Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Maikling Pagbabahagi Tungkol sa Pinagmumulan ng Kadiliman at Kasamaan ng Mundo

67

Yang Le Lungsod ng Wuhai, Awtonomong Rehiyon ng Inner Mongolia

Noong nag-aaral pa ako, nagkasakit at namatay ang aking ama. Pagkamatay niya, kami—ang aking ina na walang trabaho, ang dalawang kapatid kong babae at ako—ay hindi lamang pinabayaan ng mga tiyuhin namin sa magkabilang panig ng pamilya na madalas na natulungan ng aking ama, kundi sa halip ay ginawa nila ang lahat para pagkakitaan kami, at nakipag-agawan pa sa amin sa maliit na pamanang iniwan ng aking ama. Sa harap ng ipinakitang kawalang-malasakit ng aking mga kamag-anak at ang lahat ng kanilang ginawa na hindi ko kailanman inasahan, nakaramdam ako ng lubusang sakit at hindi ko mapipigilang mamuhi sa kanilang kawalan ng konsensya at ang kawalang-puso na ipinakita ng mga kamag-anak na ito, kasabay nito ay nauunawaan ko rin ang pagiging likas na pagkasalawahan ng tao. Pagkatapos nito, kapag nakakita ako ng mga pangyayari sa lipunan na mga miyembro ng pamilya na nag-aaway dahil sa pera, o mga tao na nagnanakaw o pumapatay dahil sa pera, palagi akong tatangis na ang mundo ngayon ay punung-puno ng kadiliman, na ang mga puso ng mga tao ay tunay na nakakatakot at ang mundo ay tunay na napakasalawahan. Noong panahon na iyon, akala ko ang dahilan kung bakit punung-puno ang mundo ng kadiliman ay dahil ang mga tao ngayon ay naging masama, na wala na silang anumang konsensya at napakarami na ng masasamang tao sa mundo. Pagkatapos, nabatid ko lamang sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos na ang aking inakala ay napakaliit na bahagi lamang, at hindi ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo. Mula sa mga salita ng Diyos, malinaw kong nakita ang tunay na pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo.

Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumalima sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos magawang tiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinahina ni Satanas. Kaya, nawala na niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis na, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya na ng sa hayop, at ang kanyang pagka-mapanghimagsik sa Diyos ay nagiging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang kaalaman ng ilang libong taon sa sinaunang kultura at kasaysayan ay nagsarado nang mahigpit sa pag-iisip at mga konsepto at pangkaisipang pananaw ng tao upang hindi mapasok at hindi malusaw.[1] … Nadala na ng etikang pyudal ang buhay ng tao sa ‘Hades,’ sa gayon mas mahina ang kakayahan ng tao na lumaban. Iba’t ibang uri ng pang-aapi ang unti-unting sapilitang naghulog sa tao nang mas malalim sa Hades…. Tahimik na ninakaw na ang tao ng kaalaman ng sinaunang kultura mula sa presensya ng Diyos at ibinigay ang tao sa hari ng mga diyablo at mga anak nito. Nadala na ng Apat na Aklat at Limang Klasiko ang pag-iisip at mga konsepto ng tao sa isa pang kapanahunan ng paghihimagsik, na nagiging sanhi upang higit pang sambahin ng tao yaong mga sumulat ng mga Aklat at mga Klasiko, na lalo pang pinalalawak ang kanilang mga pagkaunawa sa Diyos. Walang awang inalis ng hari ng mga diyablo ang Diyos sa puso ng tao nang hindi nila namamalayan, habang tuwang-tuwa itong pumalit sa puso ng tao. Mula noon, naangkin ng tao ang isang pangit at masamang kaluluwa na may mukha ng hari ng mga diyablo. Pinuno ng pagkamuhi sa Diyos ang kanilang mga dibdib, at araw-araw na kumalat sa loob ng tao ang kahalayan ng hari ng mga diyablo…. Itong grupo ng magkakasabuwat![2] Bumababa sila sa gitna ng mga mortal upang magpakasawa sa sarap at magsanhi ng kaguluhan. Ang kanilang panggugulo ay nagsasanhi ng pagkasalawahan sa mundo at nagdudulot ng pagkataranta sa puso ng tao, at napapangit na nila ang tao kaya’t naging kahawig ang tao ng mga hayop na may hindi-matingnang kapangitan, hindi na nagtataglay ng katiting mang bakas ng orihinal na taong banal” (“Gawain at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salitang ito ng Diyos, naunawaan ko na ang sangkatauhan na nilikha ng Diyos sa simula ay dating masunurin sa Diyos, sinamba nila Siya, may konsensya at katwiran ng normal na pagkatao, at hindi pa sila nadungisan, o nakagawa ng anumang masama. Pagkatapos pinasama ni Satanas ang sangkatauhan, nahulog sila sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagsimulang gumawa ng mga kasalanan at lumaban sa Diyos. Sa loob ng ilang libong taon, patuloy na niligalig at pinasama ni Satanas ang tao. Nagtanim ito ng reaksyonaryong mga pag-iisip at teorya sa tao, upang ang tao ay mabuhay na nakasalalay sa lason nito, na humahantong sa lalong pagiging mas tiwali at masama ng sangkatauhan, at ang mundo ay mas lalo pang naging madilim at masama. Ang mga kasabihang kagaya ng “Ang lahat ay para sa kanyang sarili at tinatangay ng diyablo ang pinakahuli,” “Bakit kailangang bumangon nang maaga kung wala naman akong mapapala dito?” “Namamatay ang tao para sa pera, namamatay ang ibon para sa pagkain,” “Ang makitid na utak ay hindi pagiging maginoo, ang tunay na lalaki ay makamandag,” “Ang buhay ay maikli, kaya’t magsaya,” “Kailanman ay walang naging Tagapagligtas” at “Walang talagang Diyos sa mundo” ay mga lason lahat na itinanim ni Satanas sa tao. Ang mga bagay na ito ay nagiging buhay ng mga tao at nagiging panuntunan nila para sa buhay, kung kaya wala nang naniniwala sa pag-iral ng Diyos, wala nang sumasamba sa Langit, at wala nang nakikinig sa katwiran o sa kanilang konsensya. Wala nang anumang puwang ang Diyos sa puso ng tao, wala nang mga ipinagbabawal mula sa mga batas at mga regulasyon na nanggaling sa Diyos. Nilason at kontrolado na ni Satanas ang lahat ng tao, kung kaya ang tao ay naging mas lalong taksil, makasarili, kalait-lait, sakim, arogante, mas lalong masama at napariwara, hindi mapigilan, lalo pang lumalabag sa batas, walang diyos at napakasama. Sila ang naging sagisag ng demonyo sa tao na walang konsensya, walang moralidad, walang kalikasan ng tao, at naging pangalawang kalikasan na niya ang pagiging malisyoso. Sa partikular, “Ang lahat ay para sa kanyang sarili at tinatangay ng diyablo ang pinakahuli,” ay isang nakamamatay na lason na itinanim ni Satanas sa tao. Nabuo sa akin ang malalim na pag-unawa nito mula sa aking mga tiyuhin. Ang tao ay nabubuhay lamang para sa kanilang mga pansariling pakinabang, inuuna ang tubo higit sa lahat, iniisip na “Bakit babangon nang maaga kung wala naman akong mapapala?” Para makakuha ng mas marami at mas malaking tubo, kayang gawin ng tao ang anumang masamang bagay o kabuktutan, gumawa ng anumang walang-hiya, kalait-lait o napakababang kaduda-dudang kasunduan. Walang tunay na pag-ibig o pagmamahal sa pagitan ng mga tao—ang lahat ay pandaraya, panggagamit at pananakit sa isa’t isa. Iyong mga miyembro ng parehong pamilya ay maaaring magalit sa isa’t isa at nagiging mga kaaway, nakikipag-away sa isa’t isa dahil sa pera at mga pakinabang. Pagkatapos, mas lalo pa, nalilimutan ng mga kamag-anak at kaibigan ang lahat ng prinsipyo ng moralidad para lamang sa tubo; maaaring magmukha silang mga tao, ngunit mayroon silang mga puso ng mga halimaw. … Kayang gawin ng tao ang masasamang bagay na ito dahil sila ay nilason ni Satanas ng “Ang lahat ay para sa kanyang sarili at tinatangay ng diyablo ang pinakahuli,” at sila ay nasa ilalim ng pamumuno nito. Makikita na ang pinagmulan ng mga masamang gawa ng tao ay ang lason ni Satanas, at ito ang pinagmumulan ng kadiliman sa mundo.

Sa maraming di-pangkaraniwang pangyayari na nasa buhay natin, napakadali nating makikita ang kadiliman ng mundo. Masasabi natin na ang mga tao na nangunguna sa mga kalakaran sa mundo sa mga araw na ito ay sagisag lahat ni Satanas. Partikular, yaong mga may kapangyarihan at awtoridad ay mga prinsipe ng mga diyablo, at sa mga ito ang malaking pulang dragon ang pinakamadilim at pinakamasamang kapangyarihan. Mula noong natamo ng malaking pulang dragon ang kapangyarihan, ginamit na nito ang kapangyarihang nasa mga kamay nito para gawin ang sukdulang pagsisikap upang pasamain ang tao, pinasasama sila para sila ay maging mga diyablo sa mga anyo ng tao, upang ang tao ay hindi na magmukhang tao. Iginagalang ng malaking pulang dragon ang karahasan at itinataguyod ang rebolusyon. Ginagamit nito ang karahasan para sunggaban ang kapangyarihan at ginagamit ang karahasan para pamahalaan ang bansa. Yaong mga nabubuhay sa ilalim ng nasasakupan nito ay nasisiyahan din sa karahasan at patuloy na ginagamit ang lakas para malutas ang bawat isyu, madalas nagagalit kahit sa pinakamaliit na bagay. Nagkaroon lalo ng mas maraming kaso ng mga pagnanakaw at mga pagpatay na nagpapakulo sa dugo ng mga tao, at ang mga paraan ng pagpatay sa mga tao ay lalo pang mas malupit at kasuklam-suklam. Ang lahat ng ito ay mga katibayan na naroon para makita ng lahat. Ginagabayan ng malaking pulang dragon ang mga tao nito para “mapaunlad ang ekonomiya,” at iginagalang ang mga kasabihang kagaya ng “Hindi mahalaga kung ang pusa ay itim o puti, basta nakakahuli ito ng daga,” “Mas mabuti ang prostitusyon kaysa kahirapan,” “Ang pera ang nagpapatakbo sa mundo,” “Magagawa ng isang tao ang lahat kahit wala siyang anuman, huwag lang pera,” at “Magagawa ng pera ang anumang bagay.” Taglay ang makapangyarihang pagtataguyod nito sa ganoong mga bagay, pinapahalagahan ng mga tao ang pera at kapangyarihan, sinumang may pera at kapangyarihan ay uunlad, at sinumang walang pera at walang kapangyarihan ay maaapi lamang at lulunukin ang lahat ng hinaing, at ang kahahantungan nito ay mga puso ng mga tao na puno lamang ng pera. Para sa pera, ang mga ugnayan ng mga magkakamag-anak ay nakakalimutan; para sa pera at kapangyarihan, maaari silang tumanggap at mag-alok ng mga suhol, bumili at magbenta ng mga opisyal, magnakaw, manlinlang, pumatay ng mga tao at kunin ang kanilang mga ari-arian, makipag-away at magpatayan—masasabi na sila ay gagamit ng anumang paraang kinakailangan. Ang mas malala pa, ang prostitusyon ay laganap sa lipunan ngayon at ang mga lugar para sa pagbebenta ng katawan at mga droga ay makikita sa lahat ng lugar. Ang mga suhol at transaksiyong sekswal ay uso at sumasang-ayon ang mga tao sa masama, pinapahalagahan ang kasamaan, hindi na iniisip na ito ay nakakahiya, sa halip iniisip na maringal ito. Ang mga ito ay mga bunga rin ng umuunlad na ekonomiya, ginagawa ang relasyon sa pagitan ng mga tao na isang relasyon sa pera. Ginagamit ito ng malaking pulang dragon para mapasama ang mga moralidad ng mga tao at gawin silang walang konsensya. Ang pinakamadilim at pinaka-reaksyonaryong aspeto nito ay hindi kinikilala ng malaking pulang dragon na mayroong Diyos, ngunit sa halip ay pinapalaganap ang hindi paniniwala sa Diyos upang itanggi ng mga tao ang Diyos, itanggi ang Kanyang dakilang kapangyarihan, iwanan ang tunay na Diyos at sambahin si Satanas. Yaong mga nabubuhay sa ilalim ng panloloko at pagbibigay ng maling impormasyon ng malaking pulang dragon ay hindi naniniwala na mayroong Diyos at hindi sinasamba ang tunay na Diyos, ngunit sa halip ay sumusunod kay Satanas, pinapahalagahan ang kasamaan at naaalis mula sa pagkamakatuwiran kung kaya lalo pa silang naging mas tiwali at mas masama. … Ngayon, mas malinaw kong makikita na dahil sa “modelo” na ito ng malaking pulang dragon, ang tao ay naging lubhang tiwali at masama, walang konsensya, walang pagkatao. Ang ugat ng lahat ng mga sirang kasinungalingang ito ay ganap na nasa malaking pulang dragon. Ang mahusay na kriminal na lumikha sa kasamaan sa mga puso ng tao, ang mga masamang moralidad at pagkasalawahan ng mundo sa lipunan ngayon ay ang malaking pulang dragon; na ang pangunahing ugat ng lahat ng kadiliman at kasamaan sa mundo ay ang pagkamit ng malaking pulang dragon ng kapangyarihan. Kung magkakamit ang malaking pulang dragon ng kapangyarihan kahit sa isang araw lang, kung si Satanas ay hindi mapupuksa balang araw, kung ganon, hindi mabubuhay ang sangkatauhan sa liwanag at hindi na kailanman muling magkakaroon ang mundo ng kapayapaan.

Pagkatapos makita ang kadiliman at kasamaan ng malaking pulang dragon at kung paano nito pinasasama at tinatapakan ang mga tao, lalo ko pang nararamdaman ang kabanalan at kagandahan ni Cristo. Tanging si Cristo ang makapagliligtas sa sangkatauhan at makatutulong sa kanilang kumawala mula sa madilim at masamang lugar na ito, at magkakaroon lamang ng liwanag ang sangkatauhan kapag natamo na ni Cristo ang kapangyarihan. Dahil tanging ang Diyos ang may diwa na maganda at mabuti, tanging ang Diyos ang pinanggalingan ng pagkamakatuwiran at liwanag, tanging ang Diyos ang simbolo na hindi magagapi o malalapastangan ng lahat ng kadiliman at kasamaan, tanging ang Diyos ang makakapagbago sa lumang mukha ng buong mundo at makapaghahatid ng liwanag sa mundo, at tanging ang Diyos ang makapagdadala sa sangkatauhan sa isang kahanga-hangang hantungan. Maliban sa Diyos, walang makagagawa sa gawain na ito at walang makatatalo o makapupuksa kay Satanas. Kagaya ng sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Sa kalawakan ng mundo, napakaraming pagbabago nang nangyari, umaapaw ang karagatan hanggang sa kaparangan, tumatabon ang kaparangan sa karagatan, nang paulit-ulit. Maliban sa Kanya na namumuno sa lahat ng bagay sa sansinukob, walang sinumang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhan. Walang sinumang makapangyarihang magtatrabaho o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungang liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan sa mundo” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Itatama Ko ang mga kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking gawain sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway sa lupa at ipakukumpisal ang kanilang mga krimeng nagawa sa Aking harapan” (“Kabanata 27” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nakita ko sa mga salita ng Diyos ang Kanyang pagkamakapangyarihan sa lahat at ang Kanyang awtoridad, nakita na tanging ang Diyos ang makapagliligtas sa atin na namumuhay sa ilalim ng nasasakupan ng malaking pulang dragon at natatapakan nang husto nito. Dahil dito, lalo pang hinahangad ng aking puso na makamit ni Cristo ang kapangyarihan, at sana’y malapit nang magwakas ang malaking pulang dragon.

Nagpapasalamat ako sa kaliwanagan ng mga salita ng Diyos na nagpahintulot sa aking makita ang pinagmulan ng kadiliman at kasamaan sa mundo, na dahilan para maramdaman ko sa aking puso ang tunay na pagkasuklam sa malaking pulang dragon, at nagpahintulot sa akin na maunawaan na tanging si Cristo ang makaaakay sa tao para makawala mula sa madilim na lugar na ito, para makapasok sa liwanag. Tanging sa pamamagitan ng pagsunod kay Cristo at pagsamba kay Cristo na makakawala ang tao mula sa kapighatian ni Satanas. Magmula sa araw na ito, gusto kong hanapin ang katotohanan at sumunod sa pag-aakay ni Cristo, tanggapin ang mga salita ng Diyos at gawin ang mga itong aking buhay, alisin sa aking sarili ang lahat ng lason ng malaking pulang dragon, itakwil ang pagkontrol ng impluwensiya ng malaking pulang dragon, ganap na magrebelde laban sa malaking pulang dragon, at maabot ang pagliligtas ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos.

Mga Talababa:

1. Ang “hindi malusaw” ay naglalayon bilang satira dito, na nangangahulugang ang mga tao ay mahigpit sa kanilang kaalaman, kultura, at espirituwal na pananaw.

2. Ang “magkakasabuwat” ay ang parehong uri gaya ng “isang grupo ng mga butangero.”

Kaugnay na Content