Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

604 Maging Matalino at Magpasakop sa Buong Plano ng Diyos

1 Hindi nais ng Diyos na lupigin ang mga tao sa pamamagitan ng pagkastigo; hindi Niya nais na palaging pilitin ang mga tao. Nais Niyang sundin ng mga tao ang Kanyang mga salita at gumawa sa isang disiplinadong paraan, at sa pamamagitan nito ay napapalugod ang Kanyang kalooban. Nguni’t ang mga tao ay walang kahihiyan at madalas silang naghihimagsik laban sa Kanya. Ako ay naniniwala na pinakamainam para sa atin na hanapin ang pinakapayak na paraan upang mapalugod Siya, iyon ay, sundin ang lahat ng Kanyang mga pagsasaayos, at kung tunay mong makakamit ito ikaw ay gagawing perpekto. Hindi ba ito isang madali, at nakakagalak na bagay?

2 Tahakin ang landas na dapat mong tahakin nang hindi nag-uukol ng anumang pansin sa kung ano ang sinasabi ng iba o nag-iisip nang masyado. Hawak mo ba ang iyong kinabukasan at ang iyong kapalaran sa iyong sariling mga kamay? Palagi kang tumatakas at nais tahakin ang isang makamundong landas, nguni’t bakit hindi ka makakalabas? Bakit ka ba nag-aalinlangan sa isang sangang-daan sa loob ng maraming taon at pagkatapos ay mauuwi sa pagpiling muli sa landas na ito? Pagkatapos nang paggala sa loob ng maraming taon, bakit nagbabalik ka ngayon sa bahay na ito kahit na ayaw mo naman? Ito ba ay sariling usapin mo lamang? Kung nagbabalak kang umalis, maghintay ka lamang at makikita mo kung pinahihintulutan ka ng Diyos, at makita kung paano ka inaantig ng Banal na Espiritu—danasin mo ito para sa iyong sarili.

3 Sa deretsahang pananalita, magdusa ka man ng kasawian, dapat mo itong pagdusahan sa daloy na ito, at kung mayroong pagdurusa, dapat kang magdusa dito sa kasalukuyan at hindi ka maaaring pumunta saan mang dako. Malinaw mo ba itong nakikita? Saan ka pupunta? Ito ang atas administratibo ng Diyos. Iniisip mo ba na walang kahulugan para sa Diyos na piliin ang grupo ng mga taong ito? Sa gawain ng Diyos sa kasalukuyan, hindi Siya nagagalit agad-agad, nguni’t kung nais ng mga tao na antalahin ang Kanyang plano, mababago Niya ang Kanyang mukha sa isang iglap at nagagawa itong maulap mula sa maaliwalas. Kaya, ipinapayo Ko sa iyo na pumirmi at magpasakop sa mga panukala ng Diyos, tulutan Siya na gawin kang ganap. Ito ang tanging paraan upang maging isang matalinong tao.

Hango sa “Ang Landas … (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Hindi Pinapansin ng mga Tao ang Pag-iral ng Diyos

Sumunod:Umaasa ang Diyos na Magiging Tapat ang Tao sa Kanyang mga Salita

Baka Gusto Mo Rin