Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Patotoo sa Cristo ng mga Huling Araw

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Tanong 6: Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Nang makumpleto ang Kanyang gawain, Siya ay ipinako sa krus at pagkatapos ay nabuhay na mag-uli, na nagpapakita sa lahat ng Kanyang disipulo at Siya ay umakyat sa langit sa Kanyang maluwalhating espirituwal na katawan. Gaya ng nakasaad sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Kaya nga, pinagtitibay ng Biblia na kapag muling pumarito ang Panginoon, ang Kanyang nabuhay na mag-uling espirituwal na katawan ang magpapakita sa tao. Sa mga huling araw, bakit nagkakatawang-tao ang Diyos sa anyong laman ng Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol? Ano ang pagkakaiba ng nabuhay na mag-uling espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus sa Kanyang pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao?

Sagot:

Karamihan sa matatapat ay naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay magpapakita sa atin sa Kanyang espirituwal na katawan, ibig sabihin, ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus kung saan Siya ay nagpakita sa tao sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Malinaw sa ating lahat na mananampalataya ang bagay na ito. Sa tingin, ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos Siyang mabuhay na mag-uli ay nagpapakita sa imahe na kapareho ng Kanyang laman na nagkatawang-tao, ngunit ang espirituwal na katawan ay hindi nalilimitahan ng materyal na daigdig, espasyo, at lugar. Maaari itong magpakita at maglaho nang kusa, at naiiwang gulat at mangha ang tao. Nakatala sa Biblia ang mga salaysay tungkol dito. Bago ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, Siya ay nagsasalita at gumagawa sa normal na katauhan ng katawang-tao. Nagpapahayag man Siya ng katotohanan, nakikisalamuha sa mga tao, o gumagawa ng mga himala, nadama ng mga tao na Siya ay normal sa lahat ng paraan. Ang nakita ng mga tao ay ang katawang-taong ito na talagang tunay na gumagawa, nagdaranas ng hirap at nagsasakripisyo. Sa huli, ang katawang-taong ito ang ipinako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao, sa gayo’y kinukumpleto ang gawain ng pagtubos ng Diyos. Alam ng lahat ang katotohanang ito. Isipin sandali: Kung ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ang gumagawa ng gawain, magagawa ba Niyang makisalamuha at makipag-usap nang normal sa mga tao? Talaga bang tunay Siyang nagdaranas ng mga hirap at nagsasakripisyo? Maaari ba Siyang ipako sa krus? Hindi Niya magagawa ang alin man sa mga ito. Kung ang Kanyang espirituwal na katawan ang gumagawa ng gawain, madali kaya sa ating mga tao na makasalamuha Siya? Pagtataksilan ba natin ang ating mga tiwaling disposisyon? Bubuo ba tayo ng mga pagkaintindi tungkol sa Kanya? Mangangahas ba tayong magrebelde at hatulan ang Diyos nang kusa? Imposible iyan! Ang mga tao ay may normal na pagkatao, silang lahat ay napapailalim sa mga limitasyon ng materyal na daigdig, espasyo, at lugar. Ang proseso ng pag-iisip ng tao ay normal din. Kung ang tao ay makakaugnay sa gawain ng espirituwal na katawan, matatakot sila at matataranta. Mauulol at mababaliw ang kanilang isipan. Kapag naharap sa ganitong sitwasyon, mahihirapan ang Diyos na magtagumpay sa Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatuhan. Kaya, ang epektong nakakamit sa paggawa ayon sa mga limitasyon ng normal na pagkatao ay mas mabilis kaysa roon sa espirituwal na katawan. Sa paglipas ng mga panahon, ang mga taong hinirang ng Diyos ay hindi pa naranasan kailanman ang gawain ng espirituwal na katawan ng Diyos. Tiyak na hindi magiging angkop para sa espirituwal na katawan na direktang ipahayag ang katotohanan, makisalamuha sa mga tao at gabayan ang mga iglesia.

Ang gawain ng paghatol na isinasagawa sa ikalawang pagparito ng Diyos sa mga huling araw ay ginagamit ang pagpapahayag ng salita upang dalisayin, iligtas, at gawing perpekto ang tao, na ang layon ay para din ilantad at lipulin ang mga tao, na ibinubukod ang tao ayon sa kanyang uri, at pagkatapos ay ginagantimpalaan ang mabuti samantalang pinarurusahan ang masama. Kung magpapakita ang Diyos sa tao sa anyo ng Kanyang espirituwal na katawan, lahat ng tao, mabuti o masama, ay magpapatirapa sa Kanyang harapan, kaya paano Niya maibubukod ang mabuti sa masama? Gayundin, kung magpapakita ang Diyos sa Kanyang espirituwal na katawan, matataranta ang tao, at magkakagulo sa buong mundo. Kung magkagayon, paano isasagawa ng Diyos nang normal ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Paano rin maisasakatuparan ng Diyos ang Kanyang plano na magkumpleto ng isang grupo ng mga tao na umaayon sa kalooban ng Diyos bago sumapit ang mga kalamidad? Kaya, sa mga huling araw, kailangan pa ring magkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao na may normal na pagkatao. Sa ganitong paraan lamang Siya makakagawa at makakapamuhay sa daigdig ng tao, at sa ganitong paraan lamang Niya maipapahayag ang katotohanan at mahahatulan at madadalisay ang tao sa praktikal na paraan upang maagaw ang tao mula sa mga impluwensya ni Satanas, mailigtas ng Diyos, at maging mga tao ng Diyos. Ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay kumilos sa normal na pagkatao para makamit ang pagtubos ng sangkatauhan. Ang nabuhay na mag-uling espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay nagpakita sa tao para patunayan lamang na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ito para palakasin ang pananampalataya ng tao. Kaya, ang espirituwal na katawan ng Diyos ay dumating para magpakita lamang sa tao, hindi para gawin ang gawain. Ang katawang-tao ng Diyos ay kailangang may normal na pagkatao para makagawa sa tao at matapos ang pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Kaya, kung gusto ng Diyos na lubusang iligtas ang sangkatauhan sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kailangan Niyang magkatawang-tao at gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao upang makamit ang pinakamagandang epekto. Tiyak na hindi Siya magpapakita sa tao bilang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ito ang isang bagay na kailangang malinawan nating matatapat.

Para magkaroon ng mas malawak na pagkaunawa sa kahulugan ng pagkakatawang-tao, magbasa tayo mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Siya ay nagkakatawang-tao dahil ang katawang-tao ay maaari ring magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng tao sa isang praktikal na paraan, na nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa anumang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil ang nagkatawang-taong Diyos ay nakakapagsalita at nakakagawa ng gawain sa isang praktikal na paraan. Ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao. Ang Kanyang diwa ay nagtataglay ng awtoridad, nguni’t walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi magawa ng tao na matalos ang pag-iral ng Kaniyang awtoridad; ito ay mas kanais-nais sa Kanyang aktwal na gawain. … Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay nananatiling Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Ang tao ay isang nilalang ng laman, at ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at magkaiba sa kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi tugma sa taong laman, at walang mga relasyong maaaring maitatag sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isa sa mga nilalang at gumawa ng Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay maaaring parehong umakyat sa pinakamataas na lugar at ibaba ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang taong nilikha, gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, nguni’t ang tao ay hindi maaaring umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Samakatuwid, ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang isakatuparan ang Kanyang gawain” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang nagkatawang-taong Diyos ay normal at praktikal. Ang ilang bagay tungkol sa Kanya ay iba sa iniisip ng mga tao; iniisip nila na ang mga bagay na ito ay di-makita, di-mahawakan; mahiwaga, at nalalaman Niya ang ilang bagay nang di nahahadlangan ng lugar o heograpiya. Kung gayon, hindi iyan katawang-tao kundi espirituwal na katawan. Pagkatapos ipinako sa krus at muling mabuhay ang Panginoong Jesus, magagawa Niyang tumagos sa pintuan, ngunit iyan ang muling nabuhay na Panginoong Jesus. Ang Panginoong Jesus bago muling mabuhay ay hindi magagawang tumagos sa pader. Nalimitahan Siya ng lugar, heograpiya, at oras. Iyan ang normal na aspeto ng katawang-tao” (“Paano Maunawaan ang Kaugnayan sa Pagitan ng Katawang-tao at ng Espiritu ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).

Dahil ang tao ang siyang hinahatulan, ang tao na laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang direktang hinahatulan, ang gawain ng paghatol ay hindi tinutupad sa espirituwal na daigdig, kundi sa gitna ng tao. Walang sinumang mas angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng katawan ng tao. Kung ang paghatol ay isinagawa nang direkta ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging para sa lahat. Bukod dito, ang gayong gawain ay magiging mahirap para sa tao na tanggapin, sapagka’t ang Espiritu ay hindi kayang lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, ang mga epekto ay hindi magiging agaran, lalong hindi makikita ng tao ang di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos nang lalong malinaw. Matatalo lamang nang lubusan si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagtataglay ng normal na pagkatao, maaaring tuwirang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang kasamaan ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Diyos lamang ang karapat-dapat, at nasa posisyon, na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at katuwiran, kaya nga nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at katuwiran ay hindi akmang hatulan ang iba. Kung ang gawain na ito ay ginawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon ito ay hindi magiging tagumpay laban kay Satanas. Ang Espiritu ay likas na higit na mabunyi kaysa may kamatayang mga nilalang, at ang Espiritu ng Diyos ay likas na banal, at matagumpay sa laman. Kung direktang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao, at hindi maaaring ibunyag ang lahat ng hindi pagkamatuwid ng tao. Sapagka’t ang gawain ng paghatol ay natutupad din sa pamamagitan ng mga pagkaintindi ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga pagkaintindi sa Espiritu, at sa gayon ang Espiritu ay hindi kaya ang mas mainam na pagbubunyag sa hindi pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kaya ang ganap na pagsisiwalat ng gayong hindi pagkamatuwid. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga pagkaintindi ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas kitang-kita kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan ay hindi natutupad nang direkta ng Espiritu, nguni’t ito ay gawain ng nagkatawang-taong Diyos” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao magagawa Niyang personal na ihatid ang Kanyang mga salita sa mga pandinig ng lahat upang ang lahat ng may mga pandinig ay maaaring makarinig ng Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Gayon lamang ang resulta na nakamit sa pamamagitan ng Kanyang salita, sa halip na ang paglitaw ng Espiritu na tumatakot sa tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at hindi-pangkaraniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao; Siya ay nagsasalita at nagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan upang makamit ang mga resulta ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay malinaw na ipinaliliwanag ang pagkakaiba sa pagitan ng gawain ng Diyos sa espirituwal na katawan at ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Lubusan din nitong ibinubunyag ang ibig sabihin ng gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakatawang-tao. Sa kabila ng katotohanan na ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay maaaring magpakita sa tao at makipagharapan sa kanila, ang espirituwal na katawan ay tila hindi pa rin maarok ang hiwaga at di-maunawaan ng tao, pinupukaw niya ang takot at pag-aalala sa kanilang puso at nagiging sanhi para medyo lumayo sila. Dahil hindi kaya ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus na makisalamuha nang normal sa tao at hindi makagawa at makapagsalita nang normal sa mga tao, hindi Niya kayang iligtas ang sangkatauhan. Gayunman, iba naman ang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya Niyang makasalamuha sa tao sa praktikal at tunay na paraan. Kaya Niyang diligan at tustusan ang tao, tulad ng Panginoong Jesus, na namuhay na kasama ng mga tao, na nagawang ipahayag ang katotohanan upang matustusan ang tao, kahit kailan at kahit saan. Madalas umupo ang Kanyang mga disipulo na kasama Niya, na nakikinig sa Kanyang mga turo at dibdibang nakikipagtalakayan sa Kanya. Direkta nilang tinanggap ang Kanyang pagdidilig at pagpatnubay. Anumang problema o paghihirap ang nakaharap nila, tinulungan sila ng Panginoong Jesus na malutas ang mga ito. Pinagkalooban sila ng napakaraming panustos sa buhay. Nalaman nila na ang Diyos ay mabait at kaibig-ibig. Dahil dito, nagawa nilang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Kapag dumating ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa daigdig ng tao, saka lamang tayo nagkakaroon ng pagkakataong makasalamuha, maranasan at makilala ang Diyos. Noon lamang nakikita ng sarili nating mga mata ang pagiging kahanga-hanga at karunungan at praktikal na pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Ito ay isang aspeto ng kabuluhan at praktikal na halaga ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi basta makakamit ng espirituwal na katawan ang epektong ito.

Nalinaw sa atin nang husto ng pagbabahaging ito ang isang katotohanan. Sa pagkakatawang-tao lamang bilang Anak ng tao at paggawa sa sakop ng normal na pagkatao magagawa talaga ng Diyos na hatulan, lupigin at dalisayin ang tao. Hindi maaaring makamit ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ang ganitong epekto sa Kanyang gawain. Noong una, kapag nagkakatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao, tatratuhin nating mga tao ang Diyos na parang karaniwang tao dahil kailangan pa nating makilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa kung sino Siya talaga. Magkakaroon pa nga tayo ng mga paniwala tungkol sa salita at gawain ng Diyos, hindi natin igagalang si Cristo at tatanggi tayong sumunod sa Kanya. Magsasabi tayo ng mga kabulaanan para lokohin Siya, hahatulan at kakalabanin at tutuligsain pa natin Siya. Ang kayabangan, pagkasuwail, at paglaban nating mga tao ay mahahalata nang lubusan sa harapan ni Cristo. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang pagkasuwail at paglaban ay nalalantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang pagkasuwail at paglaban na nalantad sa sandaling ito ay higit na lubusan at ganap na nalantad kaysa sa anumang iba pa. Ito ay dahil si Cristo ay ang Anak ng tao—ang Anak ng tao na nag-aangkin ng karaniwang pagkatao—kaya hindi Siya pinararangalan ni iginagalang ng tao. Dahil ang Diyos ay nananahan sa katawang-tao kaya ang pagkasuwail ng tao ay nadadala sa liwanag nang lubusan at nang ganoon kadetalye. Kaya Aking sinasabi na nahukay ng pagdating ni Cristo ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan at nailantad ang kalikasan ng sangkatauhan nang napakalinaw. Ito ay tinatawag na ‘pag-akit sa tigre pababa sa bundok’ at ‘pag-akit sa lobo palabas sa yungib nito.’” (“Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para hatulan, ilantad, pungusan at harapin ang sangkatauhan ayon sa tunay na realidad ng kanilang paghihimagsik at paglaban. Ang gawain ng Diyos ay tunay na praktikal at talagang naglalantad sa mga tao kung sino sila. Kapag naharap sa gayong tunay na ebidensya, yaong mga nagagawang tanggapin ang katotohanan ay lubusang makukumbinsi at aaminin ang kanilang sariling paghihimagsik at paglaban. Mababatid din nila ang banal, matuwid at di-masusuway na disposisyon ng Diyos at magagawang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos nang may pagpapakumbaba, upang sila ay malupig at mailigtas ng praktikal na gawain ng Diyos. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang nagkatawang-taong Diyos ay kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga pagkaintindi ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas kitang-kita kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan ay hindi natutupad nang direkta ng Espiritu, nguni’t ito ay gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang Diyos sa katawang-tao ay makikita at mahihipo ng tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay maaaring ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang relasyon sa Diyos sa katawang-tao, ang tao ay umuusad mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa pagkaintindi patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pag-ibig. Ito ang mga epekto ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya sa panahon ng kanyang pagsalungat sa Kanya, at tumatanggap ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu” (“Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kaya, ang tao ay lubusan lamang madadalisay at maliligtas kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Sinundan:Tanong 5: Ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Ngayo’y nagpapatotoo ka na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagbalik sa katawang-tao, pero sinasabi ng mga relihiyosong pastor at elder na ang pinaniniwalaan mo ay tao lamang, na ikaw ay nalinlang. Hindi namin ito maunawaan. Noong maging tao ang Panginoong Jesus at dumating para gawin ang gawain ng pagtubos, sinabi rin ng mga Judiong Fariseo na Siya ay tao lamang, sinasabi na sinumang naniwala sa Kanya ay nalilinlang. Samakatwid, gusto naming hanapin ang aspetong ito ng katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Ano ba talaga ang pagkakatawang-tao, at ano ang diwa ng pagkakatawang-tao? Pakibahagi mo naman ito sa amin.

Sumunod:Tanong 7: Nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Pagliligtas ng Diyos na Naging Tao.” Sa palagay ko ito ay isang napakagandang talata ng salita ng Diyos, napaka-praktikal, at napakahalaga. Hinggil sa kung bakit kailangang matanggap ng sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao, ito’y isang aspeto ng katotohanan na kailangang maunawaan kaagad ng tao. Pakikuwento naman sa amin ang iba pa tungkol dito.

Baka Gusto Mo Rin