Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan

607

Gawa ni Ouyang Mo, Probinsya ng Hubei

Mabilis na tumatakbo ang panahon. Lumaki si Hong’er mula sa isang simpleng bata sa isang kaaya-ayang dalaga, at nagising ang kanyang umuusbong na interes sa pag-ibig. Hindi siya interesado sa yaman o estado, gusto niya lang ng isang relasyon kung saan, ano mang bagyo ang kanilang pagdaanan, may pag-ibig at pagmamahalan, magtutulungan sila sa oras ng pangangailangan, at tatanda silang magkasama. Tahimik niyang hinihintay ang pagdating ng sandaling ‘yon…

Dumating ang lalake sa kanyang mundo, pinatibok ang puso niya dahil sa gwapo nitong mukha at mala-kristal nitong mata, at may nararamdaman din ang lalake para sa kanya. Simula no’n, ang tahimik at walang kulay niyang mga araw ay napuno ng liwanag. Hindi nagtagal, nagsama sila, at higit pa sa kanyang kagwapuhan, napukaw ang pagmamahal ni Hong’er dahil sa kanyang kalambingan at pagiging mapagbigay. Alam ni Hong’er na siya ang gusto niyang pagtiwalaan ng buhay niya at makasama hanggang pagtanda. Nangako rin ‘yon na paliligayahin siya habang-buhay. Gano’n pa man, tutol ang mga magulang niya dahil nagmula ang lalake sa mahirap na pamilya. Hindi ‘yon mahalaga kay Hong’er, ang mahalaga sa kanya ay mahal nila ang isa’t isa at habang-buhay silang magsasama. Sa kabila ng pagtutol ng mga magulang niya, lumayo siya at nagsama silang dalawa.

Hindi nagtagal, nagkaro’n sila ng isang kaibig-ibig at malusog na anak na lalake, at nagsikap sila na mabigyan ‘yon ng komportableng buhay. Kahit mahirap at nakakapagod para kay Hong’er, isang kaligayahan para sa kanya ang magtrabaho kasama ang mahal niya para maitaguyod ang kanilang tahanan. Nung kaarawan ni Hong’er, ginamit ng asawa niya ang kalahati ng sweldo niya para maipatugtog sa radio ang love song na Rain or Shine. Nang marinig ‘yon ni Hong’er, naiyak siya; narinig niya ang pagkakaisa ng tinig ng mga puso nila sa kantang ‘yon. Ano pa bang mas gaganda sa dalawang taong nagmamahalan at habang-buhay na magsasama, at mangangalaga sa isa’t isa? Hindi niya hangad ang kayamanan, kundi ang ganitong uri ng pag-ibig at pagkakaisa lang. Sapat na sa kanya ang isang tahanang may pagkakasundo.

Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan

Mabilis na lumipas ang mga taon, at sa isang kisap-mata dalawampung taon na ang nakalipas. Malaki na ang anak nila at magkasama silang mag-asawang nagsisikap para itaguyod ang negosyo ng pamilya. Pero sa isang punto, napansin niyang nagiging bihira na ang pag-uwi ng asawa niya, at lagi ‘yong nagdadahilan na may mga tao siyang kailangang harapin. Ang dating mainit at masayang tahanan nila ay nagsimulang manlamig. Nag-alala si Hong’er. Noong naghahanda pa lang sila sa pagtatayo ng kompanya, maraming mga bagay ang kailangang gawin ng asawa niya nang mag-isa, at kahit talagang abala siya nung panahong ‘yon, lagi siyang umuuwi agad hangga’t maaari. Ngayong maayos na ang takbo ng operasyon ng kompanya at hindi na siya gaanong abala gaya noon, bakit bihira na lang siyang umuwi? Hindi mapalagay si Hong’er. Naiintindihan niya ang istilo ng mga parokyano nila. Ang lahat ng uri ng pang-aaliw gaya ng mga foot massage, sauna, karaoke, at nightclub ay naging mga hindi nababanggit na batas ng industriya, at nauso na sa maraming kalalakihan na magpunta sa mga bahay-aliwan para sa panandaliang aliw at pangangalunya. Dahil araw-araw na nag-aasikaso ng mga parokyano ang asawa niya, labas-masok sa lahat ng uri ng bahay-aliwan na sagana sa tukso, posible kayang…? Hindi, hindi maaari! Hawak-kamay silang mag-asawa na humarap sa bawat unos nung nakalipas na mahigit dalawang dekada, at bawat maliit na bagay nung panahong ‘yon ay testimonya sa kanilang pagmamahalan. Papa’no guguho ang metatag nilang pundasyon nang dahil lang sa kaunting tukso? Kompyansa siya na malalagpasan ng pag-iibigan nila ang ano mang pagsubok. ‘Yon ang pampalubag ni Hong’er sa loob niya, pero pag tinitingnan niya ang reyalidad, hindi pa rin siya mapalagay.

Pero hindi umayon ang reyalidad sa kapayapaan ng loob na hinahangad ni Hong’er. Sunud-sunod ang malakihang mga paggastos ng kanyang asawa, at mas lalong naging madalang ang pag-uwi no’n, gamit ang iba’t ibang mababaw na dahilan. Tila mga suntok kay Hong’er ang lahat ng ‘yon; mas lalong bumigat ang mga dalahin sa kanyang puso. Kahit ramdam niya, base sa kakaibang kinikilos ng kanyang asawa, na posibleng hindi ‘yon naging tapat sa kanya, ayaw niyang tanggapin o kilalanin ang katotohanang ‘yon. Hindi siya naniniwala na ang lalakeng sumumpa na magbibigay sa kanya ng habang-buhay na kaligayahan at kasabay niyang humarap sa mga unos sa loob ng dalawang dekada, ay biglang magtataksil sa kanya. Isa lang bang kasinungalingan ang sumpaang “magsasama hanggang kamatayan?”

Hindi na hinayaan ng katotohanan na lokohin pa ni Hong’er ang sarili niya; sinimulan niyang sundan ang asawa niya. Isang araw, sinundan niya ‘yon sa isang mayamang komunidad at natuklasan niyang nagpatayo ro’n ang asawa niya ng bahay para sa ibang babae. Nabigla siya nung sandaling nakita niya yung babae na may kargang maliit na bata. Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Maraming beses niya nang naisip na posibleng labas-masok sa mga hotel ang asawa niya kasama ang iba’t ibang babae, na wala silang ano mang personal na relasyon, pero hindi niya lubos-maisip na bubuo ang asawa niya ng ibang pamilya at magkakaanak sa ibang babae. Nung sandaling ‘yon, nadurog ang huling piraso ng kaginhawaan ni Hong’er, gumuho sa harap ng malupit na katotohanan. Sa isang iglap, ang sumpaan nila, at bawat bahagi ng mahigit dalawang dekadang pagsasama nila ay gumuho at bumagsak sa kawalan. Kailan pa siya naging walang puso? Nakalimutan niya na ba yung pangako niyang habang-buhay na kaligayahan? Nakalimutan niya na ba yung damdaming pinahayag niya sa kantang “Rain or Shine”? Nakalimutan niya na bang binitawan ni Hong’er ang lahat para sa kanya, at lahat ng mga pinagdaanan nila nang magkasama? Pa’no siya nakalimot? Bakit niya ‘yon ginawa kay Hong’er? Pa’no nangyaring hindi nakayanan ng dalawampung taon ng pagmamahalan ang tukso ng ibang tao? Nabuo ang galit at lungkot kay Hong’er nung sandaling ‘yon. Nanginginig ang puso niya at kusang tumulo ang luha sa mukha niya. Malakas siyang sumigaw, “Sigurado kang gusto mo kaming ipagpalit ng anak mo para sa babaeng ‘yan?” Hinangad niyang makakita ng pagsisisi sa mukha ng asawa niya, na aminin nitong mali siya, na sabihin nitong nasa puso pa rin nito ang pamilya nila, pero nanahimik ang asawa niya sa kabila ng pagtatanong at mga luha niya. Nang makita ‘yon ni Hong’er, tuluyan na siyang umiyak. Hindi niya alam kung bakit siya pinagtaksilan ng asawa niya. Sinampal niya ‘yon nang malakas, hindi niya napigil ang galit sa puso niya.

Hindi maalala ni Hong’er nang iwan niya yung lugar—pakiramdam niya hinigop ang lahat ng lakas niya. Nakatayo siya sa pangpang habang lumalalim ang dapit-hapon, wala siyang kasama kundi ang nawawalang liwanag at ang huling bakas ng papalubog na araw. Sunud-sunod na alon ng sakit ang bumulwak sa puso niya. Nakikita niya sa isip niya ang bawat eksena ng ilang dekada nilang pagsasama. Binalewala niya ang pagtutol ng pamilya niya at sinadyang lumayo makasama lang ang kanyang asawa. Nagsikap siyang magtrabaho kasama ‘yon at hindi nabawasan ang pagmamahal niya dahil sa limitasyong pinansyal nila. Magkasama nilang naabot ang puntong ito sa kabila ng lahat ng pait at tamis, ng hangin at ulan. Bumuti ang buhay nila at lumaki ang anak nila, pero kaya pala ng asawa niyang itapon ang masaya nitong pamilya para bumuo ng panibago kasama ang ibang babae. Kinamuhian ni Hong’er ang pagbabago niya, at kinamuhian niya ang kawalan niya ng puso. Pero kapag naiisip niyang basta na lang mawawala ang masayang pamilyang pinaghirapan niya, hindi niya ‘yon makayang bitawan at gagawin niya ang lahat maibalik lang ‘yon sa dati. Basta bumalik lang ang asawa niya, makakaya ni Hong’er na patawarin ‘yon sa mga pagkakamali niya dahil sa kanya nakasalalay ang lahat ng kaligayahan ni Hong’er.

Pag-uwi ni Hong’er, nagsimula siyang magplano para iligtas ang buhay may-asawa niya. Sabi ng isang kaibigan: “Kapag lumalabas ang isang lalake para maghanap-buhay, marami siyang nasasagap na hindi magandang bagay. Pag-uwi niya, kailangan niya ang init ng isang tahanan; ‘yon ang magpapasaya sa kanya. Gaya ng sabi nila, “Ang daan tungo sa puso ng lalake ay ang kanyang tiyan.” Alam ni Hong’er na mahilig sa dumplings ang asawa niya, kaya araw-araw, maingat siyang gumagawa ng iba’t ibang klaseng dumplings at nag-isip siya ng ibang paraan para patagong magtanong tungkol do’n. Ginamit niya ang anak nila para makagawa ng mga dahilan para umuwi siya, pero ano mang pang-uudyok ang gawin ni Hong’er, maligamgam ang asawa niya sa kanya. Naisip ni Hong’er na baka ayaw na no’n sa kanya dahil nagkaka-edad na siya, kaya naglaan ng maraming oras si Hong’er sa pagme-makeup para magmukhang mas bata. Nag-isip siya ng maraming paraan para muling mabihag ang puso ng asawa niya, pero walang saysay ang lahat. Mahirap at nakakapagod ang panahong ‘yon para sa kanya, at wala siyang magawa. Araw-araw, hinuhugas niya ang luha sa mukha niya at hindi siya makatulog sa gabi. Hindi niya alam kung ga’no karaming bagay ang ginawa niya maayos lang ang nasira nilang tahanan. Wala na siyang magawa kundi ang maghintay sa kabila ng sakit, maghintay sa pagbabalik ng kanyang asawa.

Matapos Ang Pagtataksil ng Kanyang Asawa Sinagip Siya ng Diyos sa Dilim ng Kalungkutan

Tatlong taong naghintay nang gano’n si Hong’er, at nung mga araw na ‘yon mahigit isang beses niyang tinanong ang sarili niya: “Pa’no nawala nang gano’n lang ang damdaming nabuo nang higit sa dalawampung taon? Bakit hindi ako magkaro’n ng masaya, kumpletong pamilya mula sa kung ano’ng binuo ko?” Paulit-ulit niya ‘yong tinanong, pero walang makapagbigay sa kanya ng sagot. Araw-araw siyang naghintay, pero walang dumating. Walang dudang isa na ‘yong “hatol ng kamatayan” para sa pagsasama nilang mag-asawa. Sugatan ang puso, wala nang lakas si Hong’er para matiis pa ang gano’ng dagok. Sapat na ang dinanas niya at wala na siyang tapang o lakas pa para magpatuloy. Inubos niya ang apatnapung diazepam sa isang lagok …

Kaugnay na Content

  • Paano Malalampasan ang Paghihiwalay

    Sa ilalim ng impluwensiya ng mga romantikong drama, mula pa noong bata siya, hinahangad niya ang isang pag-ibig na magtatagal hanggang sa araw na mamatay siya, ngunit ang dalawa niyang pag-ibig ay parehong nagtapos sa kabiguan. Ang paghihiwalay na mga iyon ay iniwang bugbog ang kanyang puso, at hindi niya mapigilang isipin: “Saan maaaring mahanap ang tunay na pag-ibig sa mundong ito? Bakit palagi akong naiiwang pinagtataksilan at nasasaktan?” Hanggang sa isang araw na pumunta siya sa harapan ng Diyos at nahanap niya ang kasagutan sa loob ng mga salita ng Diyos, at sa wakas ay nagising siya sa kanyang mga panaginip na puno ng pag-ibig.

  • Ang Pagsasama ng Mag-asawa ay Hindi na Usapin

    Ni Wang Ran , Singapore Mga Nilalaman Isang Magandang Pangarap Sunud-sunod na Pagtatalo ng Mag-asawa Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos at Pagkatuk…

  • Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikatlong Bahagi)

    Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikatlong Bahagi) Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salit…

  • Natagpuan Ko ang Tunay na Kaligayahan

    Zhang Hua, Cambodia Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng mga magsasaka. Kahit na hindi mayaman ang pamilya ko, mahal ng ama at ina ko ang i…