"Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" Clip 9 - Mga Patotoo Mula sa Pagdanas sa Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
Panimula
Sa mga huling araw, ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan sa China at isinasagawa ang gawaing paghatol simula sa bahay ng Diyos. Nilupig at iniligtas Niya ang isang grupo ng mga tao, at sila ang mga nakakamit sa daan ng walang hanggang buhay. Gusto mo bang malaman kung paano sila sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Gusto mo bang malaman kung anong mga pagbabago ang pinagdaanan nila sa pamamagitan ng pagsailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Maririnig mo ito sa kanila kung panonoorin mo ang maikling video na ito.
Panoorin ang Buong Pelikula: Tagalog Christian Movie "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono"
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga aktor na lumilitaw sa produksyong ito ay gumaganap sa isang hindi pangkalakal na basehan, at hindi binayaran sa anumang paraan. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.
Basahin ang iba pa
Maraming tao ang naniniwala na sa pananalig sa Panginoon ay napapatawad ang kanilang mga kasalanan, na ang maligtas nang minsan ay ang maligtas magpakailanman at na, kapag muling pumarito ang Panginoon, agad silang madadala sa kaharian sa langit. Gayunman, kahit pinatatawad ang mga kasalanan ng tao, nakagapos pa rin sila sa kanilang pagiging likas na makasalanan, at nabubuhay sa paulit-ulit na pagkakasala at pangungumpisal, nang walang kakayahang palayain ang kanilang sarili. Ang pagiging likas na makasalanan ng tao ay hindi pa napapadalisay. Sabi sa Biblia, “Ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Kaya yaon bang mga hindi pa napapadalisay ang kanilang likas na pagiging makasalanan ang nagtamo na ng ganap na kaligtasan? Kaya ba nilang madala nang direkta sa kaharian ng langit? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng maligtas? At ano ang ibig sabihin ng magtamo ng ganap na kaligtasan?
Basahin ang iba pa