Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Espesyal na Paksa tungkol sa Paghuhukom

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong ng isang tao: Tinubos na ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi na itinuturing na kasalanan ang mga kasalanan ng mga tao na napatawad na. Bakit isasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at paglilinis sa mga huling araw?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal” (Levitico 11:45).

“... pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:” (Mga Hebreo 12:14).

At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

Tanong ng isang tao: Tinubos na ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi na itinuturing na kasalanan ang mga kasalanan ng mga tao na napatawad na. Bakit isasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at paglilinis sa mga huling araw?

Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

"Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. ... ito ay nananatiling mas malalim kaysa kasalanan, na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang gayong mga epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mababago ang tao mula sa puntong iyon."

mula sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)"

"Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos."

mula sa "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan"

"Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, nguni’t hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maiwaksi at hindi na muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. ... Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ang nagpapalinis sa tao sa pamamagitan ng salita upang bigyan ang tao ng landas na susundan. ... Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi."

mula sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)"

Sinundan:Pinatotohanan mo na nagbalik na ang Panginoon at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos sa mga huling araw. Tila iba ito sa paghatol ng malaking puting luklukan sa Aklat ng Pahayag. Iniisip ng karamihan sa mga tao sa relihiyon na pinupuntirya ng paghatol ng malaking puting luklukan ang mga walang pananalig na kakampi ng diyablong si Satanas. Pagdating ng Panginoon, tatangayin sa langit ang mga nananalig, at saka Siya magpapadala ng kalamidad para puksain ang mga walang pananalig. Iyan ang paghatol sa harap ng malaking puting luklukan. Pinatototohanan mo ang simula ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, pero hindi pa namin nakikita ang Diyos na maghatid ng kalamidad para puksain ang mga walang pananalig. Kung gayo’y paano ito naging paghatol ng malaking puting luklukan?

Sumunod:Sabi ng isang tao: Sa krus, sinambit ng Panginoong Jesus ang mga salitang, “Naganap na.” Hindi ba patunay iyan na natapos na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos? Bakit babalik ang Diyos sa mga huling araw para gumawa ng isa pang yugto ng gawain ng paghatol simula sa Kanyang sariling tahanan?

Baka Gusto Mo Rin