makikita nila. Mag-iiba rin ang tingin nila sa’kin.” Sumali ako sa army nung binatilyo ako. Kahit ano gagawin ko, kahit nakakapagod, kasi nga hinahangad ko na tumaas ang ranggo ko. Pero ilang taon akong nanatiling isang private. Tapos napagtanto kong hindi kasipagan ang nagbibigay ng mataas na ranggo kundi ang pagbibigay ng regalo. Hindi ko ’yon gusto, pero gusto kong ma-promote, kaya tinigasan ko ang sarili ko at niregaluhan ko ang superyor ko gamit ang ipon ko. Naging kwalipikado ’ko sa military academy. Matapos ang graduation ko, ginawa akong kusinero dahil wala na ’kong perang pang-regalo. Alam ko na “Hindi pinahihirapan ang mga nagreregalo” at “Walang nagagawa ang hindi nambobola.” Kung talagang gusto kong meron akong marating, kailangan kong magkapera para may maipangregalo, kung hindi, kahit ga’no pa ’ko kagaling, wala rin. Gusto ko talagang magtagumpay kaya ginawa ko’ng lahat para magkapera, sumipsip ako sa mga superyor ko at binigyan ko sila ng mga gusto nila. Alam ko naman na ilegal ang ginagawa ko, at natatakot ako no’n na mahuli at makulong. Palagi ako no’ng kinakabahan, pero yung ideya na magiging opisyal ako, ’yon ang nagpalakas sa’kin. Matapos ang ilang panahon, naging battalion commander ako sa wakas. Sa tuwing umuuwi ako, pinapalibutan ako ng mga tao, binobola nila ’ko. Mas pinalaki no’n ang bilib ko sa sarili ko, habang ang mga hinahangad at ambisyon ko, nagsilaki rin. Gaya ng sabi nila, “Para sa pagkain at magandang pananamit ang pagiging opisyal” at “Habang meron, gamitin na’ng kapangyarihan.” May mga pribilehiyo ang pagiging opisyal, anumang gusto ko, makukuha ko nang walang kapalit. At ’yon namang may kailangan sa’kin, dapat akong ilibre o regaluhan. Ginamit ko pa nga’ng posisyon ko at pagiging paborito ng komisaryo para humingi ng kung anu-ano. Mula sa pagiging isang simpleng anak ng magsasaka, naging isang tao ako na walang kasiyahan, tuso, at mapanlinlang.

Hindi lang ako naging mapang-api sa trabaho naging masama rin ang pagtrato ko sa asawa ko. Inakusahan ko siyang nakikipagrelasyon sa iba, na nagpalalim sa hidwaan namin. Sa huli, nagsawa na rin siya at gusto nang makipaghiwalay. Malapit nang mawasak ang masaya kong pamilya, at magdurusa rin ang anak kong lalake. Sumasama ang pakiramdam ko kapag naiisip ko yung naging buhay ko: Simula pagkabata, determinado na ’ko na umangat sa iba. Pareho kaming mag-asawang may magandang trabaho, komportable ang naging buhay namin. Lahat ng tao humanga sa’min, kaya dapat naging masaya na ’ko at ganap. Kaya bakit naging hungkag pa rin ako at namuhay nang hindi masaya? Ito ba talaga yung ginusto kong buhay? Papa’no ba talaga tayo dapat mamuhay? Nalito ako’t ’di ko alam ang gagawin, ’di ko mahanap ang kasagutan. Kalaunan, tinanggap ng asawa ko’ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos at lagi siyang nagpupulong kasama’ng mga kapatid. Hindi nagtagal, naging napakapositibo niya. ’Di na nakikipagtalo at ’di na nakipaghiwalay. Dahil do’n, naisip kong siguro nga magandang manalig sa Diyos. Kaya nanalig na rin ako sa Makapangyarihang Diyos.

Sinimulan kong ipamuhay ang buhay-iglesia, at nalaman kong iba sa mundo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ibinabahagi ng mga kapatid ang katotohanan. Kumikilos sila ayon sa salita ng Diyos, para maging totoo, bukas at matapat. Para ’kong nasa lugar ng kadalisayan, at nakadama ’ko ng kalayaang noon ko lang naramdaman. Sa pagdalo sa mga pulong at pagbabasa ng salita ng Diyos, nalaman kong matuwid ang Diyos, at pinakaayaw niya sa katiwalian ng tao. Nung nasa army ako, marami akong masamang gawi at kung ’di ako magsisi, kamumuhia’t aalisin ako ng Diyos. Tapos nabasa ko’ng mga salitang ito ng Diyos: “Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao’y nasira na nang labis ng lipunan, siya’y naimpluwensiyahan ng mga etikang pyudal, at naturuan sa ’mga instituto ng dalubhasaan.’ Ang paurong na kaisipan, tiwaling moralidad, masamang pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya sa pamumuhay, walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na pamumuhay at mga kaugalian—lahat ng bagay na ito’y matinding nanghimasok sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kanyang katuwira’t inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao’y mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong tumutol sa Kanya. Ang disposisyon ng tao’y nagiging mas mabangis sa bawat araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusang talikdan ang anuman para sa Diyos, wala ni isang taong kusang susunod sa Diyos, at kusang maghahanap sa pagpapakita Niya. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, walang ginagawa ang tao kundi magpakasaya, ibinibigay ang kanyang sarili sa katiwalian ng laman sa putikan” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagbabasa nito ang nagpakita sa’kin kung bakit masyado akong naging tiwali. Naisip kong sa mga taon ko sa army, para makaangat sa iba, sinunod ko’ng mga ’di-nasusulat na batas, gumawa ng maraming masamang bagay at nakinabang sa masama. Naging labis ang katiwalian ko, walang kahihiyan akong namuhay sa kasalanan. Pinakita ng Diyos ang kaibahan ng mabuti’t masama, at pinayagan Niya akong makita ang ugat ng katiwalian ko. Si Satanas pala ang ugat ng lahat ng ’yon. Ginamit niya’ng lahat ng uri ng edukasyon at impluwensya para gawing tiwali ang lipunan natin at maging kumukulong kawa ng kasalanan. Ang mga taong may kapangyarihan, hindi napipigilan, pinagmamalakihan nila’ng karaniwang tao, habang ang mga karaniwan at tapat na tao, inuutus-utusan lang at walang nararating sa buhay. Ang lipunan natin puno ng mga kamalian at mga erehiya, gaya ng “Daig ng mautak ang malakas,” “Ang bawat tao para sa sarili niya, bahala na’ng iba,” “Magdala ng parangal sa mga ninuno,” “Nagsisikap ang taong umangat, dumadaloy ang tubig pababa,” “’Di pinahihirapan ng mga opisyal ang nagreregalo,” “Para sa pagkain at magandang pananamit ang pagiging opisyal,” at “Gamitin ang kapangyarihan habang nandiyan pa.” Dahil sa mga bagay na ’to, at sa mga pagdidiin na nasa paligid ko, naligaw ako nang ’di ko man lang nalalaman. Kahit ano ginawa ko para lang maging isang opisyal, inabuso ko ang kapangyarihan ko. Naging isang tao akong tiwali at gusto lang manghuthot. Talagang pinagsisihan ko ang masasama kong gawain. Dahil sa pagliligtas ng Diyos, may pagkakataon akong magsimulang muli. Kung hindi, susumpain ako at saka parurusahan dahil sa inasal ko. Napakalaki ng pasasalamat ko sa Diyos, nagpasya akong magbago, at iwan na lang ang army. Pero pinigilan akong umalis ng superyor ko, sabi niya itataas niya’ng ranggo ko sa pagiging deputy regimental commander. Nagdalawang-isip ako at nag-isip, “Deputy commander? ’Yon ang matagal ko nang pinapangarap ah!” ’Di ko mabitawan ang titulong ’yon, hindi ko alam ang gagawin ko, kaya lumapit ako sa Diyos para manalangin. Tapos nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos. “Kung ikaw ay may mataas na katayuan, marangal na reputasyon, saganang kaalaman, saganang ari-arian, at suportado ng maraming tao, gayon man ay hindi pumipigil sa iyo ang mga bagay na ito sa pagharap sa Diyos para tanggapin ang pagtawag at ang Kanyang tagubilin, para gawin kung ano’ng hinihingi ng Diyos sa’yo, kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinakamakabuluhan sa lupa at ang pinakamatuwid sa sangkatauhan. Kung tatanggihan mo’ng tawag ng Diyos para sa’yong katayuan at iyong mga sariling layunin, lahat ng iyong gagawin ay susumpain at kamumuhian pa ng Diyos.” (“Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Pumupunta sa lupa ang mga tao at bihira Akong makatagpo, at bihira ding magkaro’n ng oportunidad na matamo’ng katotohanan. Bakit hindi niyo pahahalagahan ang magandang pagkakataong ’to bilang tamang landas na tatahakin sa buhay na ’to? At bakit niyo binabalewala palagi ang katotohanan at katarungan? Bakit ninyo palaging niyuyurakan at sinisira ang inyong sarili para sa kasamaan at karumihang nilalaro ang mga tao?” (“Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinukpok ng bawat isang salitang ’yon ang konsensya ko. Naisip ko, “Oo nga. Yung swerte ko na makilala ang nagkatawang-taong Diyos, na dumating sa lupa para iligtas ang tao, at magkaro’n ng pagkakataong gumugol ng sarili para sa Diyos isa ’yong malaking pagtataas at biyaya ng Diyos!” Ano pa bang mas makahulugan kesa sa paggugol ng sarili para sa Lumikha? Gaano man kataas ang iangat ko sa ranggo, magiging masaya ba ’ko? Maraming makapangyarihang tao’ng kumikilos ayon sa gusto nila at gumagawa ng lahat ng kasamaan pero nakukuha nila’ng nararapat sa kanila sa huli. At maraming mga mataas na opisyal na yumaman at pinuri, pero oras na mawalan sila ng kapangyarihan, yung ilan sa kanila sa kulungan ang bagsak, at may ilang nagpapakamatay … Laging nangyayari ang ganitong bagay. Sa kaso ko naman, matagal na talaga akong nagsisikap na maging matagumpay, kaya lang, naging mayabang lang ako, at mapanlinlang! Ngayon, binigyan ako ng Diyos ng maraming katotohanan, pinakita Niya’ng tamang landas sa buhay. Pa’no ko maitutuloy yung dati kong buhay? Niloko ako ni Satanas sa halos buong buhay ko hanggang sa halos hindi na ’ko kawangis ng tao. Mula no’n, ginusto ko nang mamuhay nang iba, na sundin ang Diyos, isagawa’ng katotohana’t kumilos ayon sa salita Niya. Kaya nagdesisyon akong magpalit ng karera at tuluyan nang iwan ang army. Pero dahil malalim ang pagtitiwali sa’kin ni Satanas, yung lason nitong “Magdala ng parangal sa mga ninuno” ang naging mismong buhay ko. Sa iglesia, lagi akong nakikipagpaligsahan, ang pahayag lang ng Diyos at paghatol Niya ang nagtama sa gawain ko.

Matapos kong gawin ang tungkulin ko sa iglesia, nakita kong merong isang batang lider do’n at may isa rin na naging kaibigan ko noon. Talagang naguluhan ako, naisip ko, “Pareho naman kayong nasa ilalim ko noon, pero dito sa iglesia, kayo’ng mga superyor ko. Magiging mas mabuting lider ako sa inyo!” Sinimulan ko ’yong hangarin gamit ang lahat ng meron ako. Una, bumuo ako ng plano: Nagbabasa ako ng salita ng Diyos tuwing umaga, tapos dalawang oras akong nakikinig ng sermon, at bawat linggo, tatlong himno’ng inaaral ko. Naging mas aktibo ako sa tungkulin ko, at kahit ga’no kahirap o nakakapagod, nanguna ’ko sa lahat ng magagawa ko sa iglesia. Sa mga pulong, ikinwento ko yung mga karanasan ko sa army, ipinagmalaki ko’ng kakayahan ko, at ’di ko tinanggap ang pagbabahagi ng mga lider ng iglesia. Minsan, banayad kong hinahamak ang mga kilos nila, na para bang magagawa ko ’yon nang mas maayos. Namuhay ako nang gano’n sa pagsisikap para sa katanyagan at katayuan, laging naghahangad maging lider sa iglesia. Minsan, hindi nagawa nang mabuti ng isang lider ang gawain niya. Dahil do’n, pinagalitan ko siya, at nagparinig din ako na dapat magbitiw na siya. Hinangad kong mapiling lider sa susunod na halalan. Nang malaman ’yon ng mga kapatid, pinag-aralan nila’ng asal ko, tuso’t ambisyoso raw ako, gustong hawakan ang iglesia. Natanggal ako bilang pinuno ng pangkat. Talagang sumama ang loob ko dahil do’n, naisip ko, “Dati akong battalion commander, ngayon ni hindi ako pwedeng maging lider ng iglesia.” Matapos ang maraming buwan, hindi ko talaga ’yon matanggap, at ’di ko na matagalan ang mga kapatid. Nanahimik na ’ko sa mga pagtitipon. Nagdilim ang espiritu ko at ’di ko na maramdaman ang Diyos. Do’n na ’ko nagsimulang matakot, kaya nagmadali akong nagdasal para ilabas ako ng Diyos sa kadiliman.

Tapos nabasa ko’ng mga salitang ito ng Diyos: “Sa inyong paghahangad, meron kayong napakaraming pagkaunawa, inaasam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay upang pakitunguhan ang pagnanasa niyo sa katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga inaasam, katayuan, at pagkaunawa ay klasikong pagkatawan sa satanikong disposisyon. … Kayo’y mga tagasunod na, at may kaunting pagkaunawa na sa yugtong ito ng gawain. Gayunpaman, ’di niyo pa naisantabi ang pagnanasa niyo para sa katayuan. ’Pag mataas ang katayuan niyo naghahanap kayo nang mabuti, nguni’t ’pag mababa’ng katayuan niyo, ’di na naghahanap. Pagpapala ng katayuan ang laging nasa isip niyo. … ’Pag mas naghahanap ka sa ganitong paraan, mas kaunti ang makakamit mo. ’Pag malaki’ng pagnanasa para sa katayuan, mas malubha silang pakikitunguhan at sasailalim sa matinding pagpipino. Walang-kwenta’ng mga gano’ng uring tao! Dapat silang pakitunguhan at hatulan nang sapat upang lubusan nilang mabitawan ang mga bagay na ’to. Kung maghahangad kayo nang ganito hanggang sa huli, wala kayong makakamit. Ang mga hindi naghahanap ng buhay ay hindi mababago, at ang ’di nauuhaw sa katotohanan, ’di magkakamit nito. ’Di ka nagtutuon sa paghahanap ng personal na pagbabago’t pagpasok, nagtutuon ka sa maluluhong pagnanasa’t bagay na pumipigil sa pagmamahal mo sa Diyos at sa paglapit mo sa Kanya. Mababago ka ba ng mga bagay na ’yon? Madadala ka ba no’n sa kaharian?” (“Bakit Ayaw Mong Maging Hadlang?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tagos sa puso’ng mga salita ng Diyos, at nakaramdam ako ng matinding pagkahiya. Nakipaglaban ako para sa posisyon, tapos ay nilantad ng mga kapatid, at tinanggal sa’king tungkulin. Hindi ’yon ang gusto kong mangyari, pero hindi ’yon dahil sa pinag-iinitan ako. Sa halip, matuwid na paghatol ’yon ng Diyos at kaligtasan Niya na talagang napapanahon. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay para baguhin ang mga luma nating pagkaunawa, para maligtas tayo sa impluwensya ni Satanas, makamit natin ang katotohanan at buhay mula sa Diyos, at mabuhay sa liwanag. ’Di ko tinahak ang tamang landas, ni hinanap ang katotohanan, posisyon at reputasyon ang hinabol ko. Gumamit ako ng palihim na paraan para magka-posisyon. Hindi ba taliwas ’yon sa kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan? Ang pagpapatuloy no’n ay nangangahulugang hindi pagkakamit ng katotohanan. Para hindi ako tuluyang maligaw, at maibalik ako sa tamang landas, tinabas ako ng Diyos sa pamamagitan ng mga kapatid, nilantad ang aking mga pagnanasa at kinuha’ng posisyon ko para pagnilayan ko’ng sarili ko at magbago. Nakita kong tunay ngang nakikita ng Diyos ang mga puso natin. Nagkaro’n din ako ng tunay na pagkaunawa sa katuwiran, kabanalan, at karunungan ng Diyos. Hindi na ako balisa sa pagkawala ng posisyon ko, gusto ko nang pasakop sa mga pag-aayos ng Diyos.

Matapos ang anim na buwan, namuhay ako ng buhay-iglesia sa ibang simbahan, kung saan magsasagawa sila ng pagpili ng mga lider. Natuwa ako nang malamang wala ro’ng mas matagal nang nananalig sa Diyos kesa sa’kin, kaya naisip kong may pag-asa ako. Sa mga karanasan sa buhay at taon sa pananalig, talo ko silang lahat. Ako ang pinakanararapat na mapiling lider. Nang naghahanda na akong magpakitang-gilas, isang sister mula sa dati kong iglesia ang lumipat sa iglesiang ’yon dahil hinahabol siya ng CCP. Naisip ko, “Alam niya kung pa’no ’ko nakipagpaligsahan para sa posisyon. Kung makikita niya ’kong nakikipagpaligsahan na naman, ilalantad niya kaya ang dati kong eskandalosong pag-uugali? ’Pag ginawa niya ’yon, tapos ako.” Dahil do’n, kinalimutan ko’ng plano ko at tinimbang ang ang sitwasyon: “Magiging group leader muna ’ko tapos unti-unti akong aangat mula ro’n.” Sa gulat ko, ni hindi ako napiling maging group leader. Hindi sapat ang mga tao para sa ilang tungkulin, kaya tinanong ako ng mga lider ng iglesia kung gusto kong tumulong. Dahil ayoko naman na isipin nila na suwail ako, pumayag na lang ako. Isa akong marangal na battalion commander pero napakababa ng ginagawa kong tungkulin. Pakiramdam ko, maling-mali ang lahat ng ’yon. Hindi nagtagal, binantayan na ng mga pulis ang lugar na ’yon, kaya ’di na kami nakapagtipon. Inilipat ako ng lider sa ibang grupo kasama ang mga kapatid na may tungkulin na mag-host. Para sa’kin, sobra na talaga ’yon. Bukod sa mababa ang tungkulin na ginagawa ko, kailangan ko pang makipagtipon kasama nilang mga nagho-host. Pakiramdam ko masyado naman ’yong nakakahiya. Paano ako umabot sa gano’n kababa? Kung magpapatuloy ’yon, ano pa’ng magiging pag-asa ko? Mas lalong sumama ang loob ko, ang magagawa ko lang, magdasal sa Diyos at hilinging liwanaga’t gabayan Niya ’ko.

Tapos nabasa ko’ng mga salitang ito ng Diyos: “Sa maraming taon, ang kaisipang inasahan ng mga tao para sa pananatili nilang buhay ay sumisira sa puso nila hanggang sila’y naging duwag, at kasumpa-sumpa. Hindi lang sila kulang sa kagustuha’t kapasyahan, naging ganid din sila’t matigas ang ulo. Kulang sila sa anumang kapasyahan na dumaraig sa sarili, at higit pa, wala silang katapangang iwaksi ang pamumuna ng madidilim na impluwensyang ito. Ang mga kaisipan at buhay ng mga tao ay bulok, ang pananaw nila sa paniniwala sa Diyos ay ’di matingnan sa kapangitan, at kahit ’pag ang mga tao’y nagsasalita tungkol sa pananaw nila sa paniniwala sa Diyos ito’y ’di kayang pakinggan. Ang mga tao ay naduduwag lahat, walang-kakayahan, kasumpa-sumpa, gayundin ay marupok. ’Di sila nakadarama ng pagkainis sa mga pwersa ng kadiliman, at ’di nila mahal ang liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila’ng lahat para alisin ’yon. Hindi ba’t ang kasalukuyan niyong mga kaisipan at pananaw ay ganito rin? ’Yamang ako ay naniniwala sa Diyos ako ay dapat na paulanan ng mga pagpapala at dapat na matiyak na ang aking katayuan ay hindi kailanman bumababa at na ito ay mas mataas kaysa sa mga di-mananampalataya.’ Hindi mo kinimkim sa loob mo ang pananaw na ’yan sa loob lang ng isa o dalawang taon, kundi sa loob ng maraming taon. Labis ang pag-iisip mong laging naghahanap ng palitan. Bagaman dumating ka ngayon sa hakbang na ito, hindi mo pa rin pinakakawalan ang katayuan, ngunit patuloy na nagsisikap na hanapin ’yon, at masdan ’yon araw-araw, na may takot na mawawala ang ’yong katayuan. Hindi isinantabi ng tao ang pagnanais nila para sa ginhawa” (“Bakit Ayaw Mong Maging Hadlang?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Habang tinatahak mo ang landas ng ngayon, ano ang pinakaangkop na uri ng pagpupursigi? Sa ’yong pagpupursigi, anong uri ng tao mo dapat makita’ng sarili mo? Dapat mong malaman kung papa’no mo aasikasuhin ang lahat ng sinasapit mo ngayon, ito man ay mga pagsubok o paghihirap, o walang-awang pagkastigo at pagsumpa. Dapat mo ’yong bigyan ng maingat na konsiderasyon sa lahat ng kaso” (“Yaong mga Hindi Natututo at Walang Alam: Hindi Ba Sila mga Hayop?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Habang iniisip ang salita ng Diyos, nagnilay ako sa sarili. Naisip ko, “Anong uri ng tao ko dapat makita’ng sarili ko, sa pagpupursigi ko?” Laging battalion commander ang tingin ko sa sarili ko, isang may ranggo. Tungkuling may ranggo ang nababagay sa’kin, at mga taong may katayuan lang ang dapat magtipon kasama ko. Hinamak ko ang mga kapatid na ’tinakda sa pagho-host, iniisip ko na kung kasama ko sila, wala akong halaga. Nung walang katayuan, naging negatibo ako, at nadama ko pang walang kabuluhan ang buhay. Ginulo ng katayuan ang utak ko at nawalan ako ng wangis ng tao. Isa akong kasuklam-suklam na tao! Pa’no ’ko magiging karapat-dapat maging lider ng iglesia? Hindi gaya ng lipunan ang iglesia. Sa iglesia, may impluwensiya’ng katotohanan. Ang isang pinuno, dapat may mabuting katauhan. Pero naghanap lang ako ng katayuan at nakipagpaligsahan para maging isang lider. Hindi ako naging makatwiran, napakawalang-hiya.

Kalaunan, nabasa ko’ng salitang ’to ng Diyos: “Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawat tao hindi batay sa edad, hindi batay sa katandaan, hindi batay sa laki ng paghihirap, at hindi sa tindi ng kanilang pagpapaawa, kundi ayon sa kung taglay nila’ng katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat niyong matanto na ang lahat ng ’di sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan” (“Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naunawaan ko mula sa salita ng Diyos na ’di Niya ipinapasya’ng destinasyon natin base sa katayuan natin o kung ga’no karami ang ginawa natin. Ang susi ay kung nakamit natin ang katotohanan at kung sumusunod tayo sa Diyos. Nakita kong matuwid sa lahat ang disposisyon ng Diyos, at anuman ang tungkulin natin, dapat nating hanapin ang katotohanan. Sa katotohanan, maliligtas pa rin ang tao kahit walang katayuan. Pero kung wala ang katotohanan, ’di ka maililigtas ng katayuan. Naisip kong naging napakahangal ko para magpursigi nang gano’n para sa katayuan. Kahit sa simula pa lang, ayoko na sa mga tiwaling opisyal, pero habang tumataas din ang ranggo ko, lumala rin ako, pati ako, naging tiwali rin gaya nila. Kayang gawin nang tapat ng ilang makapangyarihang tao’ng tungkulin nila bago sila magkaro’n ng katayuan, pero ’pag may kapangyarihan na, inaabuso nila ’yon, hanggang sa magpatung-patong ang kasalanan nila. Naisip ko yung mga pinatalsik sa iglesia na mga anticristo. Nung wala pa silang katayuan, tila hindi sila gumagawa ng anumang masama, pero nang magbago ’yon, nagsimula silang mamilit at manggipit nang buong pagmamalaki, gumagawa ng mga bagay para sa posisyon nila, at ginugulo’ng gawain ng bahay ng Diyos. Pinakita nito sa’kin na kung wala’ng katotohanan, namumuhay tayo sa tiwali nating disposisyon. ’Pag nagkaro’n tayo ng kapangyarihan, gumagawa tayo ng masama, nangangahulugan ’yon ng kaparusahan sa huli! Sa pagsisikap kong magtagumpay sa army nung mga taong ’yon, napuno ako ng satanikong disposisyon. Mayabang ako, mapanlinlang, makasarili, madamot mula ulo hanggang paa. ’Pag nagkakaro’n ako ng mataas na posisyon, nadadagdagan din ang mga ambisyon ko, kagaya na lang nang abusuhin ko’ng kapangyarihan at pwesto ko bilang isang opisyal sa army. Kung nagpatuloy ’yon, baka nagpatuloy din ako sa paggawa ng masama at naparusahan sa huli. Sa pag-iisip sa mga bagay na ’to, nakaramdam ako ng takot at pasasalamat. Muli’t muling nagpadala ang Diyos ng mga dagok at kabiguan, na pumigil sa pagkamit ng mga ambisyon ko. Ito’ng pagliligtas ng Diyos at proteksyon Niya sa’kin! Salamat sa pagliliwanag ng Diyos na nagpakita sa’kin ng resulta ng paghahangad ng katanyagan at katayuan. At nakita ko na’ng halaga ng paghahanap ng katotohanan.

Simula no’n, nagtuon ako sa paghahanap ng katotohanan para malutas ang katiwalian ko. Kahit ano pang tungkulin ang ipasa ng iglesia, hindi na ’ko nakatuon sa ranggo. Kundi sa paghahanap ng prinsipyo ng katotohanan. Naramdaman ko’ng presensya ng Diyos nang simulan kong magsagawa sa ganitong paraan, nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kapayapaan. Matapos ang ilang panahon, napansin ko na mas mapagkumbaba na ’ko sa harap ng iba, at saka hindi ko na rin ipinagyayabang na naging opisyal ako noon. ’Pag pinupuna ng mga kapatid ang mga mali ko, masunurin akong nagpapasakop at nagdarasal sa Diyos, at nagninilay sa sarili. Pantay na ’ko sa pakikitungo sa iba, ’di ko na iniisip na mas angat ako sa lahat. Hindi ko namalayang nagbago na’ng pananaw ko sa pagpupursige. Naglaho na sa’kin ang katayuan at katanyagan. Hindi na ’ko pinipigil ng mga bagay na ’yon. ’Pag nakakakita ako ng mga nagiging lider ng iglesia na mas baguhan sa’kin, medyo naiinggit pa rin ako, pero nawawala rin ’yon agad sa pagdarasal at paghahanap ng katotohanan. Ngayon, gumagawa ako ng tungkulin sa bahay kasama’ng asawa ko. Hindi ’yon gaanong kapansin-pansin, pero masasabi kong kontento ako. Sa buhay natin, hinahayaan natin na makaimpluwensya’ng salita ng Diyos, at pinakikinggan natin ang sinumang sumusunod sa katotohanan. Talagang naranasan kong binago ’ko ng Makapangyarihmang Diyos. Niligtas Niya’ng pamilya’t buhay may-asawa ko, at niligtas Niya ’ko na isang masamang tao. Naging mayabang ako, palalo, nahumaling sa katayuan at pakinabang. Kung wala’ng kaligtasan ng Diyos, hindi ko matatahak ang tamang landas sa buhay. Mas lalo lang akong magiging tiwali at masama, sa huli, isusumpa lang ako at mapaparusahan ng Diyos. Naramdaman ko ang kaligtasan ng Diyos sa mga karanasang ito. Ang pagsasabuhay nang mayroong kaunting wangis ng tao ay dahil lang sa naging paghatol at pagkastigo ng Diyos! Salamat sa Diyos!

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman